Hindi ko alam kung paano bumalik ang sigla sa pag-ikot ng bote ng alak sa gitna nila. Umalis man si Daddy dahil may tawag daw sa phone nya. Hindi pa rin nagbago ang mabigat na awra sa pagitan nila. Lance is silent. Kanina pa sya tahimik. Tahimik na tumutungga sa baso nya.
"Paano na kayo ngayon?. Kukunin ko na si Daniel at Joyce dito.. they'll come with me no matter what.." si Lance ito matapos magpakawala ng malakas na buntong hininga. Like. He is so sure that, we'll never be back here. Again.
Tumungga din si Kuya. Tahimik na nilunok ang alak na dumaan sa lalamunan nya. Siguro para sa kanya. Isa iyong patalim na kung lulunok na sya. Sigurado pa sa sigurado na masasaktan sya. At ganun nga ang nababasa ko sa kanya ngayon. He is hurt. Nasasaktan sya sa katotohanan na wala syang ibang choice kundi ang lunukin nalang ang sakit, kahit na masakit.
"Hindi ko din alam.. baka sa Norte na rin ako titira.. kasama ko sila Papa.." paano si Kuya Ryle?. Sa likod ng isip ko ito binulong. Paano na ang pamilya na meron kami kung duon na sya mamamalagi?.
"Ayaw mo ba ritong tumira?. I mean, sa Mama at sa kapatid mo?.At si Ryle?." si Kuya Mark din ito. Sumingit sya. Tumungga din kasi ulit si Lance. Bibilang ako ng sampu. Paniguradong. Malalasing na sya.
"Papasyal nalang siguro ako sa kanila. I want to live independently. Built my own name at aahon. Hahayaan ko na muna ang lahat. Kung oras at panahon man ang kailangan para maiayos ang lahat. I'll let them now.. Pagod na akong kontrahin sila. Pagod na akong pigilan ang dapat..if it's meant for us to be one again as family.. it will happen soon. I know. If it's not too soon.. but definitely, soon."
"Pero Kuya, saan ka titira?. Paano ka magsisimula?." I asked. Not even convinced about him saying that he'll live to North. To where my father is. Kilala ko sya. Magsisimula talaga sya simula sa pinakamababa. At kahit mayroon naman na syang naipundar. Pipiliin pa rin nyang magsimula muli ng iba. Ganun sya kadeterminado na baguhin ang lahat. Lalo na ngayon. The eagerness in him is obvious.
"Bahala na kapatid ko..ang mahalaga.. Ikaw at si Dan-dan.. makaalis lang kayo rito.. mabuhay ng masagana at masaya.. kuntento na ako kahit saan pa ako dalhin ng desisyon ko." nanlabo lalo ang mga mata ko sa narinig. Sabi na nga ba e. Nagsasabi lang sya ng mga bagay to motivate me to leave him behind. Sinasabi nya lang na, masaya sya kapag masaya na ako kahit ang totoo naman ay hinde. He'll definitely cry. Isipin pa si Daniel na minahal na nyang parang kanya. Iiyak yan panigirado. At kung papipiliin lang din ako. Di ko sya iiwan sa ere. Kahit naman aalis kami paabroad. Di ko din naman hahayaan na malugmok sya't mawalan ng gana sa buhay. I won't leave him behind. Never. Ang kaso lang.. hindi naman sigurong masama ang piliing maging masaya muna ako bago na rin ang iba?. I know. This will hurt me. No doubt, he is too. But one thing is for sure. This will teach us grow more. To love more. And to understand things especially the unknown.
Gustuhin ko mang sabihin na hinde. Hinde pwedeng kami lang. Paano nga sya?. Hindi ko matatanggap na, nasa baba lang sya habang kami ay paakyat na. Pinili kong wag nalang magsalita dahil masasaktan ko lamang sya.
Wala ng nangahas na magtanong ulit pagkatapos ng sabing yun ni Kuya. Si Lance ay tumayo na para kargahin si Daniel mula sakin. At ito ang di ko inasahan. "Aalis kami hindi dahil ipagdadamot ko ang kapatid at pamangkin mo sa pamilya mo..lalo na sa'yo. I'm doing this to start a new life with my own family.. wag sanang sumama ang loob nyo."
Ang buong akala ko. Galit na galit sya sa Kuya ko. Siguro kung maaari lang pumatay ng tao gamit ang mata. Kanina pa nakabaon sa lupa si Kuya. Pero dahil impossibleng mangyari yun. Heto pa rin at buhay sya.. Nabuhayan din ako ng nalaman mula sa asawa ko na hindi nya kami pinagdadamot sa iba. Ang akala ko pala ay isang akala lang talaga. Lumawak ang pang-unawa nya. Kahit ginawan sya ng masama. Kahit alam nyang nasaktan ako't nahirapan sa mismong puder ng aking pamilya. Hindi nya pa rin hahayaan na ipagdamot ako sa kanila.
Lalo ko syang minahal dahil dito.
Lumabas si Mommy at sinabing pumasok na sa loob dahil paparating na ang ulan. Naunang pumasok sina Bamby bago kami. Nagpahuli pa ako para alalayan si Kuya na syang naiwan nalang sa inuman.
"Alam ba nila Mama na hindi maayos si Kuya Ryle?." I ask him dahil nacurious na din ako. Umiling sya. "Hinde?. Bakit hindi mo sinabi?. Si Papa alam na ba nya?. What about Denise?." dismayado kong sabi. May tumubo ring galit sa puso ko dahil sa nalaman.
"Kahit naman sabihin ko kay Mama.. lalo lamang syang walang pakialam kay Ryle. Ganun din si Denise. Sinabi nya lang na, sabihan ko lang daw sya if I needed finances for Ryle. Tahimik nalang akong umoo.. anong saysay ng pagkontra diba?. at si Papa?. He knew. Sinabi ko na sa kanya dahil parang sasabog na ang isip ko kapag wala akong napagsabihan na isa.. kaya nga, napagdesisyunan nya na ring bumalik na rin dito for good at ako na ang maiiwan sa Sta Ana para ayusin ang mga dapat ayusin duon para makapagsimula na din ako.."
Ganun ba?. Lihim nalang akong umiling sa nalaman patungkol kila Mama at Denise. Sabi ko nga. Nothing's change. Ano nga bang ayaw nila?. Ano nga bang pinagmamalaki nila?. Ganda?. Kumukupas iyon hindi ba?. Pera?. Hindi ba, mabilis mawala 'yun?. Ano pa nga?. Pride?. Hay naku! Siguro. Ito nga. Kahit itanggi pa ng isang tao na wala syang pride o sungay.. Nalalaman yun sa kung paano sila tumrato ng estranghero. At kahit pa sabihin nilang, hindi sila ganun. Well. It shows.
"Thank you Kuya.." niyakap ko sya ng mahigpit. Kulang pa ito sa lahat ng kanyang mga sakripisyo. Natigil kami sa may sliding door kung saan pagitan na ito ng sala at receiving area ng bahay. "Salamat at di mo ako sinukuan.." nag-init ang gilid ng mata ko. Tiningala ko sya para di iyon tuluyang mahulog.
"Of course lil sis.. ikaw pa.. kahit anong mangyari.. ikaw pa rin ang paborito kong kapatid. Tandaan mo lagi yan.." anya sabay gulo ng buhok ko.
"Parang nagpapaalam ka naman na e. Saan ba punta mo?."
"Tsk.. hindi ako.. ikaw ang mag-aabroad.. milya-milyang layo na ang agwat natin.." pinisil nya ng husto ang pisngi ko. Napakislot tuloy ako.
"Kahit naman gaano kahaba ang layo natin Kuya.. I'll try my best to reach you kahit magkabilang dulo pa ang agwat natin.. may video call naman e. Tsaka.. Di pwedeng mawala ang kontak ko sa'yo. Alam mo na. Si Dan-dan.. hahanapin ka nyan, for sure.."
"Mag-iingat ka duon ha.." niyakap nya ako. He is tipsy. At dala ng kaunting alak na nainom nya. Natamaan na ito. Naging sweet na. Bagay na, minsan nya lang gawin.
"Ikaw din please.. wag hahayaan ang sarili.. tsaka, wag sumuko okay?. Laban lang.."
Eksaktong bumuhos na rin ang malakas na ulan kaya pumanhik na kami sa loob.
Gaya nga ng napag-usapan namin. Kahit nasa malayo na kami. Hinding hindi ko ipaparamdam sa kanya ang malaking pagitan na mayroon sa amin. I'll assure him that.