アプリをダウンロード
56.66% JUDA, The Rebel Warrior(Completed) / Chapter 17: Part 16

章 17: Part 16

TATLONG mahihinang katok ang nagpatayo kay Juda mula sa aligagang pagkakaupo sa loob ng silid. Hinihintay niya ang pangako ni Mori na ipahatid si Lily sa kwarto.

Naglaho ang kanina pang mabigat niyang loob nang makitang pumapasok ang babae.

"Juda!" Agad na sambit ng dalaga sa pangalan niya habang patakbong yumakap sa kanya. Ramdam ng lalaki ang takot sa babae dahil nanginginig pa ang katawan nitong nakalapat sa kanya, gumanti din siya ng kasinghigpit.

Labis ang pag-aalala niya dahil alam niyang iba ang pakikitungo na binigay ng mga ito sa tao. Kahit sa Sauros ay ganoon din, pero dahil kapamilya ito ni Ara kaya hindi nito naranasan ang malupit na pagtanggap.

"Anong ginawa nila sa'yo?" puno ng pag-aalalang kinulong ng lalaki ang maliit na mukha ni Lily at masuyong tinitigan.

"K-kinulong nila ako sa basement. May kasama akong mga nakakatakot na hayop sa ibang selda."

Napamura si Juda nang makita ang pamumula ng palapulsuhan nito at paa. Alam niyang marka iyon galing sa pagkakagapos.

Akma siyang lalabas para sugurin si Mori ngunit mahigpit siyang pinigilan ni Lily.

"Juda! Please, huwag na, ayokong magkagulo ulit. Ang mahalaga nandito na'ko, ligtas at magkasama na tayo."

"Hindi ko basta-basta nalang mapapalampas ang ganitong pangyayari, Lily. Sinaktan ka nila!"

"Teka, teka! Hindi naman masyado. Itinali lang nila ako, yun lang. Please Juda, gusto ko nalang umuwi, ng tahimik."

Gustung-gusto nang manakmal ni Juda ng leeg ng daga pero dahil ayaw niyang pag-aalahanin si Lily kaya nanatili na lamang siya sa kwarto. Masyado nang masaklap ang dinanas nito sa mga nakaraang araw. Sigurado siyang higit kanino man ay ang katawan nito ang nangangailangan ng maayos na pahinga. Tiningnan niya ang babaeng nakayakap. Napakaliit nito, kay puti at kinis. Halos nakikita na niya ang mga ugat nito sa nipis ng balat. Kung gagamitan ito ng pwersa ay siguradong magkakalasog-lasog na kaagad ang mga buto. Itinaas niya ang kamay at hinaplos ang maliit nitong pisngi.

Tatanggalan niya ng kaluluwa ang kung sinumang magkamaling manakit sa taong nasa harap niya.

Tumingala ito at ngumisi sa kabila bakas ng pagod at pagkabahala sa mga mata.

"Hindi ka pala dapat pinagpapaalala, kasi siguradong magkakagulo."

"Magpahinga ka na. Babantayan kita."

Na-amused si Juda dahil mas pinili ni Lily na maligo muna bago magpahinga, masayang masaya itong pumasok at naglublob doon, kumakanta pa. Napakalinis talaga nito sa katawan.

NAKAHIGA sila sa malambot at malapad na kama. Ang madilaw na kulay ng ilaw ay nagbigay ng kalmang pakiramdam sa buong kwarto. Ang mabangong bagong palit na bed linens, ang matatayog at konkretong dingding na nakapalibot sa kanila ay nagbigay kaginhawaan. Sa wakas natapos na ang buhay manlalakbay nila, malayo na sa panganib. Nakatukod ang kamay ni Juda sa ulo habang nakatungo kay Lily.

"Mukhang nagustuhan mo ang pagkain kanina."

"Oo, masarap parang manok. Anong klaseng karne iyon?"

"Fera bestia."

"F-fera bestia?" napangiwi si Lily, parang gustong bumaliktad ng sikmura niya at ilabas ang lahat ng laman nang maalala ang hitsura ng hayop. Kung alam lang niya na iyon ang inihain ay pumitas na lang siya ng dahon sa labas at pinapak.

Yumugyog ang balikat ni Juda dahil natatawa sa reaksiyon ng babae. Para itong nakaalala ng nakakadiring bagay.

"Nagbibiro lang ako. Isang klase ng ibon iyon, Hornis ang tawag. Sagana ang Rattus sa ganoong hayop kaya gusto nilang ipatikim sa atin."

"Ah, yun naman pala."

Mahinang pinisil ni Juda ang tungki ng ilong ni Lily. "Bubwit ka talaga."

Inilapit ni Lily ang labi sa lalaki at masuyong hinalikan ang peklat nito sa pisngi. Ito ang isa sa pinakagusto niyang tingnan sa mukha nito. Ang ganoon kalaking bakas ay naghahatid ng hindi kaaya-ayang alaala pero mas nakadagdag iyon sa karakter ng lalaki. Mas badass itong tingnan at kung hindi pa ito nakikilala ng iba ay siguradong katatakutan.

Walang reaksyon mula sa lalaki kaya nagsalita siya.

"Juda, ayaw mo ba ng hinahalikan kita? Kasi... napapansin ko, ako lang lagi ang gumagawa." nahimigan ni Juda ng tampo ang boses ni Lily kaya nag-inat ito at tumuwid ng upo.

"Hindi naman sa ganoon. Wala lang talaga sa amin ang ganyan."

"Ganoon ba, eh paano n'yo pinapakita ang feelings nyo sa taong gusto n'yo?"

"Ganito." Lumapit ito sa babae at dinampi ang pisngi sa pisngi ng dalaga at bahagyang kiniskis.

Iyon pala ang ibig sabihin noon. Kaya pala lagi nitong ginagawa iyon sa kanya.

Napangiti si Lily, parang hinahalikan na pala siya ni Juda kahit noon pa.

"Turuan mo din ako kung anu-ano ang ginagawa ng mga mag-asawa sa Sauros."

"Sa pagkakaalam ko ay naipakita ko na sa iyo kung paano." saad nito sa nangingislap na mata

"Ah eh, nakalimutan ko. Pwede ulitin?" pilyang sagot ng babae na nagpangiti kay Juda

Kumilos ito at dumagan sa ibabaw ni Lily kaya napahiga ang babae. "With pleasure, my sweetheart."

Nang gabing iyon ay pinagsaluhan na naman ng dalawa ang malamig at mapayapang gabi. Tanging ang mga inosenteng pader lamang ang nakarinig sa mga nakakaakit nilang ungol ng pag-ibig.

"LILY... Lily." blurred pa ang paningin ni Lily pero sigurado siyang mukha ng babae ang nasa harap niya. Kinusot niya ang mga mata at tinitigan iyon. Unti-unting luminaw ang anyo ng kaharap sa paningin niya.

"Ara? Ara, ikaw nga?!" may kagalakan niyang hinawakan ang balikat ng pinsan para masigurong totoo nga ang nakikita niya. Natatawang tumango ang kaharap.

"Oo, ako 'to!

Hindi mapasidlan ang tuwa ni Lily, nandito na nga ang pinsan niya para sunduin sila. Makakauwi na sila sa Sauros at matatapos na ang lahat ng hirap nila ni Juda. Speaking of Juda.

"Si Juda? Nasaan siya?"

"Nasa receiving room. Kausap 'yung Mori at si Gavin. Magready kana at aalis na tayo maya-maya."

Magiliw na pumunta si Lily ng banyo at naghanda para sa pag-alis. Strange, pero ang excitement na nafeel niya ay iyong kagaya ng nararamdaman niya kapag umuuwi siya ng bahay.

'Maybe this is destiny. Hindi aksidente ang pagkakasama ko sa Sauros. It's like I was born to be there.'

Naabutan nila Ara at Lily ang magkapatid na nag-uusap sa hallway ng mansiyon. Mukhang seryoso ang mga ito dahil nakakunot ang mga noo.

"Juda!"

Napalingon ang tinawag at napalitan ng ngiti ang anyo, inilahad nito ang kamay kay Lily at buong puso namang tinanggap ng huli iyon. Nakaramdam siya ng matinding warmth sa masuyo nitong pagpisil sa maliit niyang kamay.

"Nakatulog ka ba nang maayos?" pagkuway tanong nito.

"Hmn." tango niya. "Hi Gavin!"

'Masarap pala ang kapatid mo!' Iyon ang pumasok sa isip ni Lily pero nahiya naman siya sa sarili.

"Masaya ako at mabuti ang kalagayan mo, Lily. Handa na ba kayo? Uuwi na tayo sa Sauros." si Gavin na nakangiti.

Magkahawak ang kamay na binagtas nila Juda at Lily ang kinalalagyan ng shuttle. Mas malaki iyon kumpara sa ginamit nila noong pumunta sila sa Piscis. Triangle shape na maitim. Sa paligid ay nakahilera ang mga army ng Sauros, ang bilang ni Lily ay nasa bente. May bitbit na malalaking baril at naka armour.

Nakakaproud ang nakikita niya. Ilan lang ang mga iyon sa hukbo na hinahawakan ng pinakamamahal niyang si Juda. Hindi parin siya makapaniwala na ang matigas at nakakahilakbot na commander ng Sauros ay kaholding-hands na niya ngayon. Bumitaw si Lily sa kamay ng lalaki at payakap na kumapit sa braso nito. Nakangiti namang tiningnan siya ni Juda.

'Hmmn, kilig much!'

Nandoon din ang ibang mga taga Rattus pati ang nagngangalang Mori, na napag-alaman niyang pinuno ng lungsod.

"Maraming Salamat sa tulong na ibinigay ninyo, Mori." sabi ni Juda at nakipaglamano.

"Walang anuman. Mag-iingat kayo sa paglalakbay."

Iyon lang at namartsa na silang lahat papasok ng shuttle pauwing Sauros. Ngayon na may bagong pag-ibig na umusbong kay Lily, magkakaroon na siya ng dahilan para manatili sa kalawakan.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C17
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン