アプリをダウンロード
69.97% Ms. Hoodie / Chapter 324: Kabanata 324

章 324: Kabanata 324

Kababa lang nila Kelly ng kotse sa parking lot ng restaurant kung saan nag tungo sila Kian at Flin.

"Bilisan natin mga kuys baka wala na tayo maabutan." Ang excited na sambit ni Kelly.

"Chill babysis, maaga pa naman at sure akong nakain pa ang mga yon."Ang sabi naman ni Keith.

"Ehhh…bilisan na natin."

"Sya sige mag dahan-dahan ka baka nakakalimutan mo buntis ka." Ang sabi naman ni Kevin.

"Um."

At habang naglalakad na pansin ni Kelly na palabas na ang kuya Kian nila.

"Si kuya Kian ba yon?" Aniya.

At napatingin naman sila Keith at Kevin "hmm? Ba oo nga sya yon." Anila.

"Eh? Bakit sya lang? At bakit ang bilis aalis na ba sya?"

"Ewan ko pero mag tago tayo bilis bago pa tayo makita." Ang sabi ni Kevin at dali-dali naman silang nag tago sa likod ng isang kotse.

"Kian!" Ang pahabol na sambit ni Flin.

Napalingon naman itong si Kian at yung tatlo naman ay natulala habang nagtatago at pare-parehas ang kanilang reaction "wow…kamukha sya ni kuya Kian."

"Do you need something?" Ang sambit ni Kian.

"Ahm…sorry sa inasal ko kanina sayo." Ang sagot ni Flin at nagtataka naman yung tatlo nila Kelly kung bakit parang may mali sa usapan nung dalawa.

"Nag aaway ba sila? Nag eenglish kasi si kuya Kian." Ang pabulong na sambit ni Kelly.

"Shhh…wag kang maingay bunso." Ang sabi ni Kevin.

"Pero grabe talagang nasa lahi natin ang magandang lahi ano at baby face. Mukhang teenager lang si kuya Flin. Para lang syang kasing edad ni kuya Kian." Ang pabulong rin na sambit ni Keith.

"32 palang naman si kuya Kian at 36 ata yang si kuya Flin."

"Really kuya? Mukhang mas matanda pa si kuya Keith kay kuya Flin."

"Hoy! Grabe ka sakin ha."

"Talaga naman kuya puro ka kasi gym mukha ka nang Manong."

"Ano?!"

"Shhh…wag kayo maingay hindi ko marinig ang pinag uusapan nila."

"Si Kelly kasi."

"Bleeh…"

"Shhh…"

At habang nakikinig yung tatlo hindi nila namalayan na nadikitan na nila yung kotse kaya nag alarm ito bigla.

"Ay kabayo!" Ang sabay na sambit nung tatlo sa gulat nila kaya naka agaw atensyon aman ang alarm na yon dun sa dalawa. Kaya dali-daling lumipat sa isang kotse sila Kelly.

"Kelly naman kasi ang likod mo." Ang sabi ni Keith na para bang naiinis na.

"Anong ako? Ikaw nga yung usod ng usod dyan eh."

"Ang ingay nyo naman ayan papalapit na sila dine." Ang sabi naman ni Kevin at pandalas na silang lumipat uli ng likod ng sasakyan na pag tataguan nila at sa sobrang kaba nila hindi na nila na malayan na nag hiwalay yung dalawa.

"Eh? Nasan na sila kuya?" Ang sabi ni Kevin .

"Sino kayo?" Ang bungad ni Flin.

"Ay kalabaw!" Ang pagulat na sambit nung tatlo.

"Kevin? Keith? at kasama nyo rin si Kelly? Anong ibigsabihin nito?" Ang sambit ni Kian.

"Kilala mo sila?" Ani Flin.

"Um. Mga kapatid ko sila…I mean kapatid natin."

"He—Hello…" Ang nauutal na sambit nung tatlo.

"Ohhh…hi, nice t meet you guys."

"Kuya!!!!" Ang excited na sambit ni Kelly at niyakap niya si Flin na kinagulat naman nito.

"Ah…eh…"

N apa facepalm naman si Kian at hinigit si Kelly "babysis, kalma nakakahiya."

"No, it's okay actually gusto ko na rin talaga kayo mameet lalong lalo ka na Kelly, right?"

"Um. My name is Kelly Ann Marie Dela Cruz Santos."

"Ohh…So, you're married?"

"Opo."

"Ang galing naman lahat ba kayo kasal na?"

"Ah…hindi pa si Kevin at Kim hindi pa sila kinakasal pero may mga fiancé na sila." Ang sabi ni Kian.

"Eh? Si kuya Kim may fiancé na kuya?" Ang nag tatakang sambit ni Kelly.

"Ha…Ha…ha…wag ka na ngang lang umano dyan." Ang pabulong na sambit ni Kian.

"Ay, sarehhh…"

"Anyways, meet Kevin and Keith..."

At nag pakilala ang mga ito kay Flin "wow…kamukhang kamukha niyo si kuya." Ang sabi ni Kevin.

"Ahhh...kahit ako na gulat rin actually hindi ko pa kayo nakikita kahit sa picture."

"No worries ganun rin naman kami sayo." Ang sabi naman ni Keith pero siniko sya ni Kian dahil parang hindi appropriate ang sinabi nito.

"Ha…Ha…Ha…ang ibigsabihin nya hindi ka pa rin kasi nila nakikita sa picture sa akin lang kasi sinend ni Julian yung pic mo." Ang palusot na sinabi ni Kian at pinandilatan nya ng mata si Keith ng palihim.

"Ahhh… I see."

"Anyways, aalis na kami pasensya na sa abala hindi ko rin kasi alam na pupunta sila dito." At bumulong pa sya dun sa tatlo "mag uusap tayo sa bahay mamaya."

"Pwede ba kong sumama sa inyo?" Ang sabi ni Flin at na gulat yung apat sa sinabi nya.

"Eh?"

"Kung ayos lang sana?"

"Yes kuya welcome na welcome ka po sa bahay namin. May sasakyan ka po bang dala? Kung wala sumabay ka na po samin." Ang giliw na giliw na sambit ni Kelly.

"Ah…hindi na may sasakyan akong dala."

"Ohh…nasan?"

At tinuro nya yung sportscar na kulay black na isang lamborgini.

"Wow!!!" Ang reaction nung apat lalo na ni Kelly.

"Ahm… paano? Susunod nalang ako sa inyo?"

"Ha? O—Opo." Anila.

"Pero parang mas okay kung may kasabay si kuya Flin para hindi sya mahirapan." Ang sabi ni Kian.

"Pero kuya hindi ba at may dala ka ring sasakyan papunta dine?" Ang sabi ni Kevin.

"Oo meron marunong ka naman mag drive kaya ikaw na ang mag uwi."

"Ha? Pero…gusto ko rin sumakay sa sportscar." Ang biglang hinang sambit ni Kevin.

"Sige na sumakay na kayo para makauwi na tayo."

"Ahm…hindi kuya ako nalang sasabay kay kuya Flin ikaw na mag drive ng kotse mo hindi ba ayaw mong may gumagamit ng iba nyan kasi bago?" Ang sabi naman ni Keith na may pag himas pa doon sa kotse ni Flin.

"Haysss…epal talaga ang isang ito." Ang sabi ni Kian sa isip-isip nya.

"Hindi ako nalang para fair." Ang sabi ni Kellyat nagulat naman ang mga kuya nya maliban kay Flin.

"No, ako nalang sige sumabay ka na kila Keith at Kevin ikaw ang mag drive ng kotse ko."

"Hindi kuya ako nalang talaga." Ang sabi naman ni Keith.

"Pero gusto ko rin ako nalang." Ang sabi naman ni Kevin.

At habang nag uusap-usap yung tatlo sinenyasan ni Kelly si Flin at nag usap sila malayo dun sa tatlo "pagpasensyahan nyo na po sila medyo mga addict po kasi ang mga yan sa sasakyan."

"Ohh..ganun pala pero ang totoo nyan hindi naman talaga sakin yan sa boss ko."

"Eh?"

"Oo at iuuwi ko na dapat yang sasakyan pero okay lang naman na sakyan ko muna papunta sa inyo."

"Sigurado po kayo? Hindi po ba mali na itakas nyo? Baka masisante po kayo. Kung ganito nalang po kaya tumawag kayo sa isa niyong ka workmate tapos siya nalang pag hatirin nyo ng kotse ng boss nyo tapos sumabay nalang kayo samin. Para safe po na hindi kayo matatanggal sa work nyo."

Napangiti naman si Flin "no, its okay naman wag kang mag alala close naman akko sa Chairman."

"Ohhh… ganon naman po pala."

"Gusto mong sumakay?"

"Okay lang po ba? Pero sila kuya kasi nag tatalo pa eh."

"Kung ayos lang sayo ikaw nalang sumabay sakin tapos sabihin nalang natin sa kanila na sumunod nalang."

"Ah…pwede naman po pumuslit po tayo para hindi na sila mag away sa kung sino ang sasabay sa inyo."

"Okay lets go."

At dahan-dahan nga yung dalawang sumakay ng kotse at ang hindi alam ni Kelly nakita sya ni Mr. Sensen na may kasamang ibang lalaki at sumakay pa sa kotse nito.

"Chairman!!!" Ang sabi ni Mr. Sensen kay Patrick na nasa loob ng kotse.

"Oh? Ang bilis mo namang mag take out? Kalalabas mo palang ng kotse andine ka na agad?"

"Eh…kasi po nakita ko si Madam."

"Si Kelly?"

"Opo."

Nag palinga linga naman si Patrick pero wala syang nakitang Kelly "nasan?"

"Sumakay po sa isang sportscar."

"Hoy! Baka naman eh ikaw ay na duduling na ng gutom? Kung sino-sino nalang ang nakikita mo? Paano naman magiging si Kelly yon eh nasa bahay lang yon at ayaw nya ngang lumabas ng bahay lately."

"Pero Chairman, si Madam po talaga ang nakita ng dalawang mata ko at hindi naman po ako gutom pa."

"Pero nasan?"

"Ayan po oh, palis na yung kotse."

"Yan ba?"

"Opo yang itim na lamborgini ang angas po di ba?"

"Bilis!"

"Ho?"

"Ano pang hininhintay mo dyan? Sumakay ka na at mag drive susundan natin."

"Po? Susundan natin?"

"Oo nga! Kung nakita mo nga si Kelly na sumakay doon sa kotseng yon kailangan nating sundan."

"O—Okay po."

"Double time!"

"O—Opo eto nga."

Samantala kasunod rin naman nila Kelly ang iba pa nyang mga kuya "see, sabi ko naman sa inyo susunod rin po ang mag yon agad." Ang sambit ni Kelly na palingon lingon sa loob g kotse.

"Kamusta naman kayo?"

"Hmm? Kami po? Okay naman po kami kayo po?"

"Ayos lang matagal na kong independent simula nung nawala si Helena."

"Ay, opo sorry po ah."

"Hmm? Bakit ka nag so—sorry?"

"Kasi po hindi ka po namin na samahan nung nawala si ate Helena sayang nga po ni hindi ko man lang po sya nakita."

"Kung nasan man sya ngayon masaya na sya siguro kasi nakita ko na kayo."

"Talaga po? Paano naman po kayo nakasigurado?"

"Ahhh…siguro hindi mo alam pero nakita na namin kayo ni Helena nung mga bata pa kayo at tuwang tuwa sya sayo kasi nalaman nyang may kapatid pala syang babae."

"Talaga po?"'

"Um. Kaso nga lang wala kaming lakas ng loob na lapitan kayo."

"Pero bakit po?"

"Nahihiya kasi kami eh lalo na kay tita Keilla."

"Kay Mama? Pero mabait po si Mama sya nga po ang nag push kila kuya Kian na makipag ayos na kila kuya Julian kaso…"

"Kaso ang problema si Julio?"

"Opo eh para po kasing ang laki ng galit nya samin."

"Alam mo hindi ko rin naman sya masisisi kasi simula pag ka bata hindi naman na nila na kasama si daddy."

"Opo nga eh kung pwede lang sana ibalik ang panahon ako na po mismo ang mag babalik nito para kay kuya Julio."

"Alam mo mabait ka."

"Ah…eh… nako hindi naman po malakas rin po ang toyo ko minsan. Hehe…"

"Para ka palang si daddy eh at sa tingin ko ikaw talaga ang kamukha nya sating siyam na magkakapatid. Sayang lang at wala na si Helena."

"Sorry kuya."

"I said no need to say sorry I'm okay."

"I feel sorry lang po kasi madami po kayong pinagdaanan buti nga po nandito kayo sa Manila ngayon eh sabi kasi ni kuya Julian nasa Palawan daw po kayo."

"Ahh… oo dun na ko naka base pero for the meantime dito na muna nililigawan ko kasi ang nanay ng anak ko."

"Hmm? May anak ka na po?"

"Nito ko lang din nalaman hindi kasi ako aware di ko pa kasi feel na magkaroon ng pamilya I just enjoying my life."

"Ah…Ha…Ha… ganun po ba para po pala kayong si kuya Kian nagkaroon rin sya ng anak at di niya agad yun nalaman."

"I think na mana namin ang bertud ni daddy. You think?"

"He…he… mukha nga po kasi pati si kuya Keith po eh ganun."

"Ohhh… wait, kamusta naman ang tatay ng magiging anak mo? Sabihin mo sakin kapag sinaktan ka lagot sya sakin."

"Ehe…okay naman po actally kabaliktaran nga po sabi nga nila under po sakin si Patrick."

"Ohhh…mabuti kung ganon wag kang papaapi Dela Cruz ata tayo."

"Yeah!!!"

Samantala sinamid at nakaramdam ng lamig si Patrick.

"Chairman are you okay? Mukhang inuubo kayo."

"No, I'm fine bila lang akong na samid at nilamig."

"Gusto nyo po bang isara ko ang aircon?"

"Oo sige ayoko namang mag sakit."

"Sa tingin ko po may naka alala sa inyo o baka may sumusumpa sa inyo."

"Ano?!"

"Ah… Eh… minsan po kasi ganun ao kapag nakain o nainum o kahit wala po akong ginagawa bigla akong nasasamid gaya nyo."

"Ewan, dami mong alam bilisan mo baka mawala sila sa paningin mo." At napansin ni Patrick na yung dinadaanan nila ay papunta sa bahay ng mga Dela Cruz. "Teka nga, tama ba ang daang tinatahak mo? Pa uwi na ito samin ah."

"Ahhh…opo nga ngayon ko lang din na pansin."


クリエイターの想い
lyniar lyniar

Ano sa tingin niyo magagalit kaya si Patrick kay Kelly? Hmmm... okay next chapter na... (ง^︠.^︡)ง

Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C324
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン