アプリをダウンロード
46.66% Protégée / Chapter 7: Chapter Seven

章 7: Chapter Seven

Umuulan at kumukulog. Umiinom ng kape si Warren sa opisina niya, kasama ang mga kasamahan nito sa pulisiya. Sarap na sarap si sheriff sa iniinom nitong kape na nasa tasa. Kumikidlat at kumukulog nang biglang may kumatok sa main door ng police station. Bubuksan sana ng isang deputy ang pintuan ngunit napatayo si Warren bitbit ang tasa ng kape at pinigilan ang kasamahang pulis sa pagbukas ng pinto. "Ako na." sabi ng sheriff sa deputy. Binuksan na ni Warren ang pinto, at ang tumanbad sa kanyang harapan nang kanyang buksan ang pinto, ay isang babaeng nakaputi na long-sleeves, basang basa sa ulan at mahabang-mahaba ang buhok. Kumulog at kumidlat pa naman, kaya napasigaw sa gulat at takot itong si Warren, nang makita ang dalaga pagbukas ng pinto. Nabitawan ni Warren ang bitbit na tasa ng kape. Nalaman ng pulis na si Van lamang pala ang babaeng basa sa ulan. "Ikaw naman Van, alam mo namang takot ako kay Sadaku, 'wag ka namang manggulat!" sabi ni Warren sa newscaster. Napatawa lahat ng deputies sa sheriff nila. "Anong problema't napapunta ka rito?" tanong pa ng chief officer. "Ako wala, ito meron." Sagot ng mamahayag sabay pasok sa loob ng police station. Gulat na gulat ang binata nang makita si June. Nasa likuran lang pala ng reporter ang ex-girlfriend nito. Lahat ay nasa slow motion na naman nang makita ni Warren si June. Para sa binatang sheriff, nakangiti ang dating nobya sa kanya, kahit basang basa sa ulan na para bang sine-seduce siya nito sa isang shower. Nang biglang kumulog at kumidlat. Bumalik bigla lahat sa dati at napansin ni Warren na umiiyak pala ang ex nito at hindi ngumingiti. Nanginginig sa lamig ng ulan si June, kasama rin sina Ricky, Kitty, pati si Sam at ang photographer. "May plano ka bang papasukin sila?" tanong ni Van sa sheriff na nakapasok na at katabi na ng officer. "Pasok kayo!" sabi agad ni Warren at pinapasok lahat sa loob, "Anong problema?" tanong pa ni Warren sa kanila. "Malaki." Sagot ni Kitty.

Nakaupo sina June, Sam, Ricky, Kitty at ang photographer sa sofa habang galit na nagse-sermon ang sheriff. "Ba't di niyo tinulungan si June?" tanong ng sheriff, "Wala bang security system ang pictorial studio niyo?" dugtong pa ng pulis. "Meron naman, kaso pati si manong guard pinatay rin." Sagot ni Sam. "So, sino ngayon ang umiimbestiga sa krimen?" tanong ni Warren sa kanila. "Ang S.O.C.O." sagot ni Ricky. Nagalit agad si Warren. "S.O.C.O.?!" galit na tanong ng sheriff, "inuna niyo pa ang S.O.C.O., kaysa sa aming mga pulis?" dugtong pa ni Warren. "Eh sila naman ang nag-iimbestiga ng mga crimes and everything." Sagot ni Sam. "Dapat inuna niyo muna kami dito! Ang labas nito parang mga walang kuwenta kami!" sigaw ni Warren. Nainis si June sa dating kasintahan. "Ano ba'ng problema mo?!" Napasigaw at napatayo si June sa kinauupuan, "kung gusto mong tumulong, puwes 'wag kang umangal diyan at tumulong ka na lang! Bakit? Sa S.O.C.O. ba walang pulis? Mga forensic investigators and detectives ang mga taong nasa kooperatibang 'yan!" dugtong pa ni June. Biglang bumanat ng sigaw si Warren ng, "Gusto ko ako muna'ng tumulong sa'yo, bago sila!" Nagulat lahat sa sigaw ng pulis. "Ako muna..." sambit pa ng sheriff na naiiyak at lumakad ito papasok ng opisina niya. Tumayo din si Ricky sa kinatatayuan nito at hinawakan ang mga braso ni June ngunit inalis ni Sparkle ang mga kamay ng kapatid sa kanyang mga braso. Sa loob ng opisina ng sheriff, halatang humahagulgol sa lungkot at dismaya itong si Warren. Kitang kita sa glass doors at walls ng opisina na pinagsusuntok ni Warren ang dingding at mesa. Dinadamadam ng pulis ang sakit na para bang may kumikirot sa dibdib. "God! he really loves you..." sabi ng photographer kay June. Napaluha rin si June, tumakbo papunta ng banyo at tumudo rin sa pag-iyak. Napatingin si Kitty, Sam at ang photographer kay Ricky. Nang mapansin ni Ricky na nakatitig ang mga kaibigan nito sa kanya, napayuko bigla si Kitty, napatingin sa kisame ang photograpger at umarte bigla si Sam na umuubo. "Hoy! Mga bakla kayo!" sabi ni Ricky sa kanila, "Kung may mga dapat maging suspek dito, kayo 'yon! Ako, lumabas para bumili ng makakain, kayo, na nasa loob, ni isa sa inyo walang nakarinig sa sigaw ng kapatid ko? Mga buwiset kayo! Hayan! Kaiinin niyo!" Ibinigay ni Ricky ang mga plastic ng pagkain kay Kitty at lumakad papunta ng female restroom kung saan si June pumasok.

Nahalo na lahat ng klase ng kalungkutan sa mga luha ni June, luha sa pag-iyak ni Warren, luha sa pagkamatay ni Anghel at luha sa kuya nitong si Ricky na parang siya pa yata ang killer. "Sis?" tanong ni Ricky kay June mula sa pintuan ng female restroom. Nilapitan niya ang umiiyak na kapatid ngunit lumalayo si June sa kuya nito. "Please... don't..." sambit ni June sabay atras papalayo sa kapatid. Nagalit na si Ricky. Pinagdududahan nga siya ng kapatid nito. Napapaluha si Ricky. "You're suspecting me, na ako ang pumatay kay Anghel? Na ako ang gustong pumatay sa sarili kong kapatid?" tanong ni Ricky kay June na napapaiyak na. "Is that what it is?" dugtong pa ni Ricky. Napatingin bigla si June sa kuya nito. "Kaya kong pumatay ng lamok pero tao... June, kuya Ricky mo 'to!" iyak na pagsabi ni Ricky. Napaisip si June at tinitigan ang kapatid na umiiyak. Mahal nga siya ng kapatid at hinding hindi siya nito sasaktan. Tumakbo bigla si June sa kuya nito at higpit na niyakap ang kapatid. "Sorry kuya..." iyak din ng dalaga, "hindi ko sinasadya..." dugtong pa nito. "Itaga mo 'yan sa kukoti mo!" sabi ni Ricky kay June na panay din ang iyak. Nakita na isang deputy na lalaki si Ricky. Napasigaw ito sa kapatid ni June dahil nasa loob ng female restroom ito. "Hoy!! Pambabae ang banyong 'yan! lumabas ka diyan!" sigaw ng pulis kay Ricky. Napatigil sina Sparkle at ang manager sa pagyakapan. Napatitig si Ricky ng masakit sa pulis at napasigaw din ng, "Babae din ako! Bakla!" sigaw ni Ricky sa deputy. "Chaka!" sambit ng pulis na umarte na parang bading at umalis. Nagulat ang magkapatid sa inarte ng pulis. Nagtitigan at napatawa.

Paglabas ng magkapatid mula sa banyo, nakita nila si Warren na busy sa isang sulok at iniisa-isa ang mga folder ng mga kaso. "Kausapin mo na." sabi ni Ricky sa kapatid. Lumakad si Ricky pabalik sa mga kaibigan nito at naiwan si June. Naisipan ni Sparkle na sundin ang sinabi ng kapatid. Lumakad ito papunta kay Warren. "Galit ka pa rin ba?" tanong ni Sparkle sa dating nobyo. "I'm not angry," sagot ng pulis, "I'm just... hurt that's all." Dugtong pa ng pulis. Nagtitigan ang dalawa at bumalik ang nakaraang magkasintahan pa sila...

Si June ang nagtitimpla ng kape kay Warren at nag-aayos ng mga folders ng mga kaso. Si Warren ang sumasama kay June sa mga pictorial, shooting sa pelikula at TV shows. Ngunit bumaliik din ang kahapong naghiwalay ang dalawa nang nakipag-break si Warren kay June. Nagulat na lang ang dalagang artista kung bakit nakipag-hiwalay ang nobyo niya sa kanya na dapat siya mismo ang gumawa. Hindi nakipag-hiwalay si Sparkle kahit may tumawag sa telepono sa bahay niya, noong tatlong lingo pa lang silang magkasintahan ng sheriff. Isang babae ang tumatawag at si June ang nakasagot. Tinanong ni June kung anong kailangan nito. Sagot naman ng dalaga sa kabilang linya ay kung nasa bahay ba nito si Warren. Napatanong si June sa babae kung anong kailangan nito sa kanyang nobyo. Nagulat si June sinagot ng babae dahil siya raw ay nobya rin ng chief officer. Ngunit hindi naniwala si June sa tumawag at pinagpatuloy ang pag-ibig sa kasintahan nito.

Bumalik sa dati ang lahat. Nagtitinginan ang artista at sheriff. Tumunog ang telepono at nagulat ang dalawa. Napatigil sina June at Warren sa pagtitigan. Sinagot ni Warren ang telepono. Kasamahan niyang pulis ang nasa kabilang linya. Pinapapunta siya nito sa crime scene. Ibinaba na ng sheriff ang telepono. "Sino 'yon?" tanong ni June sa dating nobyo. "Si deputy Alonzo. Pinapunta niya 'ko sa crime scene. Nagpadala kasi ako doon ng mga kasama kong mga pulis para makatulong din sa pag-iimbestiga sa pagkamatay ni Anghel." Sagot ng binata. Naantig ang dalaga sa ginawa ng binata. Kahit nag-away sila kanina, nagpadala pa rin ito ng mga pulis sa crime scene para makatulong sa murder sa pictorial studio ng kompanya ni Sam. "Listen..." sabi ni June kay Warren, "Naisipan naming puntahan muna ang S.O.C.O. bago dito sa inyo dahil sila kasi ang nag-imbestiga sa pagkamatay din ni Daisy. Parehong pareho kasi ang pagpatay kay Anghel at kay Daisy. May mga invitation letters na panakot, scripted lines at CD tapes..." panay ang pagsasalita ni June ngunit hindi kumikibo si Warren na para bang hindi nakikinig. "...and we went to Van to help us also--" naputol bigla ang sinasabi ni Sparkle nang magsalita si Warren. "Oo nga pala, dumaan pa pala kayo kay Sadaku bago dito sa 'min." sabi ni Warren na nakayuko at panay ang pag-aayos ng sheriff sa mga papeles at folders. "I have an example of the letters--" sabi ni June ngunit naputol ulit ang sinasabi nito nang magsalita ulit si Warren, "Like this." Sabi ng sheriff kay Sparkle sabay na ipinakita kay Warren ang mga photocopy ng mga invitation letters mula sa crime scene ni Daisy. Kumuha din pala ang pulisya ng copy ng mga CD at mga letters sa murder ni Daisy at pinag-iimbestigahan din pala nila ito. "Iniimbestigahan niyo din pala ang kaso ni Daisy?" tanong aiu June sa ex nito. "We must," sagot ni Warren, "we're cops." Dugtong pa nito. Napayuko ang dalagang artista. "June, sana sa susunod, unahin niyo naman kami dito, and as what police are, they are the one who detects crimes, maintain law and order and the one who enforced civil law. We're the one who cares for cases, nagfa-follow-up, nagsta-study... etcetera..." sabi pa ni Warren. Huminga ng malalim si Sparkle at sinabi ang tunay na rason kung bakit inuna nilang puntahan ang S.O.C.O. at si Van kaysa sa pulisya. "Warren," sabi ni June, napatingin si Warren sa dating nobya, "ang totoo kasi nito, nahihiya akong pumunta dito sa pulisya dahil sa'yo." Dugtong pa ni Sparkle. "Ako?" tanong ni Warren sa dalaga. "Alam naman nating may pinagsamahan tayo noon at hindi maganda ang kinalabasan ng pagsasama natin." Sabi ni June. Napangiti si Warren at nagsabi ng, "Ginagawa ko lang ang lahat, bumalik ka lang sa akin." sabi ni Warren sa dating nobya. Napangiti rin si June, pati si Ricky mula sa malayuan kasama ang mga kaibigan.

Si Van ay nasa labas ng pulisya, panay ang sigaw sa cellphone nito. May kinakausap ang mamahayag sa kabilang linya. Galit na galit si Van sa kausap. Ang kausap pala ng reporter ay ang cameraman nito na si Garry. "Nasaan ka na ba?" tanong ni Van kayu Garry, "ba't ang tagal mo?" dugtong pa nito. Nagda-drive si Garry ng sasakyan nito papunta ng pulisya. "Nagda-drive pa lang papunta na 'ko diyan." Sagot ni Garry. Panay ang tingin ni Van sa paligid dahil baka may nakakarinig sa kanya. "Ang dali-dali ng pingagawa ko sa'yo, ba't di mo magawa!?" patagong sigaw ni Van sa cameraman nito. "Sorry na," sagot ni Garry, "mahirap habulin si June eh." Dugtong pa ng binata. "Sige pumalpak ka pa kay Paige, hahanap na talaga ako ng ibang cameraman! Buwiset!" sigaw ni Van. Hindi alam ni Van na nakikinig pala si Kitty sa pintuan. Nakadikit ang kaliwang tenga nito sa pinto sa pakikinig sa konbersasiyon nina Garry at Van. Gulat na gulat si Kitty. Baka si Van ang killer. Anong gagawin niya kay Paige? Anong inuutos niya kay Garry? Biglang bumukas ang pintuan at nagulat si Kitty. "Ay! Anak ng kambing ka!" napasigaw bigla si Kitty. Si Van lamang pala ang bumukas ng pinto at pumasok. "Anong ginagawa mo diyan?" tanong ni Van sa make-up artist. "Ako?" tanong din ni Kitty, "ako, ang dapat magtanong niyan, anong ginagawa mo sa labas? Umuulan at bumabagyo, sa labas dapat? Sa labas dapat tumatawag?" dugtong pa ni Kitty. Napataas lang ng noo si Van at nag sabi ng, "I don't want to be disturb, so I decided to call my cameraman outside, hope you understand." Sagot ng mamahayag at pumasok ulit sa loob at iniwan si Kitty sa pintuan. Hindi masyado naintindihan ni Kiity ang sinabi ng reporter. "Dumudugo 'ata ilong ko." Sabi ni Kitty sa sarili sabay pahid sa ilong nito. Napahinga naman ng malalim si Van habang lumalakad pabalik sa mga kaibigan.

Nag-uusap ang magkakaibigan sa sa salas. Si Warren ay panay ang ayos ng mga folders sa isang sulok. Panay naman ang titig ni June sa poster ng pelikula nitong 'Protégée' na nasa dingding at sa pulseras ni Van. Ang writer ng pelikula niya ay ang misteryosang si 'Seb' at nakita niya na may nakasulat na 'Seb' sa bracelet ni Van. "Seb?" sabi ni June kay Van. Ngunit di sumasagot si Van na panay ang tingin sa mga pictures ng mga pulis sa dingding. "Seb?" inulit ni June ang pagsalita ng nasabing pangalan. Napatingin na sina Kitty, Ricky, Sam at ang photographer kay June. "Ano 'yon sis?" tanong ni Ricky sa kapatid. "Si Seb..." sabi pa ni June. "Asan si Seb?" tanong ni Kitty sa amo. "Sinong Seb?" tanong ni Sam sa kay Kitty. Tumayo si June at lumapit sa bestfriend nitong si Van. "Seb?" tanong ni June kay Van. "Ha?" tanong din ni Van sa bestfriend. Tinuro ni Sparkle ang 'Seb' na nakasulat sa bracelet ni Van. "Ah, ito ba?" sabi ni Van, sabay kuha ng bracelet nito at ibinigay niya kay June, "bracelet 'yan, galing kay Paige. Bigay niya sa 'kin nang tumigil ang friendship niyo, sabi niya sa 'kin, na, ako na lang ang nag-iisang bestfriend niya kaya, binigay niya sa 'kin 'yang bracelet na 'yan. By the way, 'Seb' is baliktad for 'Bes'. 'Bes' as bestfriend." Sabi pa ni Van. Nagulat si June. "Si Paige ang sumulat ng 'Protégée'." Sabi ni Sparkle. "What?" sambit ni Van. Lumapit si June sa kapatid at mga kaibigan. "Kuya," sabi ni June kay Ricky, "si Seb ay si Paige." Sabi ni June sa kapatid. "Oh! Pa'no mo naman nalaman 'yan?" tanong ni Ricky kay June. Ibinigay ni June ang bracelet ni Van kay Ricky. Napatingin sina Sam, Kitty at ang photographer sa bracelet. "Oh my God..." sambi ni Kitty. "Bracelet 'yan ni Van, bigay ni Paige." Lumapit na si Van at Warren sa mga kaibigan. "Teka muna," sabi ni Sam, "sino ba itong Seb na ito ha?" tanong pa ng dalagang presidente. "Sumulat ng 'Protégée'." Sabi ni June. "So, sabihin na natin si Paige ay si Seb, don't tell me si Paige ay si Starkiller?" tanong ni Ricky kay June. "Last year pa namatay si miss Blakely dahil sa cancer, ang nagdala sa character ni Dominique. Hindi naman babangon ang artista mula sa kabaong nito para gumawa ng invitation letters at mga CD tapes, at pumatay ng mga artista." Sabi ni June. "Wait," sabi ni Warren, "isipin muna natin 'to people, may potential ba si Paige para pumatay ng tao? May potential ba siyang pumatay ng sariling kapatid? At ano ang mga rason niya para pumatay ng tao?" tanong pa ng sheriff. Natakot at sumeryoso ang mukha ni June. "Kelan nga ang Ricci Lux Award?" tanong ni June sa mga kaibigan. "Next week." Sagot ng kapatid. "Nominated na naman ako for best actress? di ba kuya?" tanong ni June sa kapatid. "Oo." Sabi ni Ricky. "Eh, si Paige? Nominated rin ba?" tanong ni Sparkle na may estriktong mukha. "Actually, pagkadinig ko, kayong dalawa lang ang nominado." Sagot pa ni Ricky. Napaluha si June. "Gusto ni Seb na makuha ang best actress award." Sabi ni June. "Gusto niya 'kong patayin para makuha ang award?" Tanong ni June na napapaluha. "Ganyan na ba talaga siya ka desperado para makuha ang tropeyo?" iyak pa ni Sparkle. Lumapit agad si Van sa bestfriend nito. "June," sabi ni Van kay Sparkle, "hindi pa tayo sigurado na si Paige ay si Starkiller." Dugtong pa ng repoter. Panay ang iyak ni June dahil sa lungkot na baka ni Paige ay si Starkiller. "Kitty..., tubig..." sabi ni June na umiiyak na ng todo, parang nauubusan ng hininga. Inutusan ang make-up artist nito na kumuha ng tubig. Agad namang kumuha ng tubig mula sa water jar ng istasiyon itong si Kitty. "Gusto niyang makuha ang best actress award? Sana sinabi niya lang, ibibigay ko naman agad eh!" sigaw ni June sabay iyak. "Sis hinga lang ng malalim..." sinasabihan, tinutulungan at tinuturuan ni Ricky si June kung paano huminga ng malalim. Pagkatapos mag deep breathing ni Sparkle, ng tatlong ulit, bigla itong tumakbo papalabas ng police station! "June!", "Bestfriend!", "Sis!", "Miss Sparkle!", nagsama-sama na ang mga sigaw ng mga bestfriend ni June at hinabol ang artista. Nakabalik na si Kitty at may dala-dalang baso ng tubig. Nakita niyang lumabas lahat ng mga kaibigan nito at hinahabol ang amo nito. Lumabas din ito at sumunod sa mga kasama sa pag-habol sa aktres. "Wait for me!" sigaw pa nito.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C7
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン