アプリをダウンロード
36.58% BOOK 1 THE MILLIONAIRE'S SLAVE (THE PROMISE) / Chapter 15: PART 15 Betrayal

章 15: PART 15 Betrayal

Ash POV

"Tanghali na ng magising ako. Natagpuan ko ang aking sariling walang saplot at naka balot sa kumot. Bumangon na ako at nag pasyang mananghalian. Binuksan ko ang closet ni Spencer para mag hanap ng shirt dahil nasa baba pa rin ang bagahe ko. Pero laking gulat ko ng makita ang mga damit ko na naka hanger sa closet niya."

"Yung totoo? Napa ngiti ako sa simpleng bagay na 'yon. Pakiramdam ko kasi parang higit pa sa pagiging Alipin ang role ko sa buhay niya. Sa ngayon ay masaya naman ako sa kung anong meron kami. Pero alam ko na kapag dumating ang araw na ikakasal na siya, alam kong maraming magbabago pero sana wag lang yung pakikitungo niya sa akin. Isipin ko pa lang na hindi siya sa akin uuwi, sobra sobra na akong nasasaktan."

You're awake! Are you ready for lunch?

"Masigla niyang usal habang naka yakap mula sa aking likod."

Mag-bibihis lang ako.

"Mahina kong sambit habang magka dikit ang aming pisngi."

Let me decide for you. "Usal niya habang tumitingin ng aking mga damit."

"Napatingin ako sa kaniyang kaliwang kamay na naka hawak sa aking bewang. Habang ang kanan niyang kamay ay nag hahanap ng aking masusuot."

This one? "Tanong niya dahilan para mag angat ako ng tingin sa kaniya."

"Napili niyang suotin ko ang three-fourth polo shirt na pag mamay-ari niya na pang office work. Kulay bold black iyon at maluwag sa akin."

"Ngumiti lamang ako upang sang ayunan ang napili niya. Ipinagpag niya muna iyon bago ikalupkip ang aking buhok sa kanang dibdib. Siya ang nag suot sa akin non na para bang manika lang ako na dinadamitan niya. May kalakihan at masyadong mahaba ang polo niya na nag mistulang dress kung susumahin."

Three fourths, long sleeve, polo shirts,.. Very conservative! Whatta virgin type?

"Natatawa niyang sambit habang inaayos ang hati ng aking buhok na kaniyang inilugay sa aking dibdib."

"Very old fashion talaga ang tipo ko. Kadalasan sa mga damit ko ay turtle o may pa collar. Siguro ay nahihiya akong i-reveal ang body shape and skin ko noon."

I'm not a virgin anymore Vahrmaux... "I mumble"

You are Natasha. You are.

"He utter as he placed his right hand on back of my head. So that, I can feel his rough palm touches every part of my skin."

How 'bout my underwear?

"I asked as I raised my left brow."

I loved the red one. Which one do you think is suit for you? "He asked."

I'll go with that red one. "I replied."

"Kinailangan niya pang lumuhod para ipasuot iyon sa akin nang hindi nag aalis ng tingin sa akin."

I'll never thought that you could achieve that perfect body built Natasha... "usal niya habang nananatiling naka luhod."

What is it again? "I asked."

"Tumayo siya at hinawakan ng kaniyang mga kamay ang aking leeg at batok habang nag sasalita."

Let's just say, you were just a woman I've been dreaming of to be mine in a future...

My fantasy girl...Your lovely innocent look... your seductive lips... And ya' know what's my favourite song? Your sweet moaned! Damn I'm dying to have a girl like you Natasha "Chuckle."

"Usal niya sunod ay tumayo siya saka ako kinarga."

"Ipinag hatak niya ako ng silya at maingat na ibinaba. Sunod ay nag salin siya ng pag kain sa serving plate. Masaya ako habang pinag mamasdan siya. Iniisip ko na sana ako na lang yung babaeng papakasalan niya. Sana ako na lang yung babaeng mag dadala ng apelyido niya."

I love you Natasha...

"Usal niya nang bigla akong tumayo at niyakap siya mula sa likod habang nag sasalin ng ulam."

"Napa ngiti naman ako dahil sa halip na itanong niya kung BAKIT ko siya niyakap, Sinabi niya ang salitang sagot sa lahat ng tanong ko. Mukhang alam na alam niya ang bawat tumatakbo sa aking isip. Mukhang sa simpleng itinakbo ng panahon ay nakilala niya na ako ng husto. Mukhang napaka dali sa kaniyang basahin ang nasa isip ko."

"Mabilis lang dumadaan ang araw, nakaka tawa man isipin pero nahulog na ako sa kaniya ng ganon lang kabilis."

I love you too... "sagot ko at mas lalong ipinag dugtong ang aking mga kamay upang higpitan ang pag kakayakap sa kaniya."

I love you more... "Sambit niya bago ako harapin."

I love you most...

"Usal ko sabay tingkayad upang siilin ng halik ang kaniyang napaka lambot na labi."

'Di ako papayag. Mas mayabang ako sa 'yo! I love you 'til the end of the road... I love you 'til the moon meets the sun... I love Natasha Amorine 'til your love captured my homeless heart... since I found you...

Since you found me? Sa... Mariago Resort? "Pag tataka ko."

Basta... "usal niya saka hinubad ang kaniyang tsinelas para ipasuot sa akin."

"Matapos ay naupo na siya. Iisang pinggan lamang ang nakita kong naka hain. Mag tatanong pa lang sana ako para doon nang bigla niya akong pinakandong sa kaniyang hita."

Do you like menudo? "Tanong niya habang nilalaro ng kaniyang daliri ang dulo ng aking buhok."

Oum... as a matter of fact, that's my favourite. "Sagot ko habang naka lingkis ang aking mha kamay sa kaniyang batok."

Feed me then, slave. "Sambit niya."

"Ngumiti naman ako saka ibinuka ng maayos ang aking mga hita. Inabot niya sa akin ang pinggan na may isang cup ng kanin. Tatayo sana ako para kumuha ng kutsara dahil mukhang nakalimutan niya."

Saan ka pupunta?

"Tanong niya habang hila ang aking bewang."

Kukuha ako ng sp-

No need. "He snapped."

Feed me using your mouth. Slave!

"He said with a husky voice."

Are you kidding me?

I'm serious here! "Chuckle" let me show you how.

"Usal niya sabay subo ng kanin at hinagip ang aking ulo palapit sa kaniya."

"Pinisil niya ang aking pisngi dahilan para bumuka iyon saka niya isinalin sa akin ang kanin na nasa kaniyang bunganga."

Can you? "Tanong niya saka pinahid ng kaniyang hinlalaki ang gilid ng aking labi na mayroong kanin."

I can...

Good. Let's proceed then. "He utter."

"Nananatili akong naka kandong paharap sa kaniya habang hawak ang pinggan. Unang beses kong sumubo ay agad kong sinalin iyon sa kaniyang bunganga."

Good. Next, menudo please.

"Sambit niya."

"Maingat kong nilapag sa mesa ang kanin saka kinuha ang menudo. Tumingin muna ako kay Spencer bago ko ingudngod ang aking bunganga sa menudo."

"Pikit mata ko iyong isinalin sa bunganga niya. Habang ngumunguya siya ay pinag mamasdan ko ang kaniyang maugat na kanang kamay na naka hawak sa aking braso habang ang kaliwa niyang kamay ay sinusuklay ang aking mahaba't makintab na itim na buhok."

"Matapos niyang lunukin iyon saka naman niya sinunggaban ang aking bibig na may nagkalat na sarsa."

"Paulit ulit ko iyong ginagawa hanggang sa mabusog siya. Nang matapos niyang kumain ay sunod ko naman siyang pinainom ng Iced tea gamit ang aking bibig."

Thank you Natasha. "Usal niya saka ako Ipinaupo ng maayos."

Aalis ka? "Tanong ko bago siya tumalikod."

I have an appointment with Mr. Takahashi. "Sagot niya habang nag hihilamos."

Uhmmm...

Don't worry. Alam kong mamimiss mo 'ko. Uuwi rin ako sa 'yo.  "Usal niya habang himas ang aking braso."

Uuwi rin ako sa Hacienda. Hindi ako mag pa-pagabi...

Dapat lang! Kung ayaw mong mabaliw ako kapag bumalik ka dito! "Usal niya habang pumapanik ng hagdan."

"Nang matapos kong mananghalian sakto naman ng pagbaba ni Spencer."

"Formal attire with his suitcase. Napaka glamoroso niya kung titignan. Napaka yaman niya pero sobra sobra siyang nag papaka hirap para palaguin at payamanin pa ng husto ang negosyo nila. Pero sino nga kaya ang Daddy niya? Ipapakilala niya ba ako bilang girlfriend gaya ng sinabi niya sa interview?"

Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah?  "Usal niya ng mapansin ang pag titig ko sa kaniya."

Hindi naman... "I utter"

Next week may flight ako pa-cebu...

Business trip? How long it will takes? Kailan ka babalik? Sa hotel ka ba mag-i-stay?

"Dire-diretsyo kong tanong habang hinihintay ang kaniyang Sagot."

W-we-wait! Natasha ano ba'ng sinasabi mo?   "Natatawa niyang tanong habang naka yakap sa akin."

Isasama kita. Kung gusto mo lang?

"Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. Hindi ko akalain na mahalaga pala sa kaniya ang opinyon ko."

Oo naman! Gusto ko! San tayo sasakay?

"Tanong ko habang naka yapos sa kaniyang batok."

Sa private helicopter ko. Vahrmaux flight 00SPV. "Wink"

Woah! Talaga ako isasama mo? Ako ba talaga? Baka naman nabibigla ka lang?

"Hindi ko maka paniwalang usal."

Hindi! Ikaw nga ang isasama ko. So...?   "Taas kilay niyang tanong habang hinihintay ang aking sagot."

Yes! Yes! Excited na 'ko! Wooh!

"Sagot ko habang nagtata talon sa saya."

Be ready Natasha. Baka kasi mas mapa aga pa yung flight natin dahil kinakailangan ko bumalik sa UK. ASAP

"Napabitiw ako sa kaniya dahil sa biglaan naman yata ang pag alis niya? Hindi ko alam kung bakit bigla akong nalungkot matapos marinig iyon. Alam ko naman na may mga bagay siyang higit pa na dapat pahalagahan kaysa sa akin."

Saglit lang 'yon. Babalik ako agad. Promise.  "Malambing niyang saad saka humalik sa aking noo."

"Ngumiti na lang ako dahil wala naman akong magagawa. Hanggang dito lang ako sa buhay niya. Labas ako sa personal niyang propesyon at pribadong buhay. Ang puwede ko lang naman gawin ay suportahan siya."

Mamimiss kita...

I know Natasha. Pag balik ko, gusto kong iparamdam mo sa akin na ako lang ulit...

Good bye. "Sambit ko at saka sandaling yumakap sa kaniya."

Bye. "Sambit niya bago tuluyang umalis."

"Matapos kong hugasan ang mga pinag kainan namin ni Spencer ay sunod naman akong nag ayos ng sarili para maaga akong maka balik."

"Gaya ng dati, hindi na ako nag pahatid pa sa mga driver niya sa halip ay pumara na lang ako ng taxi. Naka suot ako ng long sleeve polo at pants. Mainam na rin para hindi makita ni Mamá ang bakas ng pagkakagapos sa aking kamay at paa."

Magandang hapon Ash.  "Pag bati ni mang kaloy na kasalukuyang nag kakape."

Magandang hapon din po.

"Magalang kong sagot habang diretsyo lang sa paglalakad."

"Oras na ng pahinga ng mga kasambahay kaya wala akong nakita ni isa man lang sa kanila nung pumasok ako. Sarado rin ang pinto ng mga kuwarto sa itaas maliban sa masters bedroom."

"Hindi na ako nag abalang mag ingay o isigaw man lang ang pangalan ni Mamá na siyang pakay ko rito. Nang matunton ko ang kuwarto nila ni Papá ay hindi ko man lang nakita ni isa sa kanila. Hinayaan ko lamang iyong naka bukas. Naisip ko ba baka nasa kusina si lang siguro si Mamá kaya naman bababa na sana ako ng makarinig ako ng halinghing mula sa pinaka dulong kuwarto."

"Kundi ako nag kakamali, okupado ang kuwartong iyon ni kasandra. Nang sulyapan ko ang pinto ng kaniyang kuwarto, labis labis na kaba ang aking naramdaman sa di malamang dahilan."

"Natagpuan ko na lamang ang aking mga paa na dinala ako sa tapat non habang taimtim na nakikinig. Higit sa isang tinig ang aking naririnig. Isang nakakatakot na conclusion ang ayokong paniwalaan sa aking isip. Pero sa kabilang banda, may nais akong patunayan."

"Buong tapang kong sinipa ang pinto. Tumambad sa akin ang isang napaka sakit na katotohanan. Si Papá at kasandra na palihim na gumagawa ng milagro. Iniiputan nila sa ulo ang kaawa-awang si Mamá."

Natasha!  "Sambit ng Papá na mabilis rin bumangon."

"Agad naman ibinalot ni kasandra ang kaniyang katawan sa kumot at takot na takot na kumapit sa braso ng Papá."

"Hindi ko namalayan ang aking pag luha na agad din pinunasan ni Papá. Nagulat ako dahil nagawa kong lumuha ng hindi man lang nakakaramdam ng kahit na anong emosyon. Ang alam ko lang ay nagulat ako sa aking nasaksihan."

Pp-patawarin mo 'ko...

"Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Papá. Bago pa man niya ako hawakan sa aking balikat ay mabilis ko rin tinabing ang kaniyang mga kamay."

Sinasabi ko na nga ba... "mahina kong usal habang naka tiim bagang"

Anak... let me-

Explain? No way Arturo! Despite of what happened could you really think that I would still believed in you?

"Sigaw ko habang dinuduro siya."

What more excuses would you  want to say? What more lies would you want me to accept? Uh? Napaka sinungaling mo! Ikaw Papá! Ikaw ang dapat namatay hindi si Austine!

"Sigaw ko habang sinusuntok siya sa kaniyang dibdib."

At ikaw... tandaan mo 'to! Darating ang araw na babalik lahat ng masasamang ginawa mo sa amin ni Mamá at ng kapatid kong si Austine!

"Sigaw ko saka siya binato ng susing naka sabit sa hook sa ilalim ng switch."

Mahal ako ni Arturo Natasha... Nagmamahalan kami ng Papá mo! "Sigaw niya habang mahigpit na yakap ang sarili."

"Nanlaki ang aking mata dahil sa narinig. Gustong gusto ko siyang balatan ng buhay o sampalin. Pero alam ko na kahit ano pang gawin ko ay hindi rin iyon tatalab sa kaniya."

Nag-mamahalan? Naririnig mo ba yang sarili mo? Kung mahal ka niya bakit hindi ka niya pinanindigan? "Usal ko habang naka tikom ang kamao."

Dahil mabait siyang Ama! Kaya lang naman siya napipilitang pakisamahan ang Mamá mo ay dahil may anak sila! Iyon ang totoo!

Kasandra! Mag-tigil ka na!

"Usal ng Papá habang mahigpit niyang hawak sa palapusuhan si Kasandra."

At talagang nagagawa mo pa siyang paniwalaan? Kung may pag kakamali ang Mamá sa buhay niya... iyon yung Minahal niya ang lalaking nag dadala ng sigalot sa buhay niya!

"Sigaw ko bago sila talikuran."

"Lumabas ako upang lumanghap ng sariwang hangin. Nag pasya akong hintayin si Mamá sa garden. Siguro ay may importante siyang pinuntahan kaya wala siya ngayon dito sa hacienda."

"Buo na ang desisyon ko. Sasabihin ko ang lahat ng nakita ko. Ilalayo ko rito si Mamá dahil iyon ang makakabuti sa kaniya. Mag papatulong ako kay Spencer na ihanap kami ng magandang mauupahan. Hindi ko maaatim na bahiran nila ng dungis ang pride ng Mamá. Napaka hayop nila!"

Grabe! Kung nakita mo lang yung itsura niya kanina, nakaka tawa!

"Saglit akong napa tigil at nag palinga-linga para hanapin ang pinanggagalingan ng boses na aking narinig."

... E di inuto ko siya! Sabi ko lang na masarap ang luto niya kaya nag suggest ako na siya ang mamalengke para ipag luto ako. I will never be nice to her Iva! Never!...

"Sabi na nga ba. Si Beatrixie nga ang naririnig ko na nakiki pag usap sa telepono. At malamang si Mamá ang tinutukoy niya!"

Konting panahon na lang... mapapa sa akin na lahat lahat ng yaman ni Dad. Kapag nahigitan ko na ang yaman ng mapapangasawa ko, I'm gonna make sure na wala nang makaka hadlang ng kasalan Iva!

Kung hahayaan kong mag tagumpay ka bitch!  "Sabat ko dahilan para putulin niya ang tawag saka ako hinarap."

Natasha... "naka ngisi siya at naka taas ang kilay nang pasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa."

Mukha kang pera! Manang mana ka sa Nanay mong Social Climer!   "Usal ko habang matalim na naka titig sa kaniya."

Pera ng Papá mo, pera ko rin. Kung ikaw may karapatan Ako rin Natasha!  "Naka ngiti niyang sambit saka ako inirapan."

Karapatan? At anong karapatan mo na angkinin ang yaman ng Papá? Ni hindi mo nga madala ang apelyido niya, yaman pa kaya? Pathetic! Gold digger! Social climer! Bastard Spoiled brat!

Natasha!  "Sigaw ng Papá."

"Halos kasabay niya lamang si Kasandra na lumabas ng bahay at agad na pumuwesto sa likuran ni Beatrixie."

Bakit ganiyan ang tingin mo sa 'kin? All my life, wala akong ibang hiniling kay Papá kundi ang makasama ka Natasha ...

"Umiiyak niyang usal habang yakap yakap ni Papá."

Matapos mo insultuhin ang Mamá saka aarte na parang ikaw pa ang inalipusta?

"Usal ko habang naka tingin sa kamay ni Papá na humahagod sa kaniyang braso."

Natasha alam kong galit ka sa akin, pero sana naman wag mo idamay ang Ate mo--

Anak mo lang siya at hindi ko siya kapatid! Umaarte lang yan Arturo! Narinig ko na may kausap siya sa telepono at tawang tawa siyang habang kinukwento niya na nauto niya ang Mamá na inutusan niyang ---

Kahit ano pa ang sabihin mo kapatid mo pa rin siya! Irespeto mo siya bilang mas matanda--

Never! Ito ang tandaan mo Arturo, kahit kailan hinding-hindi niyo makukuha ang respeto ko! Kahit ano pang respeto at kaplastikan ang ipakita niyo sa akin, hinding hindi niyo ko madadala. May karma din lahat ng 'to! May hangganan din ang lahat ng panloloko niyo sa amin ng Mamá!

Natasha!  "Sigaw ni Mamá na halos hingalin nang lumapit sa akin. Bitbit niya ang tatlong basket na nag lalaman ng karne at gulay. Napansin ko rin ang bagong eyeglass niya at bagong bistida."

Natasha bakit ka sumisigaw?

"Mahinahon niyang tanong habang hawak ang nanginginig kong kamay."

"Nang lubusan siyang lumapit sa akin, kita ko ang bakas ng karayum na nag marka sa kaniyang balat. Marahil mag-isa lamang siyang nag punta sa dialysis center saka namalengke."

"Ayokong umiyak sa harap ni Mamá ngayon. Ayokong ipakita na nag tagumpay silang saktan ako. Kahit pa napaka sakit sa akin ang makita ang maamong mukha ni Mamá na walang kamuwang muwang sa mga nangyayari. Kanina lang gustong gusto kong sabihin lahat ng nakita ko. Pero maisip ko pa lang na iiyak siya sa harap ko, mas mainam na itago ko na lang 'yon sa sarili ko dahil hindi naman deserved ni Papá ang luha ng Mamá."

Alam mo ang lagay ni Mamá pero hinahayaan mo siyang umalis mag isa ng bahay? Habang ikaw...

Natasha! Hindi ako nag paalam--

"Hindi pa man tapos mag salita ang Mamá nang bigla akong mag salita."

At ikaw naman Mamá, hindi ka alila sa bahay na 'to! Ikaw ang legal na asawa at ako ang legitimate daughter ni Arturo! Ikaw ang may higit na karapatan kesa sa mga 'yan!

"Usal ko habang naka tingin kay Mamá na halatang nahihiya sa aking inaasal."

Kung ganiyan lang ang tingin mo sa amin ni mommy, aalis na lang kami. At para sabihin ko sa 'yo, kayang kaya kong kitain ang perang sinasahod ni Dad. Pero dahil sa hiling ko na makilala at makasama ka, pinili kong i-give up yung pag mo model ko! May maganda akong career pero lahat ng 'yon isinantabi ko Natasha! Kasi mahal na mahal kita!

"Halos mugto na ang kaniyang mga mata dahil sa walang katapusang pag iyak."

"Kita ko kung paano madala si Papá sa drama ni Beatrixie dahilan para mag tiim bagang siya habang matalim na tumitig sa akin."

Sinungaling ka! Kanina lang sinabi mo sa kausap mong Iva ang pangalan, na konting panahon na lang mapapa sa iyo na ang lahat ng yaman ni Papá! And of course hindi mo 'yon aaminin. Dahil parehas kayong sinungaling at manggagamit ng Nanay mo!

Natasha sobra ka na! "Sigaw ni Papá."

Kayo Papá! Ikaw ang sukdulang nananakit sa damdamin naming lahat dito!

"Sigaw ko habang nakaduro ako sa kaniyang mukha."

Sabihin mo nga... hindi pa ba sapat sa 'yo na nawala si Austine? Gusto mo ba na sumunod ako sa kaniya? Sasaya ka ba kapag nawala ako uh, Papá?

"Mahina kong sambit habang naka titig sa kaniyang mga mata."

"Saglit siyang napa tigil saka bumitaw sa pagkaka yakap kay Beatrixie. Kita ko ang takot sa kaniyang mga mata nang titigan ako."

Natasha naman... ano ba 'ng sinasabi mo? "Mahinang usal ni Mamá habang hawak ako sa braso."

Natasha... please 'wag naman sana umabot sa ganon---

Palayasin mo si Kasandra ngayon din! Ngayon mo patunayan na Mahal mo si Mamá. Ngayon mo ibigay ang hustisya ng pagka matay ni Austine. Papá.

"Usal ko habang matapang na nakatitig sa mag ina."

"Ngumisi lamang si Beatrixie nang marinig ang sinabi ko. Siguro ay kumpiyansa siya na bibiguin ako ni Papá."

Sinabi ko na noon, walang aalis sa bahay ko!  "Sigaw niya na pumadyak pa matapos guluhin ang buhok."

"Napairap naman sa akin si Beatrixie at halatang nang iinsulto pa habang pasimple akong pinag tatawanan."

"Kita ko ang nag babadyang luha sa mga mata ni Mamá. Alam kong dismayado siya sa sinabi ni Papá. At napaka sakit non para sa amin."

Kung ganon, kami na ni Mamá ang Aalis. Sana lang habang buhay kang malakas para ibigay ang lahat ng luho nila. Dahil sa oras na maubos ang lahat ng meron ka... matakot ka na Papá. Dahil wala ka ng babalikan pang Asawa at anak. Kapag nangyari 'yon, Sigurado akong balang araw hahanapin mo kami ni Mamá para sabihin na nag sisisi ka na. Dahil minsan sa buhay mo isinakripisyo mo kami para suportahan ang luho ng ibang pamilya mo! Pag sisisihan mo yung araw na kinitil ng sarili mong anak ang buhay niya dahil inabandona mo kami gaya na lang ng gagawin nila sa iyo kapag wala ka ng pakinabang pa sa kanila...

"Mahinahon kong usal nang di nag aalis ng tingin kay Papá."

Hindi 'yan totoo! Hindi naman gagawin yan kay dad. When in fact, si Mommy pa nga ang gagawa ng paraan parabayaran ang interes at kabuuang daños--

Talaga ba Bea? At sino naman kaya ang uutuin niyo para gawin yon? Unless may iba pa kayong inuuto aside kay Papá.

Halika na Mamá. Sumama ka na--

Sandali... "sambit ni Papá dahilan para lingunin namin siya ni Mamá."

Tinatanggap ko ang gusto mo Natasha. Mananatili kayo rito ng Mamá mo at aalis si Kasandra.

"Malumbay na saad ni Papá habang naka yuko."

Dad? Walang mapupuntahan si Mom --

Arturo? Nahihibang ka na ba? Ano bang-- "ani Kasandra."

Buo na ang desisyon ko! "Usal ni Papá."

"Nagulat naman ako dahil sa naging desisyon ni Papá. Hindi ko akalain na magagawa niyang palayasin si Kasandra at sa kaunaunahang pag kakataon ay kami ni Mamá ang pinili niya."

Puwede ka naman sumunod kay Kasandra kung gugustuhin mo lang naman... "sabi ko kay bea habang naka ngisi."

"Pag kamuhi ang nakikita ko sa mukha ni Kasandra at Beatrixie nang balingan ako ng tingin. Si Papá naman ay nananatiling naka yuko. Marahil napag isip isip niya ang lahat ng sinabi ko."

Arturo naman... "usal ni Kasandra"

Umalis ka na Kasandra. Ngayon din.  "Mahinahon na saad ni Papá."

Dad? Si mom talaga ang lalayas?

"Ani Beatrixie."

"Hindi pa man tapos si Beatrixie nang agad na umalis si Kasandra papasok ng bahay. Agad naman sumunod sa kaniya si Beatrixie at Papá. Habang kami ni Mamá ay naiwan dito sa garden."

Natasha...

Kahit ilang beses ka ba saktan ni Papá mahal mo pa rin ba siya? Hindi ba mag babago yung tingin mo sa kaniya?

"Mahina kong tanong habang kinukuha ang hawak niyang basket."

Hindi mo naman puwede diktahan ang sarili mo Natasha. Natutunan kong mahalin ang Papá mo, kung saktan man niya ko sa ibang paraan, hindi ko maaaring diktahan ang puso ko na wag na siyang mahalin...

"Napairap na lang ako sa kawalan dahil sa narinig. Napaka baluktot ng pananaw ni Mamá kapag usapang pag ibig."

Kapag nag mahal ka Natasha, maiintindihan mo ang sinasabi ko. Minsan, may mga bagay ka na dapat tanggapin at isakripisyo. Kahit pa walang kasiguruhan ang patutunguhan ng pag mamahal mo... Bakit Natasha? Bakit ganon mo na lang hamunin ang Papá mo kanina?

"Tanong niya habang inaayos ang aking buhok."

Mamá, ---

Nakita mo ba ang hindi dapat?

"Dahan-dahan akong lumingon kay Mamá. Hindi ko alam kung alam niya ba ang ginagawa ni Papá at ni Kasandra."

Alam ko naman na lahat-lahat Natasha. Kahit noon pa alam ko na... pero kahit pa minsan, hindi ko naisip na iwan siya.

"Mahinhin na saad ni Mamá habang may mapait na ngiti sa kaniyang labi."

Hindi katangahan o pagiging martyr ang tawag sa pananatili ko sa Papá mo. Nananalig ako na balang araw, makikita niya rin yung hirap at sakripisyo ko...

"Usal ni Mamá na mabilis na nag pahid ng luha sa kaniyang pisngi."

"Hindi ko talaga siya maintindihan. Nasasaktan ako para sa kaniya. Pero sigurado akong mas nasasaktan siya ng higit pa sa inaakala ko."

Kapag nag-mahal ka, kailangan mong kalimutan kung sino ka...

Dapat mong tanggapin na hindi lahat ng isinakripisyo mo ay babalik sa 'yo. Sa larangan ng pag-ibig, ang totoong nag-mamahal ang palaging taya. Hindi mo 'ko maiintindihan sa ngayon dahil hindi ka pa naman nagmamahal Natasha.

"Mahabang litanya ng Mamá."

"Mapait akong ngumiti kay Mamá habang pinupunasan ang kaniyang mga luha. Napaka sakit ng mga sinabi niya. Sa dami ng sinabi niya... isa lang ang pinaka tumatak sa akin na talagang malaking sampal sa akin."

"Sa larangan ng pag-ibig, ang totoong nag-mamahal ang palaging taya."


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C15
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン