アプリをダウンロード
3.22% 3:02 Times Up / Chapter 2: 1

章 2: 1

San Lucia

Riri

Gumising ako ng maaga dahil luluwas na ako ng maynila.Nakakalungkot nga't maiiwan ang pamilya ko rito masaya naman at maganda ang pamumuhay ko rito kaso nga lang kailangan kong mag-aral sa kamaynilaan dahil mas maraming opportunities ang naghihintay ruon

Umupo ako sa kama ko at napa-buntong hininga hinaplos ko ang di man ganun ka -lambot na kama pero pwede na.Maraming ala-ala ang naipon dito tulad ng paglalaro namin ng kapatid kong si Selena sa kwartong ito kaso wala na siya

"ANAK!Gising na baka mahuli ka!"saad ng aking ina na si Lourdes sumigaw na lamang ako na sususnod na ako gusto ko mjnang maenjoy ang mga bagay-bagay rito sa kwarto nang sa ganun di ko ganun malungkot kapag naroon na ako sa Maynila

Tinungo ko ang bintana ng kwarto tanaw mula rito ang ganda ng taniman namin.Sariling lupa na namin ito at ang pamilya namin ang isa sa mga nagusuply ng bigas sa syudad.

Tuwing kabuwanan ng anihan talagang lahat kami kumikilos para mabilis ang pag-aani at ang pagdedeliver sa syudad.Sapat lang din naman ang kinikita rito di rin ganun kalaki kaya kapos pa rin kami.

"Hay mamimiss ko to!"kinuha ko na ang bagahe ko at tinapat sa pinto ng aking kwarto para mabuhat ni kuya eman pagkababa ko sama-sama ang pamilya ko

Si lola,lolo,mama,papa,ate maria,ate liza,kuya eman,kuya lucs,at syempre ang bunso naming si chichay.

"Good morning Pamilya Barcelona!"sigaw ko at dali daling bumaba at syempre niyakap isa-isa as in isa-isa mahigpit na yakap at binigay ko

"Ayy mamimiss kita ate riri."ani ni chichay ngumiti ang mapait sa kanya hay pag bunso nga naman iba talaga ang dating pinisil ko ang kanyang ilong at hinalikan siya sa noo

"Ano ka ba chichay uuwi rin naman ako lalo na pag bakasyon."umupo ako sa tabi dama ko ang tingin ng lahat saakin yung lungkot na nararamdaman

"Dapat good vibes lang!Umagang-umaga eh."ngumiti naman sila saakin at nagsimula na sa pagkain ulit yung ganitong setup namin ang mas nagbibigay ng lakas sa aming lahat sa araw-araw na buhay namin

"Ay nako riri baka mag-boyfren ka dun ah di pwede yun!"saad ni kuya luks saakin nanlaki talaga ang mata ko sa sinabi niya

"Nako!ako pa kuya luks hindi mangyayare yun kailangan makaahon ang pamilya natin bago mangyare yun."matigas na sabi ko sa kanya at umiling-iling pa

"Hay nako apo riri!Bumisita ka dito ah wag kalilimutan ang pinanggalingan mo."bilin saakin ni lolo ngumiti ako sa kanya at sumaludo pa

"Nak!kapag may problema tawagan mo kami ah,baka maayos natin yun kaagad."ngumiti ako kay mama at pinagpatuloy ko na ang pagkain ko

Tawanan,kulitan,at syempre ang pagsasama-sama namin ang isa sa lahat ng mami-miss ko.Kinuha na ni kuya eman ang bagahe ko at nasa tapat na ako ng tricycle na kinuha ni papa sa terminal sa kanto

"Pa!Ma!Salamat po ah na pumayag kayo na sa maynila po ako mag-aral."sabi ko at niyakap silang dalawa narinig kong umiiyak na si mama

"Anak Riri pagbutihan ang pag-aaral ha!Alam ko naman na susunod ang dalawa mong kaibigan kaya di ako nangangamba dahil may kasama ka.Importante na bumisita o kahit na tumawag man lang ha!"bilin ni mama saakin at ngumiti ako

"Sige na anak mag-iingat ka ah!"ani ni papa saakin at naglakad na ako palayo sa huling sandali nakita ko ang kapatid ko sa kwarto na nakatingin at kumakaway saakin. Lumandas ang luha ko pero ngumiti pa rin ako sa kanila

Bumuntong jininga ako at sumakay na.

PAALAM SAN LUCIA!

"Ivy!"sigaw ni Elaine sa dalaga na kasalukuyang naka-upo ngayon

"Anlakas ng sigaw mo ano ba!Marinig ka nila papa tsk...!"panaray na sabi ni to sa kanya at bumalik sa binabasang libro

"Umalis na kasi si Riri kaya ganto ako!"malungkot na sani nito at sya namang pagkalaglag ng libro na binabasa ni Ivy

"ANO!?"galit na saad ni ivy at napahawak sa buong mukha nito at nanggigil."Di man lang nagpaalam ayshhh kakausapin ko si mama susunod tayo!"sabi nito at padabog na sinara ang pinto

"Manong,Salamat po!"saad ni Riri sa tricycle driver at binuhat ang kanyang bagahe na sobrang bigat.Naghintay siya ng ilang minuto bago maka-sakay ng bus

Tanaw niya ang tanawin mula sa kanila bumuntong hininga siya

'Makakamtan ko rin ang tagumpay mama papa.'

"Mama ahm may hiling po sana ako."napataas ang kilay ng kanyang mama sa tinuran ng kaniyang anak

"Sige,ano yun?"tanong nito sa kanya at binaling ulit ang tingin sa kanyang ginagawang pag-kompyut

"Mama,maari ba kaming pumunta ng maynila ni Elaine?"agad na napatingin sa kanya ang kanyang ina buhat na rin ng pagkabigla

"Ano bang nasa isip mo at ganyan pa ang hinihiling mo?Diba sabi ko dito lang kayo ni Elaine sa tabi ko at ng papa mo!?"pagalit na sabi nito pero kumalma rin ito dahil baka marinig ito ng kanyang asawa

"Mama kasi gusto naming pumasok ni Elaine sa magandang University maraming opportunities duon.Mas matuto kami maraming kukuha saamin kung duon kami nag-aral pareho.Ma,wag ka mag-aalala kasi kukuha na lang kami ni Elaine ng scholarship para di ganun kalaki yung gagastusin niyo samin.Ma!pakiusap payagan niyo na po kami."nangungusap na sambit ni Ivy sa kanyang ina at napatingin na lamang sa ibang direksyon ang kanyang ina

"Pag-usapan natin ito mamaya sa hapagkainan nang sa ganun magkaliwanagan tayo."napakaga-labi na lamang si Ivy sa tinuran ng kanyang ina at umakyat na sa kwarto nila

NASA hapagkainan ang pamilya ni Ivy at elaine.Tahimik ang bawat isa

"Lindo!"basag sa katahimikan ng ina nila ivy at elaine kinakabahan man ay kumalma pa rin ang puso ni Ivy."Naisip ko kasi na bakit hindi natin ipadala si Elaine At Ivy sa maynila duon natin pag-aralin dahil mas maraming opportunities ang naghihintay sa kanila hindi ba?"napatingin sila sa kanyang Ama at tila ba nag-iisip kung anong magiging reaksyon nito

"Sigurado ka ba dyan rosario?"tumango naman ito at ngumiti sa kanyang anak at ngumiti rin ito sa kanya bilang sukli."Sabagay,sige ano bang plano niyo?"tanong nito at uminom ng tubig

"Kukuha raw sila ng scholarship para di ganun kadami ang babayaran."napatigil bigla sa pagnguya si elaine sa tinuran ng ina at uminom ito ng tubig

"Kung ganon ang plano papayag ako."ngumiti si Lindo sa kanyang mga anak at ngumiti rin si Ivy sa kanya habang si Elaine naman ay nakatingin lamang kay Ivy

'Grabe!,anong mahika ang ginawa ni Ivy para mapapayag si mama?"


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C2
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン