アプリをダウンロード
79.16% Heart's Desire / Chapter 19: Fascinated by Enemy - Chapter 3

章 19: Fascinated by Enemy - Chapter 3

"Ngunit hindi mo pa rin nakakalimutan," he pointed out.

"Buhay pa ang ina ni Jeremy n'ong namasukan ako sa kanila bilang hardinero," umpisa ng matanda.

Bahagyang nakahukot ang payat na balikat habang naaalala ang nakaraan. Para bang umiiwas na sa sakit na mararamdaman.

"Napakaganda ni Senyora Saldivia. Parang diyosa," patuloy nito. "Sinamba ko siya. Inibig ko nang lihim..."

Hindi na nadatnan ni Zander ang babaeng nasa kuwento ni Majordomo.

"Nagpakita ng giliw sa akin ang senyora kaya lalo akong nahibang. Agad akong bumigay nang akitin niya." Pumikit ang nagsasalaysay.

Matamang nakikinig ang binatang amo.

"Iyon na ang pinakamaligayang sandali ng buhay ko, master. Nang muntik ko nang masilip ang langit."

Nabitin si Zander. "Ano'ng nangyari, Majordomo?"

"Nahuli kami ni Senyor Geron. Ipinabugbog ako sa mga tauhan nila. At ipinatapon sa basurahan."

Zander winced. "Sinabi n'yong muntik na. Nasaan ba kayo? Bakit hindi natuloy?"

Para sa kanya, ayos lang na magulpi siya kung natikman naman ang bawal na sarap.

"Nasa master's bedroom," tugon ni Majordomo habang ngumingiti nang mapakla. "Pinaglaruan ako ng senyora. Tawa ito nang tawa habang nasasaktan ako."

Hindi nakahuma si Zander. "My God, she must be sick!" bulalas niya.

Malungkot na tumango ang matanda. "Isa siyang sadista. Isa pala siyang demonya," sang-ayon nito sa mababang tinig.

"Nagmana sa kanya si Jeremy," ani Zander.

"Malupit din ang senyor. Isa rin itong baliw."

"Mana-mana pala!" Zander exclaimed acidly.

"Ang matino lang yata sa kanila ay ang anak na babae," dugtong ng kaharap.

Nagulat siya sa narinig. "May kapatid na babae si Jeremy?"

"Oo, master."

"Hindi ko alam na may kapatid na babae si Jeremy," sambit niya. Biglang nawala ang pagod niya.

"Spoiled sa mag-ama si Dorothy. Masayahin kasi at karinyosa."

"Dorothy Saldivia," bulong ni Zander. "Wala siguro siya dito sa Pilipinas?" untag niya para magpatuloy ang salaysay.

Tumango ang kausap. "Magmula nang mamatay ang senyora, naging masasakitin ang bata. Ipinadala ito sa Amerika at doon na pinalaki sa piling ng mga agwela."

Kaya pala malimit na lumalabas ng bansa ang mag-ama.

"May ilang taon na kaya ang batang 'yon ngayon?"

Nagbilang si Majordomo.

"Beinte dos na siguro."

Nagugulat si Zander. Maraming alam ang katiwala niya tungkol sa pamilyang nagmalupit dito.

"May posibilidad kayang umuwi si Dorothy kapag nalaman na nakakulong ngayon si Jeremy?"

Walang gatol ang tugon sa tanong niya. "Sigurado 'yan, master."

Zander gave his most trusted employee a long look. "Parang kunektado ka pa rin sa mga Saldivia, Majordomo. Napakarami mo pa ring alam tungkol sa kanila," puna niya.

Sumilay ang isang mapait na ngiti sa kulubot na bibig ng matandang lalaki.

"Hindi kayo maniniwala," anito, "pero patuloy pa rin akong umiibig sa senyora!"

Pagkatapos ng pagtatapat, nagpaalam na ito.

Naiwan si Zander na natitigilan. Hindi nga siya makapaniwala. Naputol ang pag-iisip niya nang tumunog ang telepono.

"Sir? Si Ronald po ito."

"Yes, Ronald. Ano'ng balita diyan?"

Kasama ito ng mga imbestigador sa mga bombing sites.

"Walang kaming nakitang ebidensiya, sir," pahayag nito.

Natunugan ni Zander na hindi iyon ang talagang ibabalita ng kausap. "What else happened, Ronald?" he asked grimly.

"Nakapagpiyansa si Jeremy Saldivia, sir. Wala na siya sa kulungan."

Nagmura siya sa panggigigil.

"I-double n'yo ang security sa iba pa nating bodega, Ronald," utos niya. "Wala munang magtatrabaho sa loob hanggang hindi nasusuyod ng explosive experts."

"Yes, sir."

"I appreciate your concern, Ronald. I'll remember this night. It won't go unrewarded," dugtong niya bago ibinaba ang receiver.

Habang nakatanaw siya sa nagbubukangliwayway na kalangitan, nangangako siya sa sarili. Sinasagad n'yo ako, Jeremy at Geron! Aanihin n'yo ang poot ko!

"Basta't luluwas ka sa Maynila bukas, iha! You'll shop and you'll have that long-planned vacation!"

Don Nicholas had never raised his voice to his one-and-only daughter before.

Kaya naman si Kate ay biglang napatuwid sa kanyang kinauupuan.

She didn't argue anymore. "Okey, Papa," she agreed as she stared at the big man who was her father with her widened almond-shaped eyes.

Nagbaba uli ng tono ang may edad na lalaking may maputi nang buhok.

"Para sa 'yo din naman ang lahat ng mga ipinagagawa ko sa 'yo, anak," paliwanag nito. "Tiyak na tatanda kang dalaga kapag pinabayaan lang kita sa gusto mo."

Kate bit her lip to prevent herself from answering.

"You must wear pretty clothes at your young age. Paano ka mapapansin ng mga kabinataan? Kakaunti na nga lang sila sa lugar natin, aalisan mo pa ng gana," patuloy ng ama.

Sinamantala ni Kate ang pagtalikod ng ama para magsalin ng alak sa kopita. Tumingala siya sa kisame. Para bang ibig niyang humingi ng saklolo mula sa nasirang ina na nasa langit.

"Bukas-makalawa, hindi mo mamamalayan na napag-iwanan ka na ng panahon. Na napaglipasan ka na. Beinte siyete anyos ka na. Kailan ka pa kikilos para maghanap ng makakatuwang mo sa buhay? Kung kailan isa ka nang matandang dalaga?"

She winced as his direct words hit her bull's-eye. "Papa, ayaw ko naman pong magpapansin."

Ngunit parang walang narinig ang Papa niya.

"Gusto kong ubusin mo sa pagsa-shopping ang lahat ng perang ipapadala ko sa 'yo, Kate," patuloy ni Don Nicholas.

"Buy yourself a complete wardrobe. And don't carry a calculator inside the store. Basta't damputin mo ang magustuhan mo, without bothering to look at the price tags. I want you to have a new look!"

"Papa naman. Pagkatapos akong turuan ni Mama kung paano ang magtipid, ikaw naman ay ang pagiging gastador ang gusto mong matutuhan ko," protesta niya.

She felt scandalized at the mere thought of spending a half-year's earnings of the ranch on personal caprices alone!

Isipin pa lang na gagastos siya sa mga walang kapararakang bagay ay nanlalambot na siya.

Tumawa ang Papa niya.

"Paminsan-minsan lang naman, iha. Besides, we could afford an occasional splurge in our finances," pagtatanggol ng ama sa sarili.

"Oh, Papa! Mami-missed ko kayo," bulalas ni Kate habang yumayapos nang mahigpit sa matabang beywang.

"Ako rin, iha," pag-amin ng ama. Pinatigas uli nito ang boses upang mabawi ang sandaling pagpapakita ng lambot sa kanya. "Stay there for a month or two. Or longer. Wala muna tayong tawagan dahil maho-homesick ka pa lalo. Pati ako. Try to forget about the ranch and us while you're away."

"H-hindi na ba talaga magbabago ang isip mo, Papa?" hikbi ni Kate.

Don Nicholas sighed gruffly. Tinapik nito ang isang balikat niya. "Nako-konsensiya na ako, Kate. I was putting off this separation for a long time because I'm selfish enough to want you beside me constantly," he murmured against her head. "Pero paano kapag nawala na ako? Mag-iisa ka na lang. At 'yan ang ayaw kong mangyari, anak."

"I--I understand you, Papa," sambit ni Kate. Pilit na pinatatatag ang loob.

Nakikita niyang naghihirap na nang husto ang kalooban ng ama.

Bumuntonghininga siya bago ngumiti nang buong tamis. It was a wobbly smile but it served as a peace offering.

They seldom argue with each other dahil si Kate ay isang masunuring anak.

Ngayon lang niya ibig sumuway dahil ayaw niyang mapalayo nang matagal sa pinakamamahal na ama.

"Goodnight, Kate," wika ni Don Nicholas matapos ang sandaling pagngingitian nila. "Maaga ka pang gigising bukas."

Tumango ang dalaga. She stood on her tiptoes to kiss the bearded cheek. Sinamyo niya ang pamilyar na amoy ng balbas ng ama matapos humalik sa pisngi nito.

"Promise me you'll enjoy yourself, iha."

"I promise, Papa," she murmured obediently.

Hinagkan din siya nito sa pisngi.

"Goodnight, Papa."

Umalon ang malapad na dibdib nang bumuntong-hininga ang may edad na lalaki. "Be a good girl, anak. Don't worry. Mabilis na lilipas ang panahon," pang-aalo nito.

Hindi siya kumbinsidong ganoon nga ang mangyayari ngunit hindi na lang siya kumibo.

Sana nga! bulong ni Kate sa sarili nang nakahiga na siya sa malaking kama.

Isang linggo pa lamang si Kate sa hotel na tinutuluyan, bagut na bagot na siya.

Dapat pala, nagsama siya ng tsaperon.

Ang kaso, ayaw naman niya nang may iintindihing ibang tao.

Atsaka, beinte siyete anyos na siya.

Kaya na niyang mag-isa.

Iyon nga ang nais niyang patunayan sa kanyang Papa.

Pabalikwas siyang bumangon matapos ang kalahating oras na pagtitig sa moulded ceiling na nasa tapat ng malaking kama ng hotel bedroom na kinaroroonan.

Maliksi siyang nag-shower at nagpalit ng damit bago tumawag sa Room Service.

"Please send me a single serving of continental breakfast. Room 1005."

"You are Miss Kate Benavidez?" tanong ng boses-babae mula sa kabilang linya.

"Yes, I am."

"Congratulations, ma'am! You've won a gift certificate from Venussa Beauty and Massage Salon."

Nagulat si Kate. "How did I win that?"

"All the names in our logbook were entered into our weekly raffle promo. And you were the lucky recipient of a free haircut-and-facial/body-massage from Venussa Salon."

She was unenthusiastic but she forced to speak warmly. "Thank you very much. Er, where will I find this beauty salon?"

"The nearest one was only a fifteen-minute taxi ride. You will find the exact address at the back of the gift certificate, ma'am."

"I see."

"We'll send up the certificate with your breakfast, ma'am. Please, don't hesitate to call whenever you need anything."

"Yeah, thank you again."

Nasa balkonahe siya nang dumating ang almusal niya.

"Thank you, ma'am," wika ng waiter matapos niyang abutan ng tip. Nakatitig ito sa kanya na para bang napatulala.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C19
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン