アプリをダウンロード
42.85% Wrong Bride / Chapter 9: Kabanata 7

章 9: Kabanata 7

HINDI lang basta halik ang ginawa ni Cassius, French kiss! At humagod ang kamay niya sa likod ni Kiona, habang bahagyang nasasabunutan niya ito dahil sa higpit ng yakap niya.

"You can stop now." Ang pari. Medyo mababang boses upang hindi naman mapahiya ang mga ikinasal. "Sa honeymoon na iyan."

Si Kiona ang nakarinig sa pari. Napahiyang naitulak nito ang groom. Sunod-sunod pa rin ang kislap ng kamera, pilit ang ngiti ni Kiona. Ayaw sana niyang kuhanan sila ng larawan ngunit wala siyang magagawa, bahagi iyon ng kasal.

Sigurado siyang nagkalat na ang lipstick niya at damang-dama pa niya na basa ang paligid ng bibig niya. Kung hiyang-hiya si Kiona, ganoon din si Cassius.

Gusto na niyang maglaho sa kinatatayuan. Kung bakit naman hindi niya napigil ang sarili. Pero kasalanan din ni Kiona, bakit hindi siya itinulak kaagad.

Hindi na sana siya napahiya ng todo. Kung pwede nga lang hilahin na ng dalawa ang oras upang matapos na ang mga kuskos-balungos. Ngunit hindi naman papayag ang mga magulang nila na umalis na agad sila.

Kailangang makamayan muna ang lahat ng bisita at ma-entertain ang mga iyon sa reception. Kailangan pa rin nilang magpalipad ng kalapati. Kailangan pa rin nilang mag-hiwa at magsubuan ng cake.

Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, isang bahagi ni Cassius ay nag e-enjoy sa mga seremonyas na iyon. Pakiramdam niya ay ganoon din si Kiona. Hindi niya ito nakitang nag-kunot ng noo.

Parang enjoy na enjoy ang bride niya, lalo na nang ihagis nito ang bouquet. Teenager ang nakasalo. Napa-Hesus, maryosep ang ina ng dalagita, na hiyang-hiya rin ngunit natutuwa.

Naupo ang bride upang makuha ni Cassius ang garter na nasa hita nito. Hindi niya iyon inihagis, tahasang iniabot kay Lyndon.

"Ikaw ang susunod. Maraming salamat sa lahat." Sarkastiko ang tono nito. Balewala ang patutsadang iyon kay Lyndon. Nakangisi pa ito.

"Pinsan, hindi mo ba alam na, the bestman never gets the bride" Parang si Joker ang ngisi nito.

Ipinuwesto ng cameraman ang teenager at si Lyndon sa tabi ng bagong kasal. Kinunan ng larawan. Pagkatapos ay hinila ni Cassius ang pinsan at ang teenager upang pakuhanan ng larawan.

Sinaway siya ni Kiona, hindi raw bagay at baka magalit ang mga magulang ng bata. Hindi pinansin iyon ni Cassius, desidido siyang makaganti sa pinsan, kahit man lang sa ganoong paraan.

"Manong kunan mo sila ng picture." Atas nito sa cameraman, pagkatapos ay kay Lyndon naman bumaling.

"Insan, mademanda ka sana at makulong sa salang child abuse."

"Malabo iyan insan, give us ten years, hindi na child abuse ang itatawag mo rito. Di ba, ne?" At kinabig nito ang balikat ng teenager.

"Ne, mag-iingat ka diyan, makamandag iyan."

Nginitian lang siya ng teen-ager, parang ipinagmamalaki pa ang gold-plated niyang braces.

--

SA kotse patungong hotel, kung saan magha-honeymoon ang dalawa, panay iringan ang nangyayari.

"Ikaw ang may kasalanan kung bakit napahiya ako kay Father." Sisi ni Cassius kay Kiona dahil sa naganap na kissing scene.

"Ano'ng ako? Ikaw ang lalaki, dapat alam mo kung paano pigilin ang sarili mo? At saka, tapos na iyon, anong problema mo?"

"Malaki ang problema ko! Hiyang-hiya ako!"

"Ang lagay pala, eh. Hindi ka sanay mahuli sa akto." Alam ni Cassius na ang tinutukoy ni Kiona ay ang eksena sa opisina niya.

"Iba naman yon."

Malaking suite ang inupahan ng bagong kasal dahil hindi sila dapat magtabi sa kama. Para pormalidad lang kaya kunwari ay magpupulot-gata sila.

"Dito ako, doon ka." Ani Cassius. May dibisyon sa gitna ang suite. Pinili niya ang bahaging tanaw ang swimming pool sa ibaba, dahil sa magandang tanawin- mga babaing naka-swimsuit!

"Hindi. Dito ako, doon ka! Mas gusto ko ang view dito." Angal ni Kiona.

"Hindi ako papayag! Ako ang lalaki, dapat ako ang masunod, naiintindihan mo?"

"Ako ang babae, dapat ako ang pagbigyan mo!" Katwiran ni Kiona.

"Kapag hindi ka pumayag sa gusto ko, gagahasain kita! Banta ni Cassius. At handa niyang totohanin kung bibigyan siya ng pagkakataon.

Puwede ba namang basta na lamang niya pakakawalan si Kiona na hindi niya matitikman? Tama si Lyndon, kilalang-kilala siya nito.

"Kung kaya mo!"

Lumapit si Cassius. Napalundag si Kiona sa ibabaw ng kama.

"Sisigaw ako! Huwag kang lalapit sa akin. Tatawag ako ng security!"

"Takutin mo lelang mo. Hindi sila maniniwala sayo, bagong kasal tayo? Remember?"

"Oo, na! Doon ako sa kabila, dito ka." At patakbong tinungo ni Kiona ang kabilang parte ng suite, ngunit naapakan nito ang laylayan ng trahe niya. Sa sahig pinulot si Kiona.

"Okay ka lang?" Agad namang saklolo ni Cassius.

Napakapit sa braso niya si Kiona. Ngunit sa halip na alalayan itong tumayo ay hinagkan niya ito hanggang tuluyan ng mapahiga sa sahig si Kiona.

Hindi inaasahan ni Kiona na gagawin iyon ni Cassius, ngunit buong pagkatao naman niya ay naghihintay na maulit ang halik ni Cassius. Alam niyang hindi niya kayang labanan ang nararamdaman, gaano man katigas ang karakter niya.

Twenty na siya, dapat lang sigurong matapos na ang pagbuburo niya sa sarili. Tutal ay asawa naman niya si Cassius at gusto ng katawan niya ang ginagawa nito sa kanya.

Pikit-mata siyang yumakap ng mahigpit kay Cassius na walang prenong hinahagkan ang tenga at leeg niya. Nakadama siya ng kiliti, ngunit hindi paris ng pangingiliti sa kanya ng yaya niya noong bata pa siya na nagpapatawa sa kanya.

Hindi nakakatawa ang kiliti ni Cassius, ngunit higit niyang gusto iyon. Nasasabik siya sa iba pang gagawin nito. Ikinatutuwa pa niya iyon. Sa wakas ay malalaman niya ang lahat sa mundo.

Ilang sandali buhat ngayon ay matatapos na ang ka-inosentihan niya. At habang-buhay pa siguro niyang pasasalamatan si Cassius for being this good.

Parang batang nagbubukas ng regalo si Cassius habang kinakapa ang mga hook at zipper sa wedding gown. Sa isip niya ay pinakamahirap na yatang hubaran ang babaing bagong kasal.

Dahil sa dami ng chechebureche sa gown.

Nang ma-realized ni Kiona na nahihirapan ng husto si Cassius sa paghuhubad sa kanya ay tinulungan niya ito, dala na rin ng pananabik.

Nang mahubaran na siya, ay si Cassius naman ang tumayo upang maghubad. Pinigil ni Kiona ang sarili na mapatili nang makita ang kabuuan ng hubad na si Cassius. Sa halip ay titig na titig siya sa katawan nito.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C9
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン