"Mas dumagdag pa po ang ginawa nila, hindi na nga po alam ng janitor kung paano niya lilinisin ang gulong ginawa nila. Nagpapanick na nga po ang buong klase. Vice President, Alhena, ano po ang gagawin natin?" report sa akin ng isa kong kaklase, mabilis kaming naglalakad ngayon patungo sa classroom, mukhang totoo ang sinasabi niyang nagpapanick na ang mga kaklase namin dahil rinig na rinig ko ngayon ang mga ingay nila kahit nasa kabilang hallway pa lamang ako.
"F*ck, nasaan ba si President Dexter?" pasigaw kong tanong kay Rhia. Pati ako ay nawawalan na rin ng control sa isip ko, I shouldn't be like this. Kailangan kong kumalma.
"According po sa mga kaklase natin, wala pa raw si President Dexter sa classroom, hindi rin siya nag-time in sa class record kaya may posibilidad na absent siya ngayong araw."
Ilang beses akong napamura sa isipan ko dahil sa sinabi ni Rhia, bakit ngayon pa nawala ang lalaking 'yan? Ang sarap-sarap niya talagang sakalin kahit kailan.
"Vice President Alhena, nangyari na naman po 'yung nangyari kahapon, hindi rin po humihinahon ang mga kaklase natin. Hindi na raw po nila alam kung ano ang gagawin." Napapikit ako at napahinga nang malalim dahil sa sinabi ng isa pa naming kaklase, pabor sana sa akin na wala ang ugok na 'yon, pero h'wag naman sa mga panahon na ganito.
"Listen!" sigaw ko. Napatingin naman silang lahat sa akin, tumahimik din sila. "May nakakita ba kung sino ang gumawa nito?"
Nagtinginan sila sa isa't-isa, may iba rin na nagtatanungan na pero mukhang wala silang nakuhang magandang resulta.
"Wala po, Vice President Alhena." Huminga ako nang malalim at napangisi. This is perfect, magagamit ko 'to sa plano ko.
I can use this as an advantage.
"Pumasok na kayo sa loob, hintayin niyo nang dumating ang teacher natin. H'wag kayong mag-alala, babalik ako kaagad." Tumango na lang sila bilang tugon habang kami naman ni Rhia ay nagsimula nang lumakad papunta sa kabilang building, nando'n kasi ang classroom ng Class C.
"Nakita kong ngumiti ka kanina, parte ba 'yon ng plano mo?" tanong ni Rhia sa akin. Umiling naman ako bilang sagot.
That was unexpected, pero dahil sa nangyari na 'yon, makikilala na rin ang Class D at hindi na nila kami tapak-tapakan lang.
"Yow, Alhena and Rhia!" Napalingon kamj ni Rhia sa aming likuran no'ng narinig namin ang boses ni Dexter. Tuwang-tuwa siyang tumatakbo papunta sa amin, mukhang hindi niya pa alam ang nangyari sa classroom. Abot taenga pa ang ngiti niya e.
"May nangyari sa klase natin," sabi ni Rhia no'ng tuluyang nang nakalapit sa amin ni Dexter, ngumiti naman siya tsaka tumango.
"Alam ko." Napasapo ako sa aking noo dahil sa sinabi niya. Letse, mukhang wala man lang pakialam ang lalaking 'to. Walang kwenta.
Kami, stressed na stressed na dahil sa mga nangyayari, habang ang lalaking 'to, chill lang.
"Bakit ka pa pumasok?" tanong ko.
"I didn't want to miss the show." Inikutan ko na lang siya ng mata at nagsimula na uling lumakad papunta sa building kung nasaan ang classroom ng Class C. Nakarating naman kami kaagad doon, sinilip ko muna kung ano ang ginagawa nila mula sa salamin na bintana.
Mukhang normal lang naman sila.
"Kakausapin ko na ba ang president nila?" tanong sa akin ni Dexter, tumango na lang ako bilang sagot.
Lumakad na si Dexter papunta sa tapat ng pintuan tsaka kumatok, agad naman siyang pinagbuksan ng isa sa mga estudyante sa Class C, mukhang nagulat pa ito dahil sa presensya namin. Sabagay, ano nga naman ang gagawin ng mga Class D students sa lungga nila?
"A-Ano po ang kailangan niyo?" nauutal na tanong ng babae, ipinakita naman ni Dexter 'yung killer smile niya para naman hindi siya masyadong matakot. Pero para sa 'kin, mas nakakatakot talaga kapag nakangiti pa siya.
"Gusto lang sana naming kausapin ang class president niyo, okay lang ba 'yon?" Tumango na lang 'yung babae bilang tugon tsaka tuluyan nang tinawag ang president ng Class C. Sumilip ako sa loob at halos mamangha na nga ako nang makita kong nagkukuwentuhan lamang sila nang mahinhin, medyo maingay sila, pero hindi sila magulong tingnan.
Hindi 'ata counted ang pagiging magulo ng classroom sa pagdagdag ng points, kung kasali sana, Class A na sana kami ngayon.
"What's up, Dexter?" nakangiting tanong ng isang lalaking may brown na highlights sa kan'yang buhok. Kitang-kita namin ang mapuputi niyang ngipin dahil sa napakalawak niyang ngiti, 'yung tipong ngiti na hindi na talaga makikita ang mga mata niya.
Takte, paano nakapasok ang isang 'to sa Lethal High?
"Hey, Koji! Kumusta na?" nakangiting tanong ni Dexter, mukhang magkakilala na pala sila dati. Nagkumustuhan pa kasi ang dalawa, at wala man lang 'atang plano si Dexter na ipakilala kami ni Rhia sa Class C president.
"Ang gwapo niya 'no?" bulong sa akin ni Rhia, nagkibit-balikat na lang ako at tsaka pinagmasdan ang kabuuan na pigura ni Class C President Koji. Napakaayos ng uniporme niya, wala man lang gusot na makikita, parang ang linis-linis niya rin sa katawan dahil sa kinis ng balat niya. Okay na okay na sana ang porma niya kung hindi niya lang suot ang kahoy na bracelet na suot niya ngayon.
Hindi talaga kasi 'yon bagay sa eleganteng uniform ng Lethal High, pero maganda rin naman ang bracelet niya, mukhang wala itong kapareho dahil sa mga simbolong nakaukit dito, hindi ko nga maintindihan 'yon e. Math symbols ba 'yon? May greater than, less than, at kahit ano-ano pa. Mukhang... codes?
"Class D Secretary Alhena." Nabalik ako sa aking wisyo no'ng narinig ko ang malalim na boses ni Dexter. Nakatingin na pala sila sa 'kin, pati na rin 'yung ibang estudyante na nasa loob. Hindi ko man lang napansin, masyado akong nakapokus sa pagtingin sa bracelet ni Class C President Koji.
"I'm sorry, ano 'yon?" tanong ko sa kanila, ngumiti naman uli nang napakalawak si President Koji sabay lahad ng kanang kamay niya sa akin, tinanggap ko naman 'yon at nakipagkamay na sa kan'ya.
"Nice to meet you, Class D Secretary Alhena. Finally, nakilala na rin kita, palagi kang kinikuwento sa akin nitong kaibigan ko, sinabi niya lagi kung gaano ka raw ka--"
"Hep! Tama na 'yan! Alhena, itanong mo na sa kan'ya 'yung mga bagay na gusto mong tanungin," pagpipigil ni Dexter sa kaibigan niya, natawa naman nang kaunti si Koji dahil dito, habang ako naman ay umayos na ng tayo.
"Rhia, isulat mo 'yung mga importanteng detalye na makukuha natin," sabi ko, agad namang kinuha ni Rhia ang maliit niyang notebook at ang itim niyang ballpen.
"Pwede ko bang tingnan kung ano ang nasa loob ng classroom niyo?" tanong ko kay President Koji, tuluyang niya nang binuksan ang pintuan ng classroom nila. Naramdaman namin ang lamig dahil sa aircon, ngunit ang pinakaunang pumukaw sa atensyon ko ay ang nakatambak na cans ng mga pinta sa gilid.
"President Koji! Bakit nandito sila?" nakataas-kilay na tanong ng isa sa mga estudyante ng Class C. Blonde ang buhok niya at mukhang paborito niya ang ube dahil kulay violet ang lipstick niya.
"Maia, may gusto lang silang tingnan, h'wag kayong mag-alala, kaibigan ko ang president sa kanila." Inikutan na lang siya ng mata no'ng babae at nakipagkuwentuhan na sa katabi niya. Kaya pala naging Class C 'to, ma-attitude e.
"Attitude siya, ghurl," bulong sa akin ni Rhia, ngumisi na lang ako at hindi na pinatulan 'yung mataray na babae, hindi kami pumunta rito para lang makipag-away. Mas mahalaga pa rin ang pag-iimbestiga kung sino ang gumawa sa amin no'n, para naman mas mabilis kaming makapaghiganti.
"Pwede ko bang tanungin kung saan niyo ginamit ang pintang 'yan?" tanong ko habang nakaturo sa mga pinta na nasa gid.
"May Art class kami kahapon, lahat naman 'ata tayo ay may schedule sa Art class ngayong week." Tama siya, kung nasa klase kami ngayon, siguro nagpipinta kami.
"Anong oras ba ang Art class niyo?"
"Between 10:00 am hanggang 12:00 am." Napatango-tango na lang ako at nag-bos nang kaunti bilang pagpakita ng galang.
"Maraming salamat sa inyong kooperasyon. Aalis na kami," sabi ko, ngumiti na lang din naman si Koji at tumango kaya naman nagsimula na kaming lumakad papunta sa kabilang building kung nasaan ang classroom ng Class B.
"Sa tingin mo, hindi pa ang Class C ang gumawa no'n sa 'tin?" tanong ni Rhia, nagkibit-balikat naman ako, it's too early to conclude. Hindi pa namin nakita ang mga rooms ng Class B at Class A.
"Tsaka imposible namang Class C ang gumawa no'n, kaibigan ko si Koji, hindi niya magagawa 'yon sa 'tin... hindi niya 'yon magagawa sa 'kin." Hindi ko mapigilan na mapahinga nang malalim dahil sa sinabi ni Dexter. Bakit ba kasi ang bilis magtiwala ng mga tao ngayon?
"Hindi naman tayo nakakasigurado na tapat sa 'yo 'yung kaibigan mo na 'yon," sabi ko. Hindi na lang nagsalita si Dexter, mukhang iniisip niya ngayon kung totoo ba talaga 'yung sinabi ko, pero para talaga sa 'kin, kahit na ilang taon na kayong magkasama, tatraydurin ka pa rin ng tinuri mong kaibigan kung gusto nila.
No'ng nakarating na kami sa 3rd building, agad kong kinatok ang pintuan ng Class B, agad naman 'yon binuksan ng isang babae na may napakalawak na ngiti.
"Good morning! What can I do for you?" Nakangiting tanong sa akin ng babaeng may suot-suot na pink na headband, may mga diamonds na nakadikit dito na talaga namang kumikinang kapag nasisinagan ng araw.
"Ahmm, I just want to ask if your president is around?" Nakita ko ang bahagya niyang pagtango at ang paglagay niya ng kan'yang hintuturo sa pisngi niya.
"Tadaan, I'm Niana Bruzo! The Class B President, what can I do to help you?" tanong niya habang todong-todo ang ngiti, nahiya ako kaya ngumiti na lang din ako para naman hindi masyadong awkward.
"May tatanungin lang sana ako at titingnan sa loob ng classroom niyo, okay lang ba?" Medyo nag-isip pa siya at muling tiningnan ang loob ng classroom nila bago pa siya pumayag. Pumunta lamang ako sa may pintuan tsaka inilibot ang paningin ko sa loob ng classroom, kumunot pa ang noo ko no'ng nahuli kong nakatingin sa 'kin ang isang lalaki.
Seryoso lang siya at sobrang talim ng paningin niya. Mukhang ayaw niyang nandito ako.
Tiningnan ko ang kabuuan niya, ngunit bigla siyang tumayo at umalis na lang.
"Ang bango," mahinang sabi sa akin ni Rhia, nagkibit-balikat na lang uli ako. Kahit hindi masyadong malamig dito dahil bukas ang bintana, mabango naman. Iba naman talaga kapag classroom na ng mga nakakataas na klase ang pinag-uusapan.
"Tapos na ba kayo?" tanong sa amin ni Dexter habang inililibot din ang kan'yang paningin sa loob ng classroom nila. Tumango na lang ako bilang sagot tsaka lumabas na sa classroom ng Class B kung saan naghihintay si Niana.
"Nahanap niyo na ba ang hinahanap niyo?" tanong niya, tumango naman ako at nagpasalamat habang si Dexter naman ay todo puri pa rin sa kan'ya, kesyo bagay daw sa kan'ya ang headband niyang pambata, kesyo bagay daw sa kan'ya ang kulay pink, at kahit ano-ano pang mga bola na naisip ng lalaking 'to. 'Yung totoo? Basketball player ba siya?
"Dexter, tara na," mariin kong sabi sabay batok sa kan'ya, hindi na kasi siya tumigil sa pakikipagkuwentuhan kay Niana.
"Oh sige. Mukhang naiinip na ang vice president mo, President Dexter. Pero bago kayo umalis, ano nga uli 'yung gusto niyong tanungin?" tanong niya.
"Anong oras ang Art class niyo?" tanong ko habang nakatingin nang diretso sa kan'yang mga mata, ngumiti siya nang napakatamis bago tuluyan akong sinagot.
"2:00-3:00 pm, pero tapos na kami sa Art works namin, ubos na nga 'yung mga paints namin na blue, red, at green e!" Binigyan ko siya ng malumanay na ngiti at nag-bow nang kaunti.
"Maraming salamat, President Niana. Tutuloy na kami," paalam ko, ngumiti na lamang siya at tsaka tumango. Nagsimula na rin kaming lumakad papunta sa classroom ng Class A. Ito ang huling classroom na pupuntahan namin, kailangan ko lang makita ang classroom nila para malaman ko na kung sino ba talaga ang gumawa sa amin no'n. Hindi na ako makapaghintay na makapaghiganti.
I want to end this sh*t.
"Alhena, bakit ang seryoso mo na namang tingnan? Tsaka alam mo na ba kung sino ang gumawa no'n sa 'tin?" tanong na naman ni Rhia sa akin.
"H'wag kang mag-alala, malapit na nating malaman kung sino ba talaga ang gumawa no'n, at hindi ko 'yon papalagpasin. Panahon na para makisali na rin tayo sa laro," sagot ko, hindi ko na hinintay na makasagot pa si Rhia at kinatok na ang pintuan ng Class A.
Medyo natagalan ang pagbukas ng pintuan kaya naghintay pa kami ng ilang segundo. Pagbukas nito, agad akong napatingin kung ano ang ginagawa nila. They're currently taking up Art class. Sunod kong tiningnan ang kamay ng lalaking bumukas ng pintuan, kaya pala medyo natagalan pa siya sa pagbukas ng pintuan dahil naglagay pa siya ng alcohol sa kan'yang kamay.
"What do you want?" malamig na tanong ng lalaking may band-aid sa kan'yang pisngi.
"May teacher kayo?" Tinaasan niya ako ng kilay dahil sa tanong ko, syempre hindi ako nagpatalo at tinaasan din siya ng kilay. Nagtagal pa kami ng ilang segundo, ngunit sa huli, tumabi na rin siya para makita namin kung sino ang teacher nila.
Marunong din naman palang umintindi ang lalaking 'to e. Tinarayan pa ako.
"Ma'am, good morning po. May gusto lang sana po kaming tingnan sa loob ng classroom na 'to," paalam ko do'n sa teacher, ngumiti naman siya tsaka itinuro si Asmodeus na ngayon ay nakatingin sa akin habang nakataas ang isa niyang kilay.
Oo nga pala, hindi dapat ako sa teacher nagpaalam, dapat sa president ng classroom nila. Dito kasi, mas mataas ang rangko ng mga officers keysa sa mga teachers pagdating sa pamamalakad ng kanilang mga klase. Well, power is everything in Lethal High.
"What do you want? Spill it, you're wasting my time," sabi ni Asmodeus habang nagpipinta. Tiningnan ko sina Rhia at Dexter para tulungan akong makipag-usap sa kan'ya ngunit ngumiti na lang silang dalawa tsaka itinaas ang kanilang mga kanang kamao. Letse, walang kwenta. "Hurry up, I'll give you a minute to talk."
"May gusto lang kaming malaman, kayo ba ang nagpinta sa pader ng classroom namin? At bakit ganito ang classroom niyo?" Tiningnan ko ang kabuuan ng kanilang classroom. May aircon naman sila, ngunit bakit nakabukas ang mga bintana? "Bakit nakabukas ang mga windows? May tinata--"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Ramdam ko na ang hininga niya dahil sa sobrang lapit niya sa akin.
"We're not cheap, we're not like you." Agad na kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, ipagtatanggol ko na sana ang klase namin ngunit inilapat niya ang kan'yang hintuturo sa aking mga labi sabay tawag sa kan'yang secretary.
"Secretary Chancel Lecruzo..."
"Class D, your time is up. You may leave."
— — —
1 Corinthians 16:13
Be on your guard; stand firm in the faith; be courageous; be strong.