"Gumising ka."
"Gumising ka na."
"Gising, bata."
Ang ganda ng kanyang boses. Para akong nananaginip. Pero bakit niya ako tinatawag? Natutulog ba ako? Teka. Ang lamig naman dito. Parang ayokong imulat ang mga mata ko. Ang sarap sa pakiramdam!
"Gumising ka!" Nagiba ng tono ang kanyang pananalita kaya naman bumagabag ito sa aking isipan. Kanila lang ay boses babae siya, ngayon naman, isang malalim at nakakatakot na tunog ang kanyang binuo.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at nagulat ako sa aking nakita! Isang lugar na kung saan ay ang lupa ay ulap! Teka paano ko ba ipapaliwanag. Kumbaga yung kinatatayuan namin ay ulap na nagmimistulang parang lupa! Ayon! Tama!
At ang buong paligid ay mga bituin na sobrang ganda ng kinang, makikita mo ang kagandahan ng kalawakan dito ng malapitan! Nasa langit na ba ako? Ah oo nga pala, namatay na ako dahil sa nangyari.
"Anong pangalan mo, bata?" Tanong ng nilalang na hindi ko mawari ang kasarian. Kinabahan ako at di ko alam kung sasagot ba ako o hindi.
"Sumagot ka, huwag kang matakot." Ani niya.
"Sino ka? Hindi ako sasagot hangga't hindi ka nagpapakila at nagpapakita sakin." Sigaw ko.
Agad na may namuong imahe sa aking harapan ng isang babae at isang lalaki. Ang babae ay kumikinang sa liwanag at nababalutan ng gintong baluti. Habang ang lalaki naman ay purong itim lang ang katawan na tila'y makikita mo ang mga bituin sa kanyang katawan. Parehas silang walang mukha na ipinakita ngunit malalaman mo sa kanilang hugis ng katawan ang kanilang kasarian.
"Ngayon at nakikita mo na kami, ang pangalan namin ay iisa lamang, sapagkat kami ay iisa. Liwaneos." Sabay nilang sabi. "Ang huling descendants ng mga lumang diyos at isa kami sa mga natitira sa aming lahi." dag-dag pa nila.
"Hindi ko alam kung anong isasagot ko, pero magsisimula ako sa aking pangalan. Ako nga pala si Xavier Azrael, bente dos anyos."
"Marahil ikaw ay nagtataka ngayon kung bakit ka naparito, tama?" Ani ng lalaki.
"Ang naaalala ko lang ay iyong nasaksak ako at nawalan ng malay. Kaya, siguro marahil nandirito ako? Eto na ba ang langit?" Tanong ko.
"Mali ka, hindi ito ang langit. Nandito ka sa aming teritoryo na malayo sa langit." Ani ng babae.
"Bakit ako nandito kung hindi ito ang langit?" Tanong ko sakanila na may pagtataka. Marahil ba ay hindi ako natuluyan at sila ng sumagip sakin?
"Nandito ka pero ang katawan mo ay naiwan sa mundo ninyo. Sa daigdig. Ang kaluluwa mo ang siyang dinala namin rito dahil mayroon kaming dapat ipaliwanag na misyon saiyo."
"Misyon? Para saan? At bakit ako? Ako ay mahirap na binata lang. Ano bang nakita niyo sakin?" Tanong ko.
"Dahil nakita namin sa iyo ang hindi namin makita sa iba." Ani ng babae.
"Matatag ang iyong puso, Matalino at may dignidad sa sarili. Sa hinaba-haba ng panahon na ika'y nabubuhay ay sinubaybayan ng aming isang kapatid ang iyong mga kilos, at siya mismo ang nagrekomenda sa iyo. Marahil ay sakto ang oras ng pangyayaring iyon para makilala ka namin sa personal." Dag-dag pa ng lalaki.
"Halika, sumama ka samin. Mayroon kaming gustong ipakita sayo." Paga-aya ng babae.
Sumama naman ako sakanila at naglakad kami sa kahabaan ng ulap na natatapakan namin. Hindi ko alam kung hanggang saan kami aabutin nito pero medyo kumalma ang pakiramdam ko ngayon na alam kong hindi sila masasamang nilalang.
Habang sa kahabaan ng aming paglakad, ay natunton namin ang isang pintuan na gawa sa diyamante at nakaukit rito ang mukha ng araw at ng buwan. Nagbukas ito ng kusa at tumambad samin ang isang hallway na walang mga pintuan.
Pumasok kami sa loob at namangha ako sa lugar na kinatatayuan ko. Ang mga pader ay gawa sa ginto at pilak. Mga ilaw na kumikinang na parang bituin at sobrang lamig ng paligid.
Nasa likuran lang ako ng dalawang kasama ko, ang lalaki ay sa kanan at ang babae naman ay nasa kaliwa. Tumuro ang babae sa kanyang gawing kaliwa at agad na may ulap na namuo sa kanyang tinuturo.
Agad na lumabas ang mga imahe na pinapakita niya sakin na para akong nakatingin sa isang TV o Monitor ng computer. "Sa tinagal-tagal ng panahon, ang mga kalahi mo, mga tao, ay nakagawa ng kasuklam-suklam na gawain. Ito ang pagpatay sa kapwa, pagnakaw at pag-angkin ng hindi sakanila, at pananakit sa kalikasan." Ani ng babae.
Lumabas ang imahe ng mga lahat ng naganap sa mundo. Mula sa Crusade ng simbahan, sa unang digmaan na pandaigdig at pangalawang digmaan. Hanggang sa mga senaryo na pagpaslang ng kapwa, mga batang pinapatay, korapsyon atbp.
Tumuro naman ang lalaki sa kanyang gawing kanan at ganon din ang nangyari. Ipinakita rito ang pagbuo ng mga kemikal na armas, mga cyborg, mga superhuman experiment, robot at mga futuristic na pangdigma. "At ngayon sa taong 3020 ay naabot na ng tao ang talino na maghahantong sa kanilang pagwasak at pagsakop." Dag-dag pa ng lalaki.
"Hindi lang iyon, maaari pang magdulot ito ng pangkalawakan na digmaan ng dahil sa kanilang invention na ginagawa." Singit naman ng babae.
"Ang ibig niyo bang sabihin ay ang federasyon na binuo ng limang planeta?" Tanong ko.
"Oo, dahil ang mga kalapit ninyong planeta ay nababahala sa inyong natuklasan simula ng mapatunayan ninyo ang mga matataas na antas ng armas na pangdigma. Ang planetang Firos, Jarok at Cirius ay nababahala sa mga kinikilos ng inyong pinuno matapos nitong makipagtulungan sa pinuno ng planetang Tauron na bumuo ng mga sasakyang pangkalawakan." Ani ng lalaki.
"Alam namin na natatakot ang mga pinuno ng tatlong planetang binaggit namin sa kinikilos ninyo at ang pinuno ng Cirius. Kaya nama'y hindi na kami dapat manuod lamang bilang mga gabay sa pagunlad ng buhay rito sa kalawakan. Eto ang huling misyon namin na ipinasa sa amin ng mga yumaong mga diyos." Ani ng babae.
"Yumaong mga diyos? bakit? Ano ba ang nangyari? Hindi ko maintindihan." Sagot ko na gulong-gulo.
"Siguro naman ay pamilyar ka sa mga pangalan na zeus, apollo, mars, anubis, buddha, shiva, vishnu at marami pang iba?" Tanong ng lalaki sa akin.
"Oo. Pinagaralan namin iyan sa aming eskwelahan."
"Alam mo din na ang mga pangalan na iyan ay kumakatawan lamang sa iisa dahil kahit na ano pang ang kanilang pangalan, ay pare-parehas lamang ang kanilang istorya, tama?" Tanong ng babae.
"Oo, masasabi ko nga na ganun pero may pagkakaiba parin."
"Mali ka. Halimbawa, ang pangalang Zeus, Ra, at Odin ay kumakatawan lamang sa iisang tao para sa amin. At sa gayon, ay sila ay iisa lamang na pinangalanan ng iba kaya't nagkaroon ng iba't-ibang pangalan." Pagpapaliwanag ng lalaki.
"Kami ay ang pinakahuling descendants nila. Nawala na sila ng tuluyan dahil sa nakalimutan na ng tao ang kanilang mga pangalan at ang kanilang layunin." Pagpapaliwanang ng babae.
"Pero kami ay naiiba sa kanilang lahat. Kami man ay nanggaling sa lahi ng mga diyos, ngunit kahit hindi kami kilala ng mga tao ay patuloy parin kaming nabubuhay. Sapagkat ay ginawa lamang kami mula sa abo at binigyang buhay na para bang isang diyos." Dag-dag pa ng lalaki.
"Sa madaling salita, isa kayong demi-god? Tama?" Tanong ko.
"Tama at mali." Sagot ng babae.
"Oo, buhay kami. Pero hindi kami ordinaryong tao o nilalang. Kami ay diyos na nagkaroon ng buhay kahit na ang mga tao ay hindi alam ang aming pangalan. Mahirap ipaliwanag sa kagaya mo ang sitwasyon namin kaya naman ay hindi mo ito maiintindihan."
Tumango na lang ako at patuloy ko parin silang sinundan. Ng marating namin ang dulo ng hallway na ito ay tumambad sa amin ang isang pintuan na gawa sa batong sapphire. Makinang at maganda ang sapphira na pintuan kaya nama'y hindi ko napigilan na hawakan ito.
Pumasok kami sa loob. Malawak at puti lamang ang disenyo ng kwarto na ito. Simple lang. Sa gitna ay nakita ko na may higaan at may taong nakahiga sa kama na iyon. Nang lumapit kami sa higaan ay dito ko napagtanto na hindi siya tao, Kundi hugis tao lamang.
Kaparehas niya ang lalaki na kasama ko, ngunit hindi kulay itim ang kanyang katawan. Para bang tumitingin ka sa mga galaxy na makukulay at sa gitna ng kanyang dibdib ay may bituin na may apat na sinag ang kumikinang sa kanya.
"Siya ang aming kapatid. descendant ni Neptune. Ang kaniyang pangalan ay Naeco. Kami na lamang ang huli sa aming lahi, ngunit sa kasamaang palad, si neaco ay nalalapit na ang oras. Siya rin ang nakatuklas sa iyo at pinanuod ang bawat galaw mo mula ng ikaw ay bata pa. Hangang-hanga siya sa iyong kakisigan at lakas ng loob. Kaya nama'y pinagmamalaki ka niya samin na ikaw raw ang dapat naming piliin sa aming huling misyon."
"Alam niyo, hindi ko alam kung maniniwala ako sainyo o sadyang nawawala lang ako sa aking wisyo. Kailangan ko ng oras para mag sink-in ang lahat ng sinasabi niyo, mga diyos, giyera, gulo sa federasyon, misyon. Hindi ko na alam sa totoo lang." Pagpapaliwanag ko ng mahinahon sakanila.
Natahimik ang lahat at kahit ni isang bugtong hininga ay walang maririnig. Nabasag lamang ang katahimikan ng bigla na lang may nagsalita at sabing "Baka ako ang kailangan mong makausap para ipaliwanag sayo ang lahat ng dahan-dahan."
Nagulat kaming lahat na ang kanina lamang na nakahiga na si Naenco ay bumangon mula sa kanyang pagkakahiga. Agad namang nagalala ng dalawa niyang kapatid at nilapitan ito.
"Huwag mong ubusin ang lakas mo. Magpahinga ka." Pagaalala ng babae.
"Hindi. Wala na tayong oras kung hihintayin pa natin na ipaliwanag sakanya ang lahat ulit. Ako ang magpapaliwanag ng malinaw sa kanya." Matigas na saad ni Naenco.
"Sige, pero wag mong masyado pagurin ang sarili mo, baka lalo ka lang mawalan ng lakas ng dahil sa tama mo." Ani ng lalaki. "Halika na, hayaan na muna natin silang dalawa. Tutal mas kilala ni Neanco ang tao na iyan." Agad hinila palabas ng lalaki ang babae sa kwarto at kami na nga lang naiwan dalawa sa puti at malawak na kwarto na ito.
Pumalakpak siya ng dalawang beses na akin namang kinagulat. Agad nagbago ng anyo ang kwarto na kinaroroonan namin. Teka, apartment ko to ah! "Bakit tayo nandito?" Tanong ko.
"Para mas maging kumportable ka makinig at maunawaan ang lahat ng sasabihin ko." Tugon naman niya. "Halika, maupo ka." Pagaanyaya niya.
Naupo kaming dalawa na magkaharap sa aking salas na ang tanging coffee table lang ang namamagitan sa aming dalawa.
"Alam mo, masayahin ka nung bata ka pa." Pagbibiro niya.
"Nakuha mo pang magbiro sa kalagayan mo. Matagal ko nang kinalimutan ang nakaraan ko matapos ang lahat ng nangyari." Sagot ko.
"Tinutukoy mo ba ang pagkamatay ng mga magulang mo?" Tanong niya.
Hindi na ako sumagot sa tanong niya.
"Naaalala ko pa noon. Ang saya saya mo panuorin kasama ng iyong ama at ina. Maganda ang buhay niyo noon kung sasabihin natin. Ang ama mo ay nahalal na senador ng inyong bansa at ang ina mo naman ay isang head researcher ng isang facility na tungkol sa mga maraming bagay na ngayo'y tumutulong sa gobyerno sa pagpapalakas ng kanilang sandatahan."
Patuloy lang siya sa pagkwento habang iniiwas ko ang aking mga tingin sa kanya. Sa totoo lang, masakit parin para sakin ang pagkamatay ng aking mga magulang. Totoo lahat ng sinasabi niya. At ng mamatay ang aking mga magulang, kinuha sa amin ang lahat. Sa edad ko noong sampung taong gulang, natuto na akong mamuhay ng sarili ko, dumiskarte sa sarili ko. Walang tumulong ni isa sa mga kamag-anak namin, bagkus ay sila pa mismo ang nang-akin ng aming mga inipon at ari-arian.
"Nakakalungkot kung babalikan ko noon ang mga pinagdadaanan mo. Ngunit sa ganoong sitwasyon ay ipinakita mo na hindi ka mahina. Dumiskarte ka ng sarili mo, sumide-line ka, nagtrabaho ka sa mura mong edad habang pinagaaral mo ang sarili mo. Matapos mamatay ng mga magulang mo, napunta ka sa isang bahay ampunan at doon ka nagsimula na pakitaan ako ng mga bagay na hindi ko makita sa ibang tao. Ang magkaroon ng lakas ng loob." Ani niya.
"Noon pa man ay mangha na ako sayo. Naaalala ko pa ng mayroong may mga inaapi at binubully sa klase mo, at ikaw agad ang unang tumatayo para ipagtanggol sila. Ngunit ang mga prinotekahan mo ay sila din mismo ang umapi sayo matapos nilang malaman ang sitwasyon mo pero hindi ka parin tumigil sa ganung ugali mo." Dag-dag pa niya.
"Sabihin mo sakin, yun lang ba ang gusto mong pagusapan natin? Ang nakaraan ko? Hindi ba't sinabi kong kinalimutan ko na ang lahat ng iyon at ayoko ng maalala pa ng nakalipas." Pangigimasok ko sa kwento niya.
"Hindi naman sa ganoon. Sinasabi ko lamang ito sayo dahil yun ang rason kung bakit ka nandito ngayon." Sagot niya ng diretso. "Ang misyon na tinutukoy namin ay para sa kapakanan ng aming nasasakupan na pamahalaan. Kaming mga Celestials o diyos kung tatawagin sa inyong mundo ay naglaho na. Dahil sa nakalimutan na ng iba ang aming mga yumaong ninuno ay ganito na ang nangyari sa amin." Dag-dag niya.
"Sabihin mo nga sakin at bakit kayo na lang ang natitira na celestials kuno?" Tanong ko.
"Matapos pumanaw ng aming mga ninuno na mga matataas na Celestial ay agad nagkaroon ng napaka-taas na hindi maikumparang kapangyarihan ang aming mga kalaban. Ang mga Celestials ay nagkakaroon ng lakas mula sa mga naniniwala sakanila kaya nama'y noong unti-unti na silang nawawalan ng lakas. Ang aming mga kaaway na Viltos o ang mga titans, frost giants kung tawagin sainyo. Sila ang mga kalaban ng Griyego na diyos at mga Nordic na diyos sa daigdig niyo."
"Kumbaga itong mga ito na pinagaralan namin mula sa aming eskwelahan ay totoo lahat at hindi lamang haka-haka? Tama?" Tanong ko.
"Oo, marahil dahil sa mundo niyo ay may iba't-ibang tawag sa amin, pero lahat ng iyon ay totoo." Sagot niya. "Ngayon. Ang mga yumaong ninuno namin ay humina na, nagkaroon ng tyansa ang mga Viltos na salakayin kami. At ang natira na lamang sa amin ay ang mga creation ng aming mga ninuno. Kami na nakakasalamuha mo ngayon sa lugar na ito." Dag-dag pa niya.
"Kung ganon, nangyari na pala ang Ragnarok o ang katapusan ng lahat mula sa aming mga libro ng hindi namin namamalayan?" Takot kong tanong na nagbigay sakin ng kaba.
"Oo, iyan ang totoo. Sa ngayon kakaunti na lang kami at ang iba ay nagtatago lamang sa iba't-ibang parte ng kalawakan upang ipagpatuloy ang pagbantay sa balanse ng mundo." Sagot niya.
Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at pumalakpak siyang muli at agad namang nagbago ang anyo ng kwarto. Nasa isang lugar kami na hindi ko akalain na makikita ko. Isang malawak na lupain na matataas ang bundok at mga damong nagsisitaasan. Ngunit hindi kaaya-aya ang lugar na ito sapagkat maraming nagkalat na patay na katawan!
Tinakpan ko ang aking ilong dahil sa masang-sang na amoy at tila pinipigilan ang pagsuka sa hindi magandang tanawin. "Dito nangyari ang huling digmaan sa pagitan ng Celestials at Viltos." Kwento niya.
"Dito ko rin natamo ang sugat na ito." Itinuro naman niya ang kanyang malalim na sugat sa kanyang gawing kaliwa na tagiliran. "Dahil sa digmaan na iyon, ang mga Viltos ay nagsisimula na para manipulahin ang balanse ng mundo upang baguhin ang takbo nito sa kanilang kagustuhan. Ang baguhin ang lahat at magsimula muli na sila ang mamumuno. At magsisimula ito sa daigdig ninyo. Gagamitin nila ng Earth at Tauron para baguhin ang takbo ng kalawakan at sakupin ang kalapit na mga planeta."
"Pagkatapos ng digmaan sa pagitan ng Celestials at Viltos, ay magsisimula na ang pangkalawakang digmaan sa pagitan ng earth at tauron laban sa ibang planeta." Saad niya.
"Pero bakit sa mundo pa namin? Sigurado akong madaming ibang planeta diyan na mas gugustuhin nila na kontrolin at baguhin!" Pagrereklamo ko.
Hinarap niya ako at ramdam kong tinititigan niya ako sa aking mga mata ng diretso at sabay sabing "Madaling manipulahin ang mga tao kaya nila napagdesisyunan na simulan ito sainyo. Masilaw lang sa kapangyarihan at kayamanan ang isa sa mga lahi niyo ay agad-agad na itong nagbabago ng isip at ugali. At dito, madali kayong makontrol at magamit sa masasamang bagay."
Sinubukan kong intindihin ang lahat ng sinabi niya. Totoo nga na madali masilaw ang tao sa pera at kapangyarihan. Lalo na't merong mga tao na kayang pumatay ng kapwa nila para lang sa kanilang personal na interes.
"Ngayon, na kakaunti na lamang kami ay kinakailangan naming ipagpatuloy ang pagbantay sa balanse ng mundo. At hindi namin hahayaan na manaig ang mga Viltos sa kanilang mga plano. Itutuloy namin ang misyon na naiwan samin ng aming mga ninuno."
"Ano namang kinalaman ko rito?" Seryosong tanong ko sakanya.
Lumapit siya sakin at sabing "Ikaw ang magiging susi namin para sa aming misyon. Sa madaling salita, ito na rin ng magiging misyon mo. Sa ngayon, hindi natin alam ang kinikilos ng mga Viltos sa mga tao, pero sigurado akong nagsisimula na silang magmanipula ng mga tao para sa kanilang interes na masakop ang kalawakan."
"Eh bakit kailangan pa nilang magmanipula ng mga tao para masakop ang kalawakan? Bakit hindi na lang sila mismo ang gumawa noon?" Tanong ko.
"Hindi nila kayang pumunta sa Reality realm kaya namay kailangan nilang gawin iyon. Kagaya ng sitwasyon mo ngayon. Nandito ka, pero ang katawan mo ay nandoon parin sa mundo ninyo. At kung kaya man nila na gawin na tumawid sa Spirit Realm papunta sa Reality Realm, hindi mo magugustuhan ang mga mangyayari. Dahil walang kapangyarihan ang kung sino man laban sa mga Viltos." Sagot niya ng diretso.
"Pero bakit ko kailangan tanggapin to? Bakit ako?"
Nilagpasan niya lang ako at pumalakpak ng dalawang beses. Agad naman na nagbago ang anyo ng kwarto at napunta kami kung saan nakita ko nanaman ang mga bangkay ng aking mga magulang na nakahandusay sa sahig ng aming sala habang ako ay umiiyak sa tabi nila.
Nagsalita siyang muli matapos niyang ipakita sakin ang nakaraan at ang sabi niya ay,
"Dahil biktima ang mga magulang mo sa digmaan na magaganap sa inyong mundo."