Sa lahat ng kagaguhang ginawa ni Justin, sa pag-send niya ng picture kay Ailyn ang pinakanagustuhan ko talaga. Natapos ang araw na 'yun na masaya ako dahil alam kong nagseselos siya, she would not burst and walked out like that if she's not jealous. Inasar ako ni Justin pero di ko na lang siya pinansin. Pumasok ako kinabukasan na masaya kahit hindi niya ako pinansin kaninang nagkita kami sa canteen.
"Oy, blooming si Laxamana ah." Asar sa akin ni Andrea na block mate naming.
"Napagbigyan kahapon e." Asar din ni Justin sa akin.
"Anong binigay?" si Andrew na tumatawa.
"Nude pare tapos alam mo na." Si Justin na pinakagago sa buong mundo.
"Fuck you."
"Tara na sa cr fafa kung di mo na mapigilan." Sagot ulit ni Justin.
"Feeling ko hindi kana magkakajowa dahil sa mga kabastusang lumalabas sa bunganga mo."
"Pasmado bibig mo boss. Huwag ganun."
Pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante dahil sa kaingayan namin. Nasa INATs kami ngayon, carinderia sa harap ng university namin. Dumayo pa kami sa east part ng university para kumain dahil nauumay na kami sa mga pagkain sa college namin tsaka medyo mahaba din ang vacant namin ngayon.
"Hi bebe girl." Si Justin na masayang kumakaway kay Ailyn na papasok ng INATs.
Ngumiti lang siya sa kanya at dumiretso na siya para mag-order ng pagkain niya. Pumwesto sila sa pinakadulong table. Block mates niya siguro 'yung mga kasama niya. Tumayo si Justin at nagtungo sa table nila. Mr. Congeniality talaga si Justin dahil nakikipagkamayan na siya ngayon sa dalawang kasama ni Ailyn. Wala pa silang ten minutes na nag-uusap pero mukhang close na niya agad 'yung dalawa. Napapatingin na yung dalawa sa pwesto namin dahil sa mga sinasabi ni Justin. Bigla ding lumipat ng upuan 'yung dalawa. Naiwan si Ailyn kasama ni Justin. Nag-usap sila saglit tapos iniwan na rin siya ni Justin.
"Oh kausapin mo na si bebe girl. Na-explain ko na 'yung ginawa namin ni Andrew about sa picture."
May puso rin naman talaga si Justin kaso mas nangunguna lang talaga minsan sa kanya ang kalokohan. Hindi ko na sinayang na opportunity 'yun para makausap si Ailyn. Pinuntahan ko na siya.
"Hi."
"uh, hi." Awkward niyang sagot.
Tumawa ako, "Yan lang ba sasabihin mo sa akin?"
She just nodded at pinagpatuloy ang pagkain. Back at it , ang mga may pinag-iipunang sagutan.
"You got jealous sa picture, right?"
Doon umangat ang tingin niya sa akin.
"No, I feel betrayed kasi how would you simply say na crush mo ako tapos magsi-send ka bigla ng ganoong picture. Feeling ko pinaglalaruan mo ako kaya I burst out. Normal lang naman na magkaroon ng crush and tell them your feelings. Crush is just crush naman. Ayaw ko lang na napagtitripan ako kasi I considered you as my friend. Tsaka I treasure the friendship kaya as much as possible ayaw kong masira pa 'yun kasi alam ko na mahihirapan ako sa college kasi hindi ko sanay na nalalayo sa pamilya. Gusto kong kayo ang magiging pamilya ko habang malayo ako sa kanila."
"Ay gusto ko yun familyzoned, at least family." I took her explanation lightly kahit masakit siya sa part ko because she lowkey rejected my feelings towards her.
"See you around then." Sabi ko sabay gulo ng buhok niya.
I understand her, mahirap nga naman sa kanya na mag-aral sa malayo tapos hindi pa niya gustong course ang kukunin niya. For the sake lang na makapagtapos siya, she sacrificed everything lalo na 'yung pangarap niya. What she needed now is a positive support system and I am willing to be part of it. Isinantabi ko muna ang nararamdaman ko sa kanya. The last thing I want is for her to be distracted, my feeling for her is not that deep yet. Crush ko pa lang naman siya and I might be mistaken my feelings, nakita ko lang siguro na challenge siya dahil sobrang iba siya sa mga babaeng nakikilala ko. She doesn't throw herself at me. Not to brag but girls would flock to me without me lifting a finger pero wala na akong pinapansin sa kanila ngayon kasi the 'yung huling binigyan ko ng chance pinagpalit lang ako tapos pinagkalat pang ako ang naghabol sa kanya. How delusional?
Ailyn and I stayed friends. She is always there to support me and Justin in our milestones. She would cheer us during our volleyball games. Ganun din naman kami sa kanya everytime na iiyak siya because she thinks she can't endure college anymore, nandun kaming lahat para sa kanya. Justin and I would always find time to talk to her and unwind na kasama niya. Nagkaroon din siya ng mga kaibigan na bagong course niya. Bachelor of Science in Entrepreneurship ang nilipatan niyang course. Sila na ngayon ang mga roommates niya sa dorm, Si Faye, Aira at Ace. Natatawa ako kasi tinawag silang "Big Four sa Bahay ni Ate" ni Justin. Masaya ako na ang Ailyn na nakilala kong sobrang tipid sumagot at mukhang loner ay tumatawa nang malakas kasama kami. Dumadaldal na rin siya. Reserved pa rin siya but now she's trying to voice out what she really feels. I was there when she wrote her first entry in Sirmata, I was there when she first attended our university's foundation day, I was there when she graduated with her NSTP-ROTC class, I was there when she got her cards, I was there when she was listed as one of the students who are qualified for college listers. We are all proud of her; she is not failing college even though sometimes she thinks everything is not for her. She overthinks and worries a lot.
Second year na siya ngayon, fourth year na rin ako pero nandito pa rin ako para sa kanya. Wala pa ring pumpalit sa kanya bilang crush ko. Kahit pati mga estudyante sa ibang universities na ang nagpapansin sa akin wala pa rin akong ibang gustong i-entertain. Possible pala na magtatagal ng ganito 'yung crush no? Habang siya halos lagi siyang may binabanggit na crush, though wala naman siyang nagiging boyfriend pero bakit sila nakikita niya samantala akong nasa tabi niya lagi hindi niya nakikita. Wala namang problema sa akin 'yun pero nag-aalala kasi ako na baka makakita siya ng lalaking para sa kanya ay makakalimutan na niya kaming lahat na nandyan para sa kanya. Nakakatakot kasing sanay na sanay akong nandyan siya tapos baka isang araw bigla na lang siyang mawala.
"Ang lalim ng iniisip natin a. Care to share?" si Ailyn na kadadating lang ng dorm from break. Hinintay ko talaga siya sa guard house dahil nag-text siya na madami siyang dala kaya kailangan niya ng tulong.
"Na-miss kita." Sabi ko na lang sabay ulo ng buhok niya
"Wow ha, magkausap lang tayo lagi nung bakasyon." Tawa niya.
"Sa groupchat na puro kagaguhan ni Justin ang pinag-uusapan."
"Nasaan pala si kuya Justin, kuya?" ayan na naman siya sa kuya, puro kuya.
"I'm here. Na-miss kita bebe girl." Maingay na sigaw niya na may hawak pang pagkain kasi kagagaling lang niyang canteen.
"Ingay mo pa rin."
"Wow ha. Edi ikaw na may magandang character development."
"Salamat sayo dahil puro kadugyutan ang natutunan ko sa character development na'to."
"You are very much welcome."
Tumawa lang ako sa bangayan ni lang dalawa, naging routine na nilang magbangayan dahil talagang puro kababuyan mga sinasabi ni Justin sa groupchat namin.
"May bibingka pala akong dala para sa inyo, baka gusto niya ako? Diba?"
"Asa! Wala kang pag-asa dun. Move on, Candon." si Ailyn na kinukuha na yung bibingka sa kamay ni Justin.
May bagong love interest kasi si Justin, nakilala niya daw sa Tinder pero mukhang walang progress dahil hindi na daw nagrereply. Feeling ko Macky at Angeline version 2.0. Pero mas malala ang 'yung mangyayari kay Justin.
"Oo na. E kayong dalawa kailan niyo balak ulit ilayag ang ship ko?" tanong ni Justin na ikinatahimik naming dalawa ni Ailyn.