アプリをダウンロード
60% Safe to Love / Chapter 3: Chapter 3 – Are You Following Me?

章 3: Chapter 3 – Are You Following Me?

Halos magsigawan na sila Sophia at Trish dahil sa lakas ng tugtog sa bar. Nakailang shot na nga ba siya ng tequila? Isa? Dalawa? Tatlo? Ah ewan. Basta ang alam niya ay nageenjoy siya.

Matagal tagal na rin simula nung pumunta siya sa bar na yun. Marami na ang nagbago. Dito nabuo ang matamis na pag-uusap nila ni Drake. Bakit nga ba siya sumama pa sa party na yun?

Naalala na naman niya ang lalaking yun. Sa bawat daplis ng makulay na liwanag ng ilaw na nakasabit sa bawat kisame ay siya namang indayog ng bawat tao sa loob ng bar na sinabayan pa ng malakas na tugtog.

"Sophie, uwi na tayo." sambit niya sa kaibigan na tila ba hindi siya naririnig ng kaibigan at busy ito sa pakikipag usap kay Brix, ang pang apat nitong boyfriend.

Hindi naman din kasi siya mahilig magparty. At lampas dalawang taon na siyang walang life. 'Nang dahil kay Drake...'

"Shophia... Ta-" Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang makita niya ang pamilyar na mukha ng nakakainis na nilalang na nakaengkwentro niya.

Hindi niya alam kung maiinis ba siya o hindi. May kasama itong apat na lalaki na kasing kisig ng katawan nito. Napailing na lang siya sa sinabi ng isip niya na makisig.

Nakasuit ang mga ito at ang isang kasama ng mga ito ay may kasamang mga babae sa magkabilang gilid nito. Hindi niya alam kung ano ang nakain niya.

Parang hinahatak ng mga paa niya ang katawan niya papalapit sa grupo ng mga lalaking ito. Bakit nga ba niya nilapitan ang mga ito?

Pasuray-suray na naglakad siya malapit sa malaadonis na grupo ng lalaki. Maya maya pa ay nasa harap na siya ng mga ito at saka ikinumpas niya ang kanyang kamay saka dinuro ang lalaking nakabanggaan niya sa bangko.

"Hoy! Bakit nandi-to k-kah? Hin-di ba da-pat ni-re-review mo ang records k-ko?! Hiiikkk!!!" Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Macoy na kahit busy sa pakikipaghalikan sa babaeng katabi ang babaeng mukha namang sophisticated pero nanggugulo sa bonding nilang magkakapatid.

"Do we know you, Miss?" Tanong niya dito pero hindi na nakapagsalita si Trish dahil inunahan na siya ni Miggy.

"She's our client. The girl I was telling you about." Hindi alam ni Trisha kung ano ang naikwento ng magaling na lalaking ito sa mga kasama nito.

Pero ang mas nakakalito ay nang tumayo ito at hawakan siya sa kamay at hatakin palayo sa mga kasama nito.

Dinala siya nito sa sulok ng bar at muli ay nalanghap niya ang pamilyar na pabango na nanunuot sa kaloob looban ng kanyang ilong.

"Infairness, ang bango." Nangingiti pa niyang sabi ng pabulong. Hindi na nakapagpigil pa ang lalaki at kinausap siya nito habang nakatayo sila sa sulok.

"I will not stop you sa pagsigaw sa 'ken infront of many people at my office, but I will not allow you to humiliate me in front of my brothers." Seryoso pero malumanay at maawtoridad niyang sabi kay Trisha.

So mga kapatid niya pala yung mga gwapong lalaking yon na kasing gwapo ng kaharap niya saad ng isip niya. Pakiramdam ni Trisha ay para siyang batang pinapagalitan ng daddy niya dahil sa ginawa niya.

Umakyat ang init sa pisngi niya at sa buong mukha. Para bang nakalunok siya ng isang buong kamatis sa sobrang pula at nakakain ng sandamakmak na sili dahil sa init na narararamdaman niya.

"Shiiittt, Trisha. What are you doing?" Bulong niya sa sarili niya.

"Humanap ka ng paraan para malusutan mo siya." Bulong pa niyang muli.

"I-I n-need t-to g-go t-to the to-toilet." Sambit niya sabay hatak ng kamay niya at takbo sa toilet.

"Oh my God. What did I do? Why did I approach them? Gosh." Pabulong niyang sabi. Samantala hindi pa rin napapansin ni Sophia na wala na siya sa tabi nito. As usual busy pa rin ito sa pakikipag-usap sa boyfriend niya.

"Perang papel na butas! Shiiit!" Sigaw ni Trisha sa gulat nang paglabas niya ay nakaabang pa pala sa pinto ng toilet ang lalaki. Medyo nahimasmasan na siya at nawala ang pagkalasing niya.

"W-why are you still here?" Tanong niya sa lalaki.

"Waiting for you." Muli ay namula si Trish. Pagkasabi ng lalaki ay iniangat nito ang braso sa pader at itinukod. Halos masakop na ng malaking dibdib nito ang balingkinitang katawan ni Trisha.

"So, anong kailangan mo?" Kunwaring matapang na tanong niya.

Pero kinakabahan siya dahil kung tutuusin ay siya ang nagsimula ng gulo na hindi alam ng magaling niyang kaibigan dahil busy ito. At wala ito sa tabi niya to rescue her from this beast na any moment eh mukhang lalapain na siya.

"If my memory serves me right, ikaw ang may kailangan sa'ken... Right, Ms. Trisha Barameda?" Mas kinabahan pa siya.

Dahil naalala nito ang buong pangalan niya at mukhang wala siyang pwedeng ilusot dito. Pero tulad nga ng lagi niyang sinasabi 'Butas ng karayom lang ang hindi niya kayang lusutan'.

"Well, I guess your memory is bad. I don't need anything from you tonight. So if you will excuse me, hinihintay na ako ng mga kaibigan ko." Pagsisinungaling niya.

Pero parang wala namang pakialam ang friend niya na kung saan man siya magsusuot dahil hinahayaan siya nito na humanap ng knight niya pero wala na siyang choice.

Pagkasabi ay hinawi niya ang braso ng lalaking nakatukod sa pader na sumasakop sa lumiliit niyang mundo sa bar. Naglakad siya papalayo pero ramdam niya na inihahatid siya nito ng mga mata nitong kulay kayumanggi.

"Oh, Kuya? Sino ba yung magandang chikababes na yun at napatayo ka pa sa kinauupuan mo?" Tanong ni Macoy na ngayon ay hindi na kasama ang mga babaeng kanina ay umaaliw sa gabi niya.

"Just someone. The girl I told you about. Siya yung babaeng nagwawala sa office ko." Sabay lagok ng tequila na nasa harap niya.

"I thought may girlfriend ka na, Kuya." Sabi naman ni Rick.

"Bagay naman kayo. Maganda siya. Sexy pa." Sambit muli ni Macoy.

"Ikaw talaga. Puro babae na naman nasa isip mo." Sambit pa ni Miggy.

Paminsan-minsan ay nagba- bonding ang Alfonso Brothers lalo na kapag umuuwi sila sa bahay ng parents nila.

"Kuya naman. Girl is life. Paano na lang ang buhay kapag walang girls?" Dagdag pa ni Macoy na idadahilan ang lahat para lang sa babae.

"Cheers to forever brotherhood!" At sabay sabay nilang itinaas ang mga baso nila.

"Trish, San ka ba galing?" Nakataas ang kilay na tanong ni Sophia sa kaibigan na magkasalubong din ang kilay at kulang na lang ay sumabay ang kulog at kidlat dahil sa halos magkadikit na ang mga kilay nito.

"Wow at ngayon napansin mo na ang presence ko? Kanina lang naman naghahanap ako ng savior pero wala ka dahil busy ka." Nakangusong sabi nito na nagtatampo.

"At bakit mo naman kailangan ng savior? May nangharass ba sayo at muntik ka na ma-rape?" Tatawa tawang sabi ng kaibigan at sabayan pa ng bungisngis ng iba pa nilang kasama.

"Hmmppp... Umuwi na nga tayo. Baka naghihintay na si Mama sa bahay." Dagdag pa nito.

"What? Ang aga pa kaya. Sabi ko naman sayo kanina mag-enjoy ka and don't settle sa past. Wala na si Drake. Madami namang hot papa diyan sa paligid. Katulad nung limang iyon." Sabay nguso sa direksiyon ng limang lalaking kanina lang ay iniskandalo niya.

Patay malisya naman si Trish na kunwa'y hindi narinig ang sinabi ng kaibigan sabay agaw sa basong hawak nitong may lamang tequila at nilagok.

"Magpapowder lang ako at magboboys hunting." Pabirong sabi niya sabay sukbit ng shoulder bag niya.

Hindi pa mandin siya nakakalampas sa limang lalaking kanina ay iniskandalo niya ay napansin niyang tumayo ang lalaking gusto niyang bugbugin dahil sa pagpapahiya nito sa kanya sa sarili niya.

"Sinusundan mo ba ako?" Tanong niya dito pagharap niya nang mapansin niyang nasa likuran na niya ito.

"Excuse me? Are you referring to me?" Seryosong tanong ng lalaki.

"Yes? May iba pa ba? Ikaw lang naman ang nandito." Mataray na sagot niya sa lalaking nagmamaang-mangan pa.

"And what makes you think na sinusundan kita? Hindi ba ako pwedeng pumunta ng toilet? Gusto mong sumama?" Sa pagkapahiya ni Trish ay dali-dali siyang tumalikod. Baka totohanin nitong isama siya sa toilet ng mga lalaki.

"Hmmppp! Tse!" Mataray na sabi niya sabay takbo papunta sa toilet nang hindi niya namalayang may basa pala sa dadaanan niya.

Parang nag slow motion ang paligid at unti unti siyang napa-slide. Malapit na siyang matumba at wala na siyang nagawa kundi pumikit at manalangin na hindi siya mabalian sa pagbagsak niya.

"Huh?" Nagtataka niyang sabi. Hindi manlang sumayad sa sahig ang katawan niya. Ang mas nakakapagtaka ay nakasandal siya sa isang mabango at matigas na bagay.

Dahil nakapikit siya ay hindi niya alam kung ano ang sinasandalan niya. Dahan dahan siyang nagmulat at laking gulat niya nang makita ang sinasandalan niya. Agad siyang napatayo ng ayos.

"Are you okay?" Isang pamilyar na tinig ang naalala niya sa taong na narinig niya.

Muling naamoy niya ang scent na pamilyar sa kanya. Hindi na niya nagawang humarap pa. Tumango na lamang siya. Sa pagkapahiya ay dali-dali siyang pumasok sa toilet.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C3
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン