アプリをダウンロード
58.33% THE GOOD, THE BAD AND THE INNOCENT / Chapter 14: CHAPTER NINE

章 14: CHAPTER NINE

(UESC Condominium Lobby/Casa Go, next day)

(Charlize's POV)

MAAGA akong gumising at mabilis na bumaba sa lobby para hanapin ang magaling kong ex-bestfriend. Masayang-masaya ako dahil sa wakas ay nagkita kaming muli. Mas exciting pala kapag nakikita mo na yung taong sa imagination mo pinapahirapan, sinasaktan at sinasabihan ng mga masasakit na salita. Kung literal lang na napupunit ang mukha, siguro kanina pa napunit ang mukha ko dahil sa lapad ng mga ngiti ko.

"Good morning, guys!" bati ko kina Ate Courtney at Kuya Kyle paglabas ko ng elevator. They greeted me back.

"Where's my favorite enemy?" nakangiting tanong ko sa kanila.

"Nandun pa siya sa unit niya. Tulog pa siya." tila nag-aalangang sagot ni Ate Courtney.

"Ganun ba? Sayang. Gustung-gusto ko pa naman siyang maka-bonding." and I pouted my lips.

"Kung may binabalak ka na namang gawin sa kanya, maigi pang wag mo nang ituloy. Di ka pa ba kuntento sa ginawa mong pagpapahiya sa kanya kagabi?" sabi ni Kuya Kyle.

"Me? Contented? Hmm.....you're right, Kuya. I'm not yet contented. Gusto ko pa ng part two." and I smirked devilishly at them, dahilan para hindi sila makasagot.

Dahil kating-kati na akong pahirapan ulit si Eunice ay dali-dali kong hiniram kay Miss Irene ang susi ng kanyang unit. Agad akong pumunta sa unit niya at pumasok sa loob nang walang paalam.

Nung pumasok ako sa kuwarto niya ay nakita kong tulug na tulog pa ang gaga. Perfect timing. Nagpakuha ako kay Miss Irene ng isang pitsel ng malamig na tubig. Dahan-dahan akong lumapit sa gilid ng kama niya at saka ko siya binuhusan ng malamig na tubig. As usual, nagising siya't nagsisisigaw sa galit dahil sa ginawa ko.

"Good morning, slut." nakangiti kong bati sa kanya habang hawak ko pa ang pitsel.

"I hate you!" singhal niya sa akin habang 'di niya malaman ang gagawin sa sarili niya.

"I hate you more, slut." sabay irap ko sa kanya bago ako tuluyang lumabas ng unit niya. Dinig na dinig ko pa mula sa labas ang mga sigaw niya.

Buwahahaha. One point for me!

(UESC Condominium Dining Hall)

(Charlize's POV)

SA mga sumunod na oras ay puro pambubwisit na ang ginagawa ko sa kanya. Nabibigla siya sa sunud-sunod na pang-iinis ko kaya 'di siya kaagad makaganti. Puro sigaw at mura lang ang sinasabi niya sa akin. Habang ako? Hayun at patuloy pa rin sa pagsira sa araw niya. Maski pagkain niya ay hindi ko pinalagpas. Nilagyan ko ng patay na ipis ang kape niya tapos nilagyan ko ng glue ang upuan niya sa dining hall. As usual, galit na galit na naman ang bruha sa akin.

"Tell me, Charlize, anong klaseng halimaw ka?" galit na tanong niya sa akin.

"Hmm. A beautiful one." nakangiti kong sagot, dahilan para mapatanga na naman siya. Hahaha. Nakakatawa talaga ang reaksyon niya kahit kailan.

"Pansin ko lang ha, nagiging hobby mo na yata ang matulala sa kagandahan ko. Hindi kita masisisi kung gandang-ganda ka sa akin, but please, stop drooling on me. Baka isipin ng mga tao na nagkakagusto ka sa kapwa mo babae. Nakakadiri kaya yun." at kunwaring umarte ako na nandidiri sa kanya.

"Where did you get all your guts?" lakas-loob na tanong niya kahit na ang totoo'y tiklop na naman siya sa mga sinabi ko.

"Sorry. Can't tell." and I smirked devilishly at her. Babalik na sana ako sa pagkain pero napansin kong hindi pa niya ginagalaw ang bagong palit niyang pagkain. Na-trauma yata ang gaga sa inilagay kong ipis kanina. Buwahaha.

"Ano? Tutunganga ka na lang ba dyan habambuhay? Kumain ka na. Wag kang mag-alala, hindi basta-basta nakakataba ang whole wheat bread at bacon. Kunsabagay, medyo payat at magaan ka pala."

"Of course, because I'm sexy."

Muntik na akong mabilaukan sa mga sinabi niya. Ano raw?! Siya? Sexy? Ano 'to? Joke time?

* shocked *

"No, that's not what I mean. Magaan ka kasi plastik ka."

"W-what the hell did you said?! Ako? Plastik?! HOW DARE YOU TO TELL ME THAT?!" Oops. Guilty much?

"Init ng ulo ah. Buti hindi ka natunaw dyan sa pwesto mo. Diba, plastik ka? So, dapat ngayon pa lang, tunaw ka na." natatawa kong sabi.

She looks stunned. Pero agad din siyang nakakambyo sa mga banat ko.

"You're talking nonsense, Charlize. Yan ba ang natutunan mo nung nasa France ka pa? Ugh. How cheap, huh."

"Mabuti nga't naisipan kong pumunta ng France kasi ayokong mamatay sa amoy ng nasusunog na plastik." and I smirked at her.

"You evil." - Siya.

"Hiyang-hiya naman ako sa ganda ng ugali mo. Sa sobrang ganda nga ng ugali mo, nagawa mong mang-alipusta ng isa sa mga empleyado ni Stephanie sa cafe niya. Until now ay viral ka pa rin dahil sa napakaganda mong ginawa. Should I gave you a warm of applause right now?"

That shuts her again. Buwahahaha. Two points for me!

"I feel so sorry for Tito Charles and Tita Catherine. Nagkaroon sila ng demonyong anak na tulad mo." nakangiti pang sabi ko.

"Wag na wag mong idadamay ang mga magulang ko dito!" singhal na niya sa akin.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Eunice. Ang bilis mo pa ring mapikon hanggang ngayon."

"Hindi ka pa rin ba nakaka-move on sa mga nangyari noon? Past is past, Charlize! Nakarma na ako sa ginawa kong panloloko sayo! Hindi ka pa rin ba nakukuntento?"

Napahigpit ang hawak ko sa table cloth sa mga sinabi niya. Kahit na matagal nang nangyari yun ay malinaw na malinaw pa rin sa akin ang lahat. At hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ba ang isang tulad niya.

"You want to know the answer? Oo. Tama ka. I'm not yet contented. Kulang pa yang karma mo sa dami ng naging atraso mo sa akin. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, dadagdagan ko ng dadagdagan ang magiging karma mo sa pagiging traydor mong kaibigan."

Magsasalita pa sana siya pero muli ko siyang naunahan.

"Save your words, slut. Malay mo, baka yumaman ka." and I smirked devilishly at her sabay tayo ko sa upuan. Taas-noo akong naglakad palabas ng dining hall, leaving my ex-bestfriend embarrassed in front of our co-members.

(Hereux Academy, lunch break)

(Timothy's POV)

IT'S BEEN a year simula nung umalis si Charlize papuntang France. At isang taon na din ang nakakalipas na hindi siya nagparamdam sa amin. Walang tawag, text o chat man lang kaming natanggap mula sa kanya. Pero kahit ganun ay hinintay kong dumating ang araw na babalik siya. At kapag nangyari yun, gagawin ko ang lahat para lang iparamdam sa kanya kung gaano ko pinagsisisihan ang ginawa ko at para iparamdam na rin sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

But I didn't expect na dumating na kagabi ang pagkakataong hinihintay ko.....pagkat nagbalik na siya. Ngunit hindi ko nagawang sabihin sa kanya ang mga salitang kinimkim ko sa loob ng isang taon.

"Kung anuman yang sasabihin mo, maigi pang wag mo nang ituloy. Baka kasi hindi mo kayanin oras na malaman mo ang masakit na katotohanan mula mismo sa akin."

Napabuntung-hininga ako ng muli kong maalala ang mga sinabi niya. Hindi ko maiwasang kabahan at matakot dahil baka may posibilidad na wala na siyang pagmamahal para sa akin. Hindi ko kakayanin oras na mangyari yun.

Nandito ako ngayon sa favorite place ni Charlize, ang Soccer Field. Kahit saan ako tumingin, siya lang ang nakikita ko. Namimiss ko na yung pagiging makulit at pagiging inosente niya sa mga bagay-bagay. Miss ko na rin yung mga pang-aasar niya sa akin. I also missed her carefree nature. Sa totoo lang ay sa kanya lang ako nakaramdam na para akong isang normal na tao. Hindi isang heir ng mga Peñaflor at hindi rin isang miyembro ng Upper East Side Club, kundi bilang si Timothy lang.

"Anong drama na naman yan, Young Master Timothy?"

Bigla akong napalingon sa pamilyar na boses na yun. I missed that voice after two months na hindi kami nagkita.

"Clarissa!" bati ko sa kanya.

"The one and only!" tapos nag-pose pa siya na akala mo'y may photoshoot siya. Pero wala ako sa mood na asarin siya. Kaya agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Namiss kita, Frenny." tapos binatukan niya ako. Tch. Na-miss nga niya ako. Ramdam ko eh.

"Halata nga eh." sagot ko.

Umupo kami sa bench, kaharap yung malawak na soccer field.

"So, kamusta ka na, Timmy?" tanong niya.

"Heto, guwapo pa din." sagot ko. Pero ang gaga kong kaibigan, hayun at binatukan ulit ako.

"Aray! Nakakarami ka na!" sabay hawak sa batok ko. Tinignan lang niya ako ng masama.

"So.....anong nangyari sa paghaharap ninyo ni Miss Charlize kagabi?"

Napabuntung-hininga ako.

"Hindi niya ako kinausap."

"Haay. Shunga ka kasi. Yan tuloy. Broken-hearted ang peg mo ngayon. Pero wag kang mag-alala, kakausapin ka rin niya. Ikaw pa, eh alam naman natin na hindi ka matitiis nun." Tignan mo nga naman itong kaibigan ko, akala mo kung sinong mahinhin pero kung makapagsalita, akala mo, taong kalye. Pero napangiti ako sa mga sinabi niya. Kahit hindi kami madalas magkita at magkausap, ginagawa pa rin niya ang best niya para maging isang mabuting kaibigan sa akin.

"Oh, mukhang natahimik ka yata. Tama kasi ako!"

Natawa na lang ako sa sinabi niya. Kahit na minsan ay sakit sa ulo si Clarissa ay alam na alam pa rin niya kung paano pagagaanin ang kalooban ko.

"Teka, bakit ka nga pala nandito?" tanong ko.

"Wala. Nagmumuni-muni lang." sagot niya.

Nagkwentuhan pa kami ni Clarissa habang nakaupo kami sa bench ng soccer field. Nalaman ko sa kanya na kaya pala hindi siya nagpakita sa akin sa loob ng dalawang buwan ay dahil busy daw siya sa paghahanap ng bagong boyfriend niya.

"Alam mo kasi, Timmy, hindi na ako bumabata kaya kailangan ko na ring lumandi paminsan-minsan. Tsaka para rin hindi na ako nirereto pa ni Papa sa kung sinu-sinong mga lalaki. Mas gugustuhin kong ako na lang ang maghanap ng dyodyowain ko kaysa sa mga parents ko." Napailing na lang ako. Totoo naman kasi ang sinasabi ni Clarissa. Na-experience ko na kasi ang mga na-experience niya at puro mga spoiled brats pa ang mga nirereto sa akin. Ayoko sa mga tulad nila. Ang gusto ko ay yung mabait, simple at walang arte sa katawan. Tulad ni Charlize.

"Oh my! Mauna na ako sayo ha. May gagawin pa kasi ako sa classroom eh." paalam sa akin ni Clarissa.

"Sige. Kita na lang tayo mamaya." sagot ko. She just smirked at me at saka na siya naglakad palayo.

Bago ako umalis ng soccer field ay tinignan ko muna yung picture namin ni Charlize sa wallet ko. Napapangiti ako tuwing tinitignan ko 'to. Laging ganito ang ginagawa ko.

"Charlize, I still love you. Come back to me. Please....." at napaiyak na ako habang hawak ko ang litrato naming dalawa.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C14
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン