アプリをダウンロード
77.27% The Holocaust / Chapter 17: Kabanata 15

章 17: Kabanata 15

Nakatingin lang kaming dalawa ni Dashiell sa hawak-hawak kong espada, hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit iba ang lumabas na Telum ko. Nakita mismo ng dalawa kong mata noon na pana ang lumabas sa mga kamay ko, posible bang dalawa ang Telum na pwede kong gamitin?

"Sigurado ka ba talagang pana ang nailabas mo noon?" tanong sa akin ni Dashiell, tiningnan ko naman siya nang diretso sa kaniyang mga mata tsaka tumango. Narinig ko na naman ang paghinga niya nang malalim, mukhang hindi niya rin alam kung bakit ganito ang nangyari.

"Tanungin kaya natin si Pinuno Ephraim kung ano ang nangyari? Baka may alam siya tungkol dito." Umiling-iling siya bilang tugon.

"Wala siya sa kastilyo, may kailangan siyang puntahan," sagot niya naman, napapikit na lang ako dahil sa pagkadismaya.

Sayang naman, mas maganda sana kung nandito si Pinuno Ephraim para ma-explain niya sa amin kung ano ba talaga ang nangyayari.

Gusto kong mag-freak out ngayon pero pinipigilan ko. Hindi ako marunong gumamit ng pana at hindi rin ako marunong gumamit ng espada, at ang problema ko pa ngayon... paano kung iba-iba pala ang Telum ko? Paano na lang kapag sumabak na ako sa laban tapos hindi ko pa alam kung paano gamitin ang armas na lumabas sa akin? Siguradong magiging delikado ang buhay ko!

"Ganito, subukan mo ngang ilabas 'yung sinasabi mong pana. Subukan mo lang." Tiningnan ko siya habang nakakunot ang aking noo, seryoso ba siya? Paano?!

"So, ano? Susubukan mo uli akong patayin para mailabas ko ang pana ko?" Napahilamos siya sa kaniyang mukha at tiningnan ako habang nakataas ang isa niyang kilay.

Aba, ang taray talaga ng lalaking 'to. Talo pa ako e.

"Gawin mo na kasi 'yung sinabi ko sa 'yo kanina. Imagine and concentrate!" saad niya. Inirapan ko muna siya bago tuluyang ipinikit ang aking mga mata.

Hawak-hawak ko sa kanan kong kamay ang pula kong espada kaya sa ngayon, 'yung kaliwang kamay ko muna ang gagamitin ko.

Huminga ako nang malalim at sinubukang alisin ang lahat ng mga bagay na nagbabagabag sa akin, itinaas ko na ang kaliwang kamay ko tsaka muling dinama ang init na dumadaloy dito.

Habang patagal nang patagal, mas lalo lang umiinit ang mga kamay ko, hangga't sa naramdaman ko na ngang may hawak-hawak na ako. Iminulat ko na ang mga mata ko at tiningnan kung ano 'yon.

Pana...

Ipinakita ko 'yon kay Dashiell tsaka pinakita rin sa kaniya ang kanina ko pang hawak na espada, gulat na gulat ding nakatingin sa akin ngayon ang lalaking kaharap ko. Namilog ang mapupungay niya mga mata at nakaawang din ang kaniyang mapupulang mga labi.

Fudge, kahit na gulat siya, ang gwapo niya pa rin. Pasok na pasok siya sa standards ng pagiging modelo sa isang napakasikat na magazine, kung nakatira lang si Dashiell sa mundo namin, nako, marami talagang magkakandarapa sa kaniya. Marami na ngang nagkakagusto sa kaniya rito sa Alhesia, paano na lang kaya sa mundo namin kung saan kapag nakatabi mo lang nang isang beses ang isang napakagandang nilalang, magagawan mo na kaagad kung ano ang facebook account niya.

'Yan 'ata ang natural talent ng mga tao e.

"The heck, I'm sorry for my behavior, Ally. Bago kasi sa 'kin 'to. You are just so... amazing."

Naramdaman ko na naman ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Fudge, kailangan kong pakalmahin ang sarili ko, hindi dapat ako mahulog sa kaniya. Pinapaasa ko lang ang sarili ko e.

"Okay lang 'yon. So, ano na nga ba ang gagawin natin? Ano ba ang unang ituturo mo sa akin?" tanong ko sa kaniya habang tinitingnan ang mga sandatang nasa magkabila kong kamay.

Tiningnan niya naman muna ako, mukhang iniisip niya pa rin kung ano ba talaga ang dapat naming gawin lalo na't ganito ang sitwasyon namin ngayon.

"Ano ba ang una mong gustong matutunan? Well, para sa akin, mas maganda na rin siguro kung sa long-range type of weapon muna tayo-sa pana. Magaling ka na sa close-range combat, kaunting mga bagay na lang ang i-a-apply mo sa paggamit ng espada, pero sa pana? Mukhang marami-rami ka pang dapat matutunan."

I agree. Ang mga natutunan ko kasi kay Vera ay pwede ko na ring gamitin sa paggamit ko ng espada, pero kung sa pana? Nako, ibang usapan na 'yon. Kailangan kong mas i-level up 'yung concept ng pagtusok ko sa mga bulaklak gamit ang needles.

"Oh, sige. Ang paggamit muna ng pana ang gusto kong matutunan. Magsisimula na ba tayo?" tanong ko sa kaniya habang nakangiti pa nang napakalawak. Mukhang nahiya naman siya bigla dahil kinamot niya na naman ang batok niya habang bahagyang natatawa na obvious namang peke.

"Iyon nga ang problema natin, Ally. Hindi ako marunong gumamit ng pana." Muntik na akong mapasapo sa aking noo dahil sa sinabi niya, fudge, paano ako matututong gumamit ng pana sa lagay namin na 'to? "But don't sorry, I know someone who can. Just stay right here."

Tumango na lang ako bilang tugon at umalis na nga nang tuluyan si Dashiell. Ikinalma ko na ang sarili ko para maalis ko na ang espada at ang pana ko.

Umupo ako sa damo at ginawang suporta ang dalawa kong kamay tsaka muling tiningnan ang asul na langit.

I'm alone once again.

Pumasok na naman sa isip ko ang lahat ng nangyayari sa buhay ko, ayoko sanang isipin pa ang lahat ng 'to pero hindi ko mapigilan lalo na't mag-isa na naman ako ngayon.

Naisip ko na naman ang lahat ng mga negatibong bagay sa sitwasyon ko, marami na namang mga tanong ang nasa loob ng utak ko. May mga pag-aalinlangan pa rin ako sa mga bagay-bagay, pero pilit kong tinatago 'yon dahil alam ko naman na hindi 'yon makakatulong sa akin at mas lalo lang mahihirapan sina Dashiell at Vera.

Nanatili lang akong nakatingala sa langit nang may dumaan na itim na paru-paro sa tapat ko, napakaganda nito at kumikinang.

Itinaas ko ang kanan kong kamay at hindi ko nga mapigilan na mapanganga nang dumapo ito sa hintuturo ko.

Pakiramdam ko, kumikinang na ngayon ang mga mata ko dahil sa sobrang pagkamangha. Ngayon lang kasi nangyari sa akin 'to, kung white butterfly sana 'to, doble ang saya ko ngayon, sabi raw kasi nila, kapag may dumapong puting paru-paro sa 'yo, may darating na pera dahil sinisimbolo raw nito ang kayamanan.

Tiningnan ko nang maigi 'yung butterfly tsaka pinagmasdan ang mga pakpak nito.

"Ang ganda mo naman, kasing kintab ng mga pakpak mo ang malinaw na tubig dito sa Alhesia. Sayang, hindi ka kulay puti, pintahan na lang kaya kita para naman magkaroon ako ng napakaraming pera? Babalatuan na lang kita," nakangisi kong sabi habang tinitingnan ang hayop na nasa hintuturo ko.

"Huwag mong subukan na gawin 'yan sa akin dahil kung hindi... ipapakain kita sa mga alaga ng mga amo ko!"

"Putakteng paru-paro!"

Iwinagayway ko ang kamay ko para maalis ang nakadapong paru-paro rito, mabuti na lang at naalis naman ito kaagad.

The fudge, bakit nakakapagsalita ang itim na paru-paro na 'yon?!

"Aray ko naman, grabe ka naman sa putakte." Mas lalong namilog ang mga mata ko nang tumambad sa akin ang mukha ng isang lalaki, itim ang kulay ng kaniyang buhok, magulo ang ayos nito at may iilang hibla pang tumatakip sa mga mata niya pero hindi niya na 'yon pinagtuunan pa ng pansin.

Pulang-pula ang kulay ng mga mata niya, parang 'yung mga mata ng mga Prodigiums. Magkaiba naman ang mga mata naming dalawa dahil may halong kulay orange ang mga mata ko habang ang kanila naman ay purong kulay pula lamang.

Tiningnan ko siya nang diretso sa kaniyang mga mata tsaka huminga nang malalim. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko, hindi makakatulong sa akin kapag nag-panic pa ako.

"S-Sino ka? B-Bakit ganiyan ang kulay ng mga m-mata mo?" nauutal na tanong ko habang dahan-dahan na tumatayo para maging handa ako kung sakaling mapasabak kami ngayon sa laban.

"Huwag kang mag-alala, hindi kita sasaktan, mahal ko," malumanay niyang sabi tsaka lumapit sa akin. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, parang nakapako ang mga paa ko sa lupa at wala na akong magawa kundi tingnan lang siya sa kaniyang mga mata.

Potek, ang landi naman ng lalaking

Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na ito naituloy nang maramdaman ko ang kamay niya sa kanan kong pisngi.

"Maganda ka nga talaga." Ipinikit ko ang aking mga mata tsaka tinapik ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko, lumayo ako sa kaniya at inihanda ang sarili ko. "Ang ganda rin ng kulay ng mga mata mo. Ikaw nga ang Fortem."

"Ano ang ginagawa mo rito?! Isa kang Prodigium kaya dapat hindi ka nakapasok sa Alhesia!" sigaw ko, sinadya kong magmukhang matapang ang boses ko pero mukhang hindi man lang siya natinag.

Nakita kong lalong lumawak ang ngisi niya, nagkibit-balikat pa siya at mahinang tumawa.

"Well, hindi ko rin alam kung paano nga ba talaga ako nakapasok dito. Tsaka huminahon ka nga, wala naman akong gagawing masama sa 'yo, nandito lang ako dahil gustong malaman ng pinuno ng Eldarmar kung ano na ba ang kalagayan mo, mukhang ayos ka naman kaya pwede na akong umalis."

Inilabas ko ang Telum ko na espada tsaka tinutok ito sa kaniya, mukhang namangha pa siya dahil sa ginawa ko pero hindi siya umalis sa kinatatayuan niya. Medyo malapit na ang dulo ng espada ko sa dibdib niya pero pinili niya pa ring hindi umalis. Fudge, hindi man lang ba siya natatakot sa akin? Hindi man lang ba siya takot sa kaya kong gawin?

"May maganda kang sandata, pero mukhang walang kwenta 'yan dahil hindi mo naman talaga alam kung paano 'yan gamitin nang maayos. Kailangan ko nang umalis para i-report 'to, huwag mo na ring subukan na sabihin 'to sa mga kaibigan mo rito sa Alhesia, dahil baka nakakalimutan mo... hawak namin ang pamilya mo," saad niya. Naramdman ko ang panghihina ng mga tuhod ko dahil sa sinabi niya, dang, I have no choice! I need to shut up.

"Pinapangako kong hindi ko sasabihin sa kahit sino ang nangyari rito sa usapan narin, kahit na si Pinuno Ephraim pa 'yan, sa isang kondisyon..."

Nang nakita kong nakatingin na siya sa akin, huminga na ako nang malalim at tiningnan siya nang diretso sa kaniyang mga mata.

"Ano ba 'yan?"

"Lagi mong sasabihin sa akin kung kumusta na ang pamilya ko r'on sa mundo niyo. Okay lang ba sila? Hindi niyo ba sila sinasaktan?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya, kailangan kong kunin ang opportunity na 'to para malaman kung ano ang kalagayan ng pamilya ko. Baka mabaliw na ako sa kakaisip tungkol sa kalagayan nila.

"Maayos ang kalagayan nila kaya huwag kang mag-alala, alalahanin mo ang sarili mo."

Napahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi niya. At least, kahit na nahihirapan ako rito, maayos ang kalagayan nila. Ayos na sa akin 'yon.

"Mabuti naman, huwag kayong mag-alala, hindi magtatagal, makukuha ko rin mula sa inyo ang pamilya ko at hindi ko kayo papalagpasin. Hindi kita papatulan sa ngayon dahil kailangan kita."

Nagkibit-balikat niya.

"We'll see about that, Ally. I really need to go, I can sense someone coming." Aalis na sana siya ngunit pinigilan ko siya, tiningnan niya ako habang nakakunot ang kaniyang noo. "What?"

"Ano ba ang pangalan mo?"

Hinarap niya ako at sumilay nga sa labi niya ang isang nakakalokong ngisi.

"Hindi mo talaga ako maalala 'no? I can't blame you tho, ibang-iba naman talaga ang hitsura ko noon." Nag-iba bigla ang mukha niya at muntik na nga akong mapamura nang makita ko ngayon ang hitsura ng lalaking nasa harapan ko.

"Bonong?! Bakit ganiyan ang mukha mo?!" Sinenyasan niya akong tumahimik kaya tinakpan ko ang bibig ko gamit ang aking kanan na palad.

What the fudge, bakit naging isang Prodigium ang kababata ko?

"Be quiet. At huwag nga ang pangalan na 'yan ang itawag mo sa 'kin, Cassius is better. At oo, ito ang totoo kong mukha. Binigyan nila ako ng kakayahan na magpalit-palit ng dalawang mukha. Alam kong kalaban ang tingin mo sa akin-sa amin, pero mag-isip ka nang mabuti, Ally."

Hahawakan niya na sana ako pero iniwas ko ang sarili ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na isa siyang Prodigium, kung kasama ko na siya no'ng bata pa lamang ako, ibig sabihin, matagal niya na rin akong minamanmanan. I feel so betrayed.

"Umalis ka na, Cassius. Naririnig ko na ang ingay ng mga sapatos nila, sabihin mo sa pamilya ko na mahal na mahal ko sila. Hindi ko mabibigay ang buong tiwala ko sa 'yo, pero sana naman, kahit 'yan lang ay mabigay mo sa kanila." Matamlay kong tiningnan ang mga mata niya, narinig ko rin ang pagbuntong-hininga niya dahil sa sinabi ko.

Hindi ko kayang pagkatiwalaan ang isang tulad niya kahit na magkababata pa kami.

"F*ck! I can sense someone!"

"Ally! Ally, get out of there!"

Narinig ko na ang mga sigawan nina Dashiell at Harry kaya muli kong tiningnan si Cassius.

"Umalis ka na." Tumango na lang siya bilang tugon at tuluyan na nga siyang naglaho.

Nang makaalis na siya nang tuluyan, hindi ko na nga mapigilan ang paglandas ng aking mga luha. Naiiyak ako dahil sobrang gulo na ng isip ko, hindi ko na alam kung alin ang papaniwalaan ko. Ano ba talaga ang gusto ng mga Prodigiums na 'yon? Bakit ba ang laki ng galit nila rito sa Alhesia?

"Ally!" Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko nang narinig ko ang pagtawag ni Dashiell sa pangalan ko.

Nilingon ko siya at magsasalita na sana ngunit hindi ko na ito naituloy nang sinalubong niya ako ng napakahigpit na yakap, ramdam na ramdam ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi. Hindi rin nakatakas sa akin ang nakakalokong ngisi ni Harry nang makita niya ang ginawa ni Dashiell.

"D-Dashiell..."

"You're okay, Ally. You're okay."

- - -

Luke 12:32

"Do not be afraid, little flock, for your Father has been pleased to give you the Kingdom."


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C17
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン