Pagkatapos maligo. Bumaba ako para kumain ng tanghalian na. Yes. Noontime na ako nagising. Di pa rin maayos ang pakiramdam ko. Kaya nga nagsuot na ako ng jacket kahit medyo mainit na ang panahon.
"Gaano ba kalamig ngayon hijo?." si Manang ang nagtanong nito sakin. Alam kong biro lang naman nito pero parang ang dating sakin ay hindi biro. Napakunot tuloy ang noo ko't di sya nginitian.
"Ay seryoso!.." halakhak nya. Itinaas pa ang kanang kamay sakin para sana makipag-apir kaso wala talaga ako sa mood.
"Wag mo nang pansinin yan Manang. Kaninang umaga pa di maayos pakiramdam nyan.." si mama ang nagsabi ng nararamdaman ko. Naupo nalang kasi ako sa may bar counter at tumitig sa sink na walang gaanong laman.
"Ay kaya pala hindi maipinta ang mukha. Anito kay mama. Tumaas baba ang dalawa nyang kilay nang muling humarap sakin. "Ipagluluto kita ng lugaw.." prisinta pa nya.
"No thanks Manang. Nasan si mama?.." natigilan ito nang pigilan ko sya sa gusto nyang gawin. Dahan dahan nalang nyang binalik sa dating lalagyan ang kaserola saka itinuro ang veranda. Likod lamang ng kusina. "Tawagan ko po ba sya sir?.." anya. Itinuro pa ang labas.
"Wag na po Manang. Salamat nalang." nginitian ko sya. Hindi pilit pero atleast mapagaan lang ang loob nya dahil sa ginawa ko kanina.
Kumuha lang ako ng isang basong tubig atsaka lumabas na sa veranda kung saan may araw na duon. Nadatnan ko si mama na nag-aayos ng mga halaman. Tanghaling tapat tapos yung halaman pa rin hawak nya?. Maayos naman sila ah.
"You sound rude kanina kay Manang Lance.." she said nang maramdaman yata ako. Umupo lang ako sa may duyan na nasa dulo nito. Nakatalikod pa rin sya ngunit alam kong nakaseryoso mukha nya. "Did you apologize to her?.."
"Ma, di ko iyon sinasadya.." paliwanag ko.
"So you mean, kahit sinadya mo yun di ka pa rin hihingi ng sorry?.." humarap na sya sakin. Binitawan ang ginugupitan na halaman.
"Of course I do Ma.. And wala po akong sinabi na ganun.. na-mispret nyo lang po.." tinitigan nya ako ng matagal saka namaywang. Ilang minuto pa muna syang nakatayo habang nasa harapan ko bago naisipang tanggalin ang gloves sa magkabila nyang kamay saka hinila ang upuan na maliit sa tabi ng halaman. Ito yung dating inuupuan nya kanina.
"Sabihin mo nga sakin. Ikaw ba ay may problema ha?.." napainom ako ng tubig kahit di naman nauuhaw. Masyadong diretso kasi ang tanong nya. Wala man lang preno.
"Wala po.."
"Wala." yumuko sya. "Wala kang problema pero alam mo bang dinaig mo pa ang meron?.."
Natigilan ako. Paano nya naman nasabi ito?
"Anong nangyari four years ago?.."
Ako naman ngayon ang napayuko at duon itinago ang malakas na paglunok at pagpapakawala ng malalim na buntong hininga. Di ko inaasahan ang kanyang tanong. Masyadong diretso at di ko alam kung saan hahanap ng sagot o kung saan mag-uumpisa. Kay papa ko lang rin kasi nasabi ang lahat about years ago. Nahihiya akong magsabi sakanya o maging kay kuya Mark. Napanghihinaan ako ng loob lalo na kapag nandyan sa paligid si Bamby.
"Simula nang bumalik ka noon galing dito. Hindi na kita kilala.."
"Ma."
"What?. Pwede ba Lance. Kahit ngayon lang makinig ka naman sakin. Mama mo ako. Ako dapat ang unang nakakaalam kung may nangyayari na bang masama sa inyo o wala. Sa ginagawa mo. Pakiramdam ko, wala na akong halaga sa'yo.."
"Mama, it's not that.."
"Then what?.. Your papa is so silent about what had happened to you. I asked him but he's really determine to not to tell me about you and that girl.."
"Ma, her name is--.."
"I don't care kung sino pa sya at kung anong pangalan nya! Wala syang karapatan na basta ka nalang baguhin ng ganyan.." galit na talaga nyang sambit.
"Wala syang kasalanan dito Ma.." mahina kong paliwanag. Wala nga ba?. I don't know. Di ko na alam. Nalilito na ako.
"Kung wala, then look at you?. Look at yourself! Wala ba syang kasalanan sa'yo?. Ha!? Ha Lance!?.."
Damn it! Galit na galit nya akong tinuro mula ulo hanggang paa.
"Everytime I look at you. All I can see is your pain, your agony. I don't feel you anymore...I feel like you're a stranger to us.." lumipad sa noo nya ang kanan nitong palad. Naglagi ito duon ng ilang minuto na para bang ang laki ng iniisip nya.
Ikaw nga iniisip Lance eh! Ugok! Ikaw pinoproblema nya boy! Nasaan ba isip mo ha?.
"Mama. It's not what you are thinking.."
"Then explain to me everything! Everything Lance!!.."
"Ma, what's going on in here?.." biglang sumulpot ang bulto ni kuya sa may pintuan. Nag-aalala. Tinignan nya ako bago bumaling kay mama. Bumuntong hininga muna si mama bago sya sinagot.
"Nothing. I just need to talk to him Mark. Kailangan ko lang sampalin tong kapatid mo para magising.." tumaas ang isang kilay ni kuya sakin.
"Oh okay!. Akala ko na kung ano.. Sige na Mama. Continue! Slap him hard.." sumuludo pa ang loko bago kami tinalikuran.
Katahimikan ang pumagitan pagkaalis ni kuya. Di ko alam kung paano ba magsalita. Kung anong dapat sabihin o kailangan ipaliwanag. I don't know.
Siguro tama nga si mama. Hindi na ako ito dahil di ko na kilala ang sarili ko. Nawawala ako sa tamang direksyon. At baka nga. Tama rin si kuya. Kailangan ko rin siguromg masampal ng malakas para magising sa lahat.
"Don't think na ginagawa ko ito sa'yo dahil ayoko sa taong pinili mong mahalin. It's not that. What I'm pointing here is that you Lance. Ikaw at hindi kayo.." kung saan saan na ako tumitingin para lang ibsan ang luhang handa nang bumaba. Mama is looking at me intently but I?. Nahihiya akong makipagtitigan sa kanya. Ayokong makita nyang namumuo ang luha sa mata ko. Baka umiyak rin sya.
"Gusto kong maging ikaw ka hijo. Not for other people but for yourself. Maging totoo ka sa sarili mo. Maging totoo ka sa nararamdaman mo. Say what you feel. Tell me if you're are hurt. Seek help if you need us.. You are not alone anak.. Mama is here. And I'm also hurt when you are in pain.." mahinahon na nyang sabi. Puro pagtango nalang rin ang naisasagot ko dahil sa paglandas ng luha saking pisngi. Pinipigilan ng kung anong bagay sa lalamunan ko ang pagsabi ko ng mga gusto kong sabihin. I got her point. Kahit di naman nya sabihin ito ay alam ko at ramdam ko ang presensya nila. It's just that. Ako talaga ang mali. Hindi nga ako ito at parang may nagbago nga sakin. Tumayo sya at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Mula doon ay itinaas nya ang paningin ko dahilan para magpantay ang aming mga mata. Nanlalabo man. Tanaw ko pa rin syang nag-aalala para sakin. "Stop hurting yourself please. Wag mong hayaan na maging iba ka dahil lang sa may nagbago o nawala. Maraming bagay ang darating pa. Let go of things that you can't control. When the right time comes, everything will fall into it's right place. Wag mawalan ng pag-asa sa buhay please. Live anak!.."
"Mama.." parang bata kong tawag sa kanya. Niyakap nya ako at duon ako humagulgol sa balikat nya. Lahat ng sakit, pighati ibinuhos ko kay mama. Lahat ng pagsisisi at panaankit ko sa sarili ko, hinayaan kong pakawalan sa pamamagitan ng ilang baldeng luha.
"That's it. Cry baby.. I know you're still hurt inside kaya ka di makausad.. I'm just here. Your crying shoulders for you to ease your pain in you.."
"Mama.." hinagod nya ang likod ko ng paulit ulit. Wala na akong pakialam kung pagtatawanan ako ni kuya pagkatapos. Atleast, sa paraang ito. Mababawasan ang dala dala ko.
"You need to let go all your tears that are still hiding inside of you Lance. Bukas na ang uwi ng papa at ng Bamblebie mo. Kailangang maging okay ka na.."
"Ho?.." kumalas ako sa yakap nya at pinunasan ang luha ko gamit ang damit ko.
"Ang sabi ko. Bukas andito na papa at kapatid mo. Mamayang gabi na ang flight nila. Tayo ang sasalubong sa kanila.."
"But why?.."
"And why not?.."
"Si Kuya ba?.."
"Ikaw ang nirequest nilang magsundo. You know, not so little Bamblebie?. hahaha.." tinig ito ni kuya. Nakatayo pala sya sa may hamba ng pintuan. Nakasandal sya duon habang nakangiti samin.
Ah! It's Bamblebie's request!
"Namiss ka na raw nya kaya ikaw hinanap. Tampo nga ako eh.."
"Sasama ka naman samin diba?.."
"Of course! Sasama ako para guluhin yang buhok ng kapatid mo. Puro nalang Lance. Si kuya Lance, kuya. Nasaan ang bakla natin kuya?. Naku! Malapit ko nang isipin na baka ako'y ampon, mama..."
"Hahaha.." di ko mapigilan ang matawa.
"Hahahaha.. you're overreacting again Mark!.." tawa rin ni mama.
"Why?. Totoo naman e. Wait!. Anak nyo ba talaga ako ma?. Baka totoong ampob ako ha?.." tunog pagbibiro nito kay mama. Pinunasan ko ang huling luhang nasa gilid ng aking mata saka ko natanaw si kuya na papunta na sa tabi ko at duon maupo.
Pak!
Isang malakas na batok ang ibinigay ni mama sakanya. Hindi sya nagalit. Natawa pa nga. Mali. Humagalpak pala. Crazy!
"Bakit ako binatukan mo Ma?. Diba dapat sya?.." natatawa nitong turo sakin.
Nakatakas na nga ako dun eh. Pinaalala pa! Loko! Tuloy!
Pak!! Pak!!
Nabatukan ako. At sya ulit! Sira! Yan ang napala mo!
"Anak ng! Bakit dalawa ang sa akin?.." reklamo pa nito habang hawak ang sariling batok. Natatawa. Sasamaan ako kunyari ng tingin tapos iiling na natatawa naman. Crazy monk!
"Malamang ikaw nagrequest eh! Gusto mong gawin kong tatlo?.." ngiwi ni mama sa kanya.
"No thanks Ma. hahahaha.." agad nitong iniharang ang dalawa nyang braso kay mama na handa na sana sa pangatlong batok.
"Ikaw! Ikaw! Hindi porket malalaki na kayo, hindi na kayo magasabi sakin ha? Ha?." ginulo nito buhok ni kuya saka hinila rin ang jacket ko. Yung sakto lang naman. Pananakot lang kumbaga.
"Ma, buhok ko naman.." Ani kuya.
"Ma, yung jacket ko naman. di na ako makahinga."
"Mga ulol! Kayo kapag may narinig lang akong mawala ulit sa sarili dahil lang sa babae! Naku! Pag-uuntugin ko na talaga
ulo nyong dalawa..nakuha nyo?."
"Ang alin ma?.." natatawang tanong ni kuya. Kinindatan ako. He's teasing her.. again.
"Ewan sa inyo! Mga letse!.." hayun at nagwalk out na. Napikon agad kay kuya.
Hello po! Heto po. Pambawi ko sa inyo! Hug and kisses!