Paikot ikot si Heshi sa loob ng bahay niya, kagabi pa niya pilit na tinatawagan si Juno para isoli ang naiwan nitong wallet sa bahay nya pero hindi ito sumasagot, nakagayak pa naman siyang umuwi sa bahay ng mga magulang nya para dalhin ang hinihingi ng nanay nyang panggastos pero hindi sya makaalis dahil sa pitaka ng lalaki.
Muli nyang sinubukang idial ang number nito pero ganon pa rin hindi pa rin ito sumasagot. Eh kung dalhin ko na kaya sa bar na pinagtatrabahuhan niya? kaso baka walang tao don kase araw eh s gabi lang ata nagbubukas ang bar ng mga ito! tsaka kung sakali kanino ko ipagkakatiwala ang pitaka niya? madami pa namang laman!
Ang totoo nyan napuyat sya ng nagdaang gabi sa kakaiisip kung kakalkalin ba niya ang laman ng wallet nito o hindi at ang ending, inilock nya sa loob ng kabinet nya para siguradong hindi sya matemp na bulatlatin iyon.
"Kambal, Uuwi kaba o hindi?" binasa nya ng malakas ang text ni Yra, nakasanayan na kasi nilang dalawa na magkasabay sila palagi pag uuwi ng laguna.
"Pano ba ako makakauwi? baka mamaya kung kelan nakaalis na ako saka naman dumating yung may ari nitong wallet nato!" malakas na sabi ni Heshi na animoy nasa harapan ang kausap ng muling tumunog ang cellphone nya.
[I'm sorry for my late reply, pakitabi nalang muna yung wallet ko kase busy pa ako ngayun bukas ko nalang kukunin. Salamat] Laman ng message nito.
"Haay! sana man lang inagahan niya ang sagot para kanina pa ako nakaalis." Dinampot nya ang cellphone saka tinawagan Yra at sinabing sasabay sya pauwi sa kanila.
"Bakit ba ang tagal mo?" kunong noong salubong sa kanya ni Yra habang nakatayo sila sa pila ng isang bus station sa pasay.
Ikinuwento niya dito ang nangyari sa kanya.
"Eh pambihira naman yang lalaking yan, sana man lang nagtxt sya kaagad para hindi ka naghintay!" naiinis pa rin ang kaibigan dahil sa tagal nitong naghintay sa kanya.
Pagdating sa bahay nila ay nadatnan niyang naglalaro ng Mahjong ang nanay niya., "Pambihira naman nay, kaya pala naman nauubos ang pang gastos niyo dahil sa kakasugal niyo!" di mapigil ni Heshi ang magsintimyento sa ina.
"Hoy babae, hindi ko pinangsusugal ang pera mo ha kaya wag kang palabintang dyan!" Singhal sa kanya ng nanay nya.
Padabog na pumasok sa loob ng bahay si Heshi, ibinaba nya ang dalang bag saka hinanap ang cellphone nya. tatawagan sana nya si Yra para makitambay sa bahay ng mga ito ng maunang magring ang telepono nya.
Oh si Juno! "Hello?"
"Hello Heshi, sorry kanina ha di agad kita natext, itatanong ko lang sana kung may gagawin ka mamaya?" anito.
"Wala naman, kaya lang nandito ako sa laguna eh, kakauwi ko lang sa bahay namin, bakit?" tanong niya dito.
"Ganon ba!" bakas ang panghihinayang sa boses nito. "Iimbitahin sana kita dito sa bar mamaya kaya lang wala ka pala sa apartment mo!"
Tiningnan ni Heshi ang orasan, alas onse palang ng tanghali! "Sige pupunta ako!" biglang sagot niya dito dahil ayaw nya talagang manatili sa loob ng bahay nila dahil naaaburido sya sa nanay nya.
Dinampot muli ni Heshi ang bag nya saka naglabas ng dalawang libong piso at iniwan s kapatid nyang nanood ng tv. Hindi na sya namaalam sa nanay nya umalis sya dahil baka mag tungayaw na naman ito.
Pagpatak ng alas syete ng gabi hinintay ni Heshi ang pagtawag ni Juno, Simpleng ripped jeans lang tshirt na puti ang suot nya dahil wala naman syang damit na pwedeng isuot sa mga ganoong lugar.
Lumabas si Heshi ng marinig nya ang pagkatok ni Juno sa gate niya, para namang sinadya ang porma nilang dalawa dahil nakaripped jeans at white shirt din ang suot nito.
Napangiti si Juno ng makita sya, "Sorry biglaan ang inbitasyon ko!" ng makalapit siya dito.
"Sakto nga ang timing mo eh!" sagot naman niya dito habang tinitingnan ang suot nito, "di ko sinadyang maki couple sa porma mo ha!" biro niya dito.
"Ayos nga yan, komportable!" sabahy thumbs up pa nito, "lets go!"
Pagdating nila sa bar ay punong puno iyon at pakiramdam ni Heshi ay out of place ang porma niya.
"Don tayo sa loob!" bulong sa kanya ni Juno, bigla namang umakyat ang kilabot sa katawan ni Heshi ng halos lumapat ang labi ni Juno sa tainga niya.
Tumango nalang siya at sumunod dito habang hawak ang nagiinit niyang tainga, lumigid sila sa likod ng bar counter at umakyat sa makipot na hagdan, Pumasok sila sa isang kwarto.
"Hey wait!" pigil niya dito, "San tayo pupunta?"
"Don't worry hindi ito VIP room, its my office kaya wag kang matakot!" nakangising sabi nito bago nagpatiuna na sa pagpasok doon.
Anu ba yan! nabasa nya ang iniisip ko, nakakahiya! pumasok na rin sya sa medyo maliit na opisina nito.
Simple lang iyon at walang masyadong laman, parang apartment nya! tipid sa gamit.
"Wala na tayong mapepwestuhan don aa labas kaya dito muna tayo." anito sabay turo sa kanya ng pang isahang upuan sa harap ng table nito. "Magdinner muna tayo!" Inilabas nito mula isang paper bag na nasa harap nya ang mga pagkain.
"Dito tayo kakain? baka mapagalitan ka ng boss mo!" nagaalalang sabi niya dito.
"Ah, dont worry di ako sisisantehin non kahit madatnan ka nya dito." isa isa nitong tinanggalan ng takip ang mga pagkain at inihain yon.
"Ambait naman ng boss mo! syanga pala ito yung wallet mo!" iniabot niya dito ang black na wallet nito.
"Salamat, nalimutan ko narin na wala pala akong wallet!" natatawang sabi nito, "Kain na tayo!" sinimulan nitong lagyan ng kanin ang plato nya.
Nakakatakam ang mga ulam na nakahain sa harapan ni Heshi kaya hindi sya nagpigil at nilantakan niya iyon.
Enjoy na enjoy naman si Juno habang pinapanood si Heshi, napaka ganda pero walang arte sa katawan! "Nagustuhuhan mo ba?" tanong niya dito.
"Oo ang sarap!"
"Luto ko yan!" proud na sabi ni Juno.
Nasamid tuloy si Heshi, "ikaw ang nagluto nito!" hindi makapaniwalang bulalas niya. "Wow! ang gwapo mo na tapos ang galing mo pang magluto!"