アプリをダウンロード
83.55% M2M SERIES / Chapter 319: Ang Bastos Sa Kanto I (Part 8)

章 319: Ang Bastos Sa Kanto I (Part 8)

Hindi ko alam ah. Basta ramdam na ramdam ko yung nag uumapaw kong inis kay Chance. Well,wala naman akong magagawa,basta huwag na lang nya akong iinisin pa lalo.

True to his words,hindi nga sya ang uri ng prince charming na mababasa sa mga libro o sa wattpad. Buti alam nya yon sa sarili nya.

Nako,ayaw ko na syang isipin baka maaga akong ma menopause! Pangarap ko pang mag luwal ng sampung supling. Pero medyo kinakabahan nga ako dahil tatlong buwan na akong hindi dinadatnan.

Nagbunga na ba ang nangyari sa amin ni Chance? Pota! Huwag sana.

Pasensya na,ambisyosa lang talaga ako. Hindi maiwasan eh.

Sa tatlong araw na lumipas ay hindi pa din kami masyadong nagpapansinan. Mabuti na lang at hindi mausisa ang tropa,dahil ayoko din naman magkwento. Isipin pa ng mga yon may gusto ako kay Chance.

Isang araw ay sobrang tinopak ako at ayaw kong pumasok. Ayaw na ayaw ko talaga,ayokong makita nila akong ganito.

"Ano bang drama mo at ayaw mong pumasok? Pasalamat ka at pumasok na sa trabaho ang papa mo,kundi mapapagalitan ka nun." nakapamewang na sabi ni Mama. Ako naman ay nakahiga lang at tinatakpan ko ang mukha ko.

"Basta Ma! Maawa naman kayo sa akin. Papapasukin nyo ako ng may dinaramdam? Anong klase kang ina?" ang madrama ko pang sagot. Bigla na lang akong hinampas ni Mama sa hita na ikinagulat ko.

"Hoy Kiji. Pinabayaan ka at sinuportahan naming maging sirena. Huwag kang abusado huh? Titinidurin ko mga mata mo!"

"Mama naman! Hindi mabiro. Sige na,you can leave na." nakangisi kong sabi pero hindi ko pa din pinapakita mukha ko,mula sa mga mata pataas lang ang kita.

"Ano ba talagang problema?"

"Basta Ma! Leave me alone!" ang drama ko pa din. Pinandilatan ako ni Mama ng mga mata na ikinatawa ko.

"Hay! Sana lang hindi ka bagsak kaya ayaw mong pumasok. Sige na,may lakad pa ako. Pag nagutom ka kumain ka na lang. Huwag mong ubusin ang kanin,sinadya kong medyo sunog iyon dahil maganda daw kainin ang tutong. Nakaka kinis daw." ani Mama at lumabas na ng kwarto ko.

Napanganga ako dahil sa mga sinabi nya. Totoo kaya yung sa tutong? Puro tutong na lang kaya kainin ko para kuminis ang mukha ko? Peste kasing mga tigyawat to eh! Kulang na lang sulatan ang mukha ko para maging connect the dots.

Idagdag pa itong nangyari sa akin ngayon. Nakaka dipress,sana pala hindi na ako nagmatakaw kahapon sa chicharon na yon! Mula ngayon mag iingat na ako sa pag kain.

Nag facebook ako ng nag facebook hanggang sa nakaramdam na ako ng gutom. Bumaba na ako at nagsimulang kumain.

Ano na kayang ginagawa nila sa school? Miss ko na si Khaim. Sana miss din nya ako. Kung pagbibigyan ako ng tadhana na maging kami,hindi ko na sya papakawalan pa. Promise yan!

Tapos na akong kumain at nanonood na lang ako ng Showtime ng may sunod sunod na katok ang gumambala sa akin.

"Kiji? Tao po!!"

Potangena! Boses ni Teban! Anong ginagawa ng ulupong na yon dito? Shet talaga!

Agad kong kinuha yung bimpo at itinakip sa mukha ko,I mean ilong at bibig lang ang natatakpan. Pumunta na ako sa pinto at binuksan ito.

Nagulat pa ako na hindi lang si Teban ang nandun. Pati sina Karissa,Aiko,Khaim,Chance at yung babae nya.

Teka? Bakit kasama yung babae?

"Bakit ka absent?" ang tanong ni Teban.

"May ebola ako." sagot ko naman at bigla silang nag atrasan. "Mga baliw. Joke lang! Pasok kayo!"

"Teh bakit may takip ang bibig at ilong mo?" ani Karissa ng makaupo sila lahat sa sofa. Si Chance naman ay katabi ang babae sa may couch. Nainis ako kaya kay Khaim ako bumaling.

Ang gwapo nya talaga! Sana anakan nya ako balang araw. Ngumiti ito kaya kinilig ako ng walang hanggan.

"Nagseselfie ako. Kunwari ninja." ang agad kong palusot.

"Nag cutting kami dahil sayo. Inuto pa namin yung foreman sa may ginagawang building para makatakas." sabi naman ni Karissa.

"So kasalanan ko pa? Dinamay nyo pa si Khaim." nakapamewang kong sabi. Napatingin na naman ako kina Chance. Nagbubulungan sila nung babae. Wow ha? Parang wala sila dito? Parang wala silang kasama.

"No! Its okay. Nag aalala kasi ako sayo kaya sumama ako." nakangiting sabi ni Khaim. And again,oh good lord kinilig ako. Kung may pampers lang ako eh hindi ko na pipigilan ang sarili kong maihi sa kilig.

"How sweet naman--"

"May pagkain ba kayo dito? Nakakagutom!" ang pagputol ni Teban sa sasabihin ko. Ang gago nasa kusina na pala!

"Bahay mo? Bahay mo? Makapag tungkab ka ng kaldero ganun ganon na lang?" ang bara ko kay Teban. Tumawa lang naman ang impakto.

"Bili na lang tayong pancit canton sa labas!" ani Khaim at tumayo na.

"Sama ako. San ba tindahan dito?" tumayo na din sina Karissa at Aiko.

"Sa may labas ng Orchids compound. Yung Habana Store." sagot ko naman at bumaling ulit kina Chance na ngayon ay sa Tv na nakatutok.

"Sama din ako. Bibili akong yosi." ang habol pa ni Teban. Nakalabas na sila at tatlo na lang kaming naiwan dito.

Naupo ako sa sofa at nanonood na lang din ng Tv para mawala ang badtrip ko kay Chance at sa jowa nya.

"Girl,san ang Cr nyo?" ang tanong nung babae. Kaya nilingon ko sya at sinagot.

"Yan lang. Yung pinto sa may kusina." ang turo ko at tumayo na ito.

"Anong drama at may takip ang bibig mo? Nasobrahan ba?" biglang sabi ni Chance ng nasa cr na ang jowa nya.

"Bingi? Nagseselfie nga ako kanina." ani ko at inirapan sya.

"Bakit hindi mo pa tanggalin? Pauso ka na naman."

"Alam mo. Napaka rude mo talaga! Paki mo? Bibig mo ba ito?"

Tumingin na lang ulit ako sa Tv. At ganon na lang ang gulat ko ng matanggal ang bimpo sa bibig ko.

"Tangna?! Hahahahaha! Kaya ka pala nagtatakip ng bibig. Namamaga mukha mo. Mukha kang kabayo,lalo kang pumangit! Hahahahaha!"

Eh kasi naman eh! Sumiksik yung maliit na piraso ng chicharon sa ngipin ko. Ayan! Namaga!

Tiningnan ko ng masama si Chance na naluluha na sa kakatawa,imbis na maawa pinagtawanan pa ako? Walangya talaga!

"Bebs,bakit ka tumatawa?" sabi nung babae na tapos na palang mag cr at tumingin sa akin. "Oh my god!!"

Oh my god ka pa? Baka nakakalimutan nyong nasa pamamahay ko kayo?

"Sakto na siguro tong anim. Busog na tayo dito." dinig kong boses ni Teban. Agad akong pumunta sa kusina para maghanda ng paglulutuan.

Nawala na ako sa mood dahil sa kakatawa ni Teban. Ewan ko ba,dati naman wala akong paki kahit laitin nya ako. Ngayon medyo masakit na.

Nadinig kong tinanong nila si Teban kung bakit naluluha na ito sa kakatawa.

"Oh,magluto na kayo. Sa kwarto lang muna ako." ang pagtawag atensyon ko sa kanila. Halatang nagulat sila ng makita ang mukha ko,but I just don't care anymore. Gusto ko munang mag moment sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto ay natulala na ako. Bakit ba ako nagkakaganito dahil kay Chance? Bakit ba masyado na akong naaapektuhan sa mga ginagawa nya? Feeling ko ang Over acting ko na. Nakakainis,hindi naman ako ganito ka sensitive dati.

Maya maya ay may kumatok. Tumayo ako at binuksan ang pintuan. Si Khaim pala at parang nag aalala sya.

"Hindi ka ba kakain,Kiji? Kumakain na sila oh."

"Busog ako. Katatapos ko lang kumain ng dumating kayo."

"May problema ba? Pwede mong sabihin sa akin. You can trust me." anito at hinawakan ako sa balikat.

"Wala. Masama lang timpla ko dahil sa pamamaga ng mukha ko. Sige na,sabayan mo na silang kumain." ang nakangiti kong sabi. Hindi ko tuloy maiwasang ikumpara sina Chance at Khaim. Kung kasing bait lang ni Khaim si Chance,payapa sana ang lahat.

"Okay." ani Khaim at nagtungo na sa kusina. Bumuntong hininga ako. Hindi ako sanay sa mga drama,hindi ko planong sumunod sa yapak ni Ate Guy.

Hinatid ko lamang sila sa may kanto ng M.H del pilar,at dun na sila sumakay ng trycicle.

Agad din naman akong umuwi dahil ayokong ibalandra sa buong San Miguel ang nangyari sa mukha ko. Saka na ulit ako magpapakita sa madla pag hindi na namamaga ang mukha ko.

Pasalampak akong naupo sa sofa at nag isip ng pwede kong gawin.

Alam ko na! Mag vivideoke na lang ako! Matagal na akong hindi nakakabirit. Kailangan makabirit ako para makalimutan ko mga panget kong naiisip.

At yun na nga,nasa kalagitnaan na ako ng pagbirit ng And Im tellin you ng may kumatok. Inis na pinause ko ang kanta at binuksan ang pintuan para lang magulat sa napagbuksan ko.

"May nakalimutan ka ba?" ang agad kong pagtataray dito. Nakaka high blood. Bakit pa sya bumalik? "Kung magtitrip ka na naman Chance,umuwi ka na. Wala talaga ako sa mood."

"Hindi ako magtitrip,Kiji. At oo,may nakalimutan ako kaya ako bumalik." anito na nakapamulsa pa. Tss! Feeling pogi.

"Ano naman?" taas kilay kong tanong.

"Ikaw. Nakalimutan kita,kaya bumalik ako."

Putaaaa!! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Shet na malagket!


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C319
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン