アプリをダウンロード
46.66% Photoshopped / Chapter 14: Chapter 12

章 14: Chapter 12

Chapter 12: Reason

Tumakbo lang ako ng tumakbo palayo sa kanila. Ngayon lang nagsimula ang pagsikip ng dibdib ko at pag-atake ng konsensya ko. Ano 'to aftershock pagkatapos lumindol?! I'm feeling pain and guilt. Whenever I look back at his eyes, I feel strange and hurt, his eyes are filled with pain and sorrow. I can see that he is really hurting. At natatakot akong aminin na dahil 'yun sa'kin.

Is he hurt because he have to or because he feels to? Ang komplikado niyang intindihin! It's not his fault, it's  mine. Hindi ko lang talaga siya maintindihan. Alam ko naman na nasa'kin ang problema. Pero bakit kailangan maging ganito ka-komplikado ang lahat?

"Sis," Nilingon ko kung sinong tumawag sa'kin and it's Kuya Marco.

Nilapitan niya ako at hinila palapit sa kotse niya. I didn't realize na nasa parking lot na pala ako. Paalis na siguro si Kuya papunta sa trabaho.

"bakit ka umiiyak? Ma'y nangyari ba?" Tanong niya.

Tumingin lang ako sa kanya bago punasan ang mga luha ko. I need to talk to Kuya about this. Wala akong ibang malalapitan kundi siya.

"Kuya, pasama sa café."

Tumugon siya sa'kin at pareho kaming sumakay sa kotse. Nagdrive siya patungo sa coffee shop na pinagtatrabahuhan niya. Minutes passed at nakarating na din kami. Bumaba kami sa kotse at naglakad papasok sa shop. Nauna akong umupo kesa kay Kuya dahil nagbibihis pa siya. Mabuti naman at kokonti ang tao dito para makapagusap kami ni Kuya ng maayos.

Umorder na muna ako para sa'ming dalawa. Dumating ang order at si Kuya ang nagdala nito. Umupo siya sa tapat ko at malamang ay naghihintay sa sasabihin ko.

"Kuya, I broke up with Felix infront of a crowd. I felt really bad. Ginawa ko 'yun para maniwala silang wala na talagang kami. Tapos na kasi naming gawin ang nasa Treaty. Kaso hindi ko magawang hindi malungkot at masaktan para sa kanya. Feel ko kasi nasaktan siya ng sobra kahit hindi naman totoo ang relasyon namin." I said.

I took a sip from my coffee before looking back at him. Seryoso lang siya at tila ma'y iniisip na malalim.

"Oh, I see. Kaya pala. Tama lang 'yung ginawa mong desisyon. Normal na masaktan ka, isipin mo lang na parte 'yan ng deal niyo. Simula at katapusan ng deal niyo, kung anuman ang nangyari, hanggang dun lang 'yon." He said.

Finally, somehow I felt relief after what he said. Pero ma'y nambubulabog pa ding thought sa isip ko. Matagal ko na din 'tong gusto itanong at kumpirmahin. Wala akong tiwala sa sarili, alam kong hindi ko din mismo 'to masasagot.

"D-do you think I have feelings for Felix?" I asked.

Natigilan siya sa pag-inom ng kape at tumingin sa'kin. Things are about to get real.

"Feelings? You don't love nor like Felix, Sis. Awa lang 'yang nararamdaman mo sa kanya. If you truly love Felix, matagal ka na sanang nahulog sa kanya. With all those sweet words of his, gestures, efforts, sobrang redundant na ang ginagawa niya sa mga babae. You're the only girl I believe na hinding-hindi mahuhulog sa kanya."

Napaisip ako sa sinabi niya. He do have some good points. Pero kung kay Jian ko ba ito tinanong ganito din ba ang isasagot niya sa'kin?

Awa. It makes sense, now. Pero parang iba talaga 'e. Hindi naman basta awa lang 'to. Kapag ba naaawa ma'y kasamang luha? 'E bakit dun sa mga pulubi naaawa ako pero hindi ko sila iniiyakan? Anong tawag don? Awa pa din ba?

"So those are just one of his schemes?"

"What do you think?" He asked me back.

I clearly don't know. Pero sabi nga ni Kuya, simula at katapusan ng deal namin ni Felix, kung anumang nangyari hanggang dun lang 'yon.

"I don't know but we had a deal, bro. I don't think he is true to me." I answered.

Kung wala kaya 'yung deal na 'yon, matagal ko na kayang inisip na ma'y gusto talaga sa'kin si Felix? Kung ma'y gusto man siya sa'kin, imposibleng mangyari 'yon. Unang-una, I don't have the looks, ang pinupuntirya niya palagi ay magaganda. Hampaslupa ako, remember? Padalawa, lupa ako impyerno siya, mahirap bumaba don. Hot siya, remember? Patatlo at huli, kung ma'y gusto man talaga siya sa'kin, it's whether gusto niya akong paglaruan o gamitin. Semi-matalino ako, remember? Hindi ko din naman siya magugustuhan pabalik. I don't like a boy who loves playing with  feelings.

"Basically, it's just part of your deal with him. Never ko pa siyang nakita na nagseryoso sa babae. Aware ka namang marami na siyang pina-asa at pina-iyak na babae, hindi ba? Kung meron man siyang lubos na sineryoso, si Stacey 'yon, pero biruin mo nakipaghiwalay si Felix sa kanya sa mismong anniversary nila. Sakit, 'no?"

"Yeah, I heard about that before."

"Marzia, bestfriend ko 'yung sinaktan niya, si Stacey. We've been friends since JHS. Sobra akong nasaktan para sa kanya. Iniiyakan niya palagi si Felix, araw at gabi. Imagine, the man who you love the most will suddenly hurt you and break you someday. Kaya ayokong mapalapit ka sa kanya."

"Kaya ka ba galit na galit kay Felix noon?"

"Gano'n na nga." Sagot niya at bumuntong-hininga. "Kung kay Stacey na bestfriend ko, sobra akong nasaktan, sayo pa kaya na mismong kapatid ko? Ayokong makita kang umiiyak dahil lang sa lalaking alam ko na sasaktan ka ng lubos."

Kaya pala ganito na lang mag-alala si Kuya para sa'kin. Sobrang bait niya at concern sa'kin. Hindi ko man lang inaasahan na magiging ganito ang pakikitungo niya sa'kin after all what happened to us.

"Mabuti na lang ikaw ang nakausap ko. Nadala na siguro ako ng emosyon ko kung hindi. Thanks Kuya."

"Wala 'yon, kapatid mo 'ko normal lang na magtulungan tayo at madalas na mag-away." Natawa naman kami parehas.

"Matanong ko lang, bakit ayaw mo kay Jian? Mabait naman siya, maalaga, mapagmahal, loyal at perfect boyfriend material.  Ano pa bang kulang sa kanya?"

Ano daw?! Muntikan ko ng mabuga sa kanya ang kapeng iniinom ko.

"Wala akong sinasabi na ayoko sa kanya."

"Matagal na kayong magbestfriend, 'di ba? Bagay kayong dalawa. Isang payat at mataba, maitim at maputi, pogi at---medyo ma'y itsura." Natatawa niyang sabi. Inirapan ko na lang siya.

Grabe kung makalait, tsk.

"Bakit hindi na lang kasi kayo?" Nanlaki ang mga mata ko sa nasabi niya.

Tangene?

Hindi ba dapat protective siya sa'kin? Sa fiction stories lang ba talaga 'yung mga mababait at protective na Kuya?  'E kung kani-kanino na ako mapagtripang ireto! Anong klase 'tong Kuya?!

"Wala din akong sinasabi na gusto ko sa kanya." I said. "Ma'y jowa na 'yung tao tapos kung kani-kanino mo nirereto."

"Sayo lang naman 'e. Atsaka matagal na kayong magkakilala, madali mo lang 'yun maaagaw kay Tina, kung gusto mo tulungan pa kita."

Ay wow. Pagdating kay Jian, game na game siyang tulungan ako ha. At ako?! Mang-aagaw ng jowa? Hindi pa ako gano'n ka-desperada para gawin ang bagay na 'yon, duh.

"Alam mo ba, palagi ka niyang tinatanong sa'kin kung kamusta ka na o kung kumain ka na ba daw. Sabi ko sa kanya 'wag siyang mag-alala kasi ang takaw-takaw mo naman. Binanggit niya din sa'kin ang mala-siopao mong pisngi, baka daw namamayat ka na."

Tangina?! Kay Kuya pa talaga tinatanong. Hay nako, Jian. Malilintikan ka talaga sa'kin. Ang dami mo ng antraso, hayop ka.

"Sabihin mo, hayop siya." I said at natawa si Kuya.

"Ang daming nagkakagusto don tapos aayawan mo lang?! Ang ganda mo! Feeling ko nga ma'y gusto talaga 'yun sayo. Hehe. Seryoso 'yon magmahal. Sayo pa nga lang na bestfriend niya ay kitang-kita ko ang pagiging concervative niya."

Seryoso talaga siya sa pagrereto sa'kin sa mismong bestfriend ko?! Ay hayop.  I cannot take Kuya anymore, bwisit.

"Atsaka isa palang ang ex niya, 'yung ex niya pa nga ang umayaw, masyado daw kasing perfect si Jian para sa kanya at hindi niya daw 'to deserve."

Pinaninindigan masyado ang pagka love expert?! Atsaka bakit every detail alam niya?! Alam ko din naman 'yung tungkol sa ex ni Jian. Ang cute niya nga 'e, naiiyak siya kapag pinag-uusapan namin. Ano daw ba ang kulang sa kanya. Ginawa niya naman daw ang lahat. Ang drama niya talaga kung minsan.

"Kuya, hindi nga kami bati ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit. Basta one day gumising na lang ako na hindi na kami nagpapansinan. Gano'n ba ang epekto ng ma'y jowa?"

"Pano mo malalaman 'e wala ka non?"

"Bakit, meron ka ba?" Tanong ko.

"W-wala." Napahagalpak naman ako ng tawa.

"Ang lakas mo mag-advice pero wala ka palang jowa!"

Akala ko pa naman meron siyang girlfriend. Pareho lang pala kaming wala. Atleast hindi ako nag-iisa. At sino namang magkakagusto sa hampaslupang tulad ko? Pwede pa si Kuya magka-jowa 'e, ma'y itsura naman siya, ngunit sa kasamaang palad ako'y hindi lubusang pinagpala.

"Wait ka lang, Sis. Ma'y hinihintay kasi akong bumalik." Patawa-tawa niyang sabi pero alam kong seryoso siya tungkol sa binanggit nya.

Tinawag si Kuya Marco ng isa sa mga katrabaho niya. Ma'y mga bago kasing dumating na orders. Lumapit ako sa counter para makita si Kuya.

"Kuya Marco, aalis na 'ko ha. Ingat ka

diyan." Pagpapaalam ko kay Kuya.

"Sige, ingat ka din." Sabi niya without looking at me. Busy kasi siya sa pagseserve.

Kailangan ko na ding magtrabaho. As what Kuya said, simula at katapusan ng deal namin ni Felix, kung anumang nangyari hanggang dun lang 'yon. Mabuti na lang pala at ma'y Kuya ako.

Nagcommute ako patungo kina Felix. Pumasok na din ako sa mansyon nila. Sa totoo lang, kinakabahan ako at hindi mapakali. Baka sapukin ako ni Felix sa ginawa ko 'e. Bahala na siya. Basta tapos na kami at wala ng kami.

___________

Nasa kwarto na ako ni Felix, hindi man lang niya ako iniimikan. Pano ba naman nakatalikod siya sa'kin kanina pa. Kung awkward noon pa man ang lahat ng bagay sa pagitan namin ni Felix Trono, sobrang awkward at weird naman ngayon.

Naiilang talaga ako sa presensya niya. Lalo na't alam ko na nakatitig lamang siya sa'kin. Kanina nakatalikod tapos ngayon naman titig na titig! Pano ba naman ako makakapag-trabaho ng maayos kung ganito siya kumilos?! Napakalaking distraction ng mammal na 'to.

Nakahiga siya sa kama niya habang nakatitig sa gawi ko. Kitang-kita ko siya mula sa reflection ng screen. Parang kinokonsensiya niya ako sa ginagawa niya, nakakainis. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa computer. Malapit na akong matapos kaso hindi pa tapos ang oras so I need to stay a little bit longer.

I'm editing his gameplay video. Isa itong dota na sikat na sikat sa Pilipinas. Ang weird na nga ng Youtube Channel niya 'e, sobrang random, walang specific na content na dun lang talaga magfo-focus. Kung ako ang subscriber niya, ma-wi-weird-uhan na din ako sa kanya.

Dumami na din ngayon ang subscriber niya kesa noon. Pati ang views niya ay lubusang umangat din.

Madalas ay tinutulungan ko siya sa paggawa ng blog content kaya medyo fair na rin kahit ang trabaho ko lang ay ang mag-edit. Sobra-sobra kasi ang bayad sa'kin ni Tita Francine kaya nakokonsensiya talaga ako ng lubusan. Hindi naman gano'n kahirap ang ine-edit ko kaya gano'n na lang kalala umatake ang konsensiya ko. Masyado kasing madali ang trabaho ko para sa isang malaking sahod, nagmumukha tuloy akong scammer.

Biglang nag-ring ang cellphone ko at sinagot ko ang tawag without knowing kung sino 'yon. I turned on the loud speaker at ipinagpatuloy ang trabaho ko. Siguro si Kuya Marco. Imposibleng tawagan ako ni Jian sa sitwasyon naming 'to.

"Hello?" Bati ko.

Sinilip ko kung sino ang kausap ko from my phone kaso tanging number lang ang nakadisplay dito.

Scammer.

[Marzia, it's me Spencer. Kamusta ka?]

Nagulat naman ako sa kanya. I didn't expect na tatawagan niya ako. I don't even remember myself giving him my phone number.

"Okay lang. Bakit ka napatawag?"

[I just want to check on you. Sorry kung naiwan kita kanina. I'm really sorry. Babawi ako next time.]

"Mang-iiwan talaga 'yan. Dito ka sa'kin 'di kita pababayaan." Rinig kong bulong ni Felix. Napairap na lang ako.

"Okay lang talaga, Spencer."

[Kinuha ko nga pala ang number mo kay Jian. Sorry, I'm too worried about you.]

Wow lang, Jian. Sarap mo sapakin. Nagkagalit lang tayo pinamimigay mo na pala ang number ko! Humanda siya sa'kin kapag nagkita kami.

"Ah ganun ba, Sige." I said.

Hindi ko siya pwede sigawan, 'no. Hinhin mode on. Si Jian na lang ang sasapukin ko tutal siya naman ang nagbigay ng number ko.

[I heard na nagbreak daw kayo ni Felix kanina, I'm concern about you. How are you doing now?]

"Chismoso. Aagawin ka lang niyan sa'kin. 'Wag ka maniwala diyan." Bulong na naman ni Felix.

Isa pa din 'tong sakit sa ulo.

"Hindi ko alam 'e." Sagot ko.

[Huh? Okay ka lang ba talaga? Parang hindi ka naman malungkot na nagbreak kayo.]

Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Gano'n ba talaga ka-obvious na masaya talaga ako at tapos na sa wakas ang relasyon namin ni Felix?  Nabawasan talaga ang konsensiya ko na palaging nagsasabi na naggagamitan lang kaming dalawa,  kaya kung pwede habang mas maaga pa ay tapusin na ang aming false relationship. Isang big relief nga para sa'kin ang lahat ng 'to 'e.

"So dapat malungkot kapag nagbreak? 'Di ba pwedeng masaya? Ayaw niya na kasi sa'kin. 'Yung klaseng napipilitan na lang siya. Nagsawa na kaya humanap ng iba. Ayoko naman ng gano'ng relasyon." Pagdadahilan ko, trying to sound dramatic enough for him to believe.

[I understand you. Sometimes, things just won't work out for the both of

you.]

Ayt. 'Yan tuloy lumabas na ulit ang mga quotes niya. Masyado naman akong na-touch kay Spencer. Chos! Ang corny kaya.

"Baby, tara na sa kwarto. Kanina pa kitang hinihintay." Pagsingit ni Felix.

Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko. At saan nanggaling ang mga salitang 'yon?! Malamang ay narinig 'yun ni Spencer! Nilingon ko siya kaso nasa tabi ko na pala siya.

Hindi pa din ako maka-move on sa nasabi niya. Hanggang ngayon ay nanlalaki pa rin ang mga mata ko. Tangina?! Agad kong hinawakan ang cellphone ko dahil nararamdaman ko na ang masamang balak ng pesteng 'to, kaso pilit niyang kinukuha ito mula sa mga kamay ko hanggang sa magtagumpay siya.

[Felix?! Kasama mo siya? Pero akala ko break na kayo?]

"'Wag ka ng mangialam sa usapang mag-asawa, kase wala ka non." Saad niya habang hawak ang cellphone ko.

Ano daw?! Asawa? Okay lang ba siya?!

Mas tanggap ko pa kung aswang 'e.

Lumapit ako kay Felix para marinig ako ni Spencer from the phone.

[Felix anong gagawin mo kay----?!]

"I'll explain everything to you tomorrow, bye." Lumapit ako kay Felix at hinablot agad sa kanya ang cellphone ko.

I ended the phone call.

Inirapan ko si Felix na nakangisi lamang sa akin. Wala ng magawa sa buhay. Tsk. Umupo ako sa swivel chair at ipinagpatuloy ang pag-eedit. Hindi talaga ako mapakali kaya pumikit muna ako ng saglit.

"Tangina." I mumbled.

Ano na lang ang iisipin sa akin ni  Spencer pagkatapos no'n? Kung ano-ano na namang kagaguhan ang sinabi ni Felix 'e! Mahihirapan tuloy akong magpaliwanag sa kanya bukas. I hate explaining to people. Tapos magtatanong pa sila after your explanation. Nakakainis talaga.

"You're not planning to tell him, right?" He asked. Iniikot ko naman ang swivel chair paharap sa kanya.

"He's my friend. He deserves to know the truth." He chuckles and his eyebrows met.

"He doesn't deserve the truth and he doesn't deserve to know you more."

I looked at him and saw his damn serious face.

Wala akong maisip na maisagot sa kanya. Kilala niya masyado si Spencer, I can't judge him kung pa'no niya tingnan o husgahan ang dating kaibigan niya. Akala ko ba magbestfriend sila? Bakit galit na galit siya kay Spencer? Napapaisip tuloy ako kung sasabihin ko pa ba kay Spencer o hindi. Bahala na bukas.

Bumalik na lamang ako sa pag-eedit at hindi na pinakalman pa si Felix. Nakita ko namang bumalik na ulit siya sa kama. Lumipas ang ilang minuto at natapos ko na i-edit ang gameplay video ni Felix at ini-upload ko na ito. Nagkaroon agad ito ng views at likes. Pagkatapos no'n ay pumikit ako ng saglit sa kinauupuan ko.

How would I approach Felix in this situation? Anong gagawin ko to make things clear for him? Mula kasi no'ng dumating ako dito sa bahay nila kanina, sobrang tahimik niya. Maliban na lang kanina kung kailan tumawag si Spencer.

Inaamin ko, ang harsh ko dun sa part na ginawa kong pagpapahiya sa kanya, pero 'yun na lang ang nakikita kong tanging paraan para malinawan ang ibang tao na wala na talagang kami. Our relationship is fake pero dama ko 'yung pagkatotoo ng efforts sa'kin ni Felix. Nagtatalo na naman ang utak ko kung maniniwala ba ako o hindi. It's fake, right? It should be.

Ma'y girlfriend na 'yung tao 'e, bakit naman siya magpapakita ng motibo sa ibang babae? Mahal niya si Stacey.

I just need to thank him for everything. 'Yun lang, okay na siguro 'yon. Pero paano naman? Okay na kaya sa kanya ang salitang thank you? Hindi naman siguro siya hihingi ng kung ano pang pabor. Nakokonsensya na ulit ako, hayst. Masyado kasing ma-effort 'yung mga ginawa niya sa peke naming relasyon, samantalang ako tamang share lang at promote ng Youtube Channel niya sa page ko.

Magpapasalamat na lang ako tutal part 'yun ng agreement namin. Ginagawa niya lang 'yun para don.

I should stop assuming things. Girlfriend niya si Stacey, mahal niya 'to, he can't cheat on her. Malamang ay alam ni Stacey ang tungkol sa kasunduan namin kaya hindi niya pa ako binabalatan ng buhay.

Sinilip ko siya at nakita kong nakaupo siya habang naka-ubob sa study table niya. Parang kanina lang ay nasa kama siya. Siguro naman ay gising siya. Nilapitan ko siya at umupo sa upuang nakatabi sa kanya. Sinulyapan ko ang gawi niya kaso hindi man lang siya gumagalaw. Tulog na ata.

Tumayo na ako at maglalakad na sana palayo sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko.

"Marzia, talk to me."

Unti-unti siyang bumangon at matamlay na tumingin sa'kin.

"Talk to me..." He repeated.

Tumayo siya at lumapit sa'kin habang hawak-hawak ang magkabilang kamay ko. Tinitigan niya ako at nailang naman ako sa mga tingin niya. Ang lungkot-lungkot ng mga mata niya and he even looks pale.

Naglakas loob na akong magsalita para matapos na ang lahat ng 'to.

"I want to thank you for every favor you had done included in our agreement. I already returned the favor so we're practically even." I said.

I expect that his face would light up a little, but it didn't, he didn't even budge. He still holds that same poise. Shouldn't he be happy because our agreement has been successful and it benefited the both of us?

"Why did you broke up with me?"

Tangina. Para kaming totoong nagbreak sa tayo namin. Para din siyang totoong nasasaktan sa pagbe-break namin. Ako lang ata 'yung hindi nasasaktan sa'ming dalawa. Should I be hurt as well even if I know it's a false love?

"Today is already the last day before the Meeting de Avance. You already did too much for our false relationship, it's about time to cut it out." He squeezed my hands softly and looked down at it.

"Atleast let me finish this day with you, please. Let me cherish every moment with you."

"Hindi pa ako mamamatay, Felix." He tried not to laugh but he still did.

"Kahit manhid ka, mahal kita." Rinig kong bulong niya bago tumalikod sa'kin.

Ma'y girlfriend siya pero ma'y ibang babae siyang sinasabihang mahal. Minsan, gusto ko na lang ilaglag si Felix kay Stacey 'e. Ganito ba talaga si Felix sa lahat ng babae? He is a complete definition of a playboy, then.

"Follow me." Nakita kong palabas na siya ng kwarto at naghihintay sa'kin. Lumapit ako sa kanya kaso nagtataka ako kung bakit nakatingin pa din siya sa'kin.

"Wait." He said. "How about you take a shower first? Basa ka kasi ng pawis, baka magkasakit ka." Sabi niya at tiningnan ang likuran ko.

"Sige."

Pawis na pawis kasi ako kanina pa sa school. Hindi na ako makatiis sa kalagkitan ng katawan ko kaya malamang papayag ako. Atsaka baka magkasakit pa ako, hindi pwede, hindi ko kayang palagpasin ang ganitong klase ng oportunidad. Concern pala sakin si Felix kahit papaano. Grabe, magsha-shower na nga lang ako ang dami ko pang nasabi.

Pumunta siya sa harap ng closet at kumuha ng damit at panjama pants. Binigyan niya din ako ng towel na kulay pink at inabot sa'kin ang mga 'to.

"Magpunas ka muna bago maligo ha."

"I will, thanks."

Pumasok na ako sa CR. Napapaisip na lang ako bigla. Ang bait kasi ni Felix sa'kin. Ibang-iba kesa noon ang pagtrato niya. Gusto niya sigurong umabot man lang ako sa eleksyon. But I can't deny the fact how cute he is while reminding me. Aish. Ano ba 'yan. Isha-shower ko na lang 'to.

Pagkatapos kong magshower ng katawan at magpalit ng damit, lumabas na ako sa CR. Humarap ako sa salamin na malapit sa closet ni Felix at nagsuklay. Marunong din naman akong magsuklay kahit papaano.

"You look good on my shirt." Says Felix who is staring at me. Ibinaba ko ang suklay at humarap sa kanya.

"Let's go?"

Lumapit ako sa kanya at bumaba na kami mula sa second floor. Bumungad sa'min si Manang Esther at nilapitan kami.

"Kumain na muna kayo, kanina pa kayong hinihintay bumaba ni Madame." Saad niya.

"Sige po." Tugon ko.

Gutom na gutom kasi ako 'e. Sobrang nakakapagod kaya ang araw na 'to. Biscuit nga lang ang tanging kinain ko maghapon. Ma'y pera din naman ako kaso I need to save more money faster. Mas mahalaga ang kalusugan ni Papa kesa sa'kin. 

"Hindi ka talaga papahuli sa pagkain." Pang-aasar niya.

"Hayaan mo na 'ko. Hindi naman ako kumakain sa tama, hehe."

Ulcer is waving.

"You should eat right. I'm starting to worry about your health."

"Don't be. Kaya ko naman." I said and smiled at him but he's still looking at me seriously.

Napapansin ko lang, gumaganda ang pakikitungo ko kay Felix basta usapang pagkain. Hehe. Wala akong magagawa, pagkain 'yan, masamang tanggihan ang grasya. Atsaka gutom ako, baka hindi ako pakainin ni Tita kapag inaway ko ang anak niya.

Naglakad kami patungo sa dining table. Bumungad sa'min si Tita na nakaupo sa pinakadulo ng table. Umupo na ako at sa tapat ko naupo si Felix. Binati ako ni Tita at nagsimula na kaming kumain.

"Ija, hinatid ka ba ni Felix dito kanina?" Tanong ni Tita. Sinulyapan ko si Felix sa magiging reaksyon niya kaso hindi man lang siya lumilingon sa gawi ko.

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi. Pero naisip ko na ma'y CCTV sila sa bahay, malalaman din naman ni Tita ang totoo, so syempre hindi ako magsisinungaling. Huwarang bata ako, remember?

"Hindi po. Ma'y pinuntahan po muna kasi ako kaya pinauna ko na po si Felix."

What I meant to say is magsasabi ako ng totoo na hindi ko kasabay si Felix pero magsisinungaling ako sa dahilan. Alangan namang sabihin ko kay Tita na hindi ko kayang harapin ang mukha ng anak niya pagkatapos ko siyang mapahiya sa sobrang daming tao.

"Ay, kaya naman pala tamlayin ang anak ko kanina, hindi mo pala kasabay." Natigilan naman ako sa nasabi ni Tita. Nasasaktan ba talaga siya?

"Ma, masamang magsinungaling."

Saad ni Felix.

Halata namang ako ang pinapatamaan niya 'e. Sorry na, okay? Hindi ko talaga kayang harapin 'yang mukha mo pero 'yang katawan mo---peste! Kumakain ako, grabe.

"Bakit hindi mo na lang sinamahan si Marzia sa pupuntahan niya, anak? Hindi 'yung pagulong-gulong ka diyan sa kwarto at 'di mapakali."

Si Tita talaga, ang hilig mangbunyag ng mga ginagawang kalokohan ni Felix sa buhay. Halos araw-araw nagkwekwento siya tungkol kay Felix 'e. Siya nga palagi ang bumubuhay sa tahimik naming hapunan. Nakakatuwa lang, sobra.

"Ang totoo niyan, Ma..." Sinulyapan niya ako bago ibalik ang tingin kay Tita. 

Bigla akong kinabahan sa sasabihin ni Felix. Baka sabihin niya pa ang totoong nangyari, sobrang open pa naman niya kay Tita. Laglagan na ba this? Papatalo ba 'ko? Sabihin ko na ba kay Tita na mahal ako ng anak niya habang ma'y mahal siyang iba?! Ano 'yan doble kara?

"Masakit po ang puso ko---este ulo kanina kaya 'di ko na po nagawang samahan si Marzia. Sorry ah? Nasaktan kasi ako ng sobra." Saad ni Felix habang nakatingin sa'kin.

So 'yun nga, magsisimula na siyang mangonsensya.

"Ang sakit sakit talaga, Ma. Hindi ko po alam kung matatanggal ko pa 'tong sakit na nararamdaman ko. Kasi kanina nahulog po talaga ako sa kanya---este sa kanal. Matagal na po akong nahulog sa kanya---kanal kaso 'di po talaga ako sinasalo 'e. Ang manhid kasi, Ma. Parang puso---ulo ko, namamanhid na." Napapahawak pa siya sa ulo niyang nasa taas.

"Ang lakas ng saltik mo, Felix." Sita ni Tita habang patawa-tawa. I forced a laugh, baka sabihin naman nilang ang KJ ko masyado.

"Tinamaan po ako ni Kupido 'e. Hindi pa nga niya pinapana 'yung babaeng mahal ko para tamaan naman sa'kin." Natatawang sabi niya kay Tita.

"Ikaw na mismo ang pumana sa kanya, 'nak. Unahan mo na si

Kupido." Suggest ni Tita. Hindi ko alam na ganito ka-supportive si Tita sa kanya.

"Ayoko, Ma. Gusto ko si Kupido para meant to be kami. Bakit ko uunahan si Kupido, 'e kung ma'y tamang panahon siya para sa'ming dalawa?"

"Hanggang kelan kaya ako maghihintay, Kupido?" He looked at me na parang ako mismo ang tinatanong niya. "Kung hindi man ngayon, o sa susunod na araw o taon, 'edi pipilitin natin." Sabi niya habang patawa-tawa.

"Hanggang sa matutunan ka niyang mahalin, 'nak."

Teka nga lang. Sinet-up ba 'ko ng mag-inang 'to?

Ibinalik niya ang tingin niya kay Tita at bumuntong-hininga. "Kung upakan ko na kaya siya, Ma? Para tamaan na sa'kin, naiinip na po ako 'e."

Natawa naman lalo si Tita. Muntikan akong mabulunan sa nasabi niya, napatingin tuloy ako kay Felix.

"Ang sama ng tingin mo sa'kin ha." Sita niya. "Kilala mo ba 'yung tinutukoy ko, Marzia?"

"E-Ewan ko sayo."

Natawa na naman si Tita. Si Tita wala ng ginawa kundi tumawa 'e. Kung ina-awat niya na 'yang anak niya edi natuwa pa ako.

"Kamusta ang progress niyo?"

Sa wakas, Tita. Ma'y naisip ka ding ibang topic. Bibigwasan ko na talaga ng isa 'yang anak mo. Isasama na din kita Tita kapag sinabayan mo pa ang trip niyan.

"Wala po, ang manhid pa din po." Rinig kong bulong ni Felix.

Hayop. 'Di pa din maka-move on?

"Okay lang po, Tita." Sagot ko.

"Umangat po ang subscribers niya at ang viewers."

"Mabuti naman." Nginitian ko si Tita bago bumalik sa pag-kain.

Natapos kami kumain at pinili muna naming maglaro ng dota. Ilang beses akong natalo mula sa kanya dahil hindi ko pa gamay ang larong ito. Pagkatapos ng ilang laro, nagsimula siyang matalo mula sa akin, nakikita ko kasi madalas ang gameplay niya at naobserbahan ang mga galawan niya sa laro. Magaling talaga si Felix, talo niya pa din ako pagkatapos ng ilang laro. Hindi siya bastang magaling na player, matalino din. Kung alam niya lang ang mga sinasabi kong papuri, malamang tuwang-tuwa 'yon.

"Not bad for a starter." Sabi niya at iniikot paharap sa'kin ang swivel chair.

"I will beat you someday."

Inasar niya pa ako ng ilang beses na ang bulok-bulok ko daw. Ang sarap niyang sapakin 'e. First time ko nga laruin 'yang laro niya tapos natalo ko pa siya. Gano'n ba ang bulok?!

"Tara?" Tanong niya. Kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta ay tumango na lamang ako.

Tumayo na kami at hinawakan niya ang kamay ko. Lumabas kami sa likod ng bahay nila. Mayroon ditong malawak at malaking swimming pool, sa gilid nito ay ang isang tree house. Malaki din ito at hindi basta-bastang tree house. Halatang desenyo ito ng isang architect.

"O, baka mahulog ka ha. Hindi kita sasambutin, pareho tayong mahuhulog sa isa't isa." Sabi niya bago ako umakyat.

Ang daming alam.

Pinauna niya akong umakyat sa tree house at sumunod naman siya. Pagka-akyat ko ay bumungad sa akin ang modernized tree house. Mas maganda pa ang loob nito kesa sa panglabas. Malawak ito at malinis. Madami ding mga laruan na pangbata ang nandito.

"Is this your playhouse?" I asked.

Naupo kami sa kalagitnaan ng tree house habang nakadungaw sa labas. Ma'y malaki itong bintana at kitang-kita mula sa pwesto namin ang mga nagkikislapang bituin.

"Noon, when I was five, I guess. Lagi kaming naglalaro ng mga kapatid ko dito."

It's looks like new. Palagi sigurong nililinis. Halos kasing laki na ito ng kwarto ko 'e tapos playhouse lang nila. Amazing. Sabagay ganito lang talaga kaliit ang kwarto ko, pero malaki ito kumpara sa ibang tree house.

"Marzia..." Pagtawag niya sa'kin at tiningnan ko siya. Nakatitig lamang siya sa peste kong mukha.

"You should be glad that our false relationship is completely over. We can finally return our lives back into normal---or atleast only mine. I'm sorry kung napahiya kita kanina.

Atleast you can rejoice your relationship with Stacey from now on, and continue your flinched union together without my company." I said. I looked back at the stars and I felt quite sleepy.

Pinilit ko talagang hindi antukin at baka ma'y mangyari pang hindi kanais-nais sa akin, baka umuwi akong luhaan, chos.

"Is this the reason why you act like this?"

"Act what?"

I'm definitely sleepy, bukod sa antok na ako, hindi ko na maintindihan ang sinasabi ni Felix.

"Jealous perhaps?" He said and pouts.

Nanlaki ang mga mata ko at nabuhayan sa sinabi niya. Kung umiinom ako ng tubig ngayon, naibuga ko na 'yun sa kanya. Ang assuming niya ding nilalang, parang ako.

"What makes you think I'm jealous?!" I said and looked at his smirking face.

"Awww. My baby bear is jealous." He is teasing me! He is even smiling from ear to ear. 

"It's okay. Madalas din naman akong magselos sa inyo ni Spencer. Pasalamat nga siya at naging kaibigan ko pa siya, binugbog ko na sana 'yon."

Tangina. Nagseselos siya kay Spencer ng dahil sa'kin? Kaya siguro gano'n na lang siya tumingin kapag kasama ko siya. Atsaka 'yung nangyari sa park, kaya niya ba ginawa 'yon kasi magkasama kami? Bakit, sinampal ko ba si Stacey no'ng nakita ko silang magkasama ni Felix? Hindi ba't hindi naman? Kasi hindi naman ako nagseselos! Si Felix lang talaga.

"'Wag mong gawin 'yon, kaibigan ko si Spencer." I said. Nalungkot naman ang mga mata niya.

"Stay away from him. You don't know him enough."

Wow, parang kilalang-kilala ko na siya ha. Bakit, simula ba pagkabata magkakilala na kami? Hindi naman ah.

"Same goes to you."

"Fine, ugh." Angal niya. "But you're really cute when you get jealous. Damn, you make me want you more."

"Why do you keep pushing myself on being jealous even if I am completely not?!" Biglang sumeryoso ang mukha niya at tumitig sa mga mata ko.

"It proves me that somehow your heart starts beating for me."

Bumaba ang tingin niya sa labi ko at napaiwas agad ako ng tingin mula sa kanya.

"W-Whatever."

"Did you really think that I am still in a relationship with Stacey? My bae doesn't trust me?! I can't believe you!"

He said and holds my hand.

So what is he trying to say, na wala silang relasyon ni Stacey after all that lampungan moments? Ano 'yon one night stand, magkalimutan na lang pagkatapos? Geez. Ano ba talagang klaseng relasyon ang meron sila?

"I'm not your bae and we're already done so don't call me like that!"

"You haven't answered my question yet, baby bear." He said.

To think na nakalimutan na niya, hindi niya talaga ako pinalagpas.

"So what if I think that you're still in a relationship with Stacey?! Isn't it true?! Palagi ko kayong nakikitang magkasama at magkalampungan sa putanginang bench!" He burst into laughter after hearing what I just said.

Isn't it true? Ang sarap kaya nilang itulak sa pond na ma'y kasamang palaka. Para makuha nila kung saan sila dinadala ng kalandian.

"She's helping me win your numb heart, baby. You still remember the clothes I gave you? She picked those, I even scold her for that because you didn't like it. You see those flowers? She picked those but you didn't even budge to hold it. Do you still remember the day when you caught me with Stacey? It was our official closure and I thank her for everything. Thats when I started to ask for her help to serenade you, and she agreed that's the reason why you are more likely to caught us together, because we're planning everything for you." He said.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi. The efforts he showed me is too much. I'm still not convinced, parang gusto ko na lang mabingi ngayon para hindi ko na mapakinggan ang sunod niyang sasabihin. I don't think I can handle the next words he will say as our conversation goes on. This is bad.

"Stacey is my closest friend that's why I chose her to help me, but if you're jealous because of her, I'll distance myself from her."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at itinuon ang paningin ko sa kanya. Gustong-gusto kong umiwas mula sa kanya. Gusto ko ng matapos ang araw na 'to.

Ayoko na.

"It's just part of the plan for our deal to make it effective, it's all just for a show, nothing more. Am I right? Tell me the truth, please." I said.

I tried to convince myself that all the gestures he showed me are only because of our deal. Everyday I convinced myself, that all of this means nothing to him! Kaya pilit kong binabalewala ang lahat ng gawin niya. But everything changed nang muli siyang magsalita.

"I love you. With or without the deal,  I really love you, it's the truth." He placed his forehead to mine but I didn't budge to look at him.

Tangina. Mahal niya ako. Gusto kong maging masaya. Gusto kong sumigaw na ma'y nararamdaman din ako sa kanya pero hindi ko magawa. Shit, psychology tricks are true! Kapag umamin ka sa taong mahal mo, they are more likely na magustuhan ka din nila. No, please. Nadala lang ako ng psychology. Ayoko nito.

Humiwalay ako mula sa kanya at tinitigan siya sa mga mata.

"I want to clear things to you. Whether your feelings are true or not, I don't feel the same, Felix." Natigilan siya. Tumayo na ako at bumaba mula sa tree house. I was expecting that he wouldn't follow me but he did.

"Spare your heart for someone else. Don't even bother to waste your precious time on me." I said.

"I would rather waste my life for you." I suddenly stopped walking and looked down. I tried to hold my tears and wipe them as soon as they fell.

"Stop it." I said. "Stop telling me lies, please. Just stop."

"I'm not telling lies! Mahal kita.  Maniwala ka man o hindi, bahala ka na, basta alam ko sa sarili kong mahal kita!" I faced him with a teary eyes. We are meters away from each other.

"Don't play with me, please." I begged at lalo akong naluha.

"I'm not, Marzia. Mahal kita."

Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa'kin at hinawakan ang mga kamay ko. I bit my bottom lips to stop myself from crying. I kept looking at his watch, wishing that the time may passed sooner, I want to get this day over with.

"It's already twelve o'clock, we're officially over." Inalis ko ang mga kamay ko mula sa kanya at tumalikod.

"No we're not, nagsisimula pa lang tayo, and this time there's no more deals. Only you and me, and our love inbetween."

"Ganito ka pala sa mga babae. To be honest, I didn't expect na ganito ka magiging kaseryoso at ma-effort sa false relationship natin. Thanks, you played your role very well." I said and I didn't heard a thing from him. "So I guess, goodbye."

"I-Ihahatid na k-kita."

"Don't bother to, I already called my brother. I knew this conversation won't go well from the start." I formed my fist to ease the pain. "Atsaka hindi ba't napipilitan ka lang dahil kay Tita? Hindi mo na kailangan magtiis."

"Stop it. Stop pushing yourself away from me! I know you love me too, Marzia." He hugged me from my back and I felt his tears on my shoulders.

"I don't."

Pilit kong inalis ang pagkakayakap niya sa'kin. Naglakad ako palayo sa kanya and my tears begun rolling down on my cheeks.

"I love you." I heard him whispered.

"I love you to the moon and back."

I really... really hate you, Felix.

___________

Vote. Comment. Share.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C14
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン