アプリをダウンロード
27.58% Lupon ng mga Tula ni Dee Makabuluhan / Chapter 8: Salamin

章 8: Salamin

Teka... Sino ka? Sino ka nga ba?

Pasensya ka na, hindi kita maaninag.

Mukhang kailangan ko na ng bagong salamin

Dahil ang mga sitwasyon

kahit gaano kalapit sa akin

ay nahihirapan na akong basahin.

Lumalabo na ang aking mga mata

-ang aking paningin

Grado ng mga lente sa akin mga mata

ay hindi na akma

hindi ko na makita kung ano ang tama.

tama pa ba? o tama na?

mukhang mga mata ko lang ang may tama.

Mukhang kailangan ko na ng bagong salamin

hindi lang para sa aking mga mata

pati na rin sa aking puso

dahil lumalabo na ang aking pagtingin sa iyo sinta.

kailangan ko na ng bagong salamin

lente ay may lamat na

tulad sa pagmamahalan nating dalawa

may lamat dahil nasaktan mo ako

at nasaktan kita.

kailangan ko na ng bagong salamin

dahil ito'y nabali, nasira

parang ating pagsasama.

Kailangan ko na ng bagong salamin

dahil nawala na ang luma...

parang ikaw, wala ka na.

pero nakalimutan ko, labo ka rin pala

kaya pareho nating kailangan ng bagong salamin

para makita natin ang repleksyon

na ikaw ay ako rin at ako ay ikaw din

kaya ang tayo ay kailanman hindi maaaring patirin

kailangan natin ng bagong salamin

magsimula tayong muli at ang lahat ay ayusin.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C8
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン