アプリをダウンロード
94.44% HOT vs COLD / Chapter 50: Chapter 50

章 50: Chapter 50

CHAPTER 50

--JACOB:

"Sige na ice baby! Grabe ka naman sa akin, lagi mo na lang akong natitiis. Sorry na kasi." Nakapout na sabi ko.

"Manigas ka diyan. Don't you ever dare to come near to me or else, I'm going to rip your head off right here, right now."

"Tsk. Kahit kailan talaga napaka-sadista mo. Hindi ka pa rin nagbabago. Pero kahit sadista ka, mahal na mahal pa rin kita. Ehehe." Nakita kong may lumandas na maliit na ngiti sa kaniyang mga labi pero agad ding nawala ito nang alisin niya ang tingin niya sa phone niya at ibinaling niya ang napaka-gandang pagmumukha niya sa akin, yun nga lang ay nakataas ang kilay niya. Hayyssst, kahit anong ekspresyon niya, maganda siya sa paningin ko.

"Huwag mo akong mabola-bola kasi mas lalong umiinit ang ulo ko sa'yo." Pagbabanta niya saka ulit ibinaling ang atensyon sa phone niya. Hanubayan, ano ba'ng meron sa phone niya at tutok na tutok siya do'n?

"Ice baby, harapin mo naman ako, mas pogi at hot naman ako diyan sa phone mo ha pero bakit mas gusto mong harapin 'yan kaysa sa akin? Ang sakit sakit ice baby." Nagkunwari pa akong nasasaktan ng bongga habang mahina kong tinuturo ang puso ko.

"Bakit ka pa nandito? Doon ka na sa Kim mo. 'Diba magkikita pa kayo mamaya?" Ayan nanaman siya sa Kim. Nagtatampo ata siya sa akin kasi inaya ko siya ng date kahapon and it turns out na na-out of place siya kasi nakita namin ang kababata kong si Kim sa mall. Hindi ko naman sinasadya na ma-op siya, namiss ko lang talaga si Kim kasi matagal din kaming nagkita. Well, sabihin niyo ng tanga-tanga ako kasi hinayaan ko lang si Alex. Kahit ako nga ilang beses ko ng binatukan ang sarili ko dahil sa nagawa ko. Ilang beses na rin akong humingi ng sorry kay Alex pero 'di niya ako pinapansin. Tinatanong ko din kung ano'ng gusto niyang gawin ko para mapatawad niya ako pero wa-epek parin. Ayaw ko naman mabulilyaso ang plano ko.

"Oo nga ice baby, magkikita kami ni Kim mamaya pero 'diba nagpaalam naman ako sa'yo? Gusto pa nga kitang isama kaso ayaw mo naman." Pero sana hindi siya sumama, syempre kailangan ko siyang pilitin para mas epektib ang plano ko.

--ALEX:

"Oo nga ice baby, magkikita kami ni Kim mamaya pero 'diba nagpaalam naman ako sa'yo? Gusto pa nga kitang isama kaso ayaw mo naman." Ice baby his face!

Matapos niya akong gawing third wheel nila ni Kim, asa pa siyang papansinin ko siya. Never in my life na inisip ko na darating ang araw magiging third wheel ako. Tsk. Edi sana 'di na lang niya ako inaya ng date. Psh. Bahala siya sa buhay niya! Manigas siya.

It's been 5 years since that day happened. 5 years na rin ang nakalilipas nang naganap ang pangyayaring ibinabaon ko sa limot, at sa limang taon na iyon, marami na ring nangyari.

Si kuya Brian at Ate Aubrey, sa ibang bansa na nag-iistay para na rin matutukan nila ang business nila doon syempre with my little pamangkin na si Briley.

Si Jacob na rin ang namamahala sa company ng family nila dito sa Pinas, kaya ang labas, bachelor of the town daw siya ika nga nila kahit wala pa siyang 30.

Si Anthony at Aira naman, hindi pa umuuwi hanggang ngayon. Ni wala nga kaming contact sa dalawang 'yon. Kumakailan lang din namin nalaman na nasa Puerto Rico pala silang dalawa, akala ko kasi dati magkaiba ang pinuntahan nila. Miss ko na ang dalawang 'yon tsk.

Si Shane naman, ay isa ng mother ngayon. Nakakabigla noh? Well, two years ago kasi ay niyaya niya kami ni Jacob na pumunta sa bar kasi nabobored daw siya at dahil bored din kami ni Jacob, sumama kami sa kaniya pero hindi na namin siya kasamang umuwi kasi nawala na lang siya bigla out of nowhere. Nagtext din siya na pupuntahan siya kaya hinayaan na lang namin siya. But months later, napag-alaman naming buntis siya at ang ama ng kanyang dinadala ay isang sikat palang personalidad. Pero kahit mom na siya, akalain mong isa siya sa pinakasikat na tao sa industriya ng modelling. Yun nga lang mukhang may pinagdaraanan siya ngayon.

At ako? Nakagraduate na ako sa pag-aaral at isa na ako ngayon sa nag-mamanage ng Miles University. Oh 'diba ang bongga. Kung hindi niyo naitatanong, itinigil ko na rin ang pagsali ko sa mga gang fight. Ang dahilan? Well, trip ko lang. Syempre, gusto ko rin tutukan ang MU. Nakakainis kasi sila kuya, pagkagising ko isang araw, nalaman ko na lang na ako na pala ang mag-mamanage ng school. Buti na lang at pamilyar na ako sa pangangalakad ng school kaya hindi na ako ganoon nahihirapan.

At tungkol 'don sa ice baby na pinagsasabi ni unggoy este Jacob, 'wag kayong mag-isip ng kung anu-ano. Walang kami, okay? Well, sabihin na nating nililigawan niya ako. After a year kasi nang umalis sila Anthony at Aira, umamin kuno siya sa akin about sa nararamdaman niya sa akin and gusto niya daw akong ligawan. Ayaw ko naman talagang magpaligaw kasi study first ako sa mga panahon na 'yon pero mapilit siya eh. Sa ayaw at sa gusto ko raw, liligawan niya ako kaya ang sabi ko, bahala siya, basta ang masasabi ko lang ay walang kasiguraduhan kung sasagutin ko siya o hindi. Sabi naman niya, handa daw siyang maghintay hanggang kahit kailan, hanggat't handa na daw ako. Kaya hinayaan ko siya sa gusto niya. So as for now, 4 years na siyang nanliligaw sa akin.

" 'Wag ka na kasi magselos ice baby ko, as I have said, kababata ko lang si Kim tsaka hindi ko sinasadya na ma-out of place ka kahapon." Ano daw?

"Wow ha?! Ako pa talaga ang nagseselos? Ang kapal mo namang hambog ka. Ba't naman ako magseselos, tayo ba?" Sabat ko sa kaniya habang nakataas ang kilay ko. Kung alam lang kasi niya.

Yun nga kasi ang masakit, nagseselos ako pero 'di ko maipaglaban kasi wala namang kami. Ang tagal niya kasi akong tanungin kung pwede na ba kami maging official. Yun lang naman ang hinihintay ko eh.

Ang kupal kasi ng unggoy na 'yon. Tsk!


クリエイターの想い
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C50
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン