アプリをダウンロード
51.85% Dark Glazer Academy [COMPLETED] / Chapter 14: Chapter 13

章 14: Chapter 13

-Athena Brix Alexandro-

Nag-lakad na kami paalis ng cafeteria at pupunta na sana ng room ng makita naming lahat ng estudyante ay nasa gym. Ano kayang meron?

"Tara, punta tayo dyan, baka nandyan din 'yung anim na panget eh. Hehehe. " sabi ni Kean.

"Tara! " aya ko rin kaya pumasok na kami sa gymansium at huwaw! Ang laki pala nito? HAHAHA ignorante ako ih.

"Nandun sila sa harapan. " sabi sa'kin ni Kean at saka sya nag-lakad papunta dun, sumunod na lang din ako. Hindi pa man kami nakakaupo ay may nag-salita na sa stage.

"Good morning, everyone! I'm your SSG President, we, the SSG Officers, would want to announce that we will having a beauty contest! " whuuuut?!

Tiningnan ko ang mukha ng pito, nandito na kasi kami sa pwesto nila eh.

(^_^) - Kean

(-__-) - Jerix, Zef, Gray, Khalil, Harry

(*__*) - Funky

(0___0) - Ako

"Each gang of DGA should choose their representative for the said event. It will be held here, in our gymnasium at 8 o'clock PM on this coming Sunday. Kung may mga katanungan pa kayo, hanapin nyo lang ako at sasagutin ko ang inyong mga tanong. Thank you very much. " sabi ng SSG President saka lumayas sa stage. Parang hindi naman sya pabibo ah kagaya ng sinasabi ni Kean?

"Is that guy out of his own mind?! "

"Sinong kukuhanin natin bilang representative ng gang natin? "

"Aish! Bahala na! "

"'Wag na kaya tayong sumali? "

"Hindi pwede dahil lahat DAPAT ng gang merong representative doon. "

Mga naririnig kong bulungan ng mga kalalakihan. Takot ba silang mag-beauty contest? HAHAHA.

"So, sinong representative natin? " tanong ni Jerix.

"Si Kean! " saad ko. Ang cute nya kasi eh hehehe.

"Ehhh! Ayaw ko nga! " sabi nya saka ngumuso.

"Si Harry na lang. HAHAHAHA! " suggest ni Zeffrey. Si Jerix naman ay nakahawak sa baba nya na tila nag-iisip kung sino talaga ang mas bagay maging.. ehem.. babae.

"Kung si Boss na lang kaya? " wika ni Khal at dahil dun ay nag-tawanan kami.

"HAHAHAHAHAHAHA! Pa'no kaya sya magpakilala? Siguro masungit pa rin HAHAHAHA! " sabi ni Gray na tawang-tawa.

"Ganto oh.. " sabi ulit ni Zeffrey saka tumikhim. ".. Hi boys, my name is Jerissa Han. I'm your nightmare dressed like a daydream. " pagpapatuloy nya na maliit na ang boses at pambakla HAHAHAHA nag-flip hair pa sya!

"Gagi! " sabi ni Kean na tawang-tawa pa rin. Natatawa rin ako sa kanila eh.

"Si Brix ang magiging representative natin. " biglang sabat ni Funky at napatingin naman sa kanya ang lahat, including me. Tiningnan ko sya na parang sinasabi kong, 'hey, nananadya ka ba? '

"Why are you staring me? " tanong nya.

"Ngayon ko lang napag-alamanan na.. " pabitin ni Harry.

"Na? " tanong ni Funky.

"Na ang talino mo pala pre! HAHAHAHA! Tama! Si Brix na lang! Tutal, sya itong gwapo. Sa sobrang gwapo, mukha ng maganda. " natatawa sabi ni Harry habang nakatingin sa'kin.

"Gago! Matagal na akong matalino! " yabang. Hooo!

"Sshh. Quiet guys, so, that is our final decision, Brix will be our representative on that beauty contest. " sabi ni Jerix saka ako inakbayan.

"Okay lang ba sa'yo 'yun, Brix? " tanong sa'kin ni Jerix habang nakatingin sa'kin at nakangiti. Himala ata at hindi sya nag-susungit ngayon.

Tinitigan ko sya. Ang gwapo talaga nya, masungit lang talaga.

"Y-yes, it is okay with me. " sagot ko. Wala na eh, nandito na.

"Great! So, dahil sa linggo na 'yun at lunes pa lang ngayon, mag-practice ka na, ha? " sabi ulit ni Jerix.

"Yes, boss! Hehehe. " nakangiting wika ko.

******

Sa Dorm..

Kumatok ako sa kwarto ni Funky dahil sasapukin ko sya! Bwiset na 'yan!

"Come in! " saad nya galing sa loob ng kwarto nya, ngunit sapat lang ang lakas ng boses nya para marinig ko ang sinabi nya.

Pinihit ko ang door knob saka pumasok. Kaming dalawa lang ang nandito sa dorm dahil nasa cafeteria 'yung lima.

"Hoy, ikaw! " turo ko sa kanya.

Mula sa pag-babasa ay napatingin sya sa'kin.

"A-ako? " tanong nya habang nakaturo sa sarili nya.

"Ay, hindi. 'Yung pader siguro. " sarkastikong sabi ko.

"So, sarili mo 'yung tinutukoy mo? " tanong nya sa'kin habang nakangisi. Gago 'to!

"Hoy! For your information, hindi ako flat! " sabi ko. Huhu. Hindi ako flat, okay? Maliit lang 'to, pero hindi ako flat!

"Okay, eh bakit ka nga ba nandito? Miss mo na ako? " what the eff?!

"Kilabutan ka nga dyan sa sinasabi mo! Nandito ako para sapakin ka dahil sinaggest-suggest mo sa kanila na ako na lang ang maging representative natin! " sabi ko saka sya pinagbabato ng mga unan.

"Aray! Ano ba? Eh, bat ba ayaw mo ha? Aray! " tch.

"Alam mo naman kung ano talaga ako eh! Tapos, pinasali-sali mo pa ako sa ganyan! Pa'no kung mahalata nila? " tanong ko. Tumayo sya sa pagkakaupo saka lumapit sa'kin.

"Athena, relax okay? Masyado kang kinakabahan eh. Hindi nila mahahalata 'yan kung hindi mo ipapahalata. Tsaka, nandito si Funky, the great, ako ang tutulong sa'yo. " sabi nya saka kumindat.

"Panget mo! " sabi ko saka lumabas ng kwartong 'yun.

"Mas panget ka, 'wag kang papatalo! " sigaw nya pa mula sa loob ng kwarto nya. Pumunta akong kusina saka uminom ng tubig.

Pero, sabagay, hindi naman siguro nila mahahalata kung hindi ko ipahahalata.

Saad ng kabilang bahagi ng utak ko. Bahala na si Darna!


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C14
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン