Maaga pa ay hinanda na ni Uno ang mga dadalhin sa biyahe. Inilagay niya ang mga bote ng tubig at softdrinks sa likod ng sasakyan. Inisip pa niya kung may nakalimutan pa ba silang dalhin.
"A!" naalala niya. "Ang carrier ni Fifi!"
Paglingon niya ay nagulat siya sa biglaang presensya ni Wiz. Dahil madilim-dilim pa, at may kaputian ang pinsan at naka-overall white pa ito ay inakala niya na white lady ang nagparamdam.
"Anak ng..." halos humiwalay ang kaluluwang niyang nasabi. "Bakit ba ang creepy mo na naman ngayon?"
"Tutuloy pa ba tayo?" may pagkabahalang naitanong nito. Umihip ang malamig na hangin at umalulong ang alagang chihuahua ng kapitbahay kaya mas naging makapanindig-balahibo ang atmosphere.
"Oo naman! Bakit parang windang ka?"
"Baka pwede, sa ibang araw na lang..."
"Bakasyon din nina Mike mula sa eskuwela at na-reschedule ko na ang mga engagements ko. Wala naman akong makitang dahilan kung bakit kailangang i-cancel. May problema ba?"
Kumurap-kurap ang mga mata ni Wiz habang nag-iisip. Nag-alinlangan siya kung nararapat ba na ikuwento ang masamang panaginip niya na may kinalaman kay Uno.
Gayunpaman ay ayaw naman niyang takutin ang mga pinsan sa mga usaping may kinalaman sa "kamatayan".
"Ako ang magmamaneho, OK?" suhestiyon niya na mas pinagtaka ni Uno. Medyo tamad at antukin kasing mag-drive si Wiz sa mahahabang biyahe kaya halos hindi siya makapaniwala sa pagboboluntaryo nito.
"Sigurado ka?"
"Oo naman!" pilit na pinasigla ni Wiz ang tono ng boses upang hindi na mag-alala pa ang pinsan. "Maghahanda na ako ng almusal habang nagre-ready kayo! Sakto alas siyete, aalis na tayo!"
Habang nasa biyahe ay maingay silang nagkakantyawan. Shook na shook si Alfa dahil hindi niya inaasahan ang sobrang kakulitan ng magpipinsan.
Ang mga lalaki nga naman, kapag nagsama-sama ay parang mga bata at napakagulo!
Gayunpaman ay aminado siya na enjoy silang makasama. Hindi niya naramdaman na out of place siya dahil mga gentleman, kwela at madali silang mga kausap.
"Masanay ka na sa amin, ha." pagsingit ni Francis nang mapansin na tahimik ang katabi. "Sana ay huwag mong pagsisihan na pumayag kang maging girlfriend ni Uno. Matanong ko na rin pala, ano bang nakita mo sa kanya?"
"Destiny. Siya ang napakaganda kong "destiny."" pagmamayabang ni Uno sabay kindat kay Alfa. Malawak na ngiti ang sumilay kaagad sa mga labi ng dalaga. Umusog siya palapit mula sa kinauupuan at nilahad ang kamay sa nobyo. Bilang tugon ay inabot iyon ng sinisinta at hinagkan.
"Ideal man kasi siya." kilig to the neurons na sinambit niya.
"Ideal man? Ginayuma mo e!" pagbibintang ni Francis kay Uno.
"Kontrabida ka talaga sa buhay ko!" paninimula niyang pagalitan ito muli. "Ipamigay na kaya kita kay Miss Elf tutal type na type ka naman nun? Magsama kayong "bitter"!"
Biglang kumulog at kumidlat ng malakas pagkatapos mabanggit ang salitang "bitter."
Hate na hate kasi ni Miss Elf ang salitang iyon.
"Narinig yata tayo ng duwende!" pagpa-panic ni Mike.
"Lagot na. Kasalanan mo Uno!" pagbabaling ng sisi ni Francis sa kanya.
"Ako na naman? Di bale, napapakiusapan naman si Miss Elf. Iaalay kita sa kanya para hindi na magalit pa!" masungit na tugon niya sa binibintang sa kanya.
"Hoy, Wiz, gumising ka, huwag kang matulog habang nagmamaneho!" pagbibiro naman niya sa katabi, sabay tapik sa balikat nito, nang mapansin na tahimik ito.
Napatawa ng bahagya ang kausap dahil sanay na siyang napagkakamalang nakapikit o tulog. Maliit kasi ang mga mata niya dahil malakas ang dugong Tsino na nananalaytay sa kanya. Gayunpaman ay marami ang naa-amaze dahil kahit chinito ay kulay tsokolate naman ang mga mata nito.
"Sa dami ng kape na nainom ko, gising na gising ako! Medyo nagpapalpitate na yata ako dahil naparami nga! Ang bilis ng pumps ng aking heart!" sinagot niya sa panunukso sa kanya.
"Hala, Kuya. Baka mautot ka!" napabulalas si Mike.
"Anong koneksyon ng heart pumps at utot?" naitanong niya rito sabay tingin sa may rear mirror upang usisain ang matalinong pinsan.
"Kasi, kapag pump ng pump ang puso, saan lalabas ang hangin?" pag-analisa niya. "Ang sabi ni Kuya Luis, kapag masyadong mabilis ang pump ng puso, lumalabas daw ang hangin sa puwet. Kaya sa horror movies, kahit nagtatago ang mga biktima, nahuhuli pa rin sila. Dahil sa sobrang pag-pump ng heart ng hangin, nauutot sila."
"Hmmm...magandang obserbasyon 'yan, parang balloon ang eksplanasyon ng kapatid mo. Kapag napuno ng hangin ang katawan, kailangan nga ng malalabasan. Kung wala ay sasabog. I therefore conclude that too much heart pumps cause gas that will eventually exit through the human hole which is called "anus"." seryosong pagsang-ayon ni Wiz sa scientific analysis ng kuya ni Mike kahit alam niyang pang-uuto lamang ito sa nakababatang kapatid. "Pero may alam akong ibang "pump" na hindi naman nagreresulta ng utot kungdi baby! Kindly explain!"
"Silent na." pagsaway na ni Uno dahil batid niya kung saan na magtutungo ang usapang "pump". May kasama silang babae at menor de edad pa si Mike kaya kailangang puro wholesome lamang ang pag-uusapan.
Bagamat nakangiti si Wiz habang sinasaway ng pinsan ay kanina pa siya nakakaramdam ng pagkabagabag. Napanaginipan kasi nito na naaksidente sila habang nasa byahe at ang nagmamaneho ay si Uno.
Kitang-kita niya sa panaginip na bumangga ang kotse sa isang trailer truck na nawalan ng preno. Nasagasaan nito ang mga katabing sasakyan at kasama ang pinsan sa nga nasawi nang pumailalim ang kotse. Napuruhan ang bandang parte ng driver's seat nang tumagilid ang truck at nadaganan ang sinasakyan. Iyon ang dahilan kung bakit imbis na si Uno ang magmando sa manibela ay nagpumilit siya na mag-drive kahit na may takot pa siya sa matataas at malabangin na mga lugar. Pinilit niyang magpakatapang upang mas maging ligtas ang mga kapamilya.
"Masama talaga ang kutob ko." alalang-alala na naisip niya. Napansin niya ang mataimtim na titig ni Uno na tila ba nararamdaman na ang pagkabalisa niya. "Paano ko maililihis ang pangitain na nakita ko? Hindi ito ang tamang panahon para makuha siya ni Kamatayan lalo na at masaya na siya sa piling ni Alfa!"
Maya't-maya ay nakita niya sa side mirror ang isang truck. Malayo pa ito ay kapansin-pansin na kakaiba na ang bilis nito. Mas kinabahan si Wiz dahil kahawig nito ang truck sa panaginip niya. Kaagad niyang ipinarke ang kotse sa malapit na palengke ng sari't-saring mga pagkain.
"Stop over muna tayo, Kuya?" pagtataka ni Mike. "Biglaan yata!"
"O-Oo...mura raw ang mga prutas diyan." Pinilit niyang kumalma upang hindi na mabahala pa ang mga pinsan. "Pahinga rin muna ako kahit mga thirty minutes lang...tingin-tingin muna kayo diyan. Ibili niyo ako ng pakwan at chico ha."
"OK." pagsang-ayon nila. Lumabas sila sa kotse upang tumingin ng masasarap na pagkain at mga souvenir. Mahigit isang oras din ang inabot nila sa pamimili bago tumuloy sa biyahe.
Mga ilang kilometro lamang ang nalalayo nila ay tumambad na ang mahaba-habang traffic. May mga tao rin na nagsisitakbuhan upang makiusyoso. Bakas sa mukha nila ang pagkasindak at panghihinayang. Sa tabi ay may ilang ambulansya at paramedics na may bitbit na mga biktima na kaagad din naman nadala sa pagamutan.
"Boss, anong nangyari?" pagtatanong ni Francis sa traffic enforcer.
"May naaksidente." tugon nito sa kanya. "Nawalan ng preno 'yun trailer truck. Ayan, nasagasaan yun mga katabing sasakyan. Ang dami ngang namatay!"
"Diyos ko, kawawa naman!" malungkot na sinambit ni Alfa. "Ipagdasal natin ang mga nasawi..." Nangilabot pa siya ng masaksihan sa isang sulok na may mga kotse ng punerarya na nakahanda na rin kumuha ng mga bangkay kung mayroon man. "Bakit nandiyan na sila? Sigurado ba silang may mga patay?"
"Oo, Ate." matamlay na tugon ni Mike. "Balita ko, nag-uunahan nga ang mga funeral parlor sa mga scene ng aksidente upang makakuha ng kliyente."
"Gosh! Ganito pala rito!" hindi makapaniwala si Alfa sa narinig. Sa planeta kasi nila, advance na ang teknolohiya sa medisina kaya lahat ng naaaksidente, kahit pa gaano pa kalala ang kaso ay dinadala pa rin sa ospital dahil malaki pa rin ang pag-asa na mabuhay.
"Huwag mo ng isipin 'yun." pagpapagaan ni Uno sa nobya. Kapansin-pansin kasi na namutla si Alfa dahil mahina ang sikmura niya sa mga usaping aksidente at "kamatayan". "Sadyang oras na nila talaga. Tama ka. Ang magagawa na lang natin ay ipagdasal sila."
Nilayo ni Wiz ang sasakyan mula sa daan kung saan nakahandusay pa ang ilang mga bangkay. Ayaw niya kasing masaksihan ni Alfa ang mga dugo at laman na kumalat sa kalsada.
"Kung hindi ko na-delay ang biyahe, marahil ay kasama kami sa mga napahamak!" bulong ng isipan niya. "Sana ay nagkakataon lamang ang mga pangitain ko!"
"Tahimik ka yata, Wiz." Tinawag ni Uno ang pansin ng pinsan na malalim ang iniisip.
"Tahimik naman talaga ako." halos pabulong na sinabi niya.
"Eh? Kailan pa?" panunuya niya.
"Basta." may pagkairitang sinagot niya sa panunudyo ng katabi.
"Baka nanuno ka, Kuya!" pag-aalala ni Mike. "Mahilig daw sa mapuputi ang mga espiritu dito sa bundok! Baka nakatuwaan ka!"
"Isa ka pa! Bruhong bata ka! Trip kong manahimik, bakit ba? Mas pogi raw ako kapag silent type." pakiki-ride on na niya sa mga biro nila. Medyo nakahinga siya ng maluwag dahil nailayo niya sa posibleng aksidente ang mga kasama.
Sa gitna ng kulitan ay may napansin sila na tatlong kotseng sumusunod sa kanila. Maya't-maya ay humarurot ang puting sasakyan at binangga ang tagiliran kung saan nakaupo si Uno. Napatili si Alfa dahil sa lakas ng pagkakatama sa kanila at pag-aalala para sa nobyo. Niyakap siya nina Mike at Francis upang maprotektahan.
"Ayos ka lang?" pangungumusta ni Wiz habang mas pinabibilis ang pagmamaneho. Akmang pagigitnaan sana sila ng mga nag-aambush sa kanila kaya sinadya niyang dumaan sa ginagawang one-way road na baku-bako pa upang mas bumagal ang mga humahabol sa kanila at walang pagkakataong makaatake sa both sides ng kotseng minamaneho. Umusok ang paligid dahil sa alikabok na naidulot ng tulin ng mga sasakyan.
"Ako muna ang magmamaneho!" suhestiyon ni Uno. "Mas kabisado ko ang daan!'
"Hindi!" pagmamatigas ni Wiz na kabado na dahil tila ba hindi basta-basta pakakawalan ng Anghel ng Kamatayan si Uno. Nang mga oras na iyon ay magulo na rin ang kanyang isipan sapagkat batid niya na alanganin ang buhay ng pilit niyang isinasalba.
"Akong bahala! Huwag ng matigas ang ulo mo!" pagpupumilit ni Uno. Hinawakan niya ng mahigpit ang braso nito, senyales upang huminto na sa pagmamaneho. "Magtiwala ka lang!"
Labag man sa kalooban ay pinarke na ni Wiz ang sasakyan nang pansamantala nilang naunahan at napagtaguan ang mga kalaban. Pababa na kasi sila sa makipot na daan na nasa gilid ng bangin at aminado siya na mas kabisado ng pinsan ang pagmamaneho sa ganoong klaseng mga sitwasyon. Kaagad silang lumabas at nagpalit ng upuan. In-adjust ni Uno ang gear ng kotse upang maghanda sa mabilisang pagtakas at drifting.
"Mag-seatbelt kayo." pagpapaalala niya. Pinaandar na niya ang kotse pababa ng bangin. Halos umikot ang sikmura ni Alfa dahil sa sobrang tulin ng pagpapatakbo ng nobyo.
Isang kalaban na bihasa rin sa pakikipagkarera ang sumubok na i-corner sila upang mahulog sila sa bangin. Dahil sa kanyang "presence of mind" at "grace under pressure" ay natantya niya kaagad ang planong gawin nito sa kanila. Nailag niya ang kotse ngunit hindi na naiwasan na magasgasan ang mamahaling sports car. Pinili niya na isagad sa gilid ng mala-bulubundukin na daan ang minamaneho kaysa mag-alanganin sila kung saan malaki ang posibilidad na maaksidente sila.
Nagulat sila nang sumabog ang side mirror sa kaliwang bahagi ng sasakyan at nadaplisan pa siya ng bala sa kanyang braso. Tumagos ang dugo mula sa sleeve ng suot na shirt. Ininda niya ang sakit upang mag-concentrate sa pagmamaneho.
Malinaw na ang target i-assassinate ng mga umaatake:
Si Uno!
Naging matalim ang madalas na masayahing mukha ni Wiz. Mahaba ang pasensya niya ngunit nasagad ito nang mapagtanto na desidido ang kalaban na tapusin ang pinsan.
Nilabas niya na ang baong baril mula sa bag upang dumepensa.
"Yumuko kayo!" inutos niya kina Mike, Francis at Alfa. Tinutok niya ang pistol at inasinta ang gulong ng kotseng minamaneho ng nangahas na bumaril kay Uno.
Sa pagtama ng bala ay sumabog ang gulong ng sasakyan. Nawalan ng kontrol at nag-swerve ito bago bumangga sa gilid ng bundok at tumaob.
"Ayos. Wala pa rin kupas." pagpuri ng pinsan.
Nanatiling tahimik si Wiz na alerto pa rin na nagmamasid sa paligid. Sa kaloob-looban niya ay nananalangin siya na sana ay mailayo sa kapahamakan ang lahat ng taong nasa loob ng sasakyan.
Walang kahirap-hirap na pina-drifting ni Uno ang kotse nang makarating sa pimakamatarik na parte ng bundok. Nahirapan na ang mga sumusunod sa kanila kaya sinamantala niya ang pagkakataon.
Sa wakas ay natakasan at nailigaw din nila ang mga nag-ambush sa kanila.
"May kutob ako na may kinalaman si Sean dito." pagbanggit ni Francis. "Hindi ba, pinagbantaan ka niya kanina? Na hindi siya titigil hangga't hindi niya naiuuwi si Alfa?"
"Pero duda ako." malalim na pag-analisa naman ni Mike. Sa kanilang apat, ang pinakabata ang biniyayaan ng kakaibang talino kahit pa sa pagresolba ng mahihirap na kaso. Observant kasi siya at halos lahat ng detalye ay natatandaan niya. Kapag kasama siya ng kapatid na si Luis sa ospital, nagugulat na lang sila kapag nahuhulaan niya ang sakit ng pasyente sa isang tingin lamang. Kapag pina-laboratory test ang maysakit, tumatama ang diagnosis niya.
"Paano magagawa ito ni Sean na alam niyang maaaring ikapahamak naman ni Ate Alfa?" pagtataka niya. "Wala rin sa personality niya ang pumatay ng tao. If my analysis is right, someone close to him is behind this ambush."