アプリをダウンロード
33.33% Daydreaming (Filipino) / Chapter 23: Chapter 23

章 23: Chapter 23

"Susmaryosep!" Tili ni Manang Rosa na nakasunod pala kay Mr. Sevilla.

Napatulala pa sila ng ilang segundo ni Bryan habang nakatingin kina Mr. Sevilla at Manang Rosa na parehong nagulantang at natulos sa kinatatayuan. Nang mahimasmasan siya ay mabilis niyang itinulak si Bryan palayo sa kanya at bumaba sa counter.

Nahihirapan pa siyang ayusin ang hook ng bra niya sa sobrang panginginig ng kamay. Kita niyang kahit ito ay natataranta na ding inayos ang pantalon, lalo na ng marinig nila ang humahangos na pagdating ng ibang kasambahay, at ng mga kaibigan nito. Singhapan agad ang narinig nila pagkakita ng mga ito sa kanila.

Pinulot pa nito ang T-shirt nito at ang panty niya na nasa sahig. Nanginginig siyang inabot 'yon sa kamay nito. Nahihirapan talaga siyang isuot 'yon sa mga paa. Parang naging jelly kasi ang mga paa niya na parang nawalan na ng lakas.

Kasalukuyan niya pa lang inaayos ang panty niya ng makarinig ulit sila ng mas malakas na singhap sa paligid.

"What the hell is happening here?!" Parang kulog ang boses ni Georgina pagkasabi niyon at mabilis itong nag martsa palapit sa pwesto nila ni Bryan.

Inilipat siya ni Bryan sa likod nito bago hinarap ang girlfriend, "B-Babe.. I-I can explain.." Sabi ni Bryan at pilit na inaabot ang kamay ni Georgina pero mabilis na pinipiksi 'yon ng huli.

"You fucking whore!" Itinulak nito si Bryan paalis sa harap niya at akmang sasampalin siya pero biglang nakabawi si Bryan at mabilis na hinawakan ang mga braso ng girlfriend para hindi matuloy ang pagsampal sa kanya. Pero sobrang lakas yata ni Georgina at naabot pa nito ang buhok niya at malakas na hinila 'yon.

"Ah!" Malakas na sigaw niya sa sobrang sakit ng pagkahila nito at agad na sumungaw ang mga luha niya. Hindi lang naman dahil sa sakit ng pagkahila nito, kundi dahil na rin sa hiyang nararamdaman niya.

"Bry!"

"Big bro!"

"Senyorito!"

Malakas na sigawan na ang narinig niya sa paligid pero parang kinakabahan ang mga itong lumapit. Hinawakan ni Bryan ang kamay ni Georgina na humihila sa buhok niya, at pilit na tinatanggal 'yon sa pagkakahawak.

Pilit niya ring hinahawakan ang buhok niyang hila-hila nito para hindi na masyadong sumakit 'yong pagkahila nito. Nang tuluyan ng natanggal ni Bryan ang kamay ni Georgina sa buhok niya ay mariin nitong hinawakan ang baywang ni Georgina at binuhat ito palayo sa kanya.

"Let go of me Bryan!" Galit na sabi ni Georgina at dinuro siya. "I'm gonna kill you, you bitch!" Sabi ulit nito at akmang susugurin ulit siya pero mabilis itong hinila ni Bryan paalis sa kitchen. Rinig pa rin nila ang sigaw ni Georgina pero palayo na ng palayo ang boses nito.

Napayuko ulit siya at agad na tinakpan ang mukha niya gamit ang dalawang kamay. Hindi pa rin matigil ang mga luha niya sa pamamalisbis sa pisngi niya. Hiyang-hiya talaga siya sa sarili, tapos nakita pa sila ng lahat sa hindi kaaya-ayang sitwasyon, lalo na si Mr. Sevilla.

Ano na lang ang iisipin ng mga ito sa kanya?

Na easy-to-get siyang babae?

Na malandi siya?

Mang-aagaw?

Na kahit may girlfriend na 'yong tao ay muntik nang may mangyari sa kanila?

Sana kainin na lang siya ng lupa! Sana magkaamnesia siya! Sana i-abduct siya ng mga aliens! Sana dumating si King Kong at i-capture siya at dalhin siya sa Skull Island!

"All of you, please leave. I need to talk to Kyra. Alone." Mariin na sabi ni Mr. Sevilla pagkatapos ng ilang minuto pagkaalis nina Bryan at Georgina. Agad ring sumunod ang lahat at naiwan na nga silang dalawa ni Uncle doon sa kusina.

"Kyra, iha.." Tawag ni Uncle sa kanya at lumapit ito sa kanya. Napahikbi siya at tuluyan ng umiyak ng malakas ng niyakap siya nito. "Its okay, iha.. Shh.. Tell me what happened.. D-Did he force you?"

Umiling siya agad sa sinabi nito at tinanggal ang mga kamay niya na nakatakip sa mukha. "H-Hindi po, U-Uncle.. Nahihiya po ako sa 'yo.. sa inyong lahat po.. Nakakahiya po a-ako..." Sabi niya sabay hikbi ulit.

"Shh.. Its alright, iha.. Huwag kang mag-aalala. Leave it all to me. I will make him marry you para bumalik ang dignidad mo.. Don't worry, iha.." Determinadong sabi ni Mr. Sevilla sa kanya.

Umangat siya ng tingin dito, "H-Huh? H-Hindi, Uncle! Kasalanan ko po.. at hindi naman po natuloy a-ang... ang.. ang p-pagpasok po... I-I mean.. W-Wala pong nangyaring higit pa p-po.. Kaya hindi niya po ako kailangang pakasalan po.. P-Please, Uncle.. Huwag niyo po siyang piliting pakasalan ako.. Please.." Pagmamakaawa niya rito.

Pero tuloy-tuloy na umiling si Mr. Sevilla. "No, iha. I'm sorry. This time, hindi na ako magpapapigil sa mga plano ko."

"P-Pero, Uncle.."

Napabuntong-hininga muna ito bago nagpatuloy, "Bago ako umuwi dito sa bahay, pumunta muna ako ng sementeryo. Binisita ko muna si Carmelita at kinausap ko siya tungkol kay Bryan. I almost gave up my plan. I thought wala na talagang pag-asa.. at hindi ko na dapat itutuloy ang lahat. But then, this happened.. then this must be a sign that I shouldn't lose hope. This is the answer that can help me with my plan. This time ay hindi na siya makakatanggi. Kaya pasensiya na, iha.. Hindi lang naman ito para kay Bryan.. Para rin 'to sa'yo, iha.."

"How could you do this to me, Bryan?! How?! How dare you cheat on me? I did everything for you but this is what I get in return?! Fuck you!" Galit at pasigaw na sabi ni Georgina sa kanya pagkapasok nila sa kwarto niya.

Pumiglas ito sa pagkakahawak niya sa braso nito. At dahil sobrang nanghihina siya sa mga sinabi at pinamukha nito sa kanya ay nabitawan nga niya ito.

"You didn't even gave me a definite answer when I asked you to marry me last night! And now this? Fuck you and your whore!" Galit na sigaw nito sabay iyak.

"B-Babe.. Please.. I'm sorry." Sabi niya ditong naiiyak na rin at pilit na niyakap ito.

Paano niya 'to nagawa sa girlfriend niya? Sa babaeng nagmamahal sa kanya ng totoo? Gago siya! Gago talaga siya! Gusto niyang iwasan na mangyari ulit 'to kaya nga sinabihan niya ng totoo si Kyra noong nakaraan 'di ba? Na may girlfriend siya at mahal niya ang girlfriend niya pero bakit naulit na naman? Ayaw na niyang mag sinungaling sa girlfriend niya! She deserves to know the truth!

"I admit.. I'm attracted to her but I'm s-sure that its not that I l-love or like her... Its just fucking lust, babe! I-I promise you.. I'll do everything to avoid her from now on!" Dagdag niyang sabi dito noong nagpayakap na ito sa kanya. "And its only you, babe! Its only you who I love!"

"Then why didn't you answer me when I asked you to marry me, huh?! Why, Bryan? Are you not sure about me yet?"

"No, babe! O-Of course, I will marry you. I'm sure of that but marriage is not yet on my mind right now, babe. But I'm positive that you're the one I will marry when that time comes.. Please. Please, forgive me." Dagdag niya rito.

Napaangat ito ng tingin sa kanya at seryoso siyang tiningnan. "I hope you're true to your words, Bryan."

"Y-Yes, babe.. D-Do you forgive me, now?"

Mabagal itong tumango sa kanya at napalabi, "You know that I can easily forgive you, honey, that's how much I love you.. But please.. Don't cheat on me again. Promise me. We have lots of plans already for our future, honey.. Please don't mess up."

Agad niya itong hinalikan sa mga labi, "I promise."

'Thank God! Ang sobrang swerte niya to have this forgiving and understanding lady as his significant other! Fuck! He wouldn't dare to make the same mistakes again, ever!'

Hinawakan ni Georgina ang kamay niya pagkatapos niyang sabihin 'yon at hinila siya nito papunta sa kama.

"Make-up sex time, honey.." Malambing na sabi nito sa kanya, "At para makalimutan mo na rin ang bitch na 'yon!"

Kahit parang wala siya sa mood ngayon dahil sa nangyari kanina.. Fuck that! Pinilit niya ang sariling maganahan at ginawa ang lahat para magampanan ang gusto ng girlfriend niya.

Kakarating lang ni Kyra sa kwarto niya, at sobrang namomroblema talaga siya sa gustong mangyari ni Mr. Sevila. Kahit anong pakiusap niya kay Mr. Sevilla kanina ay ayaw talaga nitong magpapigil. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang plano nitong gawin, pero kitang-kita niya sa mga mata nito kung gaano ito ka determinadong matagumpayan ang nabuong plano.

Ba't kasi ganoon?

Ang rupok-rupok niya kay Bryan..

Ang bilis niyang bumigay..

Ilang beses na niyang sinabi sa sarili na iiwasan si Bryan. Na kakalimutan si Bryan. Pero isang halik lang nito sa kanya, isang hawak lang nito, wala na! And may girlfriend na 'yong tao, for crying out loud!

Is it because of her past daydreaming episodes, na ito ang kapartner niya? Kaya nagiging easy-to-get siya? But its only with Bryan eh! Sa ibang lalaki hindi naman ah! Lakas naman kasi ng imagination niya lalo na pagdating sa taong 'yon.

Ano ba ang dapat niyang gawin ngayon? Ano na kaya ang tingin sa kanya ng mga tao dito? Nahihiya siya sobra para sa sarili niya. Parang wala na siyang mukhang ihaharap sa mga ito. Tapos idagdag pa 'yong plano at gustong mangyari ni Mr. Sevilla.

So paano na? Huh? Kyra Mae? Paano na?

Tuloy-tuloy na lang ang pag-agos ng mga luha niya sa sobrang daming iniisip. Pero hindi niya talaga kayang magpakita sa mga taong nandito ngayon. Takot din siya kay Georgina kanina. First time niyang nasabunutan ng ganoon, muntik pa siya sampalin. But she understands her completely, she's the girlfriend. She has the right to go ballistic lalo na kung mahuli mo ang boyfriend mo with another girl.

So, ikaw Kyra Mae? Sino ka? Ano ka ba ni Bryan?

Napaiyak na lang siya lalo na ng marealize niya ang sagot sa tanong na 'yon. Mabilis niyang inabot ang maleta na nasa taas ng cabinet at agarang ipinasok na ang mga damit and ibang mga gamit niya. Kailangan na niyang umalis, umuwi sa kanila, and kalimutan ang lahat ng naganap sa kanya simula ng dumating siya dito sa mansyon ng mga Sevilla.

Sana mapatawad siya ni Uncle..


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C23
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン