Alas sais pa lamang ng umaga ay tumunog na ang doorbell. Inaantok kong iminulat ang mata. Sino kayang nasa likod ng pintuan?. Keaga eh.
Tamad ko pang kinamot ang gilid ng kilay habang bumabangon. Inunat ko ang mga kamay bago tumapak sa sahig ng nakapaa. Hindi napapagod ang taong andun ngayon sa labas. Walang tigil sa ingay ang nagrereklamong doorbell.
"Bwiset naman!. Ang aga eh.." hindi ko mapigilan ang magsalita ng masama sa biglaang paggising.
Possible namang si Lance yan?. Ang sabi nya eh. Baka tanghali na sya makapunta dito?. Sino ngayon sya?.
Kinusot ko pa ang mata bago naglakad patungong pintuan. Hindi ko na inayos pa ang buhok na magulo. Ang pajama at damit lang na pares nito ang inayos ko bago pinihit ang saradura pabukas.
"Sandali po.." nauubusan kong sabi. Sa baba pa nakatingin. Sa mga paang sumisilip sa pajamang suot. Kay Lance ito. Sinuot ko na dahil nilabhan ko ang mga dala ko kahapon.
"Good--.." ganun na lamang umawang ang labi ko sa bulto nyang preskong nakatunghay na sa akin. Mukhang kakagaling lang din sa pagsilip sa mukha ko kung kaya't bahagya itong umayos ng tayo nang ako'y tignan sya.
"Hahaha.. good morning.." he smiled beautifully. Itinaas ang magkabilang kamay na may hawak na supot na hindi ko alam ang mga laman.
Tinuro ko sya. "You said--?.." hindi ko na tinapos pa ang sasabihin at mabilis na sinarado ang pintuan. Humagalpak sya ng tawa kasabay nang pagharang nya ng kanyang katawan sa pagitan ng pintuan upang wag tuluyang maisara iyon. "-afternoon Lance?.. hindi pa ako naliligo.." tuloy ko sa sasabihin sana kanina. Dala ng namuong kaba sa aking dibdib. Nataranta ako't nawalan ng kumpyansa sa sarili. Kaharap ko sya't, nakakahiya ang itsura kong walang ligo tapos heto sya't umaalingasaw ang gamit na pabango?. What you do now gurl? Grrrr!.
"I missed you and I want to have my breakfast with you.." he said while he's still in the middle of the door. Tulak ko iyon pero hindi naman malakas. Tama lamang para di nya ako makita.
"But?.." I hang my thoughts up. I should grab this breakfast with him dahil isang linggo na mula ngayon ay aalis na sila.
"But why baby?.." likod ko na ang nakasandal sa likod nang pintuang nakaharang sa pagitan namin. Kagat ko ang dulo ng kuko habang hindi pinagpawisan ang mga palad sa paa.
"No.. sige na.. pumasok ka na... maliligo muna ako.." agad akong umalis nang maramdaman ang paggalaw nya papasok. Amoy na amoy ko ang panglalaki nyang pabango. Nanunuot hanggang sa kaibuturan ko. What if he kiss me not taking a bath?.. Grrr!. Ano ka ba Joyce?. Maligo ka na nga lang!.
"Faster please.. baka lumamig to.." sigaw nya mula kusina. Nasa loob na ako ng banyo. Kinukuskos ang katawan.
Kinse minutos ang lumipas. Natapos ako. Nagpalit ako ng isang puting shorts at lose t-shirt na kulay itim. Tinali ko iyon sa gilid upang maging maiksi at hindi magmukhang dress. Sinuklay ko lamang ang aking buhok saka lumabas.
Nang nasa sala ako. Walang tao. Sumilip ako sa kusina. Wala rin. Nasaan kaya sya?.
Naglakad ako at napadaan sa balcony kung saan nasagip ko ang dalawang bulto. Kilala ko kung kaninong likod yung isa. It's Lance. Matangkad at medyo manipis pero may laman. Ang isa ay, pawang pamilyar pero hindi ko mapangalanan kung sino sya.
"After my exam.. plano ko talagang lumipad at magbakasali sa Australia.." dinig kong malaking boses. Malaki ang balikat nito. Halatang tambay lagi sa gym.
"Stop planning it bro.. try it.. do it.." ani Lance na tinapik pa sa balikat ito. Habang ang kausap ay nasa bakal na harang ang mga kamay. Sa malayo ang tingin.
"Kaso.. di ko maiwan kapatid ko.." natahimik sila pareho. Maging ako. Bakit kuya?. Tanong na sa isip ko nalang naisatinig.
"She's been through a lot and I know wala syang masasandalan.." nakita ko kung paano syang tinapik muli ni Lance sa balikat ng dalawang beses. "Gusto kong iparamdam sa kanya na di sya nag-iisa.. na may kakampi sya't kasangga.."
Bumuntong hininga sya. "Thanks to you.. nasa ligtas syang lugar ngayon.."
"Wala yun.. nangako ako sa inyo diba?.. trust me.. di ko iyon sisirain.." Lance said.
Tinignan sya ni kuya Rozen bago nginitian. Humakbang ako ng isa palapit sa kanila. Dahan dahan para di nila marinig pero sabay na silang pumihit paharap sa akin. Natigilan ako't napahinto sa kalangitan nang paghakbang.
"What are you doing?.." kuya Rozen asked.
"Let's eat.." Ani Lance naman. Sabay nila itong sinabi ni kuya. Nagsalitan pa ang tingin ko sa kanila bago sinungitan si kuya.
."Anong ginagawa mo dito?.." ngumisi lang sya at nag-umpisa nang humakbang papunta sakin matapos ngitian si Lance.
"I am to check on you.." he hugged me nang makalapit na sakin. "Binahay ka na pala eh.. di ko man lang alam.." he teased with his chuckle. Kinurot ko ang tagiliran nya dahilan para mapakislot ito. "Condo ha.. yaman.. hahaha. " tinapik ko ang likod nya nang yakapin ko rin sya.
"I'm sorry kuya.." iyon lang ang nasabi ko sa lahat ng naisip ko. "If you're planning to go outside the country.. go for it.. I'm fine here.." sabi ko sa kanyang dibdib. Doon lang ang abot ko eh. Ginulo nya ang buhok ko habang yakap ako.
"Stop saying sorry okay?.. don't ever think that you're not worthy.. always remember.. you are breathing.. you are pretty blessed.. you still have me.. and Lance.."
"Hmmm... di ko mapigilan minsan eh.."
"I understand.. pero wag mo din pabayaan sarili mo.. to the point na, nawawala na ang respeto mo sa sarili mo.." tumango ako sa dibdib nya. Yakap pa rin. "Alam ko kung saan nanggagaling yang galit mo.. yes, you are angry.. pero sana, wag mong patagalin ang galit dyan sa dibdib mo.. let it go if it's needed.." tumango ulit ako. "It will set you that free.."
"Bro, payakap naman ako.. natetengga na ako dito oh.." tinapik yata ni Lance ang braso nya kanina kaya papa Ito humalakhak at kumalas sa aming yakap.
"Panira ka naman eh.." kuya teased him.
"E, lumalamig na yung pagkain wala pa akong good morning kiss dito.. buti ka pa eh.. may yakap na.." nanunuksong tingin na ang ibinigay sakin ni kuya after he walked out through the kitchen.
"Just on the checks bro please.. and, just a minute also.. gutom na ako!!.." dinig ko ang boses ni kuya mula na nang kusina. Nagbibiruan sila.
Di na sya sinagot pa ni Lance nang hapitin na nya ang baywang ko upang yakapin ng mahigpit. "I really missed you.." anya at sabay patak ng halik sa ulo at noo ko. "Matutulog ako dito mamaya.. I accept no for an answer.."
"But?.." kokontra pa sana ako but he already cut me by his kissed. And take note. It's on my lips!. Agad nag-init ang pisngi ko sa rahan nang paggalaw ng kanyang labi sa akin. Ramdam ko ang pagpipigil at pag-asam na laliman pa ito.
"Guys, I'm hungry.." kung di pa kami tinawag ni kuya. Di pa kami matatapos. Sya ang unang bumitaw. Hinabol ko pa nga ang labi nya nang umalis na ito. Pinagtawanan nya tuloy ako.
He looked at me teasingly. With desire. "Let's continue later.." kindat nya bago ako inalalayan patungong kusina.
Hello!. How's your day?. My apologies for not updating this past few days.. I need to rest because of my health condition.. Hope you guys understand.. hehehe.. thank you and keep safe everyone❣️