アプリをダウンロード
17.28% THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel) / Chapter 14: CHAPTER THIRTEEN

章 14: CHAPTER THIRTEEN

(Kensington High School, next day)

(Kath Rence's POV)

PAGKATAPOS NG klase namin sa Science ay may inutos sa akin si Sir Dizon na ilagay ang mga workbooks sa faculty office.

Habang naglalakad ako dala ang dalawampung piraso ng workbooks nang hinarang ako ni Heidi Sandborn.

Uhm...ano naman kaya ang kailangan sa akin ng babaing 'to?

"Hoy ugly nerd! Akala mo ba, papalagpasin ko yung ginawa mo sa akin?!" she said angrily.

"Teka, ano bang ginawa ko sayo?"

"Inaagaw mo sa akin ang boyfriend ko!"

"Boyfriend? Sino naman yung boyfriend mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Si Satchel De Vega lang naman ang boyfriend ko!" ang nakapamaywang na sabi niya sa akin.

Si Satchel na boyfriend ko...inagaw ko daw sa kanya?! Nagpapatawa ba 'tong flirt na 'to? Siya nga 'tong nang-agaw sa boyfriend ni Yhannie tapos may gana siyang sabihin ang mga bagay na yan sa akin?! Ang kapal talaga ng mukha niya!

Pero sa totoo lang, nakakaawa din siya kasi hindi niya ginagamit ang ganda niya sa tama. Kung ako lang siya, hindi ko gagamitin ang ganda ko sa masama.

"Una sa lahat, ayaw sayo ni Satchel, tsaka pangalawa, hindi ko siya inagaw sayo, kaya wala kang karapatang husgahan ako. Kaya kung mamarapatin mo lang ay padaanin mo ako." at akmang aalis na sana ako nang bigla niyang sinabunutan ang buhok ko.

"Sinong may sabi sayong umalis ka dito?! Wag na wag mo akong tatalikuran!"

"B-bitiwan mo ako..." ang sabi ko habang nakahawak ako sa kamay niya. Parang maiiyak na ako dahil sa sobrang sakit ng sabunot niya, tsaka hindi ako sanay na nakikipag-away. Hindi ako sanay sa ganito.

"Bitiwan?!" at napangisi si Heidi. "Sige, pero kakalbuhin muna kita!"

HELP! SOMEBODY HELP ME!

Hanggang...

"LET MY SISTER GO...BITCH."

Nge! Dininig agad ang wish ko?

Pagtingin ko ay laking gulat ko na lang nang makita ko sina Kuya Leonard at Ate Rhian na nasa harapan na namin. Sa takot ni Heidi ay agad niya akong binitawan.

"HOY MALANDI KA, SINO KA PARA SABIHAN ANG KAIBIGAN KO NA MANG-AAGAW HA! BAKIT, SAYO RIN BA SI SATCHEL?! KUNG MAKAPAGSALITA KA, PARANG GIRLFRIEND KA NIYA AH!" Rhian said very angrily.

"ETO KASING PANGET NA KATH RENCE NA 'TO, NILALANDI SI SATCHEL KO!"

"WALANGHIYA KA TALAGA!" at nakatikim si Heidi ng malutong na sampal kay Rhian. "NAPAKALANDI MO TALAGA! ANG DAPAT SAYO, SINUSUNOG SA IMPYERNO! SLUT! WHORE! BITCH!"

Hindi nakaimik si Heidi sa maaanghang na sinabi ni Rhian maging sa kahihiyang inaabot niya ngayon sa kaibigan ko.

Akmang tatakbo na sana si Heidi palayo nang bigla siyang sabunutan ni Rhian at isinubsob sa sahig. Gulat na gulat ang mga estudyanteng nakikiusyoso, including me and my Kuya.

"MALANDI PALA HA..." at gigil na gigil na sinabunutan ni Rhian si Heidi. "EH IKAW NGA ANG MALANDI DYAN! KASI INAAGAW MO ANG HINDI SAYO!"

Hindi na makapalag pa si Heidi sa tindi ng pagkakahawak ni Rhian sa buhok niya. At dahil sa sobrang gigil na nararamdaman ni Rhian ay itinaas niya ang buhok ni Heidi na sa tingin ko ay matatanggal na ang lahat ng buhok niya sa tindi ng pagkakasabunot ni Rhian sa kanya.

"SUBUK-SUBUKAN MO LANG GULUHIN SINA KATH AT SATCHEL, TIYAK NA MALILINTIKAN KA ULIT SA AKIN. NAIINTINDIHAN MO?!" at galit na galit na binitiwan ni Rhian si Heidi. Napasubsob siya sa sahig at halos hindi na siya makatayo pa sa sobrang kahihiyan.

Nung makahanap na ng tiyempo si Heidi ay patakbo na siyang umalis sa corridor. Pero nanigas siya sa sobrang takot nang makita niya si Satchel. At mukhang galit na galit si Sachi sa kanya.

"Sachi, tama na. Wag mo na siyang saktan." ang awat ko sa kanya pero napanganga na lang ako sa sobrang pagkagulat nang biglang suntukin ni Satchel si Heidi sa mukha. Napasubsob na naman siya sa sahig habang dumudugo na ang kanang bahagi ng labi niya.

"How dare you hurt my girlfriend?!" at hinila ni Satchel ang buhok ni Heidi at iniharap niya ito sa kanya. "And how dare you said that I'm your boyfriend?!"

"P-prince S-Satchel..." sinubukan pang magpaliwanag ng takut na takot na si Heidi nang muli siyang suntukin ni Satchel sa mukha, pero this time, umawat na kami ni Kuya Leonard sa kanya. Tumigil naman si Satchel at kaagad niya akong niyakap.

"Okay ka lang ba Katy? Anong ginawa ng demonyong yan sayo? May masakit ba sayo?" ang nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Wala naman. Okay lang ako Sachi. Sana hindi mo na lang siya sinaktan." sabi ko naman sa kanya.

Umiiyak na tumayo si Heidi habang gulu-gulo ang buhok niya at namamaga ang magkabilang pisngi niya dahil sa mga suntok ni Satchel sa kanya.

"Hoy malandi ka, para sabihin ko sayo, HINDING-HINDI MO AKO MAAAKIT. HINDING-HINDI MO AKO MAUUTO AT HINDING-HINDI MO AKO MAPIPIKOT. Naiintindihan mo? DAHIL HINDI AKO KATULAD NG MGA LALAKING NAGPAUTO SAYO. Kaya kung ayaw mong baril na ang itutok ko sa ulo mo, UMAYOS KA. Naiintindihan mo?" babala ni Satchel kay Heidi.

Takut na takot na tumango si Heidi.

"At isa pa, kahit na mamatay ako, hinding hindi kita makukuhang mahalin, kasi MALANDI KA. AT AYAW NA AYAW KO SA MGA KATULAD MO." at tinignan ako ni Sachi. "Halika na Katy." at inakbayan akong mabuti ni Satchel sabay alis namin sa corridor. Aaminin ko, nagulat ako sa ginawa niya kay Heidi, pero wala na akong magagawa dahil boyfriend ko na siya at wala akong karapatang diktahan siya.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C14
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン