アプリをダウンロード
31.59% M2M SERIES / Chapter 120: Daniel (Chapter 29)

章 120: Daniel (Chapter 29)

NAPANGANGA ako sa katanungang iyon ni Brad. Although medyo inaasahan ko na ay parang batuta pa rin iyon na humampas sa 'king mukha.

"Tol, I'm so sorry," hingi niya ng paumanhin.

Tinapik niya ang braso ko. Nakatitig lamang ako sa kanya at parang naengkanto pa rin.

Ngumiti siya sa 'kin. "Sorry talaga sa tanong na 'yon, tol," hingi niya ulit ng paumanhin.

Napabuntong-hininga siya at akmang tatayo.

"Brad..." sambit ko sa pangalan niya.

Napalingon siya sa 'kin.

"Paano kung sabihin ko sa 'yong gay nga ako?" medyo nauutal kong tanong.

Kinakabahan talaga ako nang sobra nang mga sandaling 'yon.

Ngumiti siya sa 'kin. "E, paano nga ba kung bakla ka? May masama ba do'n?" sagot naman niya.

Humugot ako nang malalim na hininga. "Oo. Bakla ako," halos pabulong kong sabi sa kanya pero alam kong malinaw niyang narinig iyon.

Tinitigan niya akong mabuti kapagkuwa'y nagsalita, "Alam ko. Noong una pa lang tayong nagkita iba na ang nararamdaman ko para sa 'yo. At saka napansin kong tinigasan ka sa 'kin no'n," tumawa siya, "madalas din kitang nahuhuli na pinagmamasdan ako habang nagtatrabaho sa kubo. At saka alam mo bang gising naman talaga ako no'ng one time nahiga ako rito sa kama mo para magpahinga? Hinayaan lang kita no'n, tol."

Shit! Pinamulahan ako ng mukha sa mga ibinulgar ni Brad. Hiyang-hiya ako sa kanya.

Parang asido na tumapon sa akin ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. Hindi ako makapagsalita.

"Gusto ko lang, tol, na sa 'yo mismo manggaling ang katotohanan. Pero 'yon na nga, matagal ko ng alam na bakla ka. But don't worry, wala naman akong masamang iniisip tungkol sa 'yo. Magkaibigan pa rin tayo," muli niyang sabi kapagkuwa'y ngumiti siya sa akin.

Biglang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na talaga napigilan pa ang mga iyon.

"Bakit, tol?" maang na tanong ni Brad.

Pinahid ko ang mga luha sa aking pisngi. "Salamat, tol, ha. Medyo gumaan lang ang loob ko ngayong may iba nang nakakaalam ng totoong ako. Ang tagal ko na kasing nagtatago, e. Takot ako sa parents ko, tol, lalo na kay tatay. Ayokong ma-disappoint sila sa 'kin," napapahikbi kong turan.

Ngumiti ulit siya sa 'kin. "Gusto ko sanang yakapin ka, tol. Offer ko sa 'yo 'tong shoulder ko para dito ka na umiyak. Kaya lang amoy pawis ako, e," sabi niya.

Napangiti ako. "Gusto ko nga ang amoy ng pawis mo, tol, e. Gustong-gusto ko. Sa totoo lang, una pa lang tayong nagkilala, gusto na kita. Sa 'yo lang ako nagkagusto, tol."

Marami na siyang alam e kaya bakit pa ako magtatago ng totoong nararamdaman ko para sa kanya 'di ba?

Ngumiti lamang siya kapagkuwa'y biglang sumeryoso ang mukha. "Alam ko tol na may gusto ka nga sa 'kin. Hindi naman ako manhid, e."

"Paano mong nalaman, tol?" maang kong tanong sa kanya.

"E, kasi, sinubukan kita tungkol sa mga bakla. Gawa-gawa ko lang naman 'yon, tol. Una, 'yong kumakain tayo. Hindi ko pa agad nabasa ang reaksiyon mo nang time na 'yon. Pero no'ng pangalawa, 'yong sa may gate tayo nag-usap, doon na kita nahalata. Naramdaman kong nagseselos ka, e. Sa totoo lang wala pa talaga akong experience sa mga bakla, tol. Gusto ko lang talaga malaman ang magiging reaksiyon mo kasi sabi nila, karamihan daw sa mga bakla ay nagseselos sa kapwa bakla. At doon ko na-prove kasi pagkatapos tayong nag-usap no'n hindi mo na ako pinapansin. Nagselos ka nga yata talaga or na-turn-off sa mga sinabi kong may mga nakagamit na sa 'king bakla," mahabang rebelasyon ulit ni Brad.

Shit! Kung totoo nga ang mga sinasabi niya ay nagmumukha lang pala akong tanga.

Naniwala pa ako sa sinabi niya noong ibigay na lang sa mga bakla ang katas kaysa i-masturbate lang. Sayang daw 'yon.

"Ang dami mong alam, tol," humihikbi kong sabi at pilit na tumawa.

Sobrang gaan na talaga ng aking pakiramdam nang mga sandaling iyon.

Ang sarap pala talaga sa feeling na nai-express mo sa taong gusto mo ang iyong tunay na nararamdaman.

"Pero, tol. Straight talaga ako, e. Sa babae lang ako nagkakagusto," mayamaya ay malungkot niyang sabi.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Pero expected ko naman 'yon, e. Ayoko rin namang mag-assume na puwedeng maging kami.

Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang, tol. Ang importante sa 'kin nalaman mo. Pero alam ko namang lilipas din ito. Lalo na at forever naman talaga akong magtatago sa mata ng parents ko at sa ibang tao," sabi ko.

Tumabi siya sa 'kin at inakbayan ako. Napapikit ako sa amoy niya. "Salamat, tol, naiintindihan mo ako. Pero..."

Napalingon ako sa kanya. "Pero ano, tol?" tanong ko.

"Puwede mo naman akong tikman anytime, tol. Special ka sa 'kin, e. Hinding-hindi kita pagdadamutan," natatawa niyang tugon.

Bigla kong inilagay sa harap ng pantalon niya ang aking kanang kamay. Nagtitigan kami.

Naging seryoso ang kanyang mukha. Kumabog ang dibdib ko. Halos nahirapan na nga akong huminga. Naramdaman ko kaagad ang natutulog pa niyang pagkalalaki.

"Gusto mo ngayon na, tol?" mayamaya'y tanong niya.

"Okay lang sa 'yo?" Hinimas ko nang tuluyan ang kanyang harapan.

"E, tol. Ang baho ko na yata," sabi niya.

Inilapit ko ang aking mukha sa kanyang leeg. Lalaking-lalaki talaga ang amoy ng pawis niya. Napapikit pa ako. Sunod kong inamoy ang dibdib niya.

"Gaya ng sabi ko sa 'yo, tol. Gustong-gusto ko ang amoy mo," sabi ko sa kanya.

Nagtitigan ulit kami. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Amoy na amoy ko ang napakabango niyang hininga.

Hinintay kong pumalag siya pero kahit nang inilapat ko na ang labi ko sa labi niya ay wala naman siyang pagtutol.

Dahan-dahan kong ginalaw ang aking mga labi. Tinikman ko ang napakapula niyang mga labi.

Hanggang sa kusang bumuka ang bibig niya kaya ipinasok ko ang aking dila sa loob.

Ilang sandali lang ay naging mapusok na ako sa paghalik sa kanya. Hanggang sa tumugon din siya.

Nag-torrid kiss kami. Labi sa labi. Dila sa dila. Laway sa laway. Puta ang sarap ng pakiramdam ko nang mga sandaling iyon.

Habang naghahalikan kami ay patuloy pa rin ako sa paghimas ng kanyang harapan.

Ramdam na ramdam ko na ang pagtigas ng pagkalalaki niya sa loob. Ako rin ay tinitigasan na no'n. Damang-dama ko ang pag-iinit ng kanyang katawan.

Kapwa kami napahingal nang matapos ang nag-aalab na halikang iyon. Titig na titig pa rin kami sa isa't isa.

Nakaramdam ako ng pangangamba na baka hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Baka napilitan lang siya o nahiyang tanggihan ako.

"Ang sarap mo humalik, tol, ah. Parang babae rin," nakangiti niyang sabi.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C120
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン