アプリをダウンロード
28.39% THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel) / Chapter 23: CHAPTER TWENTY TWO

章 23: CHAPTER TWENTY TWO

(Villas's Mansion, 7:30 pm)

(Kath Rence's POV)

"SIGE PO Mommy, Daddy, mauna na po ako."

"Okay. Mag-iingat ka ha? Enjoy the party!" sabi naman nina Mommy at Daddy.

Lumabas na ako sa mansion. Nagsuot lang ako ng simpleng gown na kulay puti at nag-make up ng konti. Itinali ko lang ang buhok ko at isinuot ko ang eye glass ko. Habang naglalakad ako ay kasama ko sina Mang Rodel at Kuya Joey. At dahil malapit lang ang bahay namin sa mansyon nina Sachi ay nilakad na lang namin ito.

(Roswell's Mansion)

(Kath Rence's POV)

PAGDATING ko sa mismong venue ng party sa main hall ng mansyon ay napansin kong maraming tao ang invited sa party ni Sachi. Pumasok na ako agad sa loob. 

Pero pagpasok ko sa loob ay sinalubong na ako ng mapangutyang tingin at bulungan ng mga bisita sa paligid, mostly Kensington students na nakakakilala sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin gaya ng nakagawian ko. 

Nung may makita akong pwesto sa tabi ng selfie booth ay hinintay ko sina Rhian. At nung makita ko sila malapit sa swimming pool ng mansyon ay akmang lalapitan ko na sana sila nang biglang bumuhos sa akin ang isang timbang puno ng burak. Umalingawngaw ang malakas na tawanan sa paligid habang pinilit kong alisin ang burak sa katawan ko habang unti-unti nang pumapatak ang luha sa mga mata ko. Hanggang nakita ko sina Riri na papalapit na sa akin.

"Kayo ba ang gumawa nito sa akin?! Ha?!" ang ubod lakas na sigaw ko sa kanila habang umiiyak.

Nagkatinginan silang apat at kalauna'y nagtawanan.

"Oo! Kami nga ang may pakana nyan. Masarap bang maligo sa burak, CAMPUS NERD?" - Riri.

"Bakit ba ginagawa ninyo sa akin ito? Ano bang kasalanan ko sa inyo?" tanong ko sa kanila.

"Because you're an eyesore!" sigaw ni Riri sa akin. "At naiirita kami kapag nakikita ka!"

Mas lalo akong nanliit sa sarili ko pagkatapos kong marinig ang masasakit na sinabi ni Riri sa akin.

"Hindi lang yun, mang-aagaw ka pa! You steal Prince Satchel from us!" sabad ni Yarra.

"Hindi ko ninakaw sa inyo si Satchel! Mahal ko siya!" depensa ko sa kanila pero pinagtawanan lang nila ako.

"Liar!" sigaw ni Femme sa akin. "Ginagamit mo lang si Prince Satchel for your own interest!"

"Oo nga! Hindi ka lang malandi, user ka pa! Shame on you!" - Carly.

Muling nagtawanan ang mga bisita sa paligid. Hindi ko na kaya pang igalaw ang mga paa ko para makatakbo palayo sa kahihiyang sinasapit ko ngayon. Ang buong pakiramdam ko ay isa akong malaking katatawanan sa lahat. At yun ang masakit sa akin. Sobrang sakit.

"Get loose Kath Rence! You ruining the party!" pagtataboy ni Riri sa akin.

"Hindi ka bagay kay Prince Satchel, tandaan mo yan!" - Yarra.

"Get out of here, ugly nerd!" - Carly.

"Ciao!" - Femme.

Tumayo na ako at aalis na sana ako nang bigla kong makita si Satchel na kanina pa nakatitig sa amin. Biglang nanginig sa takot sina Riri sabay layo nila sa akin.

"K-Katy...are you okay?" ang gulat na gulat na sabi niya sabay lapit niya sa akin. 

"S-Sachi...w-wag kang maniwala sa kanila...w-walang katotohanan ang mga sinasabi nila. Please...mahal na mahal kita at totoo ang nararamdaman ko sayo..." ang kinakabahang sabi ko kasabay ng muling pagpatak ng luha sa mga mata ko.

"Don't worry Katy, I believe in you. Nararamdaman kong mahal mo ako. Mahal na mahal mo ako." at niyakap ako ng mahigpit ni Sachi. Umiyak ako ng umiyak sa mga bisig niya habang nararamdaman ko ang init ng mga yakap niya. Nakaramdam ako ng comfort na para bang nawala ang lahat ng bigat sa dibdib ko. 

"Sorry. I'm so sorry. Sinira ko ang party mo. Patawarin mo sana ako..." ang paulit-ulit na sabi ko sabay hawak ko sa mukha niya.

"Wala kang kasalanan. Hindi mo sinira ang party. Sila." at itinuro niya sina Riri. "Sila ang sumira sa party ko. Sila ang sumira sa gabi nating dalawa. Sila!"

Natigilan sina Riri sa sobrang pagkagulat at takot.

"S-Sachi..." ang sisiguk-sigok ko nang sabi sa kanya. "Please wag mo na silang saktan..." pakiusap ko sa kanya.

"This is their very last straw at magbabayad na talaga sila sa ginawa nila sayo. Pagsisisihan nila habambuhay ang pang-aalipustang ginawa nila sayo." at binitiwan ako ni Satchel. "Sumama ka na muna kina Yaya Medel at Mikki. Dun muna kayo sa kwarto ko. Wag kang mag-alala, sila ang bahala sayo."

"Pero Sachi..." at natigil na lang ako sa pagsasalita nang dinantayan ako ng tuwalya ni Yaya Medel sabay sabing,

"Nandito na kami Kit-kat. Hinding-hindi ka na nila maaapi pa."

Bigla akong nahimasmasan sa soothing words ni Yaya Medel.

"Halika na muna sa loob Kit-kat. Yanna, go with me." sabi ni Mikki. Agad namang sumama si Yogo sa amin. Habang inaalalayan nila ako papuntang guest room ay mula sa hiya at panliliit na nararamdaman ko ay bigla na lang iyon napalitan ng matinding galit sa mga taong nang-api sa akin sa loob ng dalawang taon. Galit na gustung-gusto ko nang pakawalan at iparamdam sa kanilang lahat, lalo na kina Riri. 

I want to change myself. 

I want to take revenge against them. 

I want to rid them all!

Hinding-hindi na ako makakapayag na may mang-api pa sa akin.

Hinding-hindi na ako papayag na maliitin at kayan-kayanin lang ako ng lahat. 

At hinding-hindi ko na hahayaang pandirihan pa ng mga tao.

Because from now on, I'm no longer a campus nerd.

Isinusumpa kong ibabalik ko na ang tunay na Kath Rence Villas.

Ibabalik ko na ang tunay na ako.

Makikilala na nila ang "Empress Sweetheart" ng Kensington High School na maglalagay sa kanila....

SA IMPYERNO.

(Main Hall)

(Satchel's POV)

HABANG HINIHINTAY namin si Katy ay pinapanood ko lang ang paulit-ulit na pagpapahirap ng buong The Campus Sweethearts kina Riri habang nakaupo at nakagapos ang mga ito sa kadena. Walang bisitang nagtangkang umawat dahil sa takot na pagbuntunan sila ng matinding galit nina Rhian. And speaking of Rhian and her friends, hindi sila maawat sa paulit-ulit na pagsampal, pagsabunot at pagsuntok kina Riri. At kahit na nangingisay na ang mga ito sa sobrang panghihina ay wala silang pakialam. Ang mga bisita naman ay tahimik at tila natatakot sa mga susunod na mangyayari. But who the hell I care, ang mahalaga'y naipaghihiganti ko na ngayon ang babaing mahal na mahal ko.

Natigil lang ako sa panonood nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Agad ko itong tinignan. Isang text message mula kay Yogo.

- Sachi, i-me-make over na namin si Katy, wait ka lang dyan ha? -

I replied at him.

- Sige. Gawin mo siyang magandang-maganda para mas lalong matakot at mapahiya sina Riri. -

I send the message. Walang isang minuto ay muling tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ang reply ni Yogo.

- Okidoks! Don't cha worry, gagawin naming goddess of earth si Katy! Aja! -

I replied again.

- Okay. Kayo na ang bahala. -

I send it to him.

Nung matanggap ko na ang huling message ni Yogo ay ibinulsa ko ang cellphone ko at lumapit ako sa bugbog-saradong sina Riri. At halos hindi na sila makilala pa sa tindi ng sampal, sabunot at suntok na inabot nila kina Rhian.

"Dahil sinagad nyo na kami ng husto, makikilala nyo na ang babaing tunay na magpapahirap sa inyo. Kaya matakot na kayo." and I slapped Riri very hardly. Naiiyak na nanginginig na napayuko si Riri habang takot na ang bumabalatay sa mukha ng tatlong kasama niya.

I can't wait to see my queen. 

I can't wait to see my Kath Rence.

And I can't wait to see her revenge against that four stupid brats.

* evil grin lvl 100 *

(Guest Room)

(Kath Rence's POV)

"SO LET'S START?" excited nang tanong sa amin ni Yogo.

"Anong gagawin ninyo sa akin Yanna?" tanong ko sa kanila.

"We will do some magic for you! At sinisiguro naming luluhod ang mga tala oras na masilayan ka na nila!" at nag-appear sina Yogo at Mikki.

Natawa na lang ako sa kanilang dalawa.

Anyways, tapos na pala akong maligo at nakasuot ako ngayon ng robe. At halatang ready na ready na ang mga fairy cute friends ko para i-make over ako. Hindi ko maiwasang kabahan pero naisip kong kailangan kong maging maganda sa paningin nila upang tuluyan nang kainin ng mga nang-api sa akin ang mga masasakit na ginawa nila sa akin.

* evil grin lvl 50 *

"Okay, so let's start with your hair. Maganda naman talaga ang hair mo, medyo hindi mo nga lang naaalagaan ng maayos. But don't you worry dahil kami na ang bahala dyan." sabi ni Yogo.

Nagsimula sila sa buhok ko. Binasa at nilagyan muna ni Yogo ng shampoo ang hair ko at saka niya ito pinatuyo gamit ang blow dry. Nang matuyo na ang buhok ko ay may inilagay siya na dalawang klaseng hair chemical. Bagama't nangangati ang pakiramdam ko sa mga nilalagay niya ay hindi na lang ako umangal. After one to two hours ay binanlawan na ang buhok ko at muling pinatuyo. Habang pinapatuyo muli ni Yogo ang buhok ko gamit ang blow dry ay maingat na inaahit ni Mikki ang kilay ko na nangangapal na dahil sa katamaran kong mag-ahit. 

After thirty minutes of blow drying and plantsa sa buhok ay pinasuot na sa akin ni Mikki ang mamahaling gown na kulay puti. Pagkasuot ko ng damit ay nilagyan ako ng light make up ni Yogo habang inaayos naman ni Mikki ang buhok ko ala-Leila Lopes and Olivia Culpo bun style. 

Nung okay na ang lahat ay pinasuot na ni Yogo sa akin ang isang pair ng mamahaling stilettos at sinuutan ako ng accessories sa leeg, sa tenga at sa kamay.

Until...

"Omigosh Kit-kat! Look at you!" at iniharap nila ako sa salamin. "You're so beautiful!" patiling sabi ni Yogo.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at aminado akong napakalaki ng ipinagbago ko, mula sa buhok hanggang sa mukha. Sa puntong yun ay nakaramdam ako ng kakaibang tuwa dahil bumalik na ang dating ako na minsang kinabaliwan ng lahat.

Sa wakas! 

Tao na rin ako!

Nyahaha!

"Sabi naman namin sayo, kayang-kaya naming lagyan ng magic ang make-over mo! Look at the result!" pagmamalaki pa ni Yogo.

"Waah! Hindi na ako makakapaghintay pa sa magiging reaksyon nilang lahat!" Mikki said excitingly.

And speaking of reaction, hindi na ako makakapaghintay pa sa magiging reaksyon ng lahat sa pagbabalik ng The Empress Sweetheart na muli nilang susundan at pagpapantasyahan sa Kensington High. At hindi na rin ako makapaghintay na makapaghiganti kay Riri at sa tatlong panget na alipores niya. Haha.

"Hmm...mukhang may kakaiba sa ngiti mo ngayon ah. Ano yan, ngiting tagumpay?" tanong ni Yogo sa akin.

"Hindi lang ito ngiting tagumpay, kundi ngiting demonyo na rin. Ipapakita ko sa inyo kung paano mapahiya ang apat na yun sa harap ng maraming tao. Mostly to Lola Mart and Sachi." and I smiled very evilly.

"Kung ganun eh di gorabels na tayo! Excited na ang buong universe na makita ka!" at hinila na ako nina Yogo palabas ng guest room.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C23
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン