アプリをダウンロード
40% Love & Consents: The Forbidden Series 1 / Chapter 2: Chapter 2

章 2: Chapter 2

ANG unang napansin ni Ali pagkababa ng kotse ay ang busted na ilaw sa letrang R sa salitang Cortez na nakapaskil sa ibabaw ng entrance ng punerarya.

Tumuloy siya sa loob ng gusali na may puting pintura na medyo naninilaw na at hinanap ang Light Hall. Iyon ang binigay na detalye nang tumawag sa kanya ang kaibigan. Hindi siya nahirapan na makita iyon dahil tatlong kwarto lang din naman ang nandoon. Faith, Purity at Light. Binuksan niya ang bakal na pintuan at pumasok. Lumangitngit iyon nang malakas kaya nakuha ang atensyon ng mga nasa loob. Apat na pares ng mga mata ang bumaling sa kinaroroonan niya habang naglakad siya sa gitna ng nakahilerang upuan.

Dumiretso si Ali sa puting kuwadradong kahon na maayos na nakapuwesto sa gitna ng silid. May dalawang malalaking ponpon ng mga bulaklak ang nakalagay sa gilid niyon kasama ang malalaking kandila. Kaakit-akit ang mukha ng babae na makikita sa malaking picture na nakalagay sa ibabaw ng salamin ng kahon. Tila wala itong iniindang sakit o problema. Ang nakakaakit nitong labi ay pinatungan ng pulang lipstick. Makakapal ang mga pilik-mata at perpektong nakaguhit ang mga kilay. Nakataas ang kulot na buhok sa gilid ng tainga na inipitan ng korteng bulaklak na hairclip.

Dumungaw siya sa salamin na nagsisilbing bintana ng kahon. She still looks gorgeous kahit na nga ba hindi ganoon kaeksperto ang pagkakalagay ng make up nito kagaya ng sa picture. Maayos naman ang pagkakalatag ng buhok nito.

"Uhm, Sir, kaanu-ano po kayo ni Kristel?" ang tanong na nagpalingon kay Ali mula sa pagkakatitig sa nakahimlay na babae. May katabaan ang babaeng lumapit, maikli ang buhok at mukhang nasa late thirties na. Nakasuot ito ng itim na bestida.

"My Condolences, Ma'am," aniyang bahagyang yumuko. "Ako po si Ali, magkakilala po kami... sa trabaho," pagsisinungaling niya.

"Salamat sa pagbisita. Ako nga pala si Mary Ann, pinsan ko si Kristel sa ama."

Napatingin si Ali sa likod ng babae nang may pumasok sa pintuan ng silid.

"Ali, mabuti at nandito ka na," saad ni Greg, ang bagong dating. Ang tawag nito--apat na araw na ang nakaraan--ang dahilan kung bakit siya naroon ngayon. "Mary Ann, siya si Ali Marzouq. Ang tinutukoy sa sulat ni Kristel."

Bahagyang napasinghap ang babae sa narinig at namimilog ang mga matang tumingin ulit sa kanya.

"Ikinagagalak ko po kayong makilala, Sir Marzouq."

Ngumiti siya ng tipid, "Nasaan ang bata?"

"Ayon po," turo nito sa batang naka black t-shirt at denim shorts. Basta nalang tinali ang kulot nitong buhok para siguro hindi bumuhaghag. Nakayuko itong nilalaro ang dalang barbie doll, tahimik na nakaupo sa isang monoblock chair na kulay green.

Nilapitan ni Ali ang bata at nag-squat sa harap nito.

"Hello," ngiti niyang bati.

Tumaas ang tingin nito sa mga mata niya. Tinging walang kaakibat na emosyon. Hindi niya mabasa kung ano ang dinaramdam ng bata. Naiintindihan ba nito ang mga pangyayari?

"Ako nga pala si Ali, Julia ang pangalan mo, 'di ba?" surprisingly, tumango ang bata. "P'wede ba kitang maging kaibigan?" matagal bago sumagot ang kausap niya. Tumitig lang ito sa kanyang mga mata na wari binabasa kung gaano siya katotoo sa salita. "Uhm, ang ganda naman ng doll mo, ano'ng pangalan niya?"

Niyuko ng bata ang hawak na manyika saka tumingin ulit sa kanya.

"Barbie."

"Wow, ang cute naman ng name niya. Huwag kang mag-alala, hindi ako bad, gusto lang kitang maging friend, at si Barbie," nakangiti niyang sabi, trying to win the child's heart.

Nang wala na namang sagot mula dito ay nagsalita ulit siya, "Kilala mo ba si Sta. Claus?" tumango nang mahina ang bata. "Ako si Sta. Claus, at ibibigay ko sayo ang lahaaat ng gusto mo. Bibigyan natin ng magandang bahay si Barbie at hahanapan natin ng kalaro, gusto mo ba iyon?" tumango ulit ito. "Good girl, " he patted her head gently.

Tumayo siya at lumapit ulit kay Mary Ann na kausap si Greg.

"Kumusta ang bata, brod?" tanong ng kaibigan.

"Kukunin ko siya."

***

"Bakit sa sala ka natulog?" tanong ni Julia kay Ali. Nalapatan na ng gamot ang sugat nito na hindi naman pala gaanong malaki, bleeder lang talaga ang parteng iyon. "Ano'ng oras ka pala nakauwi kagabi?"

"Ten na, nag-emergency meeting pa kasi sa opisina," sagot ni Ali na sumubo ng bacon.

Hindi bale sa kanya ang mga death glares ng mga empleyado kapag nag-oovertime sila, ang mas inaalala niya ay ang kaharap. Nakasanayan na kasi nito na nakikita siyang nasa bahay bago ito matulog, noong hindi pa siya na-promote sa position. Pero dahil nitong mga nakaraang buwan, sunod-sunod ang overtimes niya kaya napapadalas na rin ang pagtulis ng nguso nito.

"It's work, Julia. Stop that. Puwede ko nang isabit ang tatlong hanger sa nguso mo."

"Alam ko naman na ikaw ang nagpapatawag ng meetings kapag ganoong oras, e," bulong nito na narinig niya dahil magkatabi lang sila sa lamesa.

"Aba, sumasagot ka na talaga. Porket ba malalakas na iyang mga boto mo?"

"Ewan ko sayo," anitong tumayo at dinala ang pinagkainang pinggan sa lababo.

"Hey, saan ka pupunta? Tapos kana? Ang konti lang ng kinain mo."

"I'm on diet," sagot nitong umalis na, naiwan siyang nakanganga.

Amused naman si Manang Fe, ang kasambahay, na dumulog sa hapagkainan. Katatapos lang nitong isalang sa oven ang mga cookies na ginawa.

"Ganyan na ba talaga ang mga kabataan ngayon, Manang?"

"Parte iyan ng pagdadalaga niya. Nag-iiba ang mga moods nila, lalo at babae pero normal iyan. Nagiging rebelde kasi gusto nilang patunayan na kaya na nilang magdesisyon para sa sarili. Kailangan mong habaan pa ang iyong pasensiya, pero siyempre gagabayan mo parin siya kung ano ang tama," anang matanda na sumandok ng kanin. "Malaki na si Julia, Ali. Naipalaki mo siya ng maayos at malusog, hanga ako sayo," nakangiti ang mga mata nitong sabi.

"Siyempre dahil narin sa tulong ninyo, Manang."

Si Manang Fe ay malayong kamag-anak ng ina niya. Nanggaling ito sa Bicol, humingi siya ng tulong dito isang buwan matapos niyang angkinin ang pag-aalaga kay Julia. Mabait ang matanda at malaki ang tulong nito sa gawain sa bahay. Para na rin niya itong pamilya.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C2
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン