アプリをダウンロード
51.61% When You Love Too Much / Chapter 16: Chapter 15

章 16: Chapter 15

Carlhei Andrew POV

Sabado ng umaga ay maaga akong gumising. Ngayon kasi ang araw na sasamahan ko si Karen sa pag aapply sa company ni Papa. Kung tutuusin ay pwede ko namang sabihin iyon kay Papa, ang kaso lang ay wala siya sa tuwing gigising at matutulog ako. Ganoon kabusy ang Papa ko at magiging busy pa dahil mag eexpand na sila sa ibang bansa.

Dahil sasabay ako kay sa kapatid ko at sa Mama ko na mag umagahan ay bumaba na ako. Katulad ng inaasahan ay ako nalang ang iniintay sa mesa. Kitang kita ko ang pag simangot ng kapatid ko marahil dahil ang tagal ko sa taas.

"Ano ba?! May sabon at shampoo naman pero bakit mo pinang papaligo ang pabango?" Saad ni Neomi at nag takip pa ng ilong

Ang mahal mahal ng pabango ko tapos nilalait lang nitong kapatid ko. Pero hindi ko siya papatulan dahil good day ito. Makikita ko ngayon ang taong gusto ko haha!

"Good morning, Ma. Kain na tayo." Saad ko at ngumiti

Kakaibang ngiti ang ibinigay sa akin ni Mama. Mukha namang alam na naman niya na in love na naman ang anak niya. Ganoon raw kasi kalakas ang instict ng mga babae, lalo na ang mga nanay.

"Ma baka pwedeng dito muna si Ate sa bahay? Wala kasi siyang matitirhan eh. Mag sasara na 'yung ampunan na tinitirhan niya. Hindi pa siya stable kasi mag tatake palang siya ng board exam. Come to think of it, if she's with me, she can teach me alot." Saad ni Neomi na para bang nag lalatag ng statement niya sa husgado

Hindi ko naman ugaling makialam sa usapan nila kaya pinili ko nalang mag patuloy sa pag kain. Nang matapos kumain ay nag paalam na ako kay Mama. Bago ako umalis ng bahay ay nag text muna ako kay Karen.

To: Karen (ง'-̀'́)ง

Hi! Good morning! Saan kita susundiin?

From: Karen (ง'-̀'́)ง

Kanina pa ako nasa gate ng subdivision niyo. Akala ko nakalimutan mo na.

Nang mabasa iyon ay nag madali akong lumabas sa bahay at nag punta sa garahe. Mabuti at ipinag bukas ako ng gate kaya naman madali kong nailabas ang kotse ko. Mabuti at hindi ganoon kalayuan ang bahay namin sa gate kaya natanaw ko kaagad ito. Nakaupo siya doon sa waiting shed kaya bumusina ako at huminto sa harap noon.

"Sorry for keeping you waiting." Saad ko

Lalabas sana ako sa kotse pero dahil nakapwesto ito sa tabi ng pinto ng drivers seat ay tinulak niya ang pinto.

"Hindi na kailangan. Bubuksan ko nalang yung pinto." Saad ni Karen

Umikot ito at nag tungo sa passenger seat. Binuksan niya iyon tyaka sumakay.

Napaka-independent niyang babae. Iyon lang ang masasabi ko dahil sobra na ang pag hanga ko sa kaniya.

"Nag almusal ka na ba?" Tanong ko habang nag mamaneho

Gumawa ng tunog ang ngisi niya. Hindi ko ito malingon dahil nakafocus lang ako sa pag mamaneho.

"Hindi naman uso 'yun." Saad ni Karen

Kamuntikan ko nang maapakan ang breaks dahil doon. Mabuti at nag stop ang stop light kaya nalingon ko ito.

"Grabe, wala na akong masabi sa'yo. Mag almusal ka muna. Hindi naman magagalit si Papa eh." Saad ko

Napangiwi ito at iiling iling pang tumingin sa akin.

"Carlhei hindi mo ako makukuha sa mga paganyan ganyan mo." Saad nito

Natawa ako ng bahagya dahil doon. Nalagyan niya na talaga kaagad ng tuldok ang sinabi niya.

"Hindi ka sure. Pero hindi naman ako gumagawa ng moves ngayon. Gusto lang kitang mag breakfast kasi importanteng meal iyon sa buong araw. Paano pala kung tinanong ka doon tapos dahil wala kang kain ay mag collapse ka agad?" Saad ko at nag patuloy na rin sa pag mamaneho, "Baka kaya akala mong the moves 'yun kasi umaasa ka rin? Ikaw ha."

Maski ako ay natatawa na rin sa mga pinag sasabi ko. Hindi ko alam na ganito pala ako ka-corny para lang pakiligin o patawanin ang bato na tulad niya.

"H-hindi 'no!" Utal na sabi niya

"Joke lang! Napag hahalataan ka tuloy lalo. Sabagay, gwapo ako eh." Saad ko

Nang hindi na ito sumagot ay nanahimik na ako. Baka kasi mamaya ay sobra itong mapikon at hindi na ako kausapin ng tuluyan. O baka sampalin ulit ako katulad ng ginawa niya noong nakaraan.

Dumaan lang kami sa drive thru para bunili ng food at nag patuloy na ulit sa pag byahe. Medyo traffic dahil karamihan ay pumapasok na rin sa trabaho. Naging advantage naman iyon kay Karen para makakain ng ayos.

"Ah!" Saad ni Karen sa gilid

Dahil nga nasa stop light ay nalingon ko ito. Gusto niyang isubo ko ang isang kutsarang kanin na may chicken.

Pambibirang tao 'to. Isusubo nalang niya ipapakain pa sa iba. Selfless.

Dahil ayaw ko namang mapahiya ito ay sinubo ko na iyon. Lalo tuloy sumarap yung kanin at chicken dahil nakita kong ngumiti ito. Pakiramdam ko ay nasisiraan na talaga ako ng bait.

Nang makarating sa company ay kaagad akong pinag tinginan ng mga empleyado. Malamang ay nakita nila ako dahil sa tuwing may award na matatanggap si Papa ay palagi niyang dala ang buong pamilya niya. Kami raw ang behind of his success.

"Angas mo ah. Pinag titinginan ka ng mga empleyado. Mapamatanda o bata ginagalang ka." Saad ni Karen

Ginulo ko ang buhok nito at natawa ng bahagya.

"Hayaan mo nalang sila." Saad ko

Pinindot ko ang elevator at bumukas rin iyon. Nang makapasok kami ay pinindot ko iyon papunta sa pinakataas ng building. Doon kasi nakalagay ang office ni Papa.

Bawat may papasok na empleyado ay nginingitian ako. Upang hindi sila mapahiya at nginingitian ko rin sila.

Nang makarating kami sa tapat ng office ni Papa ay kumatok ako. Binuksan ko rin iyon at tumambad si Papa na nag babasa ng mga papel. Mukhang kontrata pa ang mga iyon.

"Good morning Papa." Saad kobat ngumiti

Tumayo si Papa at iginaya kami sa sofa. Sa gilid ay may nakahandang kape si Papa na siya mismo ang nag brew. Nag lagay siya sa tasa at binigyan si Karen. Naupo ito sa centro ng mga sofa at nakangiting tinignan kami.

"Papa is there a vacant position for her?" Tanong ko

Tumango tango si Papa bilang tugon.

"I need a secretary dahil Ametys is on her vacation. Nanganak kasi siya kaya vacant ang pwesto na 'yun. Kapag bumalik naman si Ametys ay pwede siya sa Accounting Department since she's a 3rd year Accounting Student. Don't worry hija, marami ang gagabay sa'yo doon. Ibibilin kita dahil kaibigan ka ng anak ko." Saad ni Papa

Kaagad na gumuhit ang ngiti sa labi ni Karen dahil sa narinig.

"Kailan po ako pwedeng mag umpisa?" Excited na sabi ni Karen

"On monday hija." Tugon ni Papa

Tumingin si Karen sa akin ng may ngiti sa labi niya.

"Paano ba 'yan? May meeting pa ako with the board members patungkol sa franchise ng company sa ibang bansa. You guys should hang out for a while." Saad ni Papa

May kinuha itong papel sa mesa at kumaway na sa amin. Nang makalabas siya sa opisina ay doon palang nakatili si Karen. Lubos kong ikinagulat iyon dahil wala sa itsura niya ang titili ng ganoon.

"Ito na yata talaga ang swerte ko after two years." Saad ni Karen

"Congrats for the job." Saad ko

Nagulat ako ng lumapit ito sa akin at inakap ako ng mahigpit. Sa sobrang biglaan ay para akong nag yelo sa kinatatayuan ko.

"Salamat talaga. Hindi ako mag sasawang mag pasalamat dahil dumating ka sa buhay ko." Saad ni Karen

"It's okay. You deserve it." Nakangiti kong sabi kahit hindi niya ito nakikita

Masaya ako dahil sa naappreciate niya ang mga tulong ko. Sa pagkakatong ito ay alam ko na talagang tumitibok na naman ang puso ko para sa isang babae. Hindi ko alam kung anong kahihinatnan nito pero sa ngayon ay masaya rin ako.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C16
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン