アプリをダウンロード
31.1% Ms. Hoodie / Chapter 144: Kabanata 144

章 144: Kabanata 144

Kinahapunan,

Dumating na ang mga kuya ni Kelly at lahat sila ay nasa sala at kaya hindi maka galaw at makapag salita ng ayos si Patrick samantala yung tatlo naman nila Mimay ay nasa isang gilid lang ng sofa at nag bubulungan "Hindi naman siguro nila kakainin ng buhay si Dude ano?" Ang sabi ni Dave.

"Pffft...ahahaha...hindi naman syempre kung ako rin naman may kapatid na babae at may bumisita sa bahay naming isang lalaki na may gusto sa kapatid ko? Aba hindi ko rin talaga tatantanan ng tingin." Ang sabi ni Vince.

"Well, kung kay Precious din may manligaw nako bantay sarado rin yon sakin."

"Oo nga pala may kapatid ka nga palang babae nasan na nga pala si Precious?"

"Ahhh...busy yun freelance model nga di ba? Monthly lang yun nakaka uwi samin."

"Ohhh...I see hindi na ba sya nag aaral?"

"Nag aaral pero home study puro modules."

"Ahhh...ang hectic rin kasi ata ng schedule niya eh."

"Oo partida hindi pa yun artista ha?"

"Whoa...sana all."

"Ahahaha...ganyan talaga lahi namin."

"Tsss...Asa naman." Ang sabi ni Mimay.

"Oh? Bakit naman maka react ka diyan."

"Tsss...ewan."

"Mims, pwede ba tayo mag date sa weekend?"

Napatingin naman si Mimay kay Vince at sinabing "Ha?"

"Wala na tayong time sating dalawa eh."

"Bakit may kayo ba?" Ang biglang sabi ni Vince.

"Ano Pre?" Ang sabi ni Dave.

"I...I mean hindi pa naman kayo ni Mims di ba?"

"Oo pero nanliligaw nga ako sa kaniya kaya gusto ko naman na may time kami sa isa't isa."

"Pero hindi naman required na mag ka time kayo sa isa't isa kasi nanliligaw ka palang naman sa kaniya di ba Mims?"

Napangiti naman si Mimay at sinabing "Oo, wag ka nga diyan Dave! Maka yakag ka ng date bigla biglaan naman hindi ako prepared noh!"

"Pero...sabi mo di ba?"

"Ano? Ano ang sinabi ko?"

"Sighh...nevermind."

Napangiti naman ng pakubli si Vince "Nga pala susunduin ka ba dito Mims?" Ang sabay sabi nung dalawa nila Dave at Vince at nagkatinginan sila na para bang nagulat at may something.

"Ha? A---ah...eh...hindi ako susunduin ni daddy eh mag taxi nalang ako."

"Hatid na kita!" Ang sabay na sambit na naman nung dalawa.

"Ahem...sige pre ikaw na maghatid kay Mims dito nalang pala muna ako kila Kelly."

"Ahh...okay..." Ang sagot ni Dave kay Vince na para bang naging bad mood bigla.

Samantala,

"Kelly! Hindi pa ba yan tapos?" Ang sabi ni Kian na animo'y naiinis na.

"Oo nga ang tagal niyo na diyan." Ang sabi naman ni Keith.

"Hindi ba at di niyo naman yan ipapasa agad? Yun ang sabi sakin ni Mina." Ang sabi naman ni Kevin.

"Yun naman pala eh pwede na kayong mag pahinga pagod ka na." Ang sabi naman ni Kim.

"Sigh...mga kuy's alam niyo ang obvious niyo!"

"Si---sige po mga kuya aalis na po kami...Kelly, sige mauna na kami nila Dave...."

"Ha? Pero..."

"Kelly!" Ang sabi ng mga kuya niya.

Papatayo na sana si Patrick pero pinigilan siya ni Kian "Hey, don't call us as your "kuya" dahil hindi ka namin kapatid."

"Kuya!!!!" Ang sabi ni Kelly.

"Heh! Tama si kuya mabuti na yung alam niya baka mag assume siyang payag na kami na manligaw siya sayo. Hindi pa hangga't wala pa kaming asawang lahat naiintindihan mo? Mr. Santos?" Ang sabi ni Keith.

"Pero, kuya may asawa ka na." Ang sagot ni Kelly.

"HEH! Wag ka ngang pilosopa sila kuya at Kevin ang sinasabi ko kaya kung hindi ka makakapag hintay kay Kelly Mr. Santos maaari ka ng sumuko ngayon palang."

"Sigh..."

"Nako, hindi po mahaba po ang pasensya ko."

"Huh! Talaga lang ha?" Ang sabi ni Kian.

"Yes, Sir kaya iintayin ko po si Kelly kahit gaano pa yang ka tagal."

"Ganyan ang spirit kid fighting!" Ang sabi ni Kevin kaya napatingin sa kaniya ng masama yung tatlo nila Kian.

"Ahem...hindi porket pinapayagan ka na naming pumunta dine eh gusto ka na namin para kay Kelly kaya sana wag kang mag assume diyan. Nagkataon lang na ikaw ang partner niya sa lintek na project na yan." Ang sabi ni Kim.

"Ayos lang po hindi ko rin naman po kayo pipilitin na tanggapin niyo akong ka agad para kay Kelly alam ko pong kailangan kong dumaan sa butas ng karayom para mapalapit sa inyo."

"Huh! Your smart kid mabuti yang alam mo ang mga gagawin mo kaya sige na makakauwi ka na." Ang sabi ni Kian.

"Si---sige po salamat po sa pag payag na patuluyin ako dito at sa pagiging mag partner namin ni Kelly sa project na ito."

"Tsss..." Ang reaksyon nung apat na kuya ni Kelly.

"Sige po....Dave! Aalis na tayo."

"Ah? Oo, Mims tara na."

"Okay."

"Hatid ko na sila sa labas mga kuy's."

"Hinde kami na mag pahinga ka na." Ang sabi ni Kim.

"Ha? Pero hindi naman ako pagod."

"Heh! Vince!!!" Ang sabi ni Kian.

"Yes kuya?"

"Tulungan mo si Kelly na ayusin ang mga kalat dito mamaya ka na umuwi ihahatid ka nalang namin."

"Okay."

"Sigh..." Ang reakyon ni Kelly at nag paalam na siya kila Mimay at hindi na lumabas pa.

"Pis, si Mimay ba at Dave close?" Ang sabi ni Vince habang nag liligpit ng kani-kanilang kalat.

"Ha? Bakit mo naman natanong?"

"Ah...eh...kasi..."

"Hoy! Ikaw anong gingawa mo?"

"Ha? Eto nag lilinis ng sala niyo?"

Binato siya ni Kelly ng papel na nilukot "Ano ba?"

"Buset ka! Hindi naman yan ang ibig kong sabihin tungaw!"

"Eh ano pala?"

"Sino ba ang gusto mo sa dalawa si Aliyah o si Mimay?"

"Ano? Bakit naman na kasama si Mimay sa choices?"

"Huh! Baliw na talaga!" Binato niya ng mga papel na nilukot at mga kung ano anong gamit si Vince.

"Aray!!! Ano bang nangyayare kasi hindi naman kasi kita maintindihan!"

"Wala ka bang maalala nung nalasing ka kagabi?"

"Wala nga eh bakit ano ba kasing ginawa ko?"

"Buset ka talaga!!! Sinabi mo lang naman kay Mimay na mahal mo siya!"

"A----ano? Si---sinabi ko yon? Sa kaniya??"

"Ay hinde kay Dave nalang! Oo nga!" Binato niya ng lapis si Vince pero nakailag ito.

"What the F?! Sinabi ko yon? Pero hindi ba umuwi naman kayo nila kuya Kevin bago mag dilim paano mo naman nalaman yon?"

"Sigh...malamang na banggit sakin ni Mimay bungol!"

"Anak nang! Kaya pala biglang nag iba ang pakikitungo sakin ni Mimay."

"Sigh...malamang shunga ka kasi bakit mo ba kasi nasabi yon sa kaniya? May gusto ka talaga kay Mimay for real? Paano si Aliyah? Taena ka salawahan kang tukmol ka!"

"Hoy! Grabe ka naman sa salawahan tsaka hindi pa naman talaga ako nag sisimulang manligaw kay Aliyah dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Tapos yung kay Mimay hindi ko rin alam pero kasi..."

"Pero ano? Nalilito ka? Shunga! Subukan mo lang talagang saktan yung dalawang yon ako talaga makakalaban mong bugok ka!"

"Tsss...di nga luka! Ano naman ang akala mo sakin? Two timer?"

"Huh! Hindi na yan sakin nanggaling sayo na! Kaya sige patunayan mo!"

"Talaga!"

"Alam mo wag ka rin kasing pa fall sasapakin kita'y."

"Ano? Bakit di naman ako pa fall ah wala pa nga akong ginagawa."

"Yun nga ang nakakauma sayo torpe ka! Sigh...ewan maglinis ka na nga lang!"

"Anong ibigsabihin mo dun ha? Kailan naman ako naging pa fall?"

"Wala!"

"Ano nga? Susumbong kita sa mga kuya mo sige."

"Ano yon?" Ang sabi ng mga kuya ni Kelly na sakto naman noong narinig ang sinabi ni Vince.

Nagkatinginan naman sila Vince at Kelly na animo'y gulat na gulat at hindi alam kung anong gagawin "Ano ang isusumbong mo Vince samin na tungkol kay Kelly?" Ang sabi ni Kian.

Napalunok naman sa kaba si Vince "Ah...eh...a---ano po kasi."

"Ano?" Ang tugon nung apat nila Kian at kinakabahan naman si Kelly ng mga oras na iyon dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin ni Vince sa mga kuya niya.

Samantala habang nasa kotse,

Nagdadrive si Patrick at katabi niya si Dave at si Mimay naman ang nasa likod "Dude, alam mo ba pakiramdam ko gusto na ako ni nurse Kevin para kay Kelly."

"Oh?" Ang sagot ni Dave na para bang wala sa mood hindi rin naman nagsasalita si Mimay.

"Oo tapos sabi ni Sir Kian ang smart ko daw kaya feeling ko magugustuhan din nila ako balang araw para kay Kelly."

"Oh...okay."

"Kung bukas kaya umakyat uli ako ng ligaw ano sa tingin niyo pwede kaya?"

"Siguro?" Anila Dave at Mimay na para bang walang ganang mag salita.

"HEY!!!!" Ang sigaw ni Patrick at kinagulat naman iyon nung dalawa.

"Ano? Bakit ka ba nasigaw?" Anila.

"Ano bang problema niyong dalawa? Ayos lang ba kayo? Bakit parang parehas kayong wala sa mood?"

"Pakibaba nalang ako sa kanto mag tataxi nalang ako." Ang sabi ni Mimay.

"Hindi! Ihahatid ka na namin ni Patrick."

"Tsss...hindi na!"

"Ano bang problema mo? Gusto mo bang si Vince ang mag hatid sayo?"

"Huh! Anong pinagsasabi mo diyan? Nakita mo na ngang andito ako ano pang sinasabi mo diyan? Tinotoyo ka na naman!"

"Huh! Sino kaya satin? Ikaw ang nauna bakit bigla ka nalang nag kaganyan? Ano ba ang sinabi sayo ni Vince at nag kakaganyan ka?"

"THAT'S ENOUGH! Ano bang pinagiinit kasi ng ulo niyong dalawa mag usap nga kayo ng ayos hindi yang ganyan."

"NO WAY!" Anila.

"Sigh....Bahala na nga kayo! Ang gulo niyo."

"IKAW ANG MAGULO!" Anila.

"A---ano? Ako pa ngayon? Gusto niyong maglakad dalawa sa gitna ng highway na ito?"

"So---sorry..." Anila.

"Pwes walang magsasalita sa inyo kung ayaw niyong magalit talaga ako at iwanan kayo dine!"

"Ye---yes Boss."

"Sigh..."


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C144
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン