アプリをダウンロード
100% The One (tagalog) / Chapter 28: Liwanag

章 28: Liwanag

Isang lingo na ang lumipas....pagkatapos ng pagbabusted saakin ni Tris..... Masakit parin sa aking dibdib dahil sa nangyare at sa tuwing naiisip ko si Tris...

Nageempake na ako ng mga gamit ko Para byabyahe na ako kinabukasan... Habang nangangalkal ako ng mga gamit ko... Bigla Kong nakita ang mga regalo saakin ni Tris... Una Kong nakita ang sketchpad na renigalo niya saakin noong araw ng kaarawan ko, kinapa ko ito at itinabi.... Nakita ko rin ang explosion box na ibinigay niya saakin noong liligawan ko na siya at kasama ang isang  bracelet sa explosionbox... Ngumiti ako Habang binabasa ang mga nakasulat sa box.....isang patak ng tubig ang biglang tumama sa aking binabasa... At Isang maligamgam na tubig ang biglang umagos saaking pisngi... Hindi ko na Pala namamalayang lumuluha na Pala ako... Pinunasan ko ang aking mga luha at muli Kong itinabi ang mga renigalo ni Tris saakin....linagay ko ang mga ito sa isang kahon at itinago ko ang mga ito sa ilalim ng aking kama kasama ang iba pang kagamitan...

Dumating na ang oras Para akoy umalis na at pupunta na sa probinsiya.. Pumunta muna ako sa bahay Nila Nate at muli kaming naglaro...ang pinakahuli naming paglalaro ng League Of Legends... Nagpaalam na ako Kay Nate at bumyahe na papuntang Town...

Nakarating ako sa Town ng halos 30 minutes na ang lumipas..naglakad ako papunta sa paradahan ng mga UV express.... Hinanap ko ang Van na papunta sa aming Probinsiya pero mukang huli na ako kakaalis Lang ng Van... Kaya mamaya pang tanghali darating ang susunod na byahe...

Naglakad lakad na muna ako sa buong Town... Pinuntahan ko ang University.. ang dati Kong pinagaralan ang , at Kung saan lahat nagsimula ang mga kalandiang pinaggagawa ko.. Pumunta naman ako sa Parke Kung saan ko nakitang may kasama si Gel-an noong unang Anniversary naming dalawa at Kung saan nagrambulan kami ni Karl... Pumunta ako sa pwesto Kung saan kami unang nagkakilala ni Mj at Umupo sa tinulugan Kong bench Kung saan nagging sandalan ko si Mj.... At huling Pinuntahan ko  pa ang isang Parke Kung saan kami nagpractice ng kanta kasama sina Gave at Keith..... Nakita ko ang pwesto Kung saan ako kumanta at Umupo ako  sa bench Kung saan kami unang  nagjamming ni Tris... Napapangiti nalamang  ako Habang inaalala ko ang mga pangyayareng  nangyare sa aking Senior High...

Tinignan ko ang aking orasan at magtatanghali na.... Tumayo na ako sa aking kinakaupohan at naglakad papalayo sa bench... Tumigil ako sa paglalakad  at muling lumingon sa bench...muli akong Ngumiti  At nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa paradahan... Ilang sandali Lang ay Nakarating ako sa paradahan ng mga UV express at meron na ang van na papunta sa aming probinsiya... Ako palang ang unang sumakay sa van Kaya nakaupo ako sa magandang pwesto... Ilang oras akong naghintay Para mapuno Lang ang van at Ilang sandali Lang ay puno na ang Van.... Oras na Para umalis Kaya naman... Muli Kong Tinignan ang aking Cellphone Para tawagan si Tris at mamaalam na ..... Pero..... Hindi ko na nagawa dahil sa naduwag ako....Kaya ibinaba ko nalang ang aking phone...

Habang akoy nakatingin sa bintana... Nakita Kong nakikipagaway ang driver ng aming Van sa Isa pang driver at hindi ko napigilang marinig ang kanilang usapan,

Manong Driver : Hindi pa pwede yan... May hindi pa ako naayos Jan!!!

Driver ng Van namin: Tsk .... Maniwala ka saakin... Kaya ko toh!

Mayamayay pumasok na ang driver sa sinakyan Kong van at pinaandar na niya ang van at byabyahe na... Habang  umaandar na ang Van.. Napadaan kami sa Parke Kung saan kami nagjamming ni Tris.... At muli Kong tinitigan ito bago mawala na ito sa aking paningin.... Magiisang oras na pero wala pa kami sa probinsiya... Ilang oras pa ang kailangan Para makapunta roon Kaya naman ay kinuha ko ang headphone ko at nagpatugtug nalang ako ng musika... Itinago ko ang aking phone sa aking bag... At itinabi ito.... Sumandal ako sa may salamin at unti-unti na akong inaantok... Kaya inayos ko ang aking pwesto.... Unti-unting nahuhulog na ang aking mga Mata at nakikita ko pa ang mga tanawin at Mayamayay hindi ko na kinaya ang bigat ng aking mga Mata at pumikit na Para matulog....

Ng magising ako Bigla ko nalang naramdaman na parang mabigat ang asking pakiramdam... Kaya bigla Kong  nasabi sa aking sarili na,

" Bakit parang ang bigatbigat ng mga Mata ko..... kagigising ko Lang ah...."

Pilit Kong iminulat ang aking mga Mata... Hanggang sa naimulat ko ang mga ito.... Isang napakaliwanag na ilaw ang bumungad saakin..

" Bakit ang liwanag... Ang sakit sa Mata.... "

Hanggang sa luminaw ang aking paningin at ang napakaliwanag na ilaw ay mukang  Isang umiilaw na puting bumbilya..... Iniangat ko ang aking ulo pero bat Parang napakabigat nito.. Unti-unti Kong nakikita ang buong paligid at parabang nasa Isa akong kwarto.... Hanggang sa may  kaunting nasasagap na ingay ang aking mga tenga....

" Ano Yun??.... Alarm clock???... Ang ingay... Ang sakit sa tenga...."

Tumingin ako sa aking tabi at Hinanap ang tumutonog na alarm clock pero hindi ko mahanap ang inaasahan Kong maliit na alarm clock... kundi isang napakalaking alarm clock ang bumungad saakin at nakita Kong kapag tumataas ang linya sa screen neto ay nag bebeep....

Iniangat  ko ang aking kaliwang kamay  Para patayin ang alarm clock pero bakit parang ambigat bigat ng kamay ko... At nakita Kong may Kung anong nakalagay sa aking kamay..

" Ano to?.... Hose?... Bat may hose sa kamay ko??"

Hinawakan ko ang manipis na mukang hose na nakalagay sa aking kaliwang kamay at pilit Kong tiantangal ito.... Pero.. Hindi ko matangal ito, nararamdaman ko pang sumasakit sa bandang Kung saan nakalagay ang maliit na hose... Tinignan ko ng mabuti at nagulat nalaamang ako ng makita ko ito ng malapitan,

" Bakit..... May..... Dextrose.... ako??!... Asaan ako??!!.... Anong nangyare??..... Anong meron??...."

Maraming katanungan ang biglang pumasok sa aking isipan... Pero ang pinaka nakakapagtaka na katanungang biglang pumasok saaking isipan ay....

" wait..... Sino... ako? "


Load failed, please RETRY

次の章はもうすぐ掲載する レビューを書く

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C28
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン