アプリをダウンロード
23.8% Wrong Bride / Chapter 5: Kabanata 3

章 5: Kabanata 3

"EWAN ko! Ikaw siguro ang may kagagawan. Tama inakit mo ako kaya dito ako nakatulog!"

"Sinungaling!" Sigaw ni Kiona.

"Ikaw ang sinungaling!"

"Tama na iyan! Ano ba? Cassius, kailan ka pa natutong makipag-away sa babae?" Saway ng Tita Bella niya.

"Paanong hindi ko aawayin iyan, e, ubod ng sinungaling! Kapag hindi ako nakapagpigil eh, sasabunutan ko ang babaing iyan."

"Bella?! Ano ba iyan pamangkin mo? Wala galang. Dapat sa pulis na tayo punta." Halos hilahin ni Mrs. Ty ang anak palabas ng silid.

"Kiona, mare...sandali. Mapag-uusapan natin ito ng maayos. Hindi natin kagustuhan ito, sa katunayan ay pamilya namin ang malalagay sa kahihiyan, lalo na ang anak ko. Baka pagtawanan siya ng lipunan..." Habol ni Mrs. Gregorio kay Mrs. Ty.

Sa pintuan nasalubong ng dating mag-balae ang maid. "Ipinatatawag na po kayo ni ser sa ibaba ma'am."

"O, sige.. Susunod na kami. Cassius, sumunod ka."

SA silid, hindi makapaniwala si Kiona sa kinalabasan ng usapan. Buong akala niya ay mauuwi sa demandahan ang lahat dahil sa pagsisinungaling niya. Kaparis ni Lyndon, wala pa ring balak mag-asawa si Kiona, lalo na ngayong nakapila ang mga talent scouts na gustong makuha ang serbisyo niya.

Isang modelling agency ang agad naghain ng kontrata sa kanya. At hindi niya kailangang dumaan pa sa mga screenings. Gusto-gusto na niyang pirmahan ang kontratang iyon, ngunit bigla ngang nagkasundo ang mga magulang niya at ni Lyndon na ipakasal sila.

Goodbye modelling. Nang sa hindi niya maipaliwanag na pangyayari ay nagisnan niya si Cassius na nakahubad at katabi niya. Nagkaroon siya ng ideya.

Alam niyang hindi siya pakakasalan ni Lyndon kung aaminin niyang nagalaw siya ng pinsan nito. Kung papalabasin naman niya pinagsasamantalahan siya habang natutulog, malamang na idemanda ng mga magulang niya si Cassius.

Hindi na siya mag-aasawa. Siya na rin ang bahalang mag-urong ng demanda kung saka-sakali, dahil wala naman siyang balak na ipakulong si Cassius, dala lang ng pangangailangan niya kaya niya nagawang magsinungaling.

Hihingi rin siya ng paumanhin sa lalaki. Ngunit hindi rin tumugma sa plano niya ang lahat. Mag-aasawa pa rin siya. Hindi nga lang kay Lyndon, kung hindi kay Cassius na sa tingin niya ay masyado namang maedad kaysa kaniya.

Hindi pa rin matutupad ang pangarap niya na magiging modelo, na siya niyang pangarap mula pa noong bata siya. Nasa kanya na ang lahat ng sangkap na kailangan sa pagmomodelo.

Taas, sukat ng katawan, kinis ng balat, good upbring, hindi hamak na nakaungos siya ng malaki sa mga kasabay niya, iyon lang, hindi siya malaya. Paano siya makakapunta sa ibang bansa kapag may mga shows doon kung may asawa na siya?

Ngunit hindi siya dapat mawalan ng pag-asa. Iba na ang sitwasyon ngayon. Hindi na si Lyndon ang mapapangasawa niya. Ang isang bagay na sumiksik sa kanya ay ang katotohanang labag din sa loob ni Cassius ang kasunduan ng mga nakakatanda sa kanila.

Hindi ba malaking advantage iyon para sa kanya? Galit sa kanya si Cassius dahil sa pagsisinungaling niya, gagamitin niya ang galit na iyon upang makamit ang kalayaan niya.

Sa mga Chinese, kapag nag-asawa na ang isang babae, wala nang pakialam ang mga magulang. At wala na rin iyong pakialam sa kanyang mga magulang.

Samakatuwid, kung ano man ang mangyari sa kanila ni Cassius, labas na doon sina Mr. at Mrs. Ty. Lalo niyang gagalitin si Cassius upang ito na ang magmadaling mag-file ng annulment o pwede ring kausapin niya ito upang magsabwatan sila, Tama, kakausapin niya si Cassius. Hindi tututol ito sa plano niya, pareho silang makikinabang.

PAUWI na si Cassius at ang Mama niya. Tahimik ang binata, pilit na ibinabalik sa isipan ang maaaring dahilan ng lahat. Paanong nangyaring sa silid ni Kiona siya natutulog?

Si Lyndon ang huling kasama niya, imposible namang ipasok siya ng pinsan sa silid ng mapapangasawa nito! Ngunit nasaan ang pinsan niya sa panahon ng pag-uusap at kaguluhan?

"Mabuti na rin ang nangyari, anak, malalagay ka na sa tahimik. Kahit papano'y mababawasan na ang tungkulin ko sa iyo." Ang Mama niya.

"Ano naman ang ibig niyong sabihin? Sawa na kayo sa pag-aalaga sa akin? Malaki na naman ako, a. Hindi naman ako nagbibigay ng problema sa inyo."

Punong-puno ng hinanakit ang tinig ni Cassius, lalo pa nga't masama ang loob niya dahil hindi man lang siya ipinagtanggol nito nang tahasan siyang pagbintangan ni Kiona ng hindi totoo.

Nang dumating ang Mama ni Cassius kasama ang tsuper nito, ay muntik nang hindi mapigil ng lalaki ang sarili na yumakap sa ina. Akala niya ay may kakampi siya nang dumating ang ina.

Wala pa rin, bagkus ay agad-agad itong nakipagkasundo na ipakasal sila ng babaing bruhilda. May kutob pa siya na si Mrs. Mildred Gregorio pa mismo ang nagsuhestiyon ng kasal na iyon.

"Huwag kang magdamdam, anak. Matanda na ako at alam mo bang ikaw na lamang ang inaalala ko. Paano kapag nawala ako? Sino ang titingin sa iyo? Mukhang mabait na bata si Kiona at napakaganda niya, anak. Tiyak na magaganda ang mga apo ko."

Gustong tumawa ni Cassius ng malakas sa salitang apo. Wala siyang balak sipingan ang prinsesa ng lagim, mabuti na iyong sigurado.

Baka mamaya ay kay Kiona pa magmana ang magiging anak nila. Tiyak na pawang mga tiyanak ang mga iyon, kanya-kanyang sungay.

"Naiintindihan mo ba ako ha, Cassius? Hindi ko masasabi kung hanggang kailan pa ako dito sa mundo. Baka bukas makalawa ay sumunod na ako sa Papa mo. Ayokong isipin na iiwan kitang mag-isa. I love you so much. Ayokong malungkot ka ng husto kapag wala na ako. Believe me, lahat ng ito ay sa kabutihan mo. Mother knows best, tandaan mo iyan." Litanya nito na tila batang musmos si Cassius.

"Mama, you're healthy. Ano ka ba naman? Wala ka namang sakit. Psychosomatic daw ang nararamdaman mo, dahil parati kang nag-iisip. But it's over. Wala nang problema sa iyo, Mama. You'll live up to a hundred."

"I know. I know. Still I'm happy that finally you are settling down. Maybe a little more responsibility will do good. Finally, you've found a purpose."

"Ma, anong palagay niyo sa akin, walang responsibilidad. I am a responsible man. See how I'm doing with Dad's business? Aside from, I have my own business and I'm good at it too. Kulang pa ba iyon? Dahil sa akin, maganda ang takbo ng negosyong iniwan ni Daddy at nakapagpundar ako ng sarili kong negosyo. Is that irresponsibility?"


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C5
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン