Hindi mapakali ang kamay ni Trisha sa kahahanap sa teleponong kanina pa tunog ng tunog. Ilang beses na bang tumunog ang phone niya ngayong umaga. Bigla siyang napahawak sa sintido niya na parang binibiyak.
"Aray..." sambit niya habang nkatuon ang daliri sa kanyang sintido at hinihilot niya ito ng kanyang hintuturo in circular motion. At sa wakas ay nakita niya rin ang kanyang cellphone.
"Hello?" sabi niya sa kabilang linya without looking on to who is calling her.
"At last sumagot ka rin. Ano ka ba naman, Trisha? Kagabi pa ako nag-aalala kung nasaan ka. I've been calling you for the nth time. I'm so worried kung nakauwi ka ba at sa'n ka nagsusuot. I can't ask tita kung nakauwi ka na dahil malilintikan ako." sa halip na sumagot at ini-loud speaker na lang niya ang kanyang phone dahil sa walang tigil na pagratrat ng kanyang kaibigan sa kaniya.
Paano nga ba siya nakauwi? Habang tuloy-tuloy ang pagratatat ni Sohpie ay napaisip naman siya kung paano nga ba siya nakauwi. Nang maisip niya ay agad siyang napatakip ng dalawang palad niya sa kanyang bibig habang nakanganga.
"Seriously? That happened?" naiiling-iling pang tanong niya sa sarili habang patuloy na tumatakbo sa isip niya ang nangyari.
"Huwag mong ishipin na dahil---"hindi pa man natatapos ang sinasabi niya ay tinatraydor siya ng pagsinok dahil sa dami ng nainom niya.
"---kinakausap kita---"sinok niyang muli.
"---eh hindi na ako naiinis---"seryoso namang nakatingin ang kausap kahit na hindi niya malaman kung paano matatapos ang pagsasalita nito dala ng kalasingan.
"---sa pagpapahiya mo shaken sha opishina mo..." sinok nitong muli habang kausap ang lalaking kahit sa hinagap ay hindi niya naisip na kakausapin niya.
"At 'wag na 'wag mong iisipin na magkakagusto ako sa 'yo dahil nag-offer kang ihatid ako... " halos bawat pagsasalita nito ay sinok ito ng sinok. Akmang palabas na siya ng sasakyan nang bumaba si Miggy para pagbuksan siya nito ng pinto. Matapos ay inalalayan siya nitong bumaba.
"Let's be friends." sambit ni Miggy sabay lahad ng kanyang palad sa harap ni Trisha.
"I don't make friends with strangers I barely know." duro nito sa kaharap habang pasuray-suray sa pagtayo. Ikinagulat naman ni Miggy ang parang pagtuwid ng pagsasalita nito dahil sa narinig.
"That's why let's be friends. Para magkakilala tayo nang lubusan." paliwanag pa ng binata. Tila naliwanagan naman ang babaeng hindi mo maintindihan kung lasing nga ba talaga. Agad nitong inabot ang kanina pa nakalahad na palad ng binata saka nakipagkamay.
"Seriously?! Nakipagfriends ako sa lalaking 'yon? Ano na nga ba'ng name niya?" hindi makapaniwala at iiling-iling na sabi niya sa sarili niya.
"Trisha. Trisha! Trisha Barameda! Are you even listening to me?" tanong ni Sophia na kanina pa sumisigaw sa telepono.
"Yes I am. Ano na nga ba ulit ang sinabi mo?" nalilitong tanong niya dahil hindi naman talaga niya narinig ang sinabi ng kaibigan kakaisip sa pangalan ng lalaking taga banko.
"Tss. Yeah, right. You're really listening. Sabi ko may nakakakita raw sa 'yo na may kasama kang lalaki na sumakay sa kotse. Totoo ba 'yon?" pag-uulit ni Sophie.
"A-ako?" hindi niya alam kung nabibingi na ba siya or what. Pero nang marinig niya ang word na lalaki ay hindi na niya narinig ang iba pa nitong sinabi.
"You owe me a chit chat on monday. For now, magpahinga ka muna. I know madami kang nainom kagabi." sabay off nito ng phone.
Hindi maalis sa isip niya on why in the world she allowed that guy to send her home. She can't even remember kung pinagbuksan ba siya ng mommy niya ng gate or siya lang ang nagbukas.
"Aish! This thought is giving me a headache." sabi niya at saka ginulo ang buhok na parang baliw. For the last two years na hindi siya nagdala ng kung sino mang lalaki sa bahay nila ay saka naman nangyari 'to.
"What's the big deal? Hinatid lang niya 'ko. Ano ba'ng iniisip ko." she then get up from bed. Hindi na siya makababalik sa pagtulog.
"Ma, good morning!" sabay halik niya sa pisngi ng kanyang mommy.
"Good morning, Iha. Sobrang late ka na umuwi kagabi. Mabuti at inihatid ka ni---"saglit na nag-isip ang kanyang ina saka muling nagsalita.
"Yung Miggy ba 'yon?" saad nito.
"Mabait siyang bata at hindi ka niya hinayaan sa daan kahit maingay ka." nanlaki ang mga mata niya sa narinig na sinabi ng kanyang ina.
"What?" bulalas niya. Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ang tinuran ng ina.
"Ako na tahimik? Maingay?" hindi pa rin makapaniwalang bulong niya sa sarili.
"M-miggy?! Ma? What are you saying?" naguguluhan ang isip na tanong niyang muli. If she recalls it, sa "M" nga nagsisimula ang name nung guy. So, Miggy pala ang name niya.
"Oo, Iha. Si Miggy ang naghatid sa 'yo. He waited until you get out from the toilet last night to give your wallet. Pero hindi ka na raw lumabas so he asked an assistance from the maintenance. You were sleeping at the cubicle so he decided to bring you home." pagkukuwento pa ng mommy niya.
"M-me? I'm s-sleeping at the cubicle?" nauutal na pag-uulit niya sa narinig habang tatawa-tawa lang ang ina na nagtitimpla ng kape niya.
"Nariyan nga pala ang wallet mo sa may tabi ng tv. Hindi ko na naibigay sa 'yo kagabi kasi nagsara ka na ng pinto. Nahulog mo raw iyon sa bar kagabi." dagdag pa ng ina. Unti-unti namang bumalik sa alaala niya ang nangyari.
After niyang muntik mag-slide near the toilet eh nahilo na siya kaya nakaidlip siya. She even caught herself up sleeping in someone else's car when she woke up. That's why she started screaming and shouting until she realized na nasa bahay na pala siya.
"Base sa naaalala ko umalis na siya pagpasok ko. Ah no, he was standing there at the gate nang pumasok ako. Did mom let him in?" she titled her head while in a deep thought. Parang nabasa naman ng mommy niya ang iniisip niya.
"I let him in and offered a coffee. Dahil sa paghatid niya sa 'yo kaya pinagkape ko muna siya. Isa ba siya sa mga ka-work mo or client niyo? Mukhang hindi lang siya isang ordinary employee." sagot nito pero pinili na lang niya na 'wag sagutin ang mga tanong ng mommy niya. It's better na manahimik na lang siya at baka kung saan pa mapunta ang usapan.
"Si Elyze nga pala, Ma? Hindi pa ba gising?" nang makita niya na wala pa ang bata sa hapag para mag almusal.
"Ipinasyal ng daddy mo sa labas. Nag-morning walk sa park. Since off naman daw niya eh ipapasyal na lang niya ang bata." tatango-tango naman siya habang humihigop ng mainit na kape.
Matapos mag almusal ay umakyat na siyang muli sa kanyang kwarto. Marami siyang naiwang trabaho at iniuwi niya iyon. Palaging ganoon ang weekend niya. Isinusubsob niya ang sarili sa trabaho kahit walang pasok. Kung hindi nga lang nagyaya si Sophia na mag-bar sila ay baka madaling araw na rin siya matulog para tapusin ang trabaho niya. Habang busy sa pagcompute ng receivables niya ay biglang may nagtext sa kanya.
"Trish, can we talk?" hindi pa rin tumitigil magpadala ng mensahe ang taong ayaw na niyang makausap.
Sinundan pa ito ng tatlong ulit na ring ng phone niya. Palaging sa umaga siya nakatatanggap ng tawag at text dito at palagi rin niyang ini-ignore ito. Muling nag-ring ito and this time ay si Sophia naman ang tumatawag.
"Yes, Sop?" bungad niya nang masagot niya ang telepono.
"Bruha ka! Kilala mo ba kung sino ang naghatid sa 'yo kagabi?!" there she goes again. Ang walang katapusang pag-stalk sa mga lalaking nakakasalamuha niya. Nagpapaka-cupid na naman. The last time she did that was when they have a client na nagkagusto kay Trisha pero married na pala.
"Okay?" patanong na sagot niya.
"It was Miguel Alfonso!" tila hindi makapaniwalang tono ng kausap. Tumitili-tili pang sabi nito sa kanya mula sa kabilang linya.
"And who the heck is Miguel Alfonso?" naguguluhang tanong niya.
"Friend, hindi mo ba talaga siya kilala? Hindi ka ba nagbabasa ng magazines?" pangungulit pa nito.
"I'm not interested." she answered plainly.
"Oh my gosh friend. Tatanda ka nang maaga niyan. You're out of the world na. Siya lang naman ang isa sa prominent bachelors in the Philippines. Ang panganay na anak ng mga Alfonso na nagmamay-ari ng iba't ibang negosyo sa Pilipinas. Ang owner ng Alfonso Bank." nai-imagine na ni Trisha na parang nagniningning ang mga mata ni Sophia sa pagkukwento.
"So?" pero parang walang buhay lang siyang sumagot.
"So? Sa dami ng sinabi ko, so lang ang isasagot mo?" inis na nakangusong sabi ni Sophia. Kung kasama lang niya ito ngayon ay paniguradong nasabunutan na siya nito.
"I'm not interested. AT. ALL." that's it. That's the end of their convo. Emphasizing AT ALL means kahit ano pa'ng sabihin ng kaibigan ay hindi na siya makikinig.