アプリをダウンロード
25.92% THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel) / Chapter 21: CHAPTER TWENTY

章 21: CHAPTER TWENTY

(Roswell Mansion, 8 pm)

(Kath Rence's POV)

ABALA KAMI ni Satchel sa paggawa ng project sa English nang makita naming pumasok sa library si Lola Martha na may dalang invitation.

"What's that Lola?" tanong ni Sachi habang nakatitig sa invitation na hawak ni Lola.

"Invitation. Finally, naplantsa na rin ang mga preparations ko para sa birthday mo. Magkakaroon ka ng birthday party dito sa mansyon at lahat ng mga Kensington students ay imbitado." 

"Okay Lola." at napatingin si Sachi sa akin. "Katy, pumunta ka sa party ko ha. Special guest ka dun." 

"Sige. Walang problema. Eh ano ba ang tema ng party mo?" tanong ko.

"Esquire ball." sabi ni Lola.

"What? Lola, that's too expensive. Kahit simpleng birthday celebration lang, ayos na sa akin." gulat na sabi ni Satchel pero nakita kong inakbayan siya ni Lola.

"Sige na, pagbigyan mo na ako. Ngayon na nga lang kita nakakasama ng matagal-tagal tapos hindi mo man lang mapagbigyan ang request ko. Sige ka, magtatampo ako sayo." paglalambing ni Lola kay Sachi.

"Okay Lola. Pumapayag na ako. Basta ba wag lang kayong magtatampo ha? Alam nyo namang kayo na lang ni Katy ang pamilya ko." at biglang lumungkot ang itsura niya.

Anong ibig sabihin ni Sachi...na kami lang ni Lola Mart ang itinuturing niyang pamilya?

"Haay apo, just prepare yourself for the party. Wag mo na munang isipin ang mga distractions sa buhay mo, okay." sabi ni Lola.

Distractions? Anong ibig sabihin ni Lola?

Tsaka sino naman ang mga distractions na tinutukoy nila?

Hindi ko maiwasang mangamba. Kasi...baka isa ako sa distractions sa buhay ni Sachi.

Natigil na lang ako sa pagmumuni-muni nung nakita kong nagpaalam na si Lola Mart. At tila yata napansin ni Sachi ang pananahimik ko mula pa kanina.

"Katy, mukhang bigla kang natahimik dyan. May problema ka ba?"

"Sachi, may tanong ako sayo, wag mo sanang masamain...distraction ba ako para sayo?" ang mahinang tanong ko sa kanya.

"Ha? Ikaw, distraction?" at inakbayan ako ni Sachi. "Hindi. Hinding-hindi at hindi ka kailanman magiging distraction sa akin, sa katunayan nga ay inspirasyon kita kung kaya nga nag-aaral ako ng mabuti para masuklian ko ang lahat ng kabutihan at pagmamahal na ipinaparamdam mo palagi sa akin. I love you Katy." 

"I love you too Bebeyonce ko." and I kissed his pinkish soft lips. He kissed me back. Agad din niyang binitawan ang mga labi ko at niyakap niya ako ng mahigpit. 

Haay...talaga ngang mahal na mahal ko na ang Bebeyonce ko. 

"Ay mamaya na tayo ulit maglambingan at tatapusin pa natin ang project. Dalian na natin."

"Okay." at ipinagpatuloy na naming gawin ang scrapbook project namin sa English.

(Roswell's Mansion, 9:30 pm)

(Kath Rence's POV)

PAGKATAPOS naming gumawa ng project ay nagmemeryenda na ako sa kusina ng mansyon nila kasama sina Mikki at Mimi. Tulog na si Sachi sa tabi ko dahil na rin sa pagod niya sa pagde-decorate ng scrapbook. Kakwentuhan ko sa kusina sina Lola Mart at Tita Medel.

"Kit-kat, maraming salamat sa pagmamahal mo sa apo ko maging sa concern mo sa kanya. Dahil sayo'y naging masigasig na siya sa pag-aaral niya at bukod pa roon ay lagi na siyang nakangiti at masaya. Utang ko ang mga masasayang nangyayari sa apo ko sayo kaya salamat hija ah." nakangiting sabi ni Lola Mart.

"Wala pong anuman Lola Mart. Kaya ko po ginagawa iyon ay dahil wala akong ibang hangad kay Sachi kung hindi ang makatapos siya sa pag-aaral at palagi siyang maging mabuti at reponsableng apo sa inyo. Tsaka mahal na mahal ko po talaga ang Bebeyonce ko at gagawin ko ang lahat para lang maging masaya siya." ang nakangiting sabi ko sabay haplos ko sa tungki ng ilong niya.

"Sus! Bebeyonce pala ang endearment mo kay Sachi. Nakakakilig naman." sabi ni Tita Medel.

"Sinabi nyo pa Mama. Alam nyo bang ang daming babaing naiinggit kay Kit-kat kasi siya ang girlfriend ni Sachi!" sabad ni Mikki.

"Talaga Ate Mikay?" tanong ni Mimi.

"Oo naman! Obvious na obvious naman eh!" sabi pa ni Mikki. "Anyways, since kayo daw ni Sachi ang napili ng star section na maging candidate sa Mr. Campus Prince and Ms. Campus Princess, anong plano ninyo para sa competition?"

"Ewan ko. Sabi ni Sachi ay siya na daw ang bahala dun. Tsaka matagal pa naman yun kaya makakapaghanda pa kami." sabi ko naman sa kanya.

"Basta, if you have wardrobe needs, tawagan mo lang kami ni Yogo ha! At handa kaming gawin kang dyosa." sabi pa ni Mikki sabay kumpas ala-fairy godmother.

"Salamat." sabi ko naman sa kanya.

"You're welcome Kit-kat." and Mikki smirked at me.

Nung matapos nang magmeryenda sina Mikki at Mimi ay nauna na sila sa kwarto nila sa ground floor. Kami na lang nina Lola Mart at Tita Medel ang naiwan sa sala.

"Haay, nakakatuwa talagang tignan ang mga anak mo noh Medel, parang kailan lang eh ang liliit pa nila, pero ngayon, naku, ang gaganda na nilang dalagita. Siguro baka may nanliligaw na dyan kay Mikki." sabi ni Lola Mart.

"Naku Madam, wala pang plano si Mikay na magkaboyfriend at gayundin si Mimay, tsaka ang palaging dahilan nila ay sakit lang daw sa ulo ang maidudulot ng mga boyfriend-boyfriend na yan. Tsaka sabi ni Mimay eh magkaka-boyfriend lang siya kapag tumuntong na siya sa 4th year." sabi naman ni Tita.

"Kunsabagay. Mabuti na lang kamo at napalaki mo silang maayos kahit na napakaaga mong nabiyuda. Tsaka bilib ako sayo dahil mataas ang pangarap mo para sa mga anak mo. Hanga ako sa katatagan mo bilang nanay nila." 

"Salamat po Madam." sabi naman ni Tita.

Haay, ang swerte naman ni Mikki at nagkaroon siya ng maalaga't mapagmahal na mommy sa katauhan ni Tita Medel. At gayundin kami ni Kuya Leonard. Pero si Sachi, hindi, kasi matagal nang wala ang mommy niya. Pero masaya na rin ako para sa Bebeyonce ko kasi nandyan naman ang Lola Mart niya sa tabi niya na walang sawang nagmamahal sa kanya.

Natigil lang kami sa pag-uusap nang biglang pumasok sa loob ang isang lalaki na hinahatak ng bodyguard palabas at tila ba nanggugulo ito. At nang mamukhaan ko ang lalaking yun ay laking gulat ko pagkat tatay ni Sachi iyon. Ano naman kaya ang ginagawa ni Sir Albert dito?

"Nasaan si Satchel? Kailangan ko na siyang iuwi sa bahay. Namimihasa na masyado ang batang yun, kailangan ko siyang disiplinahin." ang sabi ni Sir Albert pero tinawanan lang siya ni Lola Mart.

"Si Satchel, didisiplinahin mo? Eh ni sarili mo nga, hindi mo madisiplina?" at napairap si Lola. "Albert, wag ka nang magmalinis dyan na isa kang mabuting ama, kasi alam ng Diyos kung anong mga kahayupan ang pinaggagagawa mo sa anak ko at sa kanya na apo ko!"

Kahayupan? Ginawa? Ni Sir Albert?

Anong ibig sabihin ni Lola Mart?

"Kit-kat, dalhin natin sa kusina si Sachi." sabi ni Tita Medel.

"Mauna na po kayo at susunod na po ako. Ipasok nyo na po si Sachi sa kwarto." sabi ko sa kanila. 

Buong alalay namang ipinasok ni Tita Medel si Sachi sa kwartong malapit sa main hall ng mansyon.

"Mama, matagal ko na pong pinagsisisihan ang mga ginawa ko kay Esprit, kaya hayaan nyo naman po akong makabawi kay Satchel. Ang dami ko na pong naging pagkukulang sa kanya." ang sabi pa ni Sir Albert pero natahimik sila nang salubungin sila ng malakas na sampal ni Lola Mart. Tinangka ko mang umawat pero pinigilan ako ni Mikki na nasa likod ko pala.

"Halika na muna sa kusina Kit-kat." at hinila ako ni Mikki patungong kusina. Pero kahit nasa kusina na kami ay dinig na dinig pa rin namin ang pagtatalo nina Sir Albert at Lola Mart.

"Talaga?! Nagsisisi ka nang hudas ka?! Ang kapal din ng mukha mo ano! Pagkatapos ng lahat ng kasamaang ginawa mo sa anak ko, yan pa ang sasabihin mo! Hayup ka talaga Albert! Wala kang kasing-hayup!" ang ubod lakas na singhal ni Lola Mart.

"Mama—-"

"Wag na wag mo akong tatawaging Mama!"

Umalingawngaw ang katahimikan sa buong mansyon hanggang sa nagsalita si Sir Albert.

"Patawarin nyo sana ako sa mga nagawa ko sa anak ninyo maging kay Satchel...dahil sadyang mahal na mahal ko lang po si Vivian kung kaya nagawa ko ang mga bagay na yun sa anak ninyo..."

Vivian?! 

As in...Vivian Salcedo?!

Teka, mommy yun ni Jack ah!

Muli na naman naming narinig ang malakas na lagapok ng kamay ni Lola Mart, senyales na sinampal nila ulit si Sir Albert.

"Ayoko nang marinig pa ang mga baluktot na paliwanag mo at lalong ayoko nang marinig pa ang nakakasulasok na pangalan ng kabit mo! Kaya bago pa kita tuluyang ipaaresto sa mga pulis at kasuhan ng adultery, lumayas ka na! Ayokong makita yang pagmumukha mo! At isa pa, itatak mo sa kukote mo na akin na ang kustodiya ni Satchel! At hinding-hindi mo siya makukuha sa akin kahit kailan! Kaya sige, layas! At wag na wag ka nang magpapakita pa sa akin!"

Narinig ko na lang ang marahang tunog ng mga paa ni Sir Albert palabas ng mansyon.

Nung masiguro naming wala na si Sir Albert ay lumabas na kami sa kusina at laking gulat namin nang makita naming umiiyak si Lola Mart sa sala habang paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ng mommy ni Satchel. Nilapitan ko si Lola at niyakap. Yumakap din sa akin si Lola at doon sila humagulgol. 

Hindi ko na rin maiwasang maiyak dahil sobrang naaawa na ako kay Sachi kasi ganito pala ka-grabe ang nangyari sa pamilya niya, na namatay ang mommy niya nang dahil kay Sir Albert at sa mommy ni Jack. Hindi ko akalain na nakakayanan ni Sachi ang ganung sitwasyon ng kanyang pamilya. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ganun ka-cold si Sachi kay Jack maging sa tatay niya ay dahil sa sinapit ng pamilya nila.

At nang dahil sa natuklasan kong yun ay mas lalo pa akong napamahal kay Satchel. At gagawin ko ang lahat para makatulong sa kanyang pinagdaraanan ngayon.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C21
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン