アプリをダウンロード
14.92% RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 10: Ang Raffle Tickets!

章 10: Ang Raffle Tickets!

Dollar's POV

Patapos na ang buong linggo.

Biyernes na pero hindi ko pa din nare-remit ang pera na pinagbentahan ng mga tickets kay Euna. Twenty five tickets pa lang ang nabebenta ko kaya bale may natitira pang 15 tickets.

Iyong sampu, naibenta ko agad kay Zilv. Sinasabi ko pa lang sa kanya ay inabutan na agad ako ng pera at sinabihang ipangalan ko na lang sa lahat ng nagtatrabaho sa Al's Billiards. Yaman talaga ni Zilv no. Si Moi naman kailangan ko pang pilitin at kulitin ng sobra. Kuripot din ang tisoy na yun.

Bumili ako ng isang ticket, isa din kay Uncle Al kahit napagbentahan na siya ni Euna. At sa sampu kong kaklase na halos mag-iisang taon ko ng kasama ay dalawa lang ang bumili!

Hindi kuripot ang mga kaklase ko. Talagang hindi lang nila alam kung ano ang mga raffle-raffle chuvalur na yan. Mayayaman kasi sila at walang dahilan para sumali sila sa raffle para manalo ng ref, TV, washing machine at iba pa.

At ngayon nga ay pagala-gala ako sa buong university , naghahanap ng papatol sa mga kaawa-awang raffle tickets.

Hay..! Naiinis na 'ko. Kung hindi ko lang talaga gustong tulungan si Eufrocina.

At ang isa pa nga pa lang kinaiinis ko ay dahil simula Lunes hanggang ngayong araw na 'to ay hindi ko pa nakikita kahit anino ni Unsmiling Prince.

Dalawa lang 'yon: Wala talaga siya sa school o hindi ko lang siya matyempuhan.

Pero sabagay, third year na siya kaya siguro busy lang siya. O kaya naman busy lang siya sa pag-o-organize ng Halloween Party. Patapos na kasi ang October.

Pero dapat nagpakita pa rin siya sakin! Hindi rin ako ambisyosa ng lagay na yan ah. Feeling lang.

Liliko na sana ako sa hallway nang makita ko si Shamari. Tama! Sure ako alam niya kung nasan si Rion.

"Shawarma!"

Tiningnan niya lang ako pero dire-diretso pa din siya sa paglalakad.

"Shawari-wari-wap!"

Huminto siya at hinarap ako.

"How many times will I tell you that my name is Shamari." She said with her no-nonsense look.

"Whatever, Shawari." roll eyes. "Pero nakita mo ba si Rion?"

"No."at tumuloy na siya sa paglalakad.

Sinundan ko siya, syempre makulit ako. Lakad-takbo na ginagawa ko, bilis din niya maglakad, parang laging nagmamadali.

"Imposible yon, 'di ba lagi kayong nagkikita at kasama mo siya sa SSC Office. Sige na sabihin mo na. Gusto ko lang siyang makita."

"Gusto ka ba niyang makita?"

Antipatika talaga 'tong babaeng 'to!

"Oo, feeling ko."

" I don't know where he is. So now, please leave me alone. Dahil kung hindi mo pa alam, inaasikaso ko ang research papers ko. Again!"

Diniinan niya talaga ang salitang 'again' para ipaalala kung ano ang ginawa ko sa mga research niya noong nakaraang linggo.

Hindi pa nga pala ko nagso-sorry sa kanya. Pero nunca na gagawin ko 'yon! Hindi ko naman talaga kasalanan at saka kahit naman humingi ako ng tawad sa kanya ay hindi ibig sabihin noon na magiging friends na kami.

Na-established na talaga ang animosity sa pagitan namin. And I like it! *Evil laugh

"Ok, tatantanan kita but in one condition."

"You don't have the right to give me conditions."

"But I have the left!" Hindi man lang niya tinawanan ang joke ko. Wala talagang puso ang babaeng 'to. Inilabas ko ang mga tickets.

"Bumili ka naman oh."

"No."

"Sige na!"

"Ayoko."

"Sige na po ate pangkain lang!" ginawa ko pang kaawa-awa ang boses ko.

"Ayoko!"

"Sigeeee naaa poooo ateeee! Wala po kasing makain ang mga kapatid ko.. Sige na poooo!"

"Stop that, Viscos!" medyo yamot na si very composed Shamari.

Nagtitinginan na din ang ibang estudyante sa amin. "Here." Inabutan niya 'ko ng 100 peso bill.

"Pero 15 tickets lahat 'to at 50 ang isa kaya bale kulang ka pa ng 650."

Pinandilatan naman niya ko ng mata."No! Two tickets are enough."

"Ok, ok ako na lang ang magsusulat ng name mo dito. Sige na, humayo ka na at magpakabait Shalomi! Tink yu viry mats!"

Nayamot ko na naman si Shamari. Pakiramdam ko two years from now ay magiging best of friends na kami.

Ok, saan ako pupunta? Ah! Sa sanctuary ko! Ang tambayan kong bleachers under the trees near the shore.

Doon ako nagre-review at gumagawa ng assignment bago umuwi. At syempre, hoping na baka mapadaan doon si Unsmiling Prince riding on his magnificent stallion and ready to sweep me off my feet.

Nanulay ako sa bleachers nang makarating ako sa sanctuary ko. Nakarating ako sa favorite spot ko pero hindi muna ako umupo.

I put my hands on my hips in akimbo style and close my eyes.

Hmmmnn....Lamig ng hangin, malapit na kasing magpasko. 5:45pm daw lulubog ang araw sabi sa radyo. It's 5:43 kaya pumikit ulit ako.

Two minutes pa. Gusto kong sunset agad ang makikita ko kapag binuksan ko ang mga mata ko.

120, 119, 118..... 10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1...

"Ok! Open eyes!"

Pero sa halip na kulay ng naglalagablab na apoy na araw ang makita ko... Si... Si ...

"Unsmiling Prince!"

Nakatayo din siya sa bleacher na nasa tapat ko pero kahit mas mababa ang kinatatayuan niya ay halos kapantay ko pa din siya dahil sa tangkad niya. His hands are in his slacks pockets and his eyes focused on me.

Teka.... Baka naman nasampal lang ako ng hangin?

Kumunot ang noo niya and gave me a bored look. Totoo nga!

"H-Hello!" Mahina kong bati sa kanya.

Syet! Hindi ako maka-get-over. Ang gwapo niya lalo with the sunset on his background.

"What are you still doing here?"

"Ha? Baket? May usapan ba tayo?"

May usapan ba kami na hindi ko nalalaman? Hinihintay niya ba 'ko sa ibang lugar dahil may date kami? At hinanap niya 'ko dahil nag-aalala siya na hindi ako sumipot?

"Anong ginagawa mo dito at nanunulay ka sa bleachers. Katatapos lang ng bagyo at madulas ang part na 'to ng University. Don't you know the word accident?"

False alarm. Pero ok na din yon, dahil na-get ko na ang drama ng lolo mo. Nag-aalala siya sa 'kin!

"Don't worry, Unsmiling Prince, accident is my middle name. At wag ka ng mag-alala, mag-iingat ako para sa'yo." And I smiled to him sweetly. Parang ang sarap sunggaban ng yakap ang lalakeng 'to!

"Hindi ako nag-aalala sa 'yo. I just don't want you to spill some blood. Ayoko ng marumi."

Mahinang "ok" lng ang nasabi ko. Pero nakangisi pa din ako. Sus, kunwari pa siya.

"Iyon lang ba ang pinunta mo dito, Unsmiling Prince?"

"Yeah. And please don't call me Unsmiling Prince!"

"Why, Unsmiling Prince? Bakit ayaw mong magpatawag na Unsmiling Prince, Unsmiling Prince? You are my Unsmiling Prince! Karapat-dapat kang tawaging Unsmiling Prince. Ayaw mo ba, Unsmiling Prince?"

He pinched the bridge of his nose as if trying to contain his irritation.

"Ok, hindi na kita tatawaging Unsmiling Prince, pero ngumiti ka muna. C'mon, isa lang!"

Kinapa ko sa bulsa ko ang phone ko, buti na lang nadala ko, lagi ko kasing nakakalimutang dalhin.

Hindi siya ngumingiti. Nakatitig lang sa 'kin nang diretso. Pero dahil may pagkakataon, nakangiti man o hindi, finocus ko sa kanya ang lenses at *Flash*

Hola! May picture na niya ako!

"What the---"

Pero bago ko pa man ma-save ang picture niya ay nakatawid na agad siya sa kinatatayuan kong bleacher at inagaw ang phone ko at may kung anong tina-tap.

"Teka lang! Akina 'yan." Malamang nabura na agad niya ang picture niya.

"Here."

Hinanap ko agad ang kuha niya. "Nasan na? Bakit mo in-erase?"

Nakakainis ha! Minsan na nga lang!

"Why not?"

"Anong why not?! Eh phone ko kaya 'to." Sigaw ko sa kanya, hindi na 'ko natutuwa. Kainis! Hindi pa 'ko pinagbigyan sa kakarampot kong kaligayahan!

"Yeah, phone mo nga pero ako naman ang kinuhanan mo ng picture, against my will."

Hinanap ko ang recycle bin. Ugh! Hindi nga pala 'to computer kaya walang recycle bin!

Nakanguso na talaga 'ko sa inis. Kung hindi ko lang talaga crush 'to, baka kanina ko pa siya nasapak. Pero kung hindi ko din naman siya crush ay hindi ko siya kukuhanan ng picture. Hindi niya ide-delete ang picture niya. At hindi ako maiinis. Hay! Ang gulo ko talaga. Bawi na lang tayo sa susunod, Dollar!

"Don't pout your lips like that."

Napatingala naman ako sa kanya. 'Nong problema neto?

"Eh sa gusto kong mag-pout eh, uhm, uhm." Lalo pa kong nag-pout at lumapit pa lalo sa kanya.

"Para kang...nagpapahalik." Rion whispered and looked away.

Ano daw? Halik? Nagpapahalik? Bumalik sa normal ang nguso ko.

"Anong sabi mo?"

"Nothing."

"Anong halik?"

"Nothing."

"Ano nga?"

"Wala."

"Ah, gusto mo ng halik. Uy si Unsmiling Prince, gusto ng halik. Ok, let's do it step by step. Ano bang una dapat?" at humakbang ako ng isa palapit sa kanya.

Humakbang naman siya paatras. And crossed his arms on his chest

"C'mon, hindi ka dapat bumubulong ng kung ano, mabait naman ako." Patuloy pa din ako sa paghakbang at siya naman ay sa pag-atras.

"Stop that. You're flirting."

O_O

Flirt? Ako?

"H-Hindi ako flirt no?!" feeling ko namumula na ang pisngi ko. Hindi ako flirt! Medyo lang! The nerve of this guy!

"Anong ibig sabihin mo sa ginawa mong 'yan?"

"Anong ginawa? Ikaw naman ang nagpasimula ng halik-halik na yan ah."

Now, it's his turn to get caught off guard. He cleared his throat and "Let's drop the topic, it bores me."

Nakaka-boring? Ang ano? Ang halik thingy? Asar talaga 'to ha. Nakakarami na ang lalakeng 'to! Marunong din akong mapikon no kahit crush ko pa 'to.

"Makauwi na nga." At tinalikuran ko na siya.

Tama na ang moment naming dalawa. May bukas pa este Lunes pala. Pakipot din naman ako minsan.

"Wait."

Tuloy-tuloy lang ako sa panunulay sa bleacher.

"Huwag kang mag-alala, hindi ako magkakalat ng dugo dito." and smiled to him.

"Ok."

Ok. Nainis ako pero natutuwa pa din ako dahil hindi na monosyllabic ang mga sinasabi niya sakin. Marunong ng gumawa ng sentence si Unsmiling Prince! Tama na nga ang kalandian kong 'to, medyo pagabi na at kailangan ko pang ibenta ang mga----

Ang mga raffle tickets!

May biglang kumislap na lightbulb sa utak ko! Tama!

Pumihit ako pabalik kay Rion. Buti na lang hindi pa din siya umaalis. Nakatayo pa din siya doon at nakakunot-noong nakatingin sakin nang makita akong bumalik.

At dahil nagmamadali ako sa pagbalik, nagsala ang isang paa ko sa gilid ng konkretong bleacher!

"Aaaahhhhhhh!"napapikit na lang ako sa takot.

"Shit!" Rion cursed.

...

God! Buhay pa ba 'ko?

Ayokong mumulat ng mata. Baka pagmulat ko, wala na pala ako sa earth. Pero bakit wala akong naramdamang masakit? Di ba masakit kapag bumagsak ka sa ilalim ng bleacher? Kapag pumutok ang ulo mo? Kapag nabalian ka ng buto? Pero bakit ang nararamdaman ko lang ay kasikipan? Na parang hindi ako makahinga? Sinubukan kong magmulat ng mata at tumingala.

And for the second time when I open my eyes, there was Rion. Nang unang beses na pumikit ako, sunset ang inaasahan kong makita. Nang pangalawang beses, heaven or hell naman. Pero sa dalawang beses kong pagpikit na 'yon, si Rion ang nakita ko...

My Unsmiling Prince...

I look up at him. Hindi ko maipaliwanag ang emosyon sa mga mata niya. Neither my emotions right now. So? Hindi ako patay.

At kaya hindi ako makahinga ay dahil hinapit ako ni Unsmiling Prince palapit sa kanya at niyakap nang mahigpit. Na sa sobrang higpit, naririnig ko na rin ang mabilis na tibok ng puso niya. Nag-alala ba siya nang sobra para bumilis ng ganon ang heartbeat niya? O baka tibok ng puso ko ang naririnig ko?

Nilayo niya ako sa kanya pero tinulungan pa din niya akong maging balance ang pagkakatayo bago niya 'ko binitawan.

"That's what I'm talking about blood spill!"

Hindi siya seryoso. Hindi poker face. Galit. Galit si Unsmiling Prince.

"S-Sorry" bulong ko, parang nanlalambot pa din ang tuhod ko dahil sa kaba. "Salamat sa pagliligtas sakin."

Napailing lang siya. "You should be going home by now. Gabi na."Hindi na siya mukhang galit pero parang pagod na pagod lang.

Inilabas ko ang natitirang 13 tickets.

"What are they?"

"Raffle tickets. Gusto ko lang ibenta sa 'yo." Medyo nawala na ang aftershock ko kaya nakuha ko ng ngumiti.

"What? Bumalik ka at muntikan ng mamatay dahil sa mga 'yan? You are really insane!" at kinuha ang wallet sa likod ng slacks niya.

"Oo na, buwis-buhay talaga 'tong pagbebenta kong 'to. Bibili ka ba?" kapal talaga ng mukha ko, pinurwerhisyo ko na nga siya, pinagbentahan ko pa.

"How much?"

"50 po isa."

"Here."

"Ha? Wala ka bang barya sa one thousand?"

"I'll take all the tickets."

"Talaga? Paano kita susuklian? Buo din ang pera ko."

"Saka na lang."

"Ok."

Mental note: Ibalik ang sukli ni Unsmiling Prince. Ok, may dahilan na ko para magpakita sa kanya sa susunod na araw.

"Teka lang ha, papangalanan ko na muna para makuha mo 'yong stubs."

"Sa iba mo na lang ipangalan."

"Ha? Hindi pwede, ikaw ang bumili!"

Style na 'yon ni Zilv.

"Ano nga palang full name mo, email add, phone number, address at class schedule?" Hehe, try lang kung makakalusot.

"I think my name's enough."

"Ah of course, you're enough, your name I mean. Ano nga palang full name mo?" Alam ko naman, gusto ko lang marinig mula sa kanya.

"Marionello Flaviejo."

"Nice meeting you Marionello Flaviejo! I'm Dollar Mariella Viscos!"

Tumango lang siya.

Grabe ang landi ko na naman, parang hindi ako muntikang mamatay kanina ah.

Pinangalanan ko lahat ng raffle tickets habang binabanggit pa ang buong pangalan niya habang nagsusulat. C-in-areer ko talaga ang pagsusulat sa palad ko kahit medyo madilim-dilim na.

Lulubus-lubusin ko na 'to. Apat na araw ko din siyang hindi nakita. Nabawi lang.

"Ayan tapos na." binigay ko sa kanya ang mga stubs. "At dahil nga pala bumili ka ng mga tickets, kailangan mong um-attend sa Ms. Barangay Onse sa fiesta doon. Hindi mo kasi make-claim ang prize mo kapag ikaw ang nabunot kapag hindi ka present."

"It's okay."

"H-Ha? Pero kailangan mong um-attend!"

(O_O)!

"No. Let's go. It's getting dark." At inalalayan niya 'ko sa braso sa pagbaba sa bleacher.

Sayang! May plano na agad ako para sa'min sa Linggo! KJ talaga ni Unsmiling Prince.

Pero ok na din 'to. Ok na ok ang pagkakahawak niya sa braso ko. Pero mas ok sana kung sa kamay niya 'ko hahawakan.

Holding Hands While Walking ba...

^^^^^^^^

Rion's POV

Damn it!

Hindi ko dapat pinapatulan ang kakulitan ng babaeng 'to!

But...

Mukha naman talaga siyang magpapahalik kapag nagpa-pout.I wonder kung ano din ang mararamdaman ng mga lalakeng makakakita sa kanya na naka-pout.

Ugh! No.T his is not me.

Hindi ko dapat iniisip ang mga ganitong bagay at lalo ang paglapit-lapit sa kanya.

Pero hindi ko mapigilang hindi siya lapitan kanina nang makita kong nanunulay siya sa bleacher na parang loka. Lalapitan ko lang sana siya para sawayin pero napahinto ako nang makita ko siyang pumikit paharap sa sunset.

Her face... So serene and calm.

The innocence is very visible. And when she opened her eyes, there was again the spark of naughtiness beaming all over her. And her pouting lips...

Damn!

Pero parang gusto kong ibigay ang lahat ng picture ko para mawala lang ang pagtatampo niya nang i-delete ko ang picture sa phone niya.

At hindi ko maipaliwanag ang naramdamang kaba nang makitang mahuhulog siya sa bleacher.

And the warmth of her soft little body pressed against mine...

This is bad! Big time!

Hindi ako dapat nakakaramdam ng ganitong mga emosyon. I was trained not to feel emotions. Makakasagabal ang nararamdaman ko sa lahat ng ginagawa ko. Because I believe that if I let my emotions stir me, I will be dead by tomorrow.

"Pwede mo na akong bitawan, Unsmiling Prince. Huwag mo namang ipahalata na crush mo na din ako. Hahahaha!"

I let go of her arm. Yeah, bakit ko nga ba kailangang alalayan pa siya gayong kanina pa kaming nasa patag at sementadong daan? Lumaki tuloy agad ang ulo ng babaeng 'to.

"Go home now."

"Ok, sinabi mo eh." At nagsimula siyang maglakad nang paatras nang hindi humihiwalay ng tingin sakin habang nakangiti pa.

I really admire her guts. Walang habas kung magpa-cute.

"Watch out!" Tawag ko sa kanya nang makitang mababangga siya sa puno.

"Uy muntikan na 'yon ah. You are really my hero, Unsmiling Prince! Byiiieee!" she waved her hands, smiled and went away.

Napailing ako.

Innocent. Naughty. Careless.

That's the last three things on earth that I will add up to my life...


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C10
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン