アプリをダウンロード
2.48% No More Promises / Chapter 7: Chapter 6: Stare

章 7: Chapter 6: Stare

In a span of days. Naging magulo ang aking puso at isip. Nalilito sa pinapakita nyang mga senyales. Totoo ba iyon o sinasabayan nya lang rin ang bawat galaw ko?. Hindi ako makapag-isip ng tama hanggang graduation namin.

Sa kagustuhan kong bumalik nalang sa dati ang takbo ng isip ko. Iniwasan ko sya. Hindi ako gaanong pumupunta sa kanila. Hindi naman dati. Naging madalas lamang noong bakasyon dahil request ni Bamby. Alam mo na. Besties. Pero after nun. Di na ako sumubok pang pumasyal kahit lagi akong kinukulit. Ang dami nyang sinabi. Namiss nya na raw ako. Wala raw syang kalaro at boring raw sa kanilang bahay. Hindi ako nakinig. Umiral ang isip ko. Hindi ang puso.

"Sige na please.. andito sina Winly at Karen.." heto na naman sya at nagpumilit.

"Okay.. paalam lang ako.." tapos bianba ko na ang telepono. Lumabas ako ng aking silid. Magpapaalam ako kay mommy na duon mag over night sa kanila. Di ko alam. Susunduin daw nila ako para talagang pupunta ako.

Lalabas na sana ako ng marinig ang boses ni mommy na umiiyak. "Peter, wag naman.. paano na kami ng anak mo?.."

"Ang akala ko ba, hahayaan mo na ako?.." boses iyon ni Daddy na nagtitimping wag tumaas. Ipit para di ko marinig. Pero huli na dahil nasa likod na ako ni mommy. Nakaupo si mommy sa sofa. Doon umiiyak. Habang si daddy naman ay nakatayo sa tabi nya. Sa kanya nakatingin.

"Please.. kahit para nalang sa anak natin. Peter, maawa ka.." hinawakan ni mama ang braso nya pero mabilis nya iyong tinanggal. Umatras pa sya ng bahagya palayo sa kanya.

"Mommy?.." nagtataka kong tanong. Nilapitan sya't hinarap silang dalawa. Nakayuko na ngayon si papa. Hindi makatingin sakin. Si mama, naman lihim na pinapalis ang luha sa kanyang mga mata. "Ano pong nangyayari?.." tanong ko sa kanya. Sinubukan kong hawakan si papa pero lumayo sya. Anong nangyayari!?

"Daddy, ano pong nangyayari?.." nanlalabo na ang paninngin kong tinitingala ang mukha nyang iwas pa rin sakin. "Bakit po kayo nag-aaway ni mommy?.." sa wakas nahawakan ko na rin ang kanyang braso. Parang duon lamang sya natauhan at ako'y kanyang tinignan. Umawang ang kanyang labi. May gusto sabihin ngunit itinikom muli ang kanyang bibig.

Nilapitan ko si mommy na tumila na rin sa pag-iyak. "Walang problema anak.. pumasok ka na sa silid mo.." anya sakin. Hinaplos ang buhok kong mahaba. Mugto na ang mga mata nya. Pati ang mukha nyang pulang pula na.

"Mommy..." wala akong ideya sa nagaganap. Hinalikan nya lamang ako sa noo saka pinatalikod. Tinulak pabalik ng silid ko.

Gusto kong tanungin si daddy pero ayaw nyang magsalita. Kanino ako magtatanong ngayon?.

Hindi nagtagal. Dumating ang grupo nila Bamby. Tama nga sya. Kasama nya sina Winly at Karen. Pero ang hindi ko inasahan ay ang driver nila. Busangot ang mukha at di maipinta. Napilitan lang yata.

"Mugto yang mata mo gurl. Umiyak ka ba kanina?.." usisa nitong si Winly na pinagigitnaan nila ako ni Karen. Tuloy, ang imahe ko ay nakikitang buo sa front mirror. Nakita ko ngang mugto iyon. Di ko na napigilan ang maluha kanina. Wala. Naramdaman ko lang na hindi maayos sina mommy at daddy. Ayaw lang nilang aminin sakin.

"Wala. Napuwing lang ako.." pagsisinungaling ko. At sa puntong iyon, nakita kong sinulyapan nya ako. Tumalon ng bahagya ang puso ko pero nanaig pa rin ang kalungkutan.

Sana maayos na ang anumang gusot nila mommy at daddy. Hindi ko yata kaya kapag may nangyari di maganda sa samahan nila. Syempre, damay ako.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C7
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン