アプリをダウンロード
49.38% THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel) / Chapter 40: CHAPTER THIRTY NINE

章 40: CHAPTER THIRTY NINE

(Emperor's Hotel, evening)

(Esprit/Diana's POV)

"YOU are cordially invited to the 13th wedding anniversary of Engr. and Mrs. Albert De Vega."

I put the invitation in my golden yellow Burberry bag.

"Sigurado ka na ba sa gagawin mo? Baka mahalata ka nila." ang nag-aalalang tanong sa akin ni Cynthia.

"Wag kang mag-alala, Thia. Matagal nang alam ng buong mundo na patay na si Esprit De Vega. So I think this is the time para makilala naman nila si Diana Lee." and I smiled evilly at my friend.

"Pasensya ka na kung masyado akong pakialamera sa mga pinagagagawa mo pero...andun sina Albert at Vivian eh. Anong gagawin mo kung sakaling nagkagulo sila oras na makita ka nila?" sabi pa ni Thia.

"Ano ka ba, Thia, hindi ako manggugulo." at bumaba na ako sa kotse. "Mauna na ako sayo ha. Sumunod ka na lang." at naglakad na ako papunta sa malaking entrance gate papasok sa hotel. Ipinakita ko ang invitation sa guard at pinapasok naman ako.

Pagpasok ko sa mismong hall ng hotel ay pansin kong maraming tao sa paligid, karamiha'y puro mga businessman at matataas na tao sa bansa. And I admit, medyo nakakaramdam ako ng konting kaba. Papasok ako sa kuta ng kaaway ko after seven years kung kaya naman medyo nakakaramdam ako ng nerbyos. And worst, paano kung makilala nila ako? 

Anong gagawin ko?

Natigil lang ako sa pag-iisip ko nang mapansin kong may roaving waiter na lumapit sa akin.

"Good evening Ma'am. Do you want a drink?" magalang na sabi sa akin ng waiter.

"Yes. Wine, please."

"Yes Ma'am." at binigyan ako ng isang kopita ng wine ng waiter. "Have a wonderful night Ma'am."

"Thank you." sabi ko naman. Habang hawak ko ang kopita na may lamang wine ay iginala-gala ko ang paningin ko sa buong hall. In fairness, mukhang bongga nga ang wedding anniversary celebration ng napakagaling kong ex-husband at ng marumi niyang kabit.

Napangiti ako ng masama. 

Hmm...ano kaya kung gawin ko ring bongga ang pagpapakilala ko sa kanya, yung tipo bang hinding-hindi nila makakalimutan habambuhay.

* evil grin *

Habang pinapanood ko ang mga taong nasa event ay may lalaking lumapit sa akin.

"Hi. Mukhang mag-isa ka lang dito ah." 

"Yeah. Anyways, I'm Diana Lee. You're?"

"Arthur Manahan."

"Nice to meet you, Arthur." 

"Nice to meet you too, Diana." at nagkamayan kaming dalawa.

"Taga-saan ka?" umpisang tanong ni Arthur sa akin.

"Italy. Nandito ako ngayon para sa isang business deal." sabi ko.

"Ahh...okay." and he smiled. "Kilala mo ba ang celebrants?" ang tanong ko naman sa kanya.

"Nope. Pero kilala siya ng Papa ko. Business partner kasi ng family namin ang mga De Vega kung kaya naman matalik silang magkaibigan. Ikaw, kilala mo ba sila?"

"Hindi eh. Pero nababasa ko sa mga business news ang pangalan nila. At ang pagkakaalam ko ay sila ang may-ari ng isa sa mga pinakamalaking hotel dito sa Pilipinas." sabi ko naman.

"Sikat talaga sa bansang ito ang mga De Vega noh, Ms. Diana." sabi pa ni Arthur.

Tama ka. Sikat na sikat sila. 

Sikat sa pagiging mga magnanakaw, mandarambong at mapagsamantala.

"Anyways, since may business deal ka, anong business mo?"

"Clothing line. Sa Italy naka-base ang business ko. At hindi sa pagyayabang ay marami nang branches ang boutique ko sa buong mundo." I said.

"Wow. So, fashion empress ka." ang humahangang wika ni Arthur.

"Yes. Punta ka naman sa boutique ko sa Makati paminsan-minsan."

"Sure. Walang problema." and he smiled at me.

Natigil lang kami sa pag-uusap nang makita naming lumabas na sina Albert at Vivian, dahilan para biglang magpalakpakan ang mga tao. 

"Ayan na pala sila. Ang ganda ni Vivian noh?" sabi ni Arthur sa akin.

"Yeah. Pero hindi bagay sa kanya ang suot niya. Mukha siyang abnoy." I said frankly at him.

"Bakit naman?" 

"Kasi ang pangit ng napili niyang damit. Nagmumukha siyang basahan sa suot niya. Pathetic." ang nakangising sabi ko habang nakatitig ako sa babaing naging dahilan ng pagkawasak ng pamilya ko.

"O-okay." ang tila nabiglang sabi ni Arthur.

Habang nakatingin ako sa kanilang dalawa ay hindi ko mapigilang pagtawanan sila sa isipan ko. 

So, iyan na pala ngayon ang babaing ipinagpalit sa akin ni Albert De Vega huh. 

How cheap.

Habang kinakausap silang dalawa ng mga bisitang nakapaligid sa kanila ay bigla akong hinila ni Arthur sa dance floor na malapit sa pwesto ng dalawa.

"Wait, bakit tayo nandito?" gulat na tanong ko sa kanya.

"Marunong ka bang sumayaw, Diana?" 

"Slight. Bakit?"

"Tara, sayaw tayo. Ballroom."

"Ballroom?" and I smiled sliely. "Sige. Alam mo bang sumayaw ng rumba?"

"Oo naman. So...shall we dance, Diana?"

"Yes." at nag-umpisa na kaming magsayaw ni Arthur.

Habang nagsasayaw kaming dalawa ay naagaw namin ang atensyon ng lahat, kabilang na sina Albert at Vivian. In fairness, magaling ngang sumayaw 'tong partner ko, hindi lang halata sa itsura niya. And hell, I really enjoyed dancing with him.

Pagkatapos naming sumayaw ni Arthur ay nagpalakpakan ang lahat ng bisita. Maging sina Albert at Vivian ay napapalakpak din. And surprisingly, lumapit silang dalawa sa amin.

"Wow. What a nice dance, Mr. and Mrs--" - Albert.

"Nope. Hindi kami mag-asawa. Magkaibigan kami ni Arthur." sabi ko habang nakatitig ako sa kanilang dalawa. 

"Ah...okay. Anyways, I'm Vivian. Vivian De Vega." pakilala sa akin ng cheap na impaktang 'to.

"Nice to meet you. I'm Diana. Diana Lee." pakilala ko rin with matching fake smile at her.

"Nice meeting you, Ms. Lee." at kinamayan ako ni Albert. "By the way, I'm Albert, Vivian's husband."

"I know. Hindi mo na kailangan pang ipagyabang." and I laughed. "Sorry, joke lang yun. Masyado ba akong naging sarcastic?"

"No, it's okay." ang nakatawa ring tugon ni Albert.

Psh. Plastics.

"Anyways, congratulations. 13 years na pala kayong nagsasama." bati ko sa kanila.

"You're welcome Diana. Actually ay ako ang sinuyo ni Albert noong araw na magpakasal na kami. At dahil mahal ko naman siya ay pumayag naman ako." nakangiting pagmamalaki ni Vivian.

Sinungaling. Ikaw ang nanuyo kay Albert, hindi siya.

"May anak na ba kayong dalawa?" tanong ko sa kanila.

"Yes. Si Jack ang anak namin." sabi ni Albert.

Walanghiya ka rin noh, Albert. Hindi mo na talaga binigyan ng importansya ang anak kong si Satchel.

"Hmm...okay. Pwede ko ba siyang makilala?"

"Sure." at nilapitan ni Vivian ang kanyang anak na kasalukuyang may kausap. Agad na lumapit yung binatilyo sa amin.

Ito na pala ang bastardong anak ni Vivian ngayon. Kadiri.

"Jack, this is Diana Lee, our new friend. Diana, siya si Jack. Siya yung anak namin ni Albert."

"Nice to meet you po, Tita Diana." at kinamayan ako ni Jack.

"Nice meeting you too, hijo." I said.

"Sige, mauna na kaming dalawa ni Albert. Enjoy the party." at umalis na sina Albert at Vivian. Naiwan kami ni Arthur sa gitna ng ballroom. Nung magyaya na si Arthur na bumalik na kami sa pwesto namin ay sumama na ako sa kanya. Habang naglalakad ako ay naglalaro ang mapanuyang ngiti sa mga labi ko. 

Sa wakas...mag-uumpisa na akong makapaghiganti laban sa inyo...

ALBERT AT VIVIAN.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C40
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン