Nakarating na sila Patrick at Dave sa mall,
"Hey!!! Dito mga pre." Ang bungad ni Harvey na nasa isang cafè.
"Si Harvey lang? Akala ko ba may... Sandali nga lang! Hindi talaga ito isang blind date ano?!" Ang pagalit na sambit ni Patrick.
"Ah... A— Ano kasi Dude."
"Pre!!!" Ang sigaw naman ni Vince na kararating lang kasama sila Kelly at Jacob.
"Bakit kasama nila yung pamangkin ni master?" Ang pabulong bulong na sambit ni Dave.
"Dave anong ibig sabihin nito? Bakit kasama ni Vince si Kelly? Pati si Jacob?"
"Ah... eh... hindi ko din alam kung bakit kasama yung bata alam ko si Master lang dapat eh."
Habang papalapit naman sila Vince "Sabi na! Ayokong lumapit sa mga yon Jacob uuwi na tayo!!!"
Hinila naman ni Vince si Kelly "Pis, sandali lang naman ito ayaw mo bang makausap si Patrick?"
"Tumigil ka na! Jacob halika na."
Pero ayaw sumama ni Jacob kay Kelly "Jacob? Ano? Bakit ayaw mong gumalaw dyan?"
"Klurgghhhhh...."
"Mukhang gutom na sya pakainin mo naman muna yung bata."
"Heh!"
Kelly bends her knee to talk to Jacob "Baby, ibibili nalang kita ng foods sa labas tapos mag take out nalang tayo para makauwi na tayo."
"Pero tita..."
Nagulat naman si Kelly ng biglang dumating si Patrick at hinawakan ang mga braso ni Jacob na para bang he wanted the kid to be happy "Gusto mo ng fried chicken?"
"Opo."
"What about fries and icecream?"
Ang saya ni Jacob bigla "Opo gusto ko po yun si tita Kelly din po yun ang favorite eh."
Napatingin naman si Patrick kay Kelly "I know."
Pero umiwas si Kelly ng tingin at tinanggal ang kamay ni Patrick sa braso ni Jacob "Baby, ibibili nalang kita tapos uuwi na tayo."
"Pero tita Kelly sabi niyo maglalaro din po tayo."
Kelly approached Jacob "Oo baby pero naisip ko na mas okay kung satin nalang para kalaro din natin sila daddy mo."
"No!"
Nag pumiglas si Jacob at lumapit kay Patrick "I want tito Patrick to buy me food and play with me too."
"Jacob!!!" Galit na si Kelly kaya nilapitan na sya ni Vince at hinawakan si Jacob.
"Kumalma ka nga! Nakakahiya ang dami ng taong nakaka kita sa inyo. Baka akala nila nilalayo mo ang anak mo sa daddy niya."
"What? What the heck are you talking? Gusto mong masapak?"
"Ang akin lang kasi para kasi kayong magulang ni Jacob tingnan mo nagkataong parehas pa kayo ng damit ni Patrick."
At noon nga lang napansin ni Kelly na parehas sila ng damit ni Patrick at kulay pink lang yung sakaniya "What? Paanong..."
"Just this day lang hayaan mo ng makabawi ako kahit kay Jacob man lang. Bago ka mag react ng kung ano diyan hindi ko alam ang mga binabalak nila Dave." Biglang tungo naman yung tatlo nila Vince, Dave at Harvey.
"Dumating ako dito ng walang ka alam-alam na kasama ka rin pala ni Vince at higit sa lahat hindi ko rin sinasadyang maka pareha ka ng hoodie dahil ang alam ko may blind date lang kami dito."
Napatingin ng masama si Kelly kila Vince "Bli— Blind date? Huh! Ibang klase talaga!"
"So— Sorry na pis...." Ang pag makaka aawang sambit ni Vince at lumuhod pa ito.
"Oo nga sorry rin dude." Ang sambit naman ni Dave at lumuhod din sa harapan ni Patrick.
"Harvey!!!" Ang pa bulong na sambit naman ni Dave at lumuhod na rin si Harvey ng dali-dali sa harapan naman ni Jacob.
"Sorry?" Aniya.
"Po?" Ang tugon ni Jacob.
Marami ng nakakapansin sa kanila kaya pinatayo na sila nung dalawa "Tumayo na nga kayo! Nakakahiya!" Anila.
Nagkatinginan naman yung dalawa ni Kelly at Patrick dahil parehas sila ng sinabi "Ahem... okay fine pagkatapos kumain uuwi na kami ni Jacob at hanggang dun lang yon." Ang sabi ni Kelly.
"Pero gusto pang maglaro nung bata." Ang sabi ni Patrick.
Napatingin naman si Kelly sa nakakaawang mukha ni Jacob "Hayssss... Sige na pero 30minutes lang."
Tuwang tuwa naman si Jacob "Alright tara na po." Hinawakan niya yung kamay ni Patrick at Kelly at pumagitna siya.
"Ba— Baby pwede bang bitawan mo na ang kamay niya? Hindi kasi magandang tignan sa ating tatlo."
"Bakit naman po? Ang ganda bga po eh parang ako talaga yung anak niyo. Hehe..."
"Jacob!!!"
Nagkatinginan naman yung dalawa at namula ang mga mukha nila "Ang cute nilang tignan buti nalang pala at naisama namin si Jacob." Ang sambit ni Vince habang nasa likuran sila nung tatlo.
"Oo nga mas napadali ang misyon natin." Ang sagot ni Harvey.
Dave sighed "Akala ko di na natin mapag uusap yung dalawa eh."
"Kaya nga buti nalang at may Jacob." Ang tugon nung dalawa at saktong lumingon si Jacob sa kanila at kumindat.
"Ha... Ha... nakita niyo yon? Mukhang nakiki ride on si Jacob sa mga pinaplano natin." Ang sabi ni Harvey.
"Oo nga kahit kailan talaga maasahan yang batang yan." Ang sabi ni Vince.
"Ngayon simulan na natin ang part 2 ng misyon natin." Ang sabi ni Dave.
"Yeah..."
"Hoy! Bilisan niyo nga diyan." Ang sabi ni Kelly.
"Oo andiyan na." Anila.
Habang naglalakad naman sila Kelly pa sulyap-sulyap yung dalawa sa isa't isa "Tito Patrick pwede po bang kumain tayo sa merong pizza?"
Nagkatinginan sila Kelly at Patrick at sabay ng nag kaiwasan rin naman "O— Oo sige kahit san mo gusto."
"Pero di po ako magaling sa pag pili eh."
"Edi yung tita Kelly mo nalang magaling yang pumili."
"Kaya nga ako ang pinili niyan eh." Ang pabulong na dagdag pa ni Patrick.
"Ano po yun?"
"Ha? Wa— Wala..."
"Tita Kelly san mo po gusto kumain?"
"Ha? Kahit san baby hindi naman ako mapiling tao kaso hindi naman ako pinipili."
"Po?"
"Wa— Wala... hayaan mo na ang tito Patrick mo ang pumili tutal sya naman yung mas magaling diyan."
"Talaga po? Pero sabi niya kayo daw magaling."
"Nako! Hindi baby sya talaga ang magaling pumili kasi kahit nga may napili na sya humanap pa ng iba."
"Nang iba po?"
"Huh! Nako baby wag kang maniwala sa tita Kelly mo sya talaga ang magaling pumili mas pinili niya kasing umiwas kesa harapin yung realidad."
"Po? Realidad? Pagkain pa rin po ba ang pinag usapan natin dito?"
"Hinde!" Anila.
"Ga— Galit po ba kayo?"
Sumingit naman na sa usapan yung tatlong luko "Ha... Ha... hindi sila galit baby sa katunayan nga close na close sila eh hindi sila kailanman mag aaway." Ang sabi ni Vince at tinulak nung dalawa ni Harvey at Dave sila Kelly at Patrick.
"See, close na close sila."
Pangiti ngiti naman yung dalawa at pag talikod ni Jacob tinulak ni Kelly si Patrick "Lumayo ka nga!"
"Huh! As if naman gusto kitang katabi!"
Lumingon naman ulit si Jacob "Tita Ke..."
Pandalas namang tinulak ulit nung dalawa ni Dave at Harvey yung KelRick "Ha... Ha... Ano yon baby?"
"Ayos lang po ba kayo?"
"O— Oo naman bakit naman hindi di ba Patrick?" Niyapakan ni Kelly ang paa ni Patrick.
"Ahhhh...."
"Tito Patrick? Are you okay?"
Pinandilatan ng mata ni Kelly si Patrick at bumulong "Umayos ka!"
"Tsk...."
Inakbayan naman ni Patrick si Kelly at sinabing "Okay lang ako baby."
"Sige po gusto ko lang po sanang sabihin na sa greenwich nalang po tayo kumain kung ayos lang."
Ang higpit ng pagkakaakbay ni Patrick sa nag pupumiglas na si Kelly "Oo naman kahit san mo gusto."
"Okay po. Tito Vince tara na."
"Oo sige." Itinaas ni Vince yung kilay niya at sumenyas dun kila Harvey at Dave na para bang sinasabing "Well done mga pre."