アプリをダウンロード
16.07% BEAUTIFUL SCANDAL / Chapter 9: Chapter 8

章 9: Chapter 8

Natanaw ni Oshema na pumasok sina Vanessa at ang mga kaibigan sa auditorium. Nagmadali siya para mahabol ang mga ito pero nahihirapan siya sa suot na stiletto. Gusto niya na lang hubarin iyon at bitbitin.

Pagdating niya sa hagdan paakyat ng entrance ay muntik pa siyang matapilok dahil nakaapak siya ng maliit na bato. Buti na lang may humawak sa siko niya. Di siya natumba.

"Thank you," nakangiting nilingon niya ang estudyanteng lalaking umalalay sa kanya at pinasalamatan. Si Gerald Madrigal. Matangkad ito at di maitatangging may hitsura.

"You're welcome, Miss Salcedo." Bahagya itong ngumiti. Napakurap siya nang lumitaw ang malalim nitong dimples. Parang kay Aga Muhlach lang. "Gerald Madrigal." Naglahad ito sa kanya ng kamay.

Tinanggap niya ang palad nito at nakipagkamay nang biglang may tumamang bola ng basketball sa kamay nilang magkahawak. Napahiwalay sila ng sapilitan at muntik na siyang mawalan ng balansi.

Pareho silang napatingin ni Gerald sa lalaking naglalakad papalapit at hinuli ang tumatalbog-talbog na bola.

Si Joul.

Madilim ang mukha nito at pansin niya ang umiigting nitong mga panga.

"Sorry, it slipped." Malamig nitong sabi at nag-iwan sa kanya ng matalim na tingin bago nagtuloy sa entrance ng auditorium at pumasok.

"Sinasadya niya iyon. Paano madudulas ang bola at mapupunta sa atin?" Nagsalita si Gerald.

Napatingin siya rito. Napansin niyang nagngingitngit ito at gustong habulin si Joul pero nagpipigil lamang. Napasulyap siyang muli sa may entrance at naalala kung anong pakay niya roon. Si Vanessa. Kailangan niya mapigilan ang pamangkin. Baka nasa loob din si Jinkee at magkagulo pa.

"Excuse me," tumalilis siya papasok ng auditorium.

"Wait up, Miss!" Humabol sa kanya si Gerald.

Pagdating sa loob ay iginala niya ang paningin. Second time niyang makapasok rito at ngayong walang mga estudyanteng nagsisiksikan at nagtutulukan ay mas napagmamasdan niya ang buong lugar. Nakagayak ng kulay maroon ang bleachers at may mga bar partition na naghihiwalay sa audience mula sa hardcourt.

Dinig hanggang sa kanyang kinaroroonan ang magkakahalong tunog ng mga sapatos na umiingit sa sahig ng court at ang talbog ng bola na binabasag naman ng sigaw ng coach sa bawat pagkakamaling nagagawa ng mga players.

Mabilis niyang nahanap ang grupo nina Vanessa at ng mga kaibigan nito. Naka-pwesto ang mga ito sa likurang dako ng bench at nasa pinakaunang row ng bleachers. May isa ding grupo ng mga estudyanteng babae na nandoon pero nasa kabilang row ang mga ito. Agad niyang nilapitan si Vanessa na nakahawak sa bars at nakatunghay sa mga naglalaro sa ibaba.

"Vanessa," hinawakan niya ito sa braso.

Agad tumingin sa kanya ang dalaga. Ngunit dagli ring lumagpas ang mga mata nito at napako sa bandang likod niya. Napansin niyang nakatingin rin doon ang mga kaibigan nito habang nagbubulungan. Lumingon siya. Nahihiyang ngumiti sa kanya si Gerald. Di niya napansing bumuntot ito sa kanya hanggang doon.

"Ate, bakit kayo magkasama ng anak ni mayor?" Pabulong na tanong ni Vanessa.

"Nagkita lang kami sa labas. I didn't notice that he followed me here." Sagot niyang binawi ang paningin mula sa lalaki. "Okay ka lang ba? Nag-alala ako sa iyo." Dagdag niya.

Bigla ang pagdungaw ng lambong sa mga mata nito na agad nitong ibinaling muli sa court. "I'm not okay, ate. I'm hurt, so hurt. Joul ditched me for someone else." Inangat nito ang tingin at ipinukol sa isa pang grupo ng mga estudyanteng babae na naroon. Unti-unting tumapang ang mukha nito at naglalaro sa mga mata ang poot.

Positibo, nasa grupong iyon si Jinkee. Pero hindi niya matanto kung alin sa lima. Huminga siya ng malalim at hinaplos ang likod ni Vanessa. Alam niyang mali kung sasabihin niyang hayaan na nito si Joul at kalimutan. Masyado pang sariwa ang sugat na nilikha ng binata kaya tumahimik na lang muna siya. Naramdaman niya ang paglapit ni Gerald.

"Miss, mahilig ka pala sa basketball?" Tanong nito.

Umiling siya. "Hindi masyado." Napasulyap siya rito at nahagip ng tingin niya sina Roxanne at Trixie na bumungisngis sa kanya. Habang sina Kimberly at Trisha ay nagbubulungan. Si Arlene naman ay busy sa cellphone.

Ipinukol niyang muli ang mga mata sa court. Umaalingawngaw ang malakas na sigaw ni Joul. Minura nito ang iilan sa mga naglalarong players. Ito ang tumatayong coach sa kabilang team na kalaban ng first five.

"Move away from there or i'll kill you, asshole!" Dumagundong muli ang boses nito sabay tingala sa gawi nila bagamat saglit lamang iyon at muli din nitong ibinaling agad ang tingin sa mga naglalaro pero di niya maalis ang pakiramdam na si Gerald ang tinutukoy nito at sinisigawan. Nababaliw na siguro siya.

"Vanessa, umuwi na tayo, gumagabi na." Yaya niya sa pamangkin. Kapag nanatili pa ito roon ay lalo lamang nitong sasaktan ang sarili.

"Mauna ka na, ate. Dito na muna ako. Kakausapin ko ulit si Joul pagkatapos ng practice nila." Sagot ni Vanessa sa basag na tono.

"Kung uuwi ka na, Miss, pwede kitang ihatid." Sumingit si Gerald.

"Salamat sa alok mo, Mr. Madrigal pero malapit lang naman dito ang uuwian ko kaya ayos lang ako. Hindi mo na ako kailangang ihatid pa." Sabi niya para putulin na agad kung anuman ang binabalak nito.

Napahiya ito at napakamot sa batok. "O-okay, sige, mauna na ako." Paalam nito at umalis.

Napatingin siya sa grupo nila Jinkee na nagtatawanan habang bumababa sa hagdan at nilandas ang makipot na alley patungo sa bench kungsaan nakatayo sa malapit si Joul. Nabaling din sa grupo ang atensiyon ni Vanessa at ng mga kaibigan. Pero bago pa tuluyang makababa ang mga ito ay nakita niyang lumapit sa coach si Joul at may sinabi saka umalis ng court ang binata. Hindi na ito bumalik hanggang sa matapos ang practice.

Nang gabing iyon ay niyaya niya si Vanessa na doon matulog sa staff house. Nababahala siya sa pwede nitong gawin sa sarili. Gusto pa sana nitong hintayin kanina si Joul pagkalabas nila ng auditorium pero nalaman nila mula sa team na nasa trabaho na ito. Umiiyak si Vanessa habang sila'y pauwi.

Napapahikab na inabot niya ang mug at humigop ng kape. Antok na antok na siya. Hindi na yata niya matatapos ang ginagawang questionaires para sa summative test bukas. Nakalimutan niya iyon kanina dahil sa pag-aalala niya kay Vanessa.

Sinulyapan niya ang dalaga na natutulog sa kama niya. Pagkatapos nitong i-kwento sa kanya ang lahat habang umiiyak ay napagod ito at nakatulog. Tumayo siya at ini-stretch ang mga kasu-kasuan. Ang mga kuneho nga pala. Hindi niya napuntahan para pakainin. Kawawa naman ang mga iyon kung magutom. Siguradong nasa trabaho pa ngayon si Joul. Iniwan niya ang ginagawa at kinuha ang flash light. Lumabas siya ng staff house at nagtungo ang kweba.

"Tulog na sila. Tapos ko ng pakainin." Akmang papasok na siya sa lagusan nang magsalita si Joul.

Agad siyang napalinga sa pinanggagalingan ng boses nito. "Joul, kagagaling mo lang sa trabaho?" Tanong niyang hinagod ng tingin ang binata. Naka-school uniform na ulit ito.

"Um," tango nito at umigting ang mga panga. "Bumalik ka na doon sa bahay at next time, wag kang lalabas na ganyan ang suot mo. Baka ma-rape ka ng wala sa oras."

Napatingin siya sa sarili sukat sa sinabi nito. Oh my God! Nakapantulog na nga pala siya. Manipis iyon at sobrang iksi. Wala siyang bra pero may panty naman. Napapahiyang tumalikod siya at iniwan ang lalaki. Ramdam niya ang mainit nitong titig sa kanyang likod. It's hammering on her back as if trying to burn her cells. Nanatili iyon hanggang sa makatawid siya sa kabilang parte ng ilog.

Kinabukasan ay maaga siyang nagpunta ng eskwelahan kasama si Vanessa. Sa may gate ay hinintay sila ng mga kaibigan ng dalaga.

" Goodmorning, Miss Salcedo." Magkakasabay na bati ng mga ito.

"Goodmorning, girls." Nakangiti niyang bati pabalik. Natutuwa siya na nakahanap si Vanessa ng mga mabubuting kaibigan na dumadamay rito sa mga panahong nalulungkot ito at may pinagdadaanan katulad ngayon. Ang presensya ng mga kaibigan nito ay nakakagaan sa pakiramdam.

"Mauna na ako sa inyo." Paalam niya at hinagkan sa pisngi ang pamangkin. Dumeretso na siya sa faculty office. Iilang guro pa lang ang naroon na inabutan niyang abala sa paghahanda para sa pasulit. Kinuha niya sa kanyang bag ang usb na naglalaman ng ini-encode niyang test questionnaire at dinala iyon kay Ryan, ang IT in-charge nila para mai-print.

"Goodmorning, Oshema." Masiglang bati sa kanya ng lalaki.

"Goodmorning." Ganti niya at ngumiti ng tipid. Inabot niya rito ang usb. Bahagya itong namula nang mahuli niyang hinagod siya nito ng tingin. Iniwan niya si Ryan na nagpi-print at bumalik siya sa kanyang cubicle.

"Ms. Salcedo, here's your assigned class for the exams today." Lumapit sa kanya si Mrs. Rosela Gonzales, ang head nila at inabot sa kanya ang naka-folder na test schedule ng klase na babantayan niya.

"Thank you, ma'am." Kinuha niya ang folder at sinilip. Grade 12 section Judah."

"The student employees will be bringing the test papers later." Pahayag nito bago siya iniwan at lumapit sa ibang mga guro.

Dakong alas-otso ay nagtungo na siya sa kanyang assigned class. Tahimik ang mga estudyante nang siya'y pumasok. Ang iba ay nag-scan ng notes habang busy naman sa cellphone ang iba at kung anu-ano pang gadgets.

"Goodmorning, Miss Salcedo!" They greeted her in chorus.

"Goodmorning." Bati niya at nagtungo sa kanyang desk. Sa kanya na nakatuon ang atensiyon ng mga estudyante. Ang mga lalaki ay umayos sa pagkakaupo sa kani-kanilang mga silya at naging attentive. May iilan sa mga estudyanteng babae ang ngumiti sa kanya ng magiliw habang ang iba ay kaswal lamang.

"Ikaw pala ang proctor namin, Miss." Natuon ang paningin niya sa estudyanteng nasa unang row malapit sa teacher's desk. Namukhaan niya ito. She's one of the girls in the other group yesterday at the auditorium.

"Yes, I am." Nahulog ang mga mata niya sa Identification Card nito na nakabitin sa collar ng uniform. Jinkee M. Rodriguez.

Ang dalagang ito ang bagong nililigawan ni Joul. Bago pa nakapag-litanya ang utak niya ng mga adjectives ay inagaw ng mahihinang katok mula sa nakabukas na pinto ang kanyang atensiyon. Napatingin siya roon at tumambad sa kanya si Joul, dala ang bundle ng mga test papers.

"Magandang umaga, Miss." Bati nito at pumasok. "I'm bringing the test papers."

"Goodmorning and thank you, Gascon." Sabi niya pagkalapag nito sa mga papel sa ibabaw ng desk.

May mga estudyanteng tumili at tinukso si Jinkee. Habang ang dalaga na nasa unahan ay pulang-pula at di makatingin kay Joul.

"Prince charming mo, oh! Pinuntahan ka talaga rito. Kunyari may pahatid-hatid pa ng test papers." Kinikilig na kantiyaw ng iilan buhat sa likod.

"Class, quiet!" She threw them a reprimanding look.

Tumahimik ang mga ito pero naiiwan sa mga mukha ang malalaking ngisi. Pinukol niya ng matalim na sulyap si Joul na parang walang pakialam sa nangyayari at mga narinig.

Did he volunteer to bring the test papers? What an obsolete idea to see his girl. Inirapan niya ito.

"Why are you still here? Makakaalis ka na." Taboy niya rito. For some reason, biglang uminit ang ulo niya na di niya maintindihan.

"I'll be assisting you, Miss. Dito ako naka-assign ngayon." Sagot nito na titig na titig sa kanya. Kahit di siya nakatingin ramdam na ramdam niya iyon. Para siyang mapapaso. Huminga siya ng malalim at hinamig ang sarili para pakalmahin ang pusong naghuhurumentado.

Chemistry ang unang subject na nasa schedule. She immediately prepared the test papers. Kinuha nito ang mga papel.

"Should I start distributing these now?" He asked in a husky voice.

Tumango na lamang siya at bumaling sa buong klase. "Settle down now, we will be starting the exam." Anunsiyo niya at muling sinaway ng tingin ang mga estudyante sa likod na di pa rin matigil sa katutukso kay Jinkee lalo na nang lumapit si Joul rito para ibigay ang test paper ng dalaga.

"Thank you," nahihiya nitong wika na pulang-pula na naman ang mukha.

Umikot ang bola ng mga mata niya. What's the deal? It's just a test paper. The classroom dramatically went dead after the next hour. Seryosong hinarap ng mga estudyante ang pasulit.

"How about your exam?" Kanina pa niya iyon gustong itanong kay Joul. Pabulong iyon para hindi maabala ang klase.

"Bukas na kaming mga working students." Pabulong din nitong sagot. "Doon ako magbabantay sa likod." Dagdag nito.

Tumango siya at hinatid ito ng tanaw papuntang likuran. Habang hinihintay na matapos sa pagsagot ang mga estudyante ay inabala niya ang sarili sa paghahanda ng test papers para sa susunod na mga subject. May isa pang subject bago ang recess sa alas-diyes at dalawa bago ang lunch break. Isinandal niya ang likod sa sandigan ng upuan at nag-angat ng tingin papuntang likuran. Nagtama ang mga mata nila ni Joul. Bahagya nitong inangat ang hawak na cellphone. He's giving her a signal. Kasunod roon ay naramdaman niya ang pagvibrate ng cellphone niya. Agad niyang kinuha iyon mula sa bulsa ng kanyang blazer at sinilip. He is texting her. Binuksan niya ang message nito.

Him : I like my spot right now, I can watch you as much as I want without anyone noticing.

Napakunot-noo siya. Niloloko na naman siya ng lalaking ito. Nagtype siya ng reply.

Her : Stop staring at me, nandiyan ka para magbantay.

Tinanaw niya ito at inirapan. Nakangising tumunghay ito sa cellphone. Maya-maya ay nagvibrate muli ang cellphone niya. Sinipag magtext ang loko.

Him : You seem uneasy.

At nagawa pa siyang tuksuhin. Mabilis siyang nagreply.

Her : Your fault.

Him : The hell if mine, masyado ka kasing maganda.

Her : Wag mo akong bolahin, nandito sa harap ko ang bago mong nililigawan.

Pinukol niya ito ng tingin. Nagsalubong ang mga kilay nito na tumingin sa gawi ni Jinkee. Agad siyang bumaling sa kanyang cellphone nang dumating ang reply nito.

Him : Who? Wala akong nililigawan.

Matagal siyang nakatitig lang sa sagot nito. Wala raw itong nililigawan? Is she supposed to believe that? Ano bang pakialam niya kung may nililigawan ito o wala?

Pero bakit nakadama siya ng kakaiba sa kanyang dibdib? Parang mainit na haplos na masarap sa pakiramdam. Ibinaba niya ang cellphone at pumikit. This is enough. She can't be this gullible. Bago pa niya naihulog sa bulsa ng kanyang blazer ang cellphone ay muling nagvibrate iyon.

Him : Liligawan pa lang, kung papayag siya. Bawal kasi. Teacher siya at estudyante niya ako. Adviser ko pa.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C9
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン