アプリをダウンロード
39.13% Daydreaming (Filipino) / Chapter 27: Chapter 27

章 27: Chapter 27

Kakatapos lang niya magbihis and was about to go out to look for his friends nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto niya.

"Big bro?" Dinig niyang boses ni Justin.

"Bry?" Boses ulit ni Nathaniel.

Agad siyang lumapit sa pinto para pagbuksan ang mga ito. Sinalubong siya ng mga mukha ng apat na puno ng pag-aalala.

"Hey." Matamlay na bati niya sa mga ito. "Kumain na ba kayo?"

"Y-Yeah. Kumusta ka?" Tanong ni Russel sa kanya.

Iginaya niya ang mga itong pumasok sa kwarto niya at agad na sinarhan ang pinto.

"Well.. I'm getting married in two weeks time." Pagbabalita niya sa mga ito pagkaupo niya sa computer chair, habang ang apat ay umupo sa kama niya.

"What?!" Sabay na bulalas ng apat.

"W-With whom?" Tanong ulit ni Russel.

"Kay Kyra ganda ba, big bro?" Tanong naman ni Justin.

Tumango lang siya sa mga ito tapos ay ngumisi ng mapakla. "But.. I'm not sure if matutuloy nga 'yong kasal namin."

"What do you mean by that?" Seryosong tanong ni Nathaniel.

Ngumisi lang siya dito, "I have a plan, dude." Tapos ay sinabi niya sa mga ito ang plano niya. Nagulantang ang apat and alam niyang gustong umapila ng mga ito.

"Bud. Just a piece of advice, don't take it against Kyra.. Sa tingin ko inosente siya dito. What I mean is, ayaw naman niyang mangyari 'to. Baka katulad lang din sa'yo. Nadadala lang siya because of the circumstances. You better think it over. I don't want to say this, but who knows baka nakatadhana talaga kayo." Seryosong sabi ni Wilbert na ikinagulat niya. Lalo na 'yong huling phrase na sinabi nito.

"Woah!" The other three exclaimed.

"Palakpakan! Minsan ka lang magsalita ng ganyan ka haba, bro Wil! End of the world na ba? Zombie apocalypse is cumming na ba?" Justin teased him.

"Ulol!" Sabi ni Wilbert at agad binatukan ito.

Ngumisi lang siya sa mga ito.

Ayaw niya pakinggan at intindihin ang mga sinabi ni Wilbert. Lalo pa't in love ito ngayon. Nadadala lang ito sa nararamdaman nito ngayon. Wala pang experience si Wilbert when it comes to love, unlike him who's already sure na pagmamahal na talaga ang nararamdaman niya sa girlfriend niya.

Basta itutuloy niya ang plano niya. Sabi nga niya, mawala na ang lahat huwag lang si Georgina. Trial lang 'to sa relasyon nila ng girlfriend niya, and for sure kapag nalampasan nila 'to ay mas tatatag lalo sila. They just need to prove to everyone that their love is true and can surpass all the trials and obstacles that they're facing right now. Trials which are mainly caused by his father.

Kanina pa gising si Kyra pero hindi pa rin siya bumabangon sa kama. Pagod na pagod ang pakiramdam niya. Madaling araw na siya nakatulog, siguro'y mag 3am na. Tapos ngayong mag 7 pa lang ng umaga ay hindi na niya magawang matulog ulit.

Hindi pa rin kasi siya makapaniwala sa lahat ng nangyari sa buhay niya. She used to think that life should be easy and fun. And now that she's facing these problems which is mainly caused by her mistakes and wrongdoings, doon niya lang narealize na may mga consequences talaga lahat ng mga desisyon at mga ginagawa mong mali sa buhay and may dadating rin talagang pagsubok sa 'yo.

She's currently facing one of the most critical and life-changing situation that a person may face in his or her lifetime. And one thing's for sure. Hinding-hindi niya tatakbuhan ito. She needs to do this, not just for herself but also for her parents, Mr. Sevilla, and Ma'am Selena. Feeling niya sacrificial lamb siya, and she's willing to sacrifice herself for the sake of other people.

Maya-maya lamang ay bumangon na siya sa kama and dumiretso na sa CR. She needs to talk to her daddy and ask for his forgiveness, kahit na sobrang namamaga ang mga mata niya ay hindi na niya 'yon inalintana. Pagkatapos niyang maligo ay mabagal siyang bumaba sa hagdanan.

Kinabahan talaga siya lalo pa't nakita niya ang mommy niyang nagluluto at ang daddy niyang nakaupo sa hapagkainan. Napatingin ang mga ito sa kanya noong naramdaman ng mga ito ang presensiya niya.

Nag-aalinlangan pa talaga siyang lumapit sa mga ito pero gusto niyang kausapin ang mga ito, lalo na ang daddy niya. When her dad smiled at her doon lang siya tuluyang lumapit, at hindi na naman niya napigilan ang mga luha niya sa pagsungaw. Lalo na ng tinaas ng daddy niya ang mga kamay nito, like he's asking for a hug.

"Daddy!" Sabi niya at patakbong lumapit dito at niyakap ito. Niyakap din siya nito ng mahigpit pabalik.

"I'm sorry daddy.. Patawarin niyo po ako ni mommy.."

Naramdaman niya ang mahihinang paghaplos ng daddy niya sa likod niya, "I forgive you, baby anak.. You're mommy explained everything to me. And I just have to accept the fact that you're not a baby anymore. You're already a grown-up, at pwede ka na ngang mag-asawa. Kaso, twenty-three anak? Mas naungusan mo pa ang mommy mo." Nanunuksong sabi ng daddy niya sa kanya.

"Ikaw talaga, hon!" Her mother exclaimed. "Mabagal ka kasi eh!"

Natawa ang daddy niya sa sinabi ng mommy niya pagkatapos ay pinalis nito ang mga luha niya kasi patuloy pa rin na namamalisbis ang mga 'yon. "Smile na, baby anak. Hindi na galit si daddy. Basta, ang importante ay maikasal kayo ni Bryan, 'yon lang baby anak, okay?"

Tumango siya dito at agad na niyakap ito ulit ng mahigpit. "I love you daddy and mommy. Thank you po." Usal niya.

"We love you, too, baby anak. Kahit kasal ka na.. You will always be our baby girl." Sabi ng daddy niya sa kanya. "I almost forgot, sabi ng mommy mo, crush mo pala 'yong si Bryan, baby anak? Singer pala 'yon? Kunsabagay, mas pogi siya sa 'kin ng kalahating ligo." Malokong sabi ng daddy niya na halatang pinapagaan talaga ang damdamin niya.

Natawa tuloy sila ng mommy niya. "Daddy talaga! Mas pogi ka doon ng sampu at kalahating ligo! Don't worry ikaw pa rin po ang pinakapogi sa lahat ng pogi, daddy-yo." Sabi niya dito.

"Alam ko naman iyon, baby anak. Si Mark Joseph Melendez pa ba na asawa ni Katherine Melendez at daddy ni Kyra Mae Melendez?" Nangingiting sabi ng daddy niya.

Natawa ulit sila dahil doon, at pagkatapos ay naging seryoso ulit ang daddy niya.

"Baby anak, gusto ko lang malaman. Do you love him? Alam mo namang iba ang paghanga sa pagmamahal 'di ba? Kaya ang tanong ko is mahal mo ba siya?" Seryosong tanong nito sa kanya. "Though mas gusto kong magpakasal kayo dahil sa nangyari, pero mas importante pa rin ang kaligayahan mo."

She was taken aback by her father's question. Pagmamahal na ba 'tong nararamdaman niya kay Bryan? Tinry niyang kapahin ang puso niya. And nakuha na niya agad ang sagot sa tanong na 'yon ng daddy niya and she based it on the continuous and rapid beating of her heart.

"I-I do love him, daddy.." She honestly replied.

Kakatapos lang maghugas ni Kyra ng pinagkainan nilang magpamilya. Dinig niya ang malakas na pagtawa ng mga parents niya sa pinapanood ng mga ito sa TV. Sobrang saya niya sa nangyari sa kanila ng daddy niya. She's very grateful for her parents, and ramdam niya kung gaano talaga siya kaswerte na naging anak siya ng mga ito.

Palapit na sana siya sa mga ito ng biglang tumunog ang doorbell nila.

"Ako na daddy!" Sabi niya sa daddy niya nang patayo na ito sa sofa.

"Sige, baby anak." Sagot nito at bumalik sa pag-upo at pagyakap ulit sa mommy niya.

Sweet talaga ng parents niya.

Sana..

Sana sila rin ni Bryan..

Nakalapit na siya sa gate nila at nagulat nang makita si Mr. Sevilla. Nakalimutan niyang sinabi pala nito kagabi na pupuntahan siya nito ngayong araw.

"Good morning, iha!" Magiliw na bati sa kanya ni Mr. Sevilla.

Agad niyang binuksan ang gate nila para papasukin ito. "G-Good morning din po, Uncle."

"It should be dad from now on, iha." Nakangiting sabi nito pagkapasok.

"Ah. Okay po, d-dad."

"That's better! Anyway, I'm here to fetch you. Ihahatid kita sa wedding planner niyo ni Bryan."

"P-Po?"

Ang bilis ni Mr. Sevilla, grabe! Mag-aalas diyes palang ng umaga.

"Yes. Actually, nandoon na si Bryan. He personally knows this famous wedding planner and siya na rin ang nagsuggest dito para mag-ayos ng kasal niyo. May sariling shop ang wedding planner niyo and I'm going to take you there. Sa totoo lang, iha, si Bryan pa mismo ang nagsabi sa 'king susunduin ka and ihahatid doon."

"Talaga po?" Ramdam na ramdam niya ang pag-usbong ng pag-asa sa puso niya dahil sa narinig kay Mr. Sevilla.

"Yes." Nangingiting sabi ni Mr. Sevilla sa kanya.

Ibig sabihin ba niyon ay gusto talaga ni Bryan na matuloy na ang kasal nila? Mas lalong lumakas ang tibok ng puso niya dahil doon.

"Baby anak?" Dinig niyang boses ng daddy niya. "Oh, balae! Pasok ka!" Magiliw na sabi ng daddy niya pagkakita nito kay Mr. Sevilla.

"Magandang umaga, balae!" Bati rin ni Mr. Sevilla dito at agad na silang pumasok sa loob ng bahay nila.

Pakiramdam niya she's on cloud nine right now. Sinabi na ni Mr. Sevilla sa mga magulang niya ang pakay nito sa pagpunta nito sa bahay nila. Parang mas naging excited pa ang mommy niya sa narinig. Agad siya nitong sinabihan na mag ayos na at huwag nang pag-antayin si Mr. Sevilla ng matagal. Mabuti na lang talaga at nakaligo na siya kaya mabilis na rin siyang natapos sa pagbibihis.

Habang nasa loob na sila ng kotse ni Mr. Sevilla at nagbabyahe na papunta sa wedding shop ng planner nila ay hindi niya naiwasang magtanong dito kung ano ba talaga ang nangyari kahapon sa presinto. Kung bukal ba talaga sa loob ni Bryan na pakasalan siya, or kung binlackmail nga siya ni Mr. Sevilla.

Narinig niya ang malakas na pagbuntong-hininga ni Mr. Sevilla bago ito sumagot sa mga tanong niya. Sinabi nito lahat sa kanya ng naganap kahapon. Sobra siyang nanlumo sa nalaman.

So, ibig sabihin ay napipilitan lang talaga si Bryan? Pero umahon ulit ang pag-asa sa puso niya ng maalala niya ang effort ni Bryan ngayon. Pero may naalala pa pala siya..

"Uhm.. Dad.. Paano po pala 'yong girlfriend ni Bryan?"

"Oh. Hindi na girlfriend, iha. He broke up with her yesterday."

"Si Bryan po 'yong nakipag-break, dad? Paano pong nangyari 'yon?"

"Yes, iha.. Its part of the contract.. and she already left the house with her luggage. So, you don't have to worry because its really over between them.." Pag-amin nito sa kanya pagkatapos ay napabuntong-hininga ulit ito ng malakas. "Pasensiya ka na talaga, iha.. Sana mapatawad mo ako. Pero sana ipangako mo sa 'kin na hindi ka aatras sa kasal kahit ano pa mangyari. I can really feel it in my heart that Bryan likes you and he's just blinded by that girl.. I'm really sorry, iha.."

Napangiti siya ng tipid sa sinabi nito, "You don't have to worry, dad. I won't back out. Nagpromise na din po ako sa sarili ko. I'm doing this for my parents, for Ma'am Selena, and for you dad." Tapat na sabi niya dito.

Kita niya ang pamamasa ng mga mata ni Mr. Sevilla sa sinabi niya, "T-Thank you, iha. Salamat talaga. Salamat." Paulit-ulit nitong pagpapasalamat sa kanya.

Nakarating na sila sa shop ng wedding planner nila ni Bryan. Nakita na rin niya ang sasakyan ni Bryan na nakapark sa parking area ng mismong shop na 'yon kaya sigurado talagang nandoon na ito. Malaki ang shop kaya paniguradong kilala at successful na talaga ang may-ari niyon.

Hindi na siya sinamahan ni Mr. Sevilla na pumasok. Ang rason nito ay mas gusto nitong bigyan sila ni Bryan ng chance na magkasama na silang dalawa lang. Lalo pa't malapit na silang ikasal. Napapayag na rin siya nito. Gusto niya rin kasing makausap si Bryan, and sa totoo lang, masaya at excited siyang makasama ito. Sinabihan na lang siya ni Mr. Sevilla kung ano ang pangalan ng planner nila ni Bryan bago ito umalis ng tuluyan.

Napapanganga talaga siya pagkakita ng entrance ng shop pero mas namangha siya ng nakapasok na siya. Sobrang sosyal and halatang high-class ang wedding shop na 'yon. Agad siyang binati ng receptionist.

"Ah. Good morning din, po. I'm looking for Cindy po."

"Oh, you have an appointment with Madam Cindy, Ma'am?" Tanong nito sa kanya.

"Uhm. I guess so, po. I'm Kyra Melendez po." Pag iimporma niya dito.

"Ay! Ikaw po pala yan, Ma'am! Madam Cindy has been expecting you po. Follow me, Ma'am, I'll lead you the way." Sabi nito at agad din siyang sumunod dito.

"Madam. Nandito na po si Ma'am Kyra." Pagbibigay imporma nito sa loob.

"Okay. Let her in." Dinig niyang sabi ng boses sa loob.

"Thank you." Sabi niya dito ng inilahad na nito ang bukas na pinto.

Nang tuluyan na siyang nakapasok ay kinabahan agad siya. Parang suplada kasi si Cindy habang nakatingin sa kanya. Nakataas ang isang kilay nito. Mas kinabahan siya ng isinarado na ng receptionist ang pinto and nanatili lang siyang nakatayo malapit doon. Magkaharap ito at si Bryan sa sofa. Ngumiti siya dito pero hindi nito sinuklian 'yon. Kahit si Bryan ay seryosong nakatingin rin sa kanya.

Honestly, she didn't expect Cindy to be this young and beautiful. Para siyang modelo at halatang may lahi ito. Akala niya kasi noong una matanda na ito base sa pagkasosyal at sobrang successful ng shop nito. Pero mali nga talaga ang mag-assume.

"So, this is your fiancee, Bryan." Sabi nito at napangisi pa.

Tumango lang si Bryan bilang sagot at nanatiling seryoso.

Tumawa ng malakas si Cindy, "She's nothing compared to Georgina. Grabe ang daddy mo, ha. Wala siyang taste sa paghahanap ng mapapangasawa mo." Painsultong sabi nito sa kanya sabay ngisi.

Nasaktan siya sa sinabi nito and agad dumapo ang mga mata niya kay Bryan pero wala man lang ka re-a-reaksyon si Bryan sa sinabi ng kaibigan nito. Napalunok na lang siya ng biglang tumayo sa sofa si Cindy at lumapit sa kanya.

"Anyway. I'm Cindy, your wedding planner.. and.. I'm also the best friend of Georgina."


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C27
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン