アプリをダウンロード
48.59% Ms. Hoodie / Chapter 225: Kabanata 225

章 225: Kabanata 225

"Kelly?"

"Kuya?"

Bineltukan ni Kevin si Kelly habang binubuksan niya ang gate ng kanilang bahay "Ano ba ang iniisip mo diyan? Andito na tayo satin nakatulala ka pa di'yan."

Nag palinga linga si Kelly "Eh? Sorry kuya di ko na pansin sige mauna na akong pumasok may gagawin pa kasi ako."

At iniwanan na nga ni Kelly si Kevin sa labas "Hoy!!! Tingnan mo ang bata ng ire matapos kong pag buksan ng Faye iniwanan lang ako?"

"Sino ang kausap mo?"

Nagulat si Kevin nung biglang sumulpot so Ethan "Ay kabayo!"

"Ang gwapo ko namang kabayo."

"Heh! Ano bang ginagawa mo dine? Ay napapasyal ka ata."

"Wala naman napadaan lang ako sa malapit kaya naisip ko na ring dumalaw sa inyo. Sino nga palang kausap mo?"

"Si Kellang iniwan kasi ako dine. Anyways, ano papasok ka ba?"

"Oo naman pakapehin mo naman ako."

"Tsss..."

"Nga pala, may fieldtrip ang DLRU kasama ba si Kelly?"

"Tungkol diyan nga ang pag uusapan pa namin nila kuya di pa nila alam na may fieldtrip si Kelly."

","

Kinagabihan,

"So pano? Mauna na ko sa inyo mga tols payagan niyo na si Kellang sumama nalang kayong apat. Hahaha..."

At nagkaginginan nga ang mga kuya ni Kelly habang paalis naman na si Ethan "Sandali lang mga tol kung iniisip niyong may point si Ethan sa sinabi niya hindi pwede dahil tanging ang mga estudyante ang mga Prof. lang at ibang school staff ang kasama kaya wag na kayong mag tangka pa diyan na sumama." Ang sabi ni Kevin.

"Wala kaming sinabe." Ang sabay sabay na tugon nung tatlo.

"Siguraduhin niyo lang alam niyo naman ang school policies at alam niyo naman kapag nagalit si bunso kasalanan ng isa damay na ang lahat kaya umayos kayo!"

Nauna ng pumasok si Kevin sa loob at naiwan ung tatlo sa may terrace nila "Ano kuya may plano ka na? Sigurado akong hihilingin ni Kellang na sumama sya dahil last year na niya sa College at syempre tayo naman maawa kasi nga huling hirit na nya yon sa College life ni bunso eh." Ang sabi ni Kim.

"Eh kung mag disguise kaya tayo bilang estudyante? Magagawan naman siguro yun ng paraan ni Mina wag na nga lang nya sasabihin kay Kevin." Ang sabi ni Keith.

"Hinde! Wala tayong gagawin hayaan lang natin si Kelly." Ang hindi na aaburidong sambit ni Kian.

Nagkatinginan naman yung dalawa ni Kim at Keith at habang nasa malayo ang tingin ni Kian nag bubulungan yung dalawa "Anong nakain niyan? Himala ata at nasa mood." Ang sabi ni Keith.

"Hindi ko nga rin alam pero isa lang ang sigurado kalkulado na ni kuya ang lahat." Ang sagot naman ni Kim.

"Yeah..."

"May sinasabi ba kayo?"

"Ah? Wa- wala kuya."

Samantala sa kwarto ni Kelly,

Nakatulala at nakatingin lang sa may kisame si Kelly habang nakahiga ng biglang kumatok si Jacob "Tita Kelly? Gising ka pa po?"

"Jacob?"

"Papasok na po ako kung ayos lang."

"Ha? Oo sige gising pa ko pumasok ka."

Naupo si Kelly at inantay na lumapit sa kaniya si Jacob "Anong kailangan mo may assignment ka ba?"

"Meron po pero nasagutan ko na pong lahat kanina pang hapon."

Naupo si Jacob sa gilid ng kama ng kaniyang tita Kelly "Eh anong kailangan ng baby namin sa kaniyang tita ng maganda?"

"Hehe... Wala naman po pwede po ba ng dito ako matulog ngayong gabi?"

"Oo naman pero alam ba ito ng daddy mo? Baka hanapin ka nun."

"Ayos lang po nagpa alam na ako sakaniya kanina po."

"Ohh... so kung ganon halika na sa tabi ni tita at tayo eh matutulog na."

"Ahm... maaga pa po pwede po ba ng basahan niyo ako ng story?"

"Story? Pero baby di ba yun ang ayaw mo ang binabasahan ka ng isang bedtime story kasi ang sabi ko di ka na baby."

"Ahm... bigla ko po kasing na miss si Mommy eh."

"Ahhh... how sweet okay sige halika at babasahan kita ng kwento."

"Yehey!!!

Pandalas namang unakyat ng kama si Jacob at nahiga sa tabi ni Kelly "Ano pong story ang ikukwento niyo?"

"Ha? Ah... eh... Ano... yung ano..."

"Gusto ko po yung kakaiba tita Kelly yung hindi fairytale."

"Ha? O— okay?"

Nakatitig lang si Jacob sa kaniya ag hindi nakurap "Ba— bakit mo ako tinititigan?"

"Oras na po para kumuha kayo ng libro."

"Libro?"

"Opo ganun naman po diba pag binabansahan ng storry may book na hawak?"

"Ha? Ahhh... Oo nga naman. Ha... Ha... Ha..."

Pabulong bulong si Kelly habang papatayo sa kaniyang kama "Ano namang libro kaya ang babasahin ko eh puro tungkol sa mga kable ng computer yung book ko."

"Tita Kelly?"

"Sandali lang ha? Kukuha muna ng book si tita wag kang malikot."

"Um..."

Behave na behave namn si Jacob habang iniisip ni Kelly kung ano sa mga libro niya sa kwarto ang pwede niyang gawing bedtime story "Ano namang babasahin kong pampatulog dito kung hindi tungkol sa computer ang book ko tungkol naman sa math tapos sa puro cooking magazine na di ko pa nabubuksan ni minsan." Ang pabulong bulong na sambit ni Kelly.

"Tita Kelly matagal pa po ba yan?"

"Ha? Hinde saglit lang may hinahanap pa kasi ako. Para di ka mabored."

"Sige po."

Pandalas na nga si Kelly na kumuha ng libro at ang nakuha niya ay ang kaniyang diary "Yan na po ba yung book na hindi nakaka boring?"

Pag tingin ni Kelly sa librong hawak niya kinagulat niya ito "Ay putek!"

"Putek po? Yun po ba yung title?"

"Ha? Ah... O— Oo ang ganda ano? Sobrang unique. Ha... Ha... Ha..."

Sa isip- isip ni Kelly "Nalintikan sa lahat naman ng makukuha kong libro yung diary ko pa."

"Mag simula na po tayo tita Kelly."

"Ah? Oo sige."

Pabulong bulong pa sya "Bahala na nga."

At sinimulan na ni Kelly ang kwento "Ang sigang babae at ang putek."

"Ano po yun title?"

"Ha? Oo yun yung kabuuan sa sinabi ko kanina. Ha... Ha..."

"Ohhh... sige po pagpatuloy n'yo na."

"O— Oo."

"Go tita Kelly."

"Sabi nila ang babae raw ay parang isang bulaklak ang mga petals nito ang mga taong nakapaligid sa kaniya si Lyka ang bunso sa limang magkakapatid at siya lang ang tanging babae sa kanila."

"Eh? Gaya niyo po nila daddy?"

"Ah.. oo parang ganun na nga makinig ka nalang muna ha?"

"Opo."

Sa isip-isip ni Kelly "Bakit kasi ireng diary ko pa ang nakuha pambihira."

Ipinagpatuloy ni Kelly ang kwento hanggang sa umabot na sa puntong tulog na si Jacob "Goodnight baby boy sweet dreams."

"Ka Ching!" Tumunog ang cellphone niya at nakita niyang nakailang miscall na si Patrick sa kaniya at message.

Pero hindi binuksan ni Kelly ni isa sa message sa kaniya ni Patrick at inoff nga pa ang kaniyang cellphone.

"Ayoko munang maistorbo Patrick gusto ko munang mag isip sa kung ano ang gagawin ko." Ang sambit ni Kelly habang tinatapik tapik niya si Jacob.


クリエイターの想い
lyniar lyniar

Hello po! Kamusta kayo kabayan?(:

I’m back pasensya na po at medyo late na ang update ko ngayon sana’y magustuhan niyo po tuwing weekends o pag may time po ako na makapag sulat tsaka po ako mag a-update sa ngayon ito na po muna bukas uli. (^-^)

Love lots

Ang makulit niyong author,

lyniar :D

Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C225
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン