アプリをダウンロード
71.11% Stay with me [Tagalog] / Chapter 32: Chapter 31

章 32: Chapter 31

Rose

Nagtungo kami sa ospital n'ong araw na iyon para i-schedule ang operasyon ko. Kinuhaan din kami ni Ana ng blood samples at dumaan din ako ng ilang tests para masiguro ang kahandaan ng katawan ko para sa surgery. Pagkatapos namin doon ay nagyaya naman si Ana na kumain sa labas na kami lang dalawa habang sina Ms. Jamilla at Yaya Shirley naman ay nag grocery.

Kahit papaano ay naging malapit na rin kami ni Ana sa isa't isa sa maikling panahon naming magkasama. Kaya minsan hindi ko parin maiwasang malungkot sa tuwing maiisip kong kasabay ng pagiging normal ng puso ko ay ang pagkawala niya.

Masaya kaming nagkukwentuhan habang ini-enjoy ang tig isa naming pastry at drinks sa isang coffee shop. Kung anu-ano lang ang naiisip naming pagkwentuhan, halos nga 'yong talambuhay ko at kanya ay napagkuwentuhan na namin. Siyempre, pati ang lovelife ko.

"Ito siya," nakangiti kong ani habang ipinapakita ko sa kanya ang picture ni Loey, na i-kwento ko sa kanya ang love story naming dalawa.

"Wow, ang gwapo. Parang familiar sa akin 'yong grupo nila, may fans din yata sila rito eh."

"Talaga?" sabi ko at tumango lang siya dahil umiinom siya ng frappe. Pagkatapos niyang uminom ay lumunok siya at nang makabawi ay muling nagsalita. "May boyfriend din ako noon na sikat."

Nanlaki ang mga mata ko at na excite. "Wow, sino? Baka kilala ko."

"Si Lee Min ho," Anito na may seryosong mukha.

Maniniwala na sana ako kaso bigla siyang tumawa. "Kaso hindi niya alam eh. Hahaha."

Ay scam pala!

Umiling-iling ako at natawa, may pagka joker din pala itong si Ana kahit papaano.

 

And speaking of…

Habang nasa kalagitnaan kami ng tawanan ay biglang nag face time sa akin si Loey.

Ilang days din na hanggang text lang siya eh dahil busy daw masyado sa concert nila at pinagbabawalan sila ng Manager na makipagtawagan muna.

"Hello mahal, kamusta ka diyan?" bungad nito sa akin.

Kumaway ako rito at bumati. Sa tingin ko ay katatapos lang nila sa concert dahil pawisan ito at parang nasa back stage sila base sa background nito.

"Ayos lang ako. Paano ka nakapag face time? Akala ko ba bawal?"

"Hindi ko na matiis eh," anitong naka pout pa ang lips.

"Nandito kami sa labas ngayon, kasama ko si Ana." Tumitig ako kay Ana na tahimik lang na nakikinig sa amin.

"Really? can I see her?" tanong ni Loey.

Umiling-iling na nakangiti si Ana at sumenyas pa na nahihiya daw ito kaya hindi ko na pinilit pa.

"Hmmm. Nahihiya raw siya mahal eh," sabi ko kay Loey.

"Ah okay, I understand. By the way, nandito kami sa Thailand ngayon katatapos lang ng concert namin dito. Next day sa L.A kami," kwento niya.

Ang busy busy din talaga nila, marahil ay gabi na doon at pagod na ito galing concert kaya nagpaalam na ako. "Sige mahal, take a rest na, I know you're tired. Goodnight ikamusta mo ako sa Peter pan," paalam ko sa kanya.

"I love you." Pahabol nito bago ko tuluyan nang pinatay ang tawag.

After n'on ay bumaling na muli ako kay Ana, "Sorry, saan na nga ba uli tayo?"

She smiled. "Uwi na tayo Rose, medyo sumama kasi ang pakiramdam ko eh."

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko at tumango naman agad siya.

Ni take out na lang namin ang mga inorder namin at umuwi na kami sa bahay nila Ana.

Pagkarating namin ay wala kaming nadatnang tao roon.

"Saan na kaya sila?"

"Baka nag gala pa pagkatapos mag grocery sina Mama at 'yong yaya mo," sagot ni Ana na ikinataka ko.

"Mama?" tama ba ang narinig ko? Tinawag niyang Mama si Ms. Jamilla?

"Ah—I mean…Tita."

Tumango ako at dumiretso na si Ana sa kusina para ilagay sa ref ang mga dala namin. Tutungo na sana ako sa kwarto ko nang bigla kong marinig ang malakas na sigaw niya.

"Aaaaahhhhhhhhh!!!!!"

Dali-dali akong Napatakbo papunta sa kanya at nadatnan ko siyang nakalupasay sa sahig at hawak-hawak ang ulo na tila napakasakit nito. Inaatake na naman siya.

Natataranta ako at hindi ko alam ang gagawin.

"Nasaan ang gamot mo?" tanong ko sa kanya.

Ni hindi ko siya mahawakan dahil sobra siyang nasasaktan.

Baka mamaya ay mapagbuntunan niya pa ako at masaktan din kapag ginalaw ko pa siya kaya nakatayo lang ako at nakadistansiya sa kanya.

"No. A-Ako na ang kukuha!" pasigaw nitong sabi pero nahihirapan itong tumyo dahil sa matinding sakit na nararamdaman.

"Huwag mo nang pilitin, ako na."

"Hindi! Huwag kang papasok sa kwarto ko please," paki-usap niya at nahaklit niya ako sa braso.

"Huwag ka nan gang magmatigas Ana? Hindi mon a kayang tumayo."

Hindi ako nakinig at hinawi ko ang pagkakahawak niya sa akin, patakbo kong tinungo ang kwarto niya para kunin ang gamot niya. Bakit kaya siya natatakot na Makita ko ang loob ng kwarto niya?

Makalat ba 'to? Maraming dugo? O maraming basura? Hindi ko naman siya i-judge eh. Promise!

Sa wakas ay nakapasok na rin ako sa kwarto niya.

Hindi ko inasahan ang nakita ko sa loob.

Naguguluhan ako at hindi ko maintindihan ang nakikita ko.

At mas lalo pa akong nagulat nang Makita ko ang nakalagay sa side table ng kama niya.

Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang bibig ko.

Halos mabuwal ako nang Makita ko ang bagay na iyon.

I didn't see it coming.

Bakit Ana? Bakit?

 


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C32
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン