アプリをダウンロード
56.25% Lethal High: School for Sinners / Chapter 9: Kabanata 7

章 9: Kabanata 7

Ipinikit ko ang aking mga mata at hinintay na dalawin ako ng antok. Iniisip ko pa rin kung paano ko gagawin ang lahat at hindi rin ako mapakali sa nalaman namin ni Dexter. Sinabi ko sa kan'ya na ipaalam na namin 'to sa mga nakakataas pero hindi siya pumayag, mas lalaki lang daw ang gulo.

I don't get him tho, manganganib naman ang buhay niya kapag hindi namin sinabi na may nagtatangka sa buhay niya. Paano kung hindi pala prank ang bagay na 'yon? Paano kung totoo? Fudge, ayokong may mamatay sa mga kaklase ko.

"Alhena." Napalingon ako sa may pintuan no'ng may tumawag sa pangalan ko, tumayo ako mula sa pagkahiga at binuksan 'yung pintuan. Tumambad na naman sa akin ang mukha ni Dexter.

"May kailangan ka? Kahit pwede tayong lumabas sa kan'ya-kan'ya nating mga kwarto, baka iba pa rin ang isipin ng ibang tao kapag nakita nilang nandito ka ngayon kahit malalim na ang gabi," sabi ko. Marami pa namang mga judgemental sa eskwelahan na 'to, napakaraming toxic.

"I brought some drinks. Want some?" tanong niya, hindi ko alam na umiinom pala ang lalaking 'to ng mga alcoholic drinks.

"Ano bang inumin 'yan?" tanong ko tsaka isinuot ang makapal-kapal kong jacket. Malamig na kasi ang simoy ng hangin at baka magkasakit kami kapag hindi namin binalot ang mga sarili namin.

"Beer sa 'kin, sa 'yo... coke." Tinaasan ko siya ng kilay, seryoso ba ang lalaking 'to? Coke?

"Seryoso ka ba?" Ngumisi siya at nagkibit-balikat na lang. Napaka-abnormal din talaga ng taong 'to. Aayain niya akong iminom tapos hindi niya naman pala ako papainumin ng beer.

Lumabas na ako sa kwarto at ni-lock ito, pupunta kami ngayon sa rooftop, nasa mood kasi ako ngayon magbilang ng mga stars para naman dalawin na kaagad ako ng antok.

"Hindi ba natin isasama si Rhia?" tanong bigla sa akin ni Dexter.

Is she home already? Hindi ko naman kasi napansin, pumasok na kasi ako kaagad sa kwarto ko at hindi na ako lumabas dahil wala akong ganang kumain simula kaninang umaga.

"Mukhang wala pa naman siya, baka bukas pa siya ng umaga babalik," sagot ko. Tumango na lang siya at nagsimula na nga kaming lumakad ni Dexter papunta sa rooftop, may iilan pang mga estudyante na nakatambay sa school grounds. Kahit na may curfew, wala pa ring pakialam ang mga estudyante. Bakit pa kasi may curfew? E hindi naman 'yon sinusunod ng mga estudyante.

Siguro para ipakita lang sa mga magulang namin na kunwari maganda ang pamamalakad ng eskwelahan na 'to. Hindi naman kasi nila alam ang lahat ng nangyayari sa amin dito. Ang alam lang nila, pumapasok kami sa eskwelahan nang libre.

Nang nakarating na kami ni Dexter sa rooftop, umupo kaming dalawa sa may dulo, inilabas niya na rin ang tinatago niyang plastik sa loob ng jacket niya. Kinuha niya ang beer at ang isang coke, seryoso talaga siya sa inumin kong coke. Akala niya siguro mahina ako sa alak.

"I can drink too you know," wika ko habang binubuksan 'yung coke in can na binigay niya sa 'kin. Tamang-tama ang lamig nito, napakasarap sa pakiramdam kapag dumadaan ito sa lalamunan ko.

"You can, but I won't let you." Napailing-iling na lang ako, nakakatawa rin ang lalaking 'to, kung may gusto lang ako sa kan'ya, siguro kinikilig na ang puwet ko ngayon dahil sa kilig.

"Why not?"

"I just don't want to," rason niya. Napakareasonable naman ng sinabi niya, muntik na akong maiyak dahil naiintindihan ko nang sobra. "Alhena."

"Ano na naman?" tanong ko habang tinitingnan ang mga bituin na nasa langit. Naalala ko na naman 'yung headband ni Niana, kasing kintab nito ang mga bituin.

"If something happens to me, I want you to find someone." Agad na kumunot ang noo ko dahil sa mga binitawan niyang salita. Sinamaan ko siya ng tingin pero nanatili lamang siyang nakatingin sa malawak na kalangitan.

"What do you mean? Walang masamang mangyayari sa 'yo, okay? You need to live, Dexter," mariin kong sabi, ngumiti naman siya at muling uminom ng beer.

"We can't be sure about that, Alhena. Pwede nila akong saktan kahit anong oras, ayokong mapunta sa wala ang mga nalaman ko sa eskwelahan na 'to. Hinayaan kong kontrolin ako ng curiosity ko kaya napunta ako ngayon sa ganitong sitwasyon. It they'll kill me because of the things I found out, I won't regret dying. Ang bagay na 'yon ang dahilan kung bakit nandito ako. Nahanap ko na ang hinahanap ko kaya naman wala na akong pagsisisihan." Huminga ako nang malalim at muling pinagmasdan ang kalangitan.

Napaisip tuloy ako, ang tanging dahilan lang naman ng pagpunta ko rito ay ang makapag-aral nang libre para hindi ko na kailangang humingi ng suporta mula sa kanila. Ayokong mag-aral gamit ang perang kinukuha nila mula sa kasamaan. I despise them because of their work, matalino naman sila, pareho silang cumlaude, pero bakit gano'ng trabaho pa rin ang pinili nila?

"Meron pala akong isang bagay na pagsisisihan. Pagsisisihan ko talaga ang lahat kapag hindi ko pa 'to ginawa ngayon," dagdag pa ni Dexter, ngumiti naman ako at uminom muna bago siya sagutin.

"Gawin mo na, para naman hindi ka na mabagabag."

"Don't worry, I will." Naramdaman ko ang kamay niya sa pulsuhan ko kaya napatingin ako sa kan'ya habang nakakunot ang aking noo. Tiningnan niya ako nang diretso sa aking mga mata tsaka hinila ako papalapit sa kan'ya, hangga't sa maglapat na nga ang mga labi naming dalawa.

° ° °

Hindi pa rin ako mapakali hanggang ngayon, parang wala pa rin sa wisyo ang isip ko dahil sa nangyari kagabi.

"Vice President Alhena!" Napalingon ako sa aking gilid no'ng narinig ko ang malakas na sigaw ni Rhia. Nakatingin siya sa akin ngayon habang nakataas ang isa niyang kilay.

"I'm sorry. Bakit?" Napabuntong-hininga na lamang siya tsaka umiling-iling.

"Sabi ko, mukhang ewan ka na lumalakad diyan. Okay ka lang ba?" nakakunot-noong tanong niya sa akin. Huminga na lang ako nang malalim at tumango.

Kailangan kong huminahon, ayoko namang maging awkward kami ni Dexter sa isa't-isa, gulat na gulat ako no'ng hinalikan niya ako. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko no'n, we just spent the rest of the night looking at the stars.

Tuluyan na kaming pumasok ni Rhia sa loob ng classroom, ilang minuto na lang at magsisimula na ang klase namin pero wala pa rin si Dexter, siguro late siya dahil may hang over pa siya kagabi. Pabor na rin sa akin 'yon para hindi na ako kabahan, hindi ko pa rin kasi alam kung ano ang sasabihin ko at kung ano ba ang dapat kong maging tugon do'n sa ginawa niya.

Naglipas ang ilang oras pero hindi pa rin pumapasok si Dexter, mukhang napagdesisyunan niyang hindi na lang pumasok.

"Alhena, alam mo ba kung nasaan si President Dexter?" tanong sa 'kin ni Rhia pagkatapos ng klase namin.

"Hindi e. Baka may ginawa lang siyang importante," sagot ko habang inaayos ang gamit ko. I'm trying my best to be calm, ayokong mapansin niyang may maling nangyari sa 'min.

Pero dahil sa ginagawa kong 'to, may parte rin sa 'kin na pakiramdam ko, hindi ako nagiging fair sa kan'ya. Alam ko na ang dahilan kung bakit nandito siya sa Lethal High, pero hindi ko man lang magawang sabihin kung ano ang nangyayari kay Dexter.

She also deserves to know. Kaibigan din namin siya, pero mas maganda kung si Dexter na mismo ang magsabi sa kan'ya, ayokong isipin niyang pinapangunahan ko siya sa mga desisyon niya.

"Sa tingin mo ba... nasa kwarto niya siya ngayon?" tanong na naman sa 'kin ni Rhia habang naglalakas kami pabalik sa dorm namin.

"Gusto mo bang tingnan natin?" Tumango na lamang siya bilang sagot.

Akala namin, mahahanap lang namin si Dexter do'n pero wala. Wala kaming nakita sa loob ng kwarto niya bukod sa mga gamit niya. Mabuti nga at sinamahan kami ngayon ni Clark - kaklase namin. Baka kasi kung ano-ano na ang sabihin ng iba kapag bigla-bigla na lang kaming pumunta sa loob ng kwarto ni Dexter.

"Have you checked his schedules? Wala ba siyang dapat puntahan ngayong araw? Events? Occasions? O kahit ano pa?" tanong ko kay Rhia, baka kasi may nakalagay sa schedule niya na may kailangan siyang puntahan ngayon.

Tiningnan ni Rhia ang schedule ni Dexter sa kan'yang cellphone. "Wala namang nakalagay na events na kailangan niyang puntahan ngayong week. Next week pa naman ang mga meeting ng presidents kasama si Dean Basillia kaya imposible namang umalis siya ngayon para mag-prepare."

Unti-unti na akong binabalot ng kaba dahil sa mga nangyayari ngayon, napakaraming tanong ang nasa isip ko. Paano kung may nangyaring masama kay Dexter? Paano kung kailangan niya pala ang tulong namin?

"Nasaan kaya siya?" narinig kong tanong ni Rhia. Napahinga naman ako nang malalim, sana walang nangyaring masama sa kan'ya.

"Good afternoon, Lethalians! We would like to announce that the scores gained by each class are already posted!"

Nagkatinginan kami ni Rhia sa isa't-isa no'ng narinig namin ang tunog do'n sa speakers, kailangan naming pumunta sa malaking sceen na malapit sa main gate para malaman namin ang nakuha naming puntos.

May ilang estudyante rin kaming nakakasabay papunta sa main gate, at habang naglalakad kami papunta ro'n, hindi ko mapigilan na magtaka kung bakit hindi si Dean Basillia ang nag-announce na posted na ang results sa puntos namin. 'Yung secretary niya ang nagsalita kanina, ang informal pa ng pagkakasabi niya at mukhang nagmamadali siya.

Dapat sinabi niya ang oras at ang petsa. Dalawang beses niya rin dapat inulit ang announcement. Should I be worried?

"Tingnan mo, Alhena. 50 points na lang ang lamang natin sa Class C! At 150 points naman ang lamang ng Class B sa 'tin." Nabalik ako sa aking wisyo at agad na napatingin sa napakalaking screen.

Mayroon kaming 200 points, 250 points sa Class C, 350 points sa Class B, at napalunok na nga ako ng aking laway nang nakita ko ang puntos na nakuha ngayon ng Class A. Mayroon silang 1000 points na nakuha ngayong week.

Ilang beses akong napamura sa aking isipan dahil sa naging resulta ng behavior nila, mukhang ilang sako pa ng bigas ang kailangan naming kainin para lang maabutan o mapantayan namin ang puntos na nakuha ng Class A. Kahit kailan talaga, nakakatakot ang mga bagay na kaya nilang gawin.

"50 points na lang, Alhena, magiging Class C na rin tayo. Siguradong napakalaki ang ambag ng paghanap mo kung sino ang nag-vandal sa 'tin. Maaaring hindi nadagdagan 'yung puntos natin dahil sa masasamang gawain, nadagdagan naman ito dahil sa talinong pinakita mo," masayang sabi ni Rhia. Mukhang ang saya-saya niya ngayon dahil kaunti na lang, magiging Class C na rin kami.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid, nahuli kong nakatingin sa akin ngayon si President Niana. Matalim ang paraan ng pagtingin niya, siguro galit siya sa 'kin dahil nalaman namin na sila ang gumawa no'n, mababa tuloy 'yung puntos na nakuha nila ngayong week.

Nadapo ang paningin ko kay President Koji na ngayon ay nakatingin din sa akin, ngumiti siya nang napakalawak at kumaway.

"Congratulations!" Napangiti na lang ako dahil sa pagiging humble niya. 50 points na lang, magiging Class C na kami, kaunting hirap na lang, unti-unti na kaming aangat. But sad to say... Dexter is not here to watch this. Wala siya rito para maging masaya kasama namin.

Dexter... where are you?

— — —

Romans 1:17

For in the gospel, the righteousness of God is revealed—a righteousness that is by faith from first to last, just as it is written: "The righteous will live by faith."


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C9
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン