アプリをダウンロード
17.39% INTERCOLLEGIATE FOURTEEN / Chapter 8: SEVEN

章 8: SEVEN

(St. Anne University General Hospital, Tuesday evening)

(Renz's POV)

(Patients Ward)

NASA St. Anne University General Hospital ako ngayon para sa aking volunteer time. At kahit na 39 hours ang hinihinging volunteer time ng professor namin ay hindi ko nararamdaman ang pagod dahil masaya ako na nakakatulong ako sa kapwa ko.

Kasama ko sina Kuya Dane at Ate Rianne na nag-vo-volunteer dito sa ospital at bilin sa amin ni Prof. Soriano na kami na ang bahalang mag-orient sa bagong volunteer na parating na dito sa ospital any minute now. Okay lang naman sa amin nina Kuya Dane at Ate Rianne dahil matagal na naming ginagawa ang mag-orient sa mga kapwa namin Medicine students.

---

Nasa ward kami ngayon at kasalukuyang kinakamusta ang mga pasyente na kung hindi man naka-confine ay yung mga nagpapagaling na sa kanilang inindang sakit. At bilang doktor, hindi lang niya dapat pabaon ang kanyang kaalaman sa panggagamot kundi maging ang malasakit sa kanyang pasyente.

"Hello Mother Bear, kamusta na po kayo?" ang bati ni Kuya Dane sa isang lola na kumportableng nakasandal sa kanilang upuan at nagbabasa na ng libro ni Paulo Coelho.

"Okay na ako hijo. Salamat sa ibinigay ninyong salamin sa akin at nakakapagbasa na ako ng maayos ngayon." ang nakangiting sabi ni Lola sa amin.

"Yow Lolo Smugglaz! Angas nyo ngayon ah! Nakakapaglaro na kayo ng sudoku sa tablet!" bati naman ni Ate Rianne kay Lolo.

"Oo nga po eh. Salamat sa nireseta ninyong gamot sa akin." 

"Wag na po kayong iinom ng alak ha, Lolo Smugglaz at baka mawala yang smug nyo." ang bilin pa ni Ate kay Lolo.

"Opo Dok. Salamat po." ang masayang sabi ni Lolo.

Habang pinapanood ko si Ate Rianne na kinakausap ang isang babaing bagong panganak ay napansin kong tila natulala si Kuya Dane na dinaig pa ang nakakita ng multo.

"Oy Espren Kuya! Anyare sa imo?"

Napalingon ako sa tinititigan ni Kuya Dane at nakita ko ang isang babaing nakasuot ng crumpled pants, pink checkered blouse, 4 inch blue stiletto, Chanel shades at mamahaling Prada bag.

"Where is the prof here? I need to talk to him."

"Wala si Prof. Soriano, malandi." sarkastikong sabi ni Kuya Dane.

"What did you say?"

"Wag kang tanga. Narinig mo naman siguro kanina yung sinabi ni Dane. Gets?" sabad ni Ate Rianne.

"Oh My God..."

"Wag mong idamay si God sa kalandian mo." inis na sabi pa ni Kuya Dane.

"Kami nina Espren Dane at Espren Renz ang inatasan ni Sir na mag-orient sayo dito sa SAUGH kaya umayos ka." - Ate Rianne.

"Ms. Diaz, first and foremost, ospital ito at hindi mall. Being a doctor is a noble and respected profession so you are expected to wear decent clothes inside the hospital." sabi ko sa kanya.

Hinablot ko ang volunteer documents na hawak niya at sinulatan ko ng kanyang magiging assigned place.

"Assigned ka sa Emergency Room, 39 hours of required volunteer work para pumasa ka sa sem na ito. You can volunteer longer if you want. Be professional."

Lumayas na si Clingy at pumunta na siya sa ER. Saktong paglayas niya sa harapan namin ay dumating naman sa ospital sina Bunso (Samantha) at Mareng Madi na may dalang dinner para sa amin.

"Good evening mga Ate at nag-iisa kong Kuya! Here's your dinner!" ang masayang bati sa amin ni Sam sabay lapag niya ng tatlong malalaking tupperware na puno ng kanin, minatamis na manok at ginataang halu-halo.

"Thank you Bunso! Nag-abala pa tuloy kayo ni Mare," ang sabi ko naman sabay bukas ko sa tupperware. "Hmm! Mukhang masarap ang magiging dinner namin tonight ah! Sinong nagluto?"

"Sina Miguel at Ella ang nagluto ng rice at chicken at si Kurt naman ang nagluto sa ginataang halu-halo." sabi naman ni Mareng Madi.

"Ganun ba? Sakto, gutum na gutom na kami! Tara, chibugan na tayo!" ang masayang sabi ni Kuya Dane sabay sandok na nila ng kanin sa kanilang styroplate. Nagsandok na rin kami ni Ate Rianne ng kanin at ulam namin.

Habang kumakain kami ay nakita kong nakatitig si Mareng Madi sa bandang ER kung saan naka-assign si Clingy Leech.

"Siya si Arra Diaz?" tanong ni Mare sa akin.

"Oo. Siya nga si Arra Dumb Diaz." inis na sabi ni Kuya Dane.

"Alam nyo, nakakaimbyerna yang fvcking b*tch na yan," sabad ni Ate Rianne.

"Chillax lang Ate Rianne. Ganyan talaga kapag tanga." sabi ko.

"Trulalush Espren Renz..." 

Habang nag-e-enjoy kami sa pagkain ay biglang dumating sa patients ward si Sandy na hinihingal at tila takut na takot.

"Doc! Doc!" ang paulit-ulit na sigaw niya.

"Bakit, ano yun?" tanong ni Ate Rianne.

"May itinakbo pong lalaki na nabaril sa hita, wala nang ibang available na doktor dahil halos lahat sila ay may inooperahan na!"

"Eh may in-assign kaming volunteer dyan ah! Yung haponesang hilaw, kaka-assign namin sa kanya, dapat nasa ER lang siya." sabi ni Kuya Dane.

"Nag-time in lang siya tapos umalis na! Doc Renz, yung pasyente po..." ang nanginginig na sa pag-aalalang sabi ni Sandy.

Dali-dali na naming ininom yung tubig namin sabay sibad na namin sa ER kung saan nandun ang pasyente.

Sa ER...

"Daddy! Daddy!" umiiyak na sigaw ng isang batang lalaki.

"Bebe, makinig ka sa akin, gagawin namin ang lahat para mabuhay ang daddy mo. Pray ka lang, okay?" ang pagpapakalma ko sa bata.

"Opo Ate Doc...." sabi naman nung bata.

Inihanda na agad ni Kuya Dane ang mga gamit para sa stitching habang buong ingat kong inalis ang bala sa hita ng pasyente. Pagkaalis naman ng bala ay tinahi na ni Kuya Dane ang sugat at si Ate Rianne na ang naglagay ng anti-tetanus at wound disinfectant sa pasyente. Dahil sa ginawa naming pag-o-opera ay medyo nabahiran ng mantsa ng dugo ang lab gown at mask namin.

Pagkatapos ng aming matagumpay na operasyon ay nagdasal kami ng pasasalamat sa Diyos at nagyakap-yakap kaming tatlo. Kinausap ni Ate Rianne ang bata.

"Okay na ang daddy mo, Bebe."

"Don't cry na. Niligtas na ni God ang daddy mo. Kuha ka na ng candies sa bulsa ko." sabay bigay ni Kuya Dane ng Maxx candies dun sa bata.

"Thank you mga Doktor at iniligtas ninyo ang asawa ko." ang pasasalamat nung asawa ng pasyente.

"Walang anuman po. Sige po, mauna na po kami."

"Thank you po." ang sabi nung bata sabay yakap niya isa-isa sa amin. Hinagkan naman namin siya sa kanyang pisngi.

"You're welcome Bebe." nakangiting sabi ni Kuya Dane sa kanya.

Paglabas namin sa ER ay hinugasan namin ang mga kamay namin at itinapon na namin sa basurahan ang ginamit naming mga mask. Pumunta kami saglit sa locker room namin para magpalit ng lab gown na puno na ng mantsa ng dugo.

Pagbalik namin sa ward ay nakita naming nakatanaw sa bintana ng ward sina Sandy, Mareng Madi at Bunso at tila may pinapanood silang eksena sa labas. Agad namin silang nilapitan at laking gulat namin nang makita namin si Clingy Leech (Arra) na nasa parking lot ng ospital at yakap-yakap si Paul.

"THAT FVCKING B*TCH!!!" galit na galit na sabi ni Ate Rianne sabay sibad niya palabas ng ospital. Agad namin siyang sinundan sa labas.

Paglabas namin sa ospital ay nakita namin si Clingy Leech na hinahalikan si Paul sa kanyang leeg pero bigla silang natigilan nang makita nila ako. Sa galit ni Ate Rianne ay hindi na nila napigilan pa ang sarili nila at wala nang sabi-sabi pang sinugod si Arra.

"ANONG GINAGAWA MO DITONG MALANDI KA?!"

"WHAT THE?!! DON'T TOUCH MY HAIR!" tarantang sigaw ni Arra habang pinipilit niyang tanggalin ang mga kamay ni Ate Rianne na nakasabunot sa buhok niya. Kami naman ay pinipilit na paghiwalayin silang dalawa.

Sinusubukan naming pigilin si Ate Rianne pero mahirap pigilin si Ate kapag siya'y nagalit. I swear, sobrang samang magalit ni Ate Rianne. At kahit sino ang makakita ay tiyak na manginginig sa sobrang gulat.

"Ate Rianne, tama na. Tama na!" umiiyak nang pakiusap ni Bunso sa kanila.

"Wag mo akong pigilan Samantha! Wag mo akong pigilan!" galit na galit na sabi ni Ate Rianne.

Tulad ko, dibdiban din kung seryosohin ni Ate Rianne ang kanyang pagiging doktor at naniniwala siyang may mga pasyenteng umaasa sa amin na dapat naming pagtuunan ng pansin.

"Tama na Ate Rianne," ang kalmadong sabi ko pero hindi talaga paaawat si Ate.

"IMPAKTA KA! NAKAKALIMUTAN MO NA BA HA?! NA DOKTOR TAYO DITO KAYA PLEASE LANG, KUNG MAAARI LANG, ITAGO MO NAMAN YANG KALANDIAN MO! DAHIL MAS IMPORTANTE ANG PASYENTE KAYSA SA KAKIRIAN MO!" halos mangigil na sabi ni Ate Rianne habang halos kalbuhin na niya si Arra sa tindi ng pagkakasabunot niya sa malanding yun.

"Stop it Rianne! Enough! Stop hurting her!" at itinulak niya si Ate Rianne pero imbis na si Ate Rianne ang natulak....ay si Bunso ang natulak. At sa lakas ng pagkakatulak ni Paul sa kanya ay nauntog siya sa malamig na bakal ng hand railing sa bandang entrance ng ospital. Gulat na gulat kaming lahat nang makita namin si Bunso na nakahandusay sa sahig at wala nang malay.

"SAMANTHA!" very shocked na sabi namin. Agad na nilapitan nina Sandy, Mareng Madi at Kuya Dane si Bunso at dali-daling ipinasok sa emergency room para lapatan siya ng paunang lunas. Luhaan akong nakatingin kay Bunso habang isinasakay siya sa stretcher at ipinapasok na siya ng mga nurses sa ER habang mas lalong umigting ang galit ni Ate Rianne kay Paul at sa walanghiyang si Arra.

"Bunso..." ang umiiyak kong sabi dahil sa sobrang pag-aalala ko sa kanya.

"PUPUNTAHAN KO SI KURT SA TIERRO NUEVE! DIYAN KA LANG!" at humahangos na umalis sa ospital si Ate Rianne papunta sa Tierro Nueve na ilang lakad lang ang layo mula dito sa SAUGH.

Nang kaming tatlo na lang ang matira ay halos hindi makapagsalita si Paul sa harapan ko habang nanginginig na sa takot si Arra.

"R-Renz....s-sorry....hindi ko intensyong----"

*SLAP!*

"HOW DARE YOU HURT SAMANTHA?!! PANO KUNG MAY MASAMANG MANGYARI SA BUNSO NAMIN?! PANO KUNG MAPAHAMAK SIYA?! IT'S ALL YOUR FUCKIN FAULT!" I said angrily to him.

"I'm sorry," ang tanging nasabi na lang ni Paul pero dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko sa kanya ay sinampal ko pa siya sa kanyang kanang pisngi.

"SORRY?! TALAGA?! MAY MAGAGAWA BA YANG SORRY MO KUNG SAKALING MALAGAY SA ALANGANIN ANG BUHAY NI SAM?! HAH?!" sabay tulak ko kay Paul ng paulit-ulit, dahilan para biglang magalit si Arra sa akin sabay amba niya sa akin ng sampal pero binigwasan ko na siya ng isang malutong na sampal, dahilan para sobrang mapanganga siya. At mula sa galit ko kay Paul ay nabaling ang kinikimkim na galit ko kay Arra. Galit kong nilapitan ang walanghiya at sinabunutan ko ang buhok niya, sinagad ko na sa anit para maramdaman niya ang sakit.

"IKAW. IKAW NA KERENGKENG KA. MAY PASYENTE KA SANA KANINA NA KUNG HINDI NAMIN SINAKLOLOHAN, BAKA NAMATAY NA." I said sarcastically at her, wala na akong pakialam pa kahit na makalbo ko siya sa tindi ng pagkakasabunot ko sa kanya.

"Ouch. Ouch. Aray." ang namimilipit sa sakit na sabi ni Arra habang nakahawak ang mga kamay ko sa buhok niya.

"MASAKIT BA?" sabay sampal ko ng back-to-back sa kanyang pagmumukha. "OH AYAN, MASAKIT PA RIN BA?"

"You're dearly pay for this!" banta sa akin ni Arra pero napangisi lang ako sabay suntok ko sa kanyang mukha, dahilan para bigla siyang mahilo at matumba. Sasaklolohan na sana siya ni Paul pero pinandilatan ko siya, dahilan para matakot siya.

"TALAGA? OOOOHHH....NATATAKOT AKO...." and I laughed na parang baliw sa harapan nila. "HOY WALANGHIYANG KERENGKENG, SA TINGIN MO BA, HINDI KO KAYANG LUMABAN SAYO? THINK AGAIN." at tinapakan ko ng aking red Chanel stiletto ang pisngi ni Arra. "AT ISA PA...MAG-INGAT-INGAT KA LANG SA MGA PINAGSASASABI MO. KUNG AYAW MONG TUMABI, HUMANDA KA NA SA BABANGGAIN MO. YOU DON'T KNOW ME...SO DON'T UNDERESTIMATE ME." sabay sipa ko ng malakas sa pagmumukha niya. Sunod ko namang pinagbalingan si Paul at bumulong ako sa kanyang tenga.

"HUMANDA NA KAYO SA MATINDING GANTI NILA KUYA UNO AT KURT. DAHIL HINDI NYO MAGUGUSTUHAN KUNG PANO SILA MAGALIT."


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C8
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン