アプリをダウンロード
63.63% There is US not You and I / Chapter 98: Kainis Di Ba?

章 98: Kainis Di Ba?

"Gen. Pasahuay, Sir!"

Sumaludo agad si Col. Manabay bilang pagbati sa superior nya.

"Col. Manabay, kamusta ang pinagagawa ko sa'yo?"

Sumenyas si Gen. Pasahuay na maupo sya.

"Yes Sir, napatahimik ko na po ang anak ni Santiago."

"Magaling! Hehe! Pero ... bakit ganyan ang itsura mo?"

"Kasi ... Kasi po kalmado sya."

"Kalmado?"

"Ni kaunting takot wala kaming naaninag sa kanya."

"Baka tinanggap na nya ng maayos ang kapalaran nya.

At yan ang ipinagaalala mo?"

"Nakapagtataka lang po kasi, Sir, masyado syang kalmado."

"Sinigurado mo bang patay na sya?"

"Sa ulo ko po mismo tinamaan kaya sigurado po akong patay na sya."

"Nasaan ang bangkay?"

"Nahulog po sa bangin pagkatapos kong tamaan."

"Nagaalala ka ba na baka naka ligtas sya? Hanapin nyo bukas para sigurado kayo."

"Mataas po yung bangin na kinahulugan nya, saka malakas ang agos ng tubig kaya natitiyak kong natangay na yun palayo."

"Eh, ano pa ang pinagaalala mo dyan, Col. Manabay?"

"May sinabi po kasi sya bago ko barilin."

"At ano naman yun?"

"May ebidensya daw po syang magpapatunay na si Sen. Reyes ang pinuno ng sindikato at malalaman daw ito ng lahat bukas."

"Bukas? Bukas ang Senate hearing, ibig sabihin may plano syang bulabugin ang pagsisimula ng Senate hearing?

Hahahaha! Mabuti na lang at napatahimik agad natin sya!"

"Pero paano po kung may ibang maglabas nun bukas?"

"Pwede, pero hindi ako naniniwala na may hawak silang ebidensya, not unless na hindi mo inayos ang trabaho mo?"

"Maayos po General, malinis po ang lahat! Makailang beses ko rin pong sinigurado at personal ko po itong ginawa kaya natitiyak kong hindi ako papalpak at walang makakaalam ng totoo."

"Kung ganuon, hindi mo ba naisip na baka pinapaikot nya lang ang isip mo para malito ka at magkaron ng agamagam gaya ng ginagawa mo ngayon?"

Napaisip si Col. Manabay.

'Siguro nga pero ... kampante sya!'

Pagkatapos nya kasing barilin si Kate, hindi na maalis sa isip nito ang tanong kung bakit ganun ito kakampante.

*****

Kinabukasan maagang nagsimula ang soft opening ng Nature's Secret Whisper SPA pero wala ang mag inang Nadine at Kate.

Si Nicole ang naroon para sumalubong sa mga VIP na maagang dumating at isa na roon si Eleanor.

Malaki ang sakop ng SPA. Nakahiwalay ang mga products na pwedeng bilhin at ang mismong SPA.

Open space ang pinaka lobby ng SPA, may makikitang artifial na talon silang ginawa.

Suggestion ito ni Mel para maramdaman daw nila ang nature. Hehe!

Hinaluan din nila ito ng tubig mula sa talon.

"Wow, this is nice!"

Bulalas ni Eleanor.

Nadinig iyon ni Nicole.

"Thank you Mam! Sana po mag enjoy kayo."

Hindi kilala ni Kate si Eleanor at wala syang alam sa lovelife ni Nadine. Hindi kasi makwento ang ate nya.

Tinitigan sya ni Eleanor.

"May resemblance kayo ni Nadine. Are you related to her?"

"Yes Mam, she's my eldest sister."

"Oh, Tita ka ni Kate. Nice to meet you! Where are they? Hindi ba sila darating?"

"Kilala nyo po ang ate ko at ang anak nyang si Kate?"

"Well, yes ... kind of.... pwede bang Elise na lang ang itawag mo sa akin at huwag mo na akong 'PO' in, please! Sige gotta go, mukhang ready na yung sa akin."

"Sure Ms. Elise!"

At iniwan na sya ni Eleanor.

'Kind of daw! Ano kaya yung ibig nyang sabihin sa 'kind of'?'

"Baka po may something sila ni Tito Jaime."

Biglang sagot ni Eunice na ikinagulat nya dahil biglang sumulpot sa tabi nya.

"At paano mo naman nalaman kung ano ang nasa isip ko?"

"Mom, it's obvious, your too obvious!"

Tinaasan ni Nicole ng kilay si Eunice sabay binigyan ito ng isang palo.

"Aw!"

"Ano bang ginagawa mo dito? Bakit hindi mo sinabing pupunta ka?"

"Investigating po. Kinukulit na po ako ni Beshy Mel tungkol kay Ate Kate, kaya kailangan ko na pong mag imbestiga personally at dito po ako magstart."

"Iniwan mo ang trabaho mo para personally gawin ito?"

"Mom, na miss ko rin po kayo! Promise po uuwi ako ng bahay pagkatapos nito!

Sige po Mom, punta lang po muna ako sa security room."

Sabay alis nito at baka mabigyan na naman sya ng isa pang palo.

Ganyan ang Mommy nya pag namimiss sya at dumadalas yun, lately. Lagi kasi syang wala sa bahay dahil busy sa munisipyo.

Pero hindi nya magawang mapikon. Mommy nya yun eh!

After ma review ni Eunice ang surveillance video kahapon, isa lang ang nasiguro nya.

'May something nga yung si Ms. Elise at si Tito Jaime!'

After nya sa resort, sinunod naman ni Eunice ang office kung saan nagwowork si Kate.

Inisa isa ito ni Eunice gaya ng ginawang pagiimbestiga ni Joel.

Pero may nakita si Eunice na hindi nakita ni Joel.

Isang maliit na insekto na nakadapo sa taas ng pintuan ng elevator. Hindi ito mahahalata at hindi rin ito basta mapapansin.

Kinuha ito ni Eunice at dali daling inuwi para mapagaralan.

Hindi sya pwedeng magkamali, dahil natitiyak nyang nagmula itong insekto kay Kate. Isa ito sa mga laruan nya ngayon.

*****

Samantala.

Sobra na ang pagaalala ni Nadine at maka ilang beses na rin syang pinakakalma ni Jaime kahit maging sya ay nababalot na rin ng kaba.

Kagabi pa sila hindi mapakali at hindi na halos sila nakatulog sa kakaisip kay Kate.

Natitiyak nilang hindi ito bumalik ng Sinag Island dahil andun pa ang chopper sa resort.

Pero hindi muna nila ipinaabot sa Sinag Island na may posibilidad na nawawala si Kate.

Naireport na rin nila ito sa mga pulis pero dahil sa wala pang 24 hours, hindi pa ito mako consider na missing. Kaya personal na silang kumilos.

Si Joel ang namuno sa pagiimbestiga at si Eunice naman ay gumawa rin ng sarili nya.

"Jaime, alam kong nagaalala ka kay Kate pero kailangan mong magtungo sa Senate hearing."

Paalala ni Edmund sa kanya.

"Pero, hindi ko pwedeng iwang ang asawa ko ngayon!

Hindi ko na nga magawang makaalis para hanapin ang anak ko dahil pinagbabawalan nyo ako, kaya huwag nyo akong pigilang gawin ito!"

"Baliw, ka ba? Alam mo ba kung ano ang pwedeng mangyari sa'yo kapag hindi ka sumipot sa Senate hearing?"

Naiinis na sabi ni Edmund.

"Wala akong pakialam! Kailangan ako ng pamilya ko ngayon!"

Iritadong sagot ni Jaime.

Kagabi pa nya gustong umalis para hanapin si Kate pero pinigilan sya ni Edmund. Ngayon namang ayaw nyang umalis para damayan ang asawa nyang si Nadine, pinipilit naman syang umalis.

Kainis diba?

"Jaime, tama na yan! Huminahon ka! Alam kong nagaalala ka, pero hindi mo ba naisip na ito talaga ang gustong mangyari ng mga kalaban mo, ang hindi ka sumipot?"

Paliwanag ni Gen. Malvar.

Pinilit kumalma ni Jaime.

"Jaime please, sundin mo na sila! Tandaan mo, hindi mo lang laban 'to, laban nating lahat ito! Pati na ng mga nabiktima ng sindikatong yun!"

Paalala ni Nadine sa kanya.

"Naintindihan ko!"


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C98
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン