アプリをダウンロード
57.42% My Air to breathe / Chapter 58: Chapter 57 kidnap

章 58: Chapter 57 kidnap

Balik sa dating gawi! trabaho-bahay na naman si Yra, kailan kaya matatapos ang kalbaryong ito? kailan ba sya mawawalan ng gwardiya? namimiss na talaga niya ang apartment niya! ngayun nya naiisip kung gaano kasarap yung dati nyang buhay, pwedeng pumunta kahit saan niya gusto, pwede nyang gawin kahit ano!

Bakit parang tama ang mga magulang nya ng sabihin ng mga ito na baka hindi pa ito ang tamang oras para makipagrelasyon sya uli? Mula kase ng ng maging boyfriend niya si Jion ay kung ano ano ng nangyayari sa buhay niya, kaya lang mahal nya talaga si Jion, kahit gaano kahirap titiisin nya makasama nya lang ito. Hayys!!! ano na ba talaga ang gagawin niya?

Nasa ganoong estado ng pagiisip si Yra ng may pumasok na kliyente sa opisina nila, Wala si Heshi sa mga oras na yun kasama nito sina Jenny at Marjo dahil may inaasikaso itong costumer na malapit ng ikasal kaya wala syang choice kundi harapin ang bagong dating, tanging ang designer nya lang na si Anjo at ang body guard nya ang tao doon.

"Good morning ma'am, Sir. What can I do for you?" mukhang magasawa ang mga ito siguro magpapakasal, yun ang hula ni Yra.

"Naghahanap kami ng organizer para sana sa kasal namin!" sagot ng babae.

"Talaga po mam! Congratulations po sa nalalapit nyong kasal, maupo nalang po muna tayo dito para mapagusapan natin ang mga detalye." iginaya niya ang dalawa sa recieving area nila para sa mga costumer kung saan mas makakapagusap sila ng maayos para sa gagawing pagpaplano.

Nasa kalagitnaan sila ng usapin, nang biglang pumasok ang anim na kargadong kalalakihan at kaagad pinaligiran si Juan Pablo ng apat doon at tinututukan ng matataas na kalibre ng baril.

"Anong ginagawa niyo? sino kayo?" gulat na tanong ni Yra, tatakbo sana siya palapit sa kusina kung saan naroon si Anjo pero kaagad din siyang tinutukan baril sa mukha ng babaeng costumer nila. "Wag! wag po!" itinaas niya ang dalawang kamay tanda ng pagsuko para hindi siya masaktan.

"Anong kaguluhan it- " hindi na nakatapos sa pagsasalita si Anjo na kalalabas lang dining area nila dahil tinutukan na rin ito ng dalawa pang lalaking nakaabang sa pinto niyon.

"S-sino kayo?" kinakabahang tanong ni Yra sa babaeng kaharap, "Kung holdap to, andun lahat ng pera sa bag, pati atm ko andun din, ibibigay ko sayo ang pin no." pilit niyang kinakalma ang sarili para makaligtas silang tatlo.

Hindi nagsalita ang babae bagkus ay sinenyasan siyang tumalikod, sumunod siya rito at umikot paharap sa pader. Kinuha ng kasama nitong lalaki ang dalawang kamay niya at ipinosas iyon sa kanyang likuran. Nanginginig na ang kanyang tuhod sa sobrang takot, napatingin siya kay Juan Pablo na kalmado lang, mukhang naghahanap lang ng pagkakataon para madisarmahan ang apat na nakabantay dito.

"Lakad." utos sa kanya ng babae habang nakatutok sa kanyang bewang ang baril nito at itinulak pa sya ng bahagya dahil ayaw kumilos ng mga paa niya.

Nagpapasaklolong tingin ang ibinigay ni Juan Pablo habang bitbit siya ng babae sa braso at nauuna naman ang kasama nitong lalaki.

"Mam Yra!" sigaw ni Anjo ng bigla nitong itulak ang isa sa dalawang lalaking nakabantay dito, kaya biglang nagkagulo ang mga bantay nito.

Nakakita naman ng pagkakataon ang body guard niya at napakabilis ng kilos nitong sinunggaban ang pinakamalapit na kalaban nito at ipinangsanggalang sa katawan para hindi ito masyadong mataman ng sugurin ito ng tatlo pa nitong kasamahan, hindi ng mga ito ginagamit ang mga baril para siguro hindi makatawag ng pansin sa mga katabing establisimyento.

Habang nakikipagbugbugan si Juan Pablo sa mga ito ay kinaladkad naman siya babae palabas doon, nanlaban si Yra, sinipa niya sa harapan ang kasama nitong lalaki na kaagad namang napaaringking sa sakit, kaya hinila ng kasama nitong babae ang buhok niya mula sa likuran at tinakpan ng panyo ang kanyang bibig at ilong.

Bago sya nawalang ng malay ay kitang kita niya kung papano pagtulungan ng apat na lalaking bugbugin si Juan Pablo na halos lugmok na sa sahig at ang nakabulagta ng si Anjo.

Malamig... nanuot sa buong katawan ni Yra ang lamig ng sementong kinalalagyan niya, sinubukan niyang imulat ang mga mata subalit wala siyang makita sa sobrang dilim dahil sa pagkakapiring doon. Pinilit niyang igalaw ang katawan pero hindi niya magawa, naramdaman niyang nakaposas pa rin ang kanyang mga kamay at nakatali ang kanyang mga paa, nananakit narin ang kanyang braso at tagiliran dahil sa patagilid niyang pwesto.

Dyos ko, tulungan mo po ako! panalangin niya. Sumigaw siya ng malakas pero pawang ungol lamang ang kanyang naririnig dahil nakatape ang kanyang bibig. Walang magawa si Yra kundi umiyak, bakit? bakit ba nangyayari ang lahat ng ito? ano bang kasalanan ang nagawa ko? halos hindi na siya makahinga sa kakaiyak niya ng maramdaman niya ang hakbang ng mga papalapit sa kanya. Kinalma niya ang sarili, may tao? sino kaya sya?

"Boss, yan na po yung babae!" Tinig ng isang lalaki.

"Good! pwede ka ng lumabas." utos ng isa pang boses.

Sino yun? parang kilala ko ang boses na yun! nanatili lang si Yra sa pagpapangap na tulog. Naramdaman ni Yra ang paghaplos ng lalaki sa kanyang pisngi at paghawi nito sa kanyang buhok na tumatabing sa kanyang mukha.

"Kung hindi dahil sa boyfriend mo, hindi mo sana dadanasin ang lahat ng ito." saka nito pinunasan ang luha sa kanyang mukha.

Ang boses niya, kilala ko talaga ang boses niya! pero bakit? anung dahilan nya at kinidnap niya ako? gulong gulo na talaga ang isip ni Yra, gusto niyang kumilos pero natatakot syang saktan nito pag nalamang may malay na sya.

"Bantayan nyo syang mabuti, siguraduhin nyong hindi sya makakatakas kung ayaw nyong kayo ang ilibing don sa nakaabang na hukay. Maliwanag ba?" kalmado pero nakakatakot ang malalim na boses nito.

"Yes boss, kami na po ang bahala!" sagot ng isa pa.

Naramdaman ni Yra ang mga yabag na lumalayo sa kanyang pwesto at ang pagsarado ng pinto. Impit niyang pinakawalan ang kanyang tinig na kanina pa niya pinipigilan hanggang sa makaramdam siya ng bigat na parang humuhigop sa kanya sa kawalan.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C58
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン