アプリをダウンロード
85.71% 1 MONTH DARE (and the 14 Roses) / Chapter 12: Chapter 11 - The Confession

章 12: Chapter 11 - The Confession

Pagpasok niya ng gate ay may sumalubong sa kaniyang isang freshman student.

"Kayo po si Ms. Aianiell, di ba?"

Nagtatakang tumango siya. She was surprised ng bigla na lang siya nitong abutan ng isang puting rosas.

"Para po sa inyo."

She accepted the rose. She was going to ask her kung kanino galing ang bulaklak pero agad na itong tumalikod sa kaniya. She just shrugged her shoulders at nagpatuloy na sa paglakad. Ilang metro palang ang layo niya sa gate ay may sumalubong ulit sa kaniya at nagbigay ng bulaklak.

"Wait! Kanino ito galing?" pero tulad noong una ay hindi rin siya sinagot ng babae.

Lumakad ulit siya pero muling natigilan ng may lumapit sa kaniya at nagbigay ng bulaklak. Nasundan pa iyon hanggang sa maging labintatlo ang rosas na hawak niya.

Naguguluhan na siya sa nangyayari. Halos lahat ng mga mata ng estudiyante ay nasa kaniya. Although a part of her saying na kilala niya ang may pakana ng nangyayari, ayaw pa rin niyang isipin iyon. Baka kasi hindi pala, baka iba at nag-aassume lang siya.

Akala niya ay tapos na pero nagulat siya ng may lumapit na naman sa kaniya. At ngayon ay hindi lang isa kundi tatlong lalaki naman na pawang mga hindi rin niya kilala pero sa tingin niya ay mas bata sa kaniya ang mga ito.

"Pwede po ba kayong sumama sa amin?" tanong ng medyo chubby pero cute naman na guy.

"Don't worry po, hindi kami masasamang bata. Mga cute lang po talaga kami kaya kami ang nautusan." nakangiting saad ng isa na chinito. Nakita 'ata nito sa mukha niya ang pag-aalinlangan.

Napangiti siya sa sinabi nito ganoon na rin dahil wala na itong mata sa pagngiti. Tumango na lang siya tutal naman ay mukhang mga harmless ang mga ito.

Dinala siya ng tatlo sa gym. Kanina pa niya tinatanong ang tatlong lalaki kung ano ang meron pero panay ngiti at like lamang ang nakuha niyang sagot. Lalo siuang napakunot-noo ng makitang maraming tao sa loob ng gym at nagngingitian ang mga ito ng makita siya. Napatingin siya sa stage. 'May program ba sila? Hindi yata niya alam. May banda sigurong tutugtog'.

Nasagot lang ang tanong niya ng umakyat doon si Yudge at lumapit sa microphone. Biglang nag-iba ang pintig ng puso niya nang masilayan ang guwapong mukha nito.

"Hello, mic test..." bungad nito while checking the microphone. "Ahmm,... Hi! Sorry, nagulat ka ba or naguluhan. Ito lang kasi iyong naisip kong paraan. I know sobrang laki ng kasalanan ko sa iyo at hindi sapat ang mga roses na iyan bilanh kabayaran sa pagkakamaling nagawa ko."

Napatingin siya sa mga bulaklak na hawak. Tama nga siya na ito ang may pasimuno. Well, sino pa ba ang magbibigay sa kaniya ng uncommon number of roses?

" Pinagsisisihan ko iyon, I swear. Oo inaamin ko, it was just a dare sa umpisa. Na kailangan mapasagot kita in 3 days time. At iyon nga, I was surprised nang sagutin mo ako unang araw palang. I thought, you just really like me kaya ganoon kabilis. Laki ng tiwala ko sa sarili ko 'no? Ang hindi ko alam, you knew everything about the dare. I know, I' m such a fool na gawin sa iyo ang bagay na iyon. But you know what? Kahit papaano may maganda iyong nagawa. Siguro sa part ko. Dahil sa dare, I learned how to eat bread na ang palaman ay ice cream, natuto akong kumain ng mga street foods, I had the chance na makilala ka, makasama ka, at higit sa lahat dahil doon, you met my father. Ikaw ang naging way para magkaayos kami. I really owe you a lot.

Napayuko siya. Hindi niya alam kung matutuwa o magagalit sa mga sinasabi nito. 'Does he really need to do this? Ang ipangalandakan sa mga estudiyanteng naroroon ang ginawa nito?'

"I am doing this in front of them dahil gusto ko, sa mismong harapan nila ay maipaalam ko kung gaano ka kahalaga sa akin. Kung paano ako nahulog sa isang Aianiell Mortez.

Napaangat ang mukha niya sa sinabi nito. Gusto niyang maniwala sa lahat ng sinasabi nito pero may pagdududa pa rin sa puso niya.

"Alam kong mahirap para sa iyo ang paniwalaan ako lalo na at nag-umpisa lang tayo sa isang katuwaan. But to tell you the truth, ako ang sobrang nasaktan sa ginawa ko. Hindi lamang dahil ang napili kong paglaruan ay iyong babaeng mamahalin ko pala. Kundi dahil na rin sa simula pa lang alam mo na ang totoo. Na maaaring ang lahat nang ipinakita mo sa akin ay walang bahid na katotohanan. Iyong pag-aalala mo, iyong pag-aalaga mo...

'No!' Gusto niyang isigaw dito na sa una lang din ang pagkukunwari niya. At ang lahat ng ipinakita niya ay walang halong pagkukunwari.

"...at ayaw iyong tanggapin ng puso ko." nanatiling magkalapat ang mga mata nila.

Nanlaki ang mga mata niya ng makitang isa-isang nag-akyatan ang mga kabarkada nito sa stage kasunod si Shana. Kinuha ng kaibigan ang gitara, si Ridge ay sa likod ng drums pumuwesto, si Lux sa base at sa electric guitar naman si Kyle.

"Pinakiusapan ko silang gawin ito. Sana, hindi ka magalit kay Shana." nakita niyang ngumiti sa kaniya ang kaibigan. "Para sa iyo ito."

Ilang sandali pa at nag-umpisa nang tumugtog ang mga ito. Ang kaibigan ay nakangiti lang sa kaniya. Ganoon din ang mga kabarkada ni Yudge. Alam niya, base sa nababasa sa mga mata nila, humihingi sila ng kapatawaran. Ngumiti siya bilang sagot sa mga ito.

Nang balingan naman niya si Yudge, hindi na niya nabawi ang mga mata mula rito. Kahit nang maramdamang may gumiya sa kaniya paakyat ng stage, hindi siya nagsalita para kumontra. Basta nakatuon lamang ang mga mata niya sa lalaki habang kumakanta.

'cause it' s you and me

And all other people

With nothing to do

And nothing to prove

And it's you and me,

And all other people

And I don't know why

I can't keep my eyes off of you

What day is it

And in what month

This clock never seemed so alive...

Hindi na niya alam kung kailan natapos ang pagkanta nito. Ang alam lamang niya, she's already in front of him at nakatitig sa mga mata nito.

Napakurap na lang siya ng maramdaman ang paglapat ng mga labi nito sa tungki ng ilong niya at marinig ang pagtili ng mga estudiyanteng naroon.

"Y-yudge." nag-iinit ang mga pisnging saway niya rito.

Kumikislap ang mga matang nakangiti ito sa kaniya.

"I'm sorry, ikaw kasi...malapit mo na akong tunawin sa mga titig mo."

Lalo siyang namula sa sinabi nito. Kokontra sana siya pero inunahan na siya nito.

"Pero mas okay na iyon, kaysa ang patayin ako sa tingin ng family mo. Lalo na iyong kuya at uncles mo." natatawang saad nito.

Itatanong sana niya kung nagpunta ito sa kanila pero inunahan siya nito.

"I went to your house..." at ikinuwento nito ang maging engkuwentro sa pamilya niya.

<<<

"So, ikaw pala si Yudge." matiim ang tingin na saad ng kuya ni Aianiell.

"Opo." hindi siya nagpahalata nang pangangatog ng tuhod.

Paano ba naman, para na rin niyang iginisa ang sarili sa mantika sa pagpunta sa bahay nina Aianiell. Akala niya ay madali lang hindi pala. Kulang na lang kanina ay kumaripas siya ng takbo mg lumabas ang daddy ni Aianiell kasunod ang dalawang tito nito, ganoon din ang kuya nito na pare-parehong matataas na opisyales ng AFP.

Hindi na sana siya tutuloy pero napuna na siya ni Mr. Wilson Mortez at iyon nga, kinausap siya. Nang malaman ang dahilan niya sa pagpunta roon ay agad siyang pinapasok ng mga ito. Kaya hayun siya, parang nasa interrogation room na pinapaamin sa nagawa niyang kasalanan.

"Anak ka ni General Salvido?" seryoso ang mukhangtanong ng isa sa mga tito ni Aianiell na si Lt. Marquez.

"Oho."

"Alam ba ng ama mo ang mga kalokohang pinagagagawa mo?" malumanay na tanong ng Lt. Col. Pero hindi niya mabasa ang emosyon nito. Lalo tuloy siyang kinakabahan.

"Opo, inamin ko rin po sa kaniya" yumuko siya. "At sa totoo lang po, si daddy ang nagsabi sa akin na hindi magiging madali ang pag-ayos sa gusot na ginawa ko."

"Talagang hindi. Pinaglaruan mo ang kapatid ko eh!"

Hindi siya nagsalita. Nakayuko lamang siya. Naiintindihan naman niya ang galit nito.

"Kedjie, hayaan mong makapagpaliwanag ang binatang iyan bago mo gawin ang dapat sa kaniya." mahinahon ngunit may diing wika ng ama nito.

Halip na makahinga ay lalo siyang nakaramdam ng takot. Paano kung hindi magustuhan ng mga ito ang paliwanag niya? Hindi na ba siya papalapitin ng mga ito kay Aianiell? 'No!' sigaw ng isip niya. Hindi siya papayag doon. Kaya kahit sobra ang pagkabog ng dibdib, nilakasan niya ang loob na tumingin sa mga mata ng mga ito at sabihin ang nais niyang sabihin.

"Alam ko po, kagaguhan ang ginawa ko. Isang malaking pagkakamali na si Aianiell ang napili kong paglaruan. Siguro nga po, gago ako dahil sa ginawa ko. Pero sa totoo lang po, kahit papaano ay may part po sa akin na nagpapasalamat na ginawa ko iyon." Nakita niyang kumunot ang noo ng mga ito pero nagpatuloy siya." Kasi, kung hindi ko po iyon ginawa, hindi ko makikilala ang prinsesa ng pamilya ninyo. Hindi ako magkakaroon ng chance na makasama ang isang Aianiell Mortez. At higit po sa lahat, hindi ko siya magagawang mahalin." As he uttered those words, naglahong parang bula ang takot at kabang nasa dibdib niya kani-kanina lang.

" Kung nasaktan ko po siya, pinagsisisihan ko po talaga iyon. Ang totoo po niyan, nasasaktan din ako. Dahil ako po, alam kong mahal ko siya. Pero hindi ko naman po alam kung ganoon din po ba siya sa akin. Ayaw ko pong tanggapin na lahat ng ipinakita niya sa akin ay bahagi lang ng pag-arte. Dahil una palang po, alam na niya ang tungkol sa pustahan namin. Kaya po sana, hayaan ninyo akong makahingi ng tawad kay Aianiell. Na masabi ko po ang totoong nararamdaman ko sa kaniya. At kung hindi man po niya ako patawarin, tatanggapin ko po iyon. Pero hindi pa rin po ako susuko na suyuin siya hanggang sa mapatawad na po niya ako. "


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C12
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン