アプリをダウンロード
57.14% Cradled Hearts / Chapter 12: Chapter 10

章 12: Chapter 10

It was an exhausting day for Rafael. Hindi niya inaasahang ganoon kalala ang pagod na mararamdaman niya sa pagbabantay sa checkpoint. Kung tutuusin, parang mas gusto niya pang doon na lang sa istasyon para gawin ang sangkaterbang paperworks kaysa makibaka sa gitna ng initan.

   

Napabuga ng malalim na hininga si Rafael nang huminto ang sasakyan niya sa garahe ng mansyon. Ipinilig niya ang ulo sa may manibela at mariing napapikit ng mga mata nang muli na naman siyang bulabugin ng sakit ng ulo.

Nararamdaman pa rin niya ang init ng araw na bumalot sa kanyang katawan kahit na tumitirik na sa kalangitan ang malaki at bilog na buwan. Naiinitan pa rin siya kahit na malakas ang halumigmig at temperatura ng air conditioner ng kanyang sasakyan.

'Laking pasasalamat na lamang niya at makakapagpahinga siya nang matiwasay. Sabado na naman kasi bukas. Marami ang oras niya para matulog.

Nang kahit papaano ay gumaan ang kalagayan niya, matamlay na dinampot niya ang mga gamit niya na nasa passenger's seat at minamasahe ng kaliwang kamay ang sentido na naglakad papasok sa loob ng mansyon.

   

Nangunot ang noo ni Rafael nang mapansing tahimik ang paligid. Wala rin siyang makitang kasambahay na pagala-gala sa paligid. Inilapag niya ang mga gamit sa parihabang sofa sa may sala at nagtungo sa verandah.

   

"'Nay Elena?!" tawag ni Rafael sa matandang kasambahay. Kumatok din siya sa pinto ng kuwarto ng mga magulang sa second floor, tabi ng kay Eris, ngunit walang nagbukas niyon. Walang tao.

"Where are they?" wala sa sariling tanong niya. Madalang lang sa isang buwan kung gabihin nang uwi si Agnes. Ang madalas na rason ay birthday party ng mga kaibigan o hindi naman kaya ay galing sa foundation at na-stuck sa traffic sa kalye. At hindi nito nakakalimutang i-text siya. But this time, wala siyang natanggap.

Napahinga na lamang siya nang malalim. Kinuha niya ang mga gamit at minabuti na lang na pumunta sa kuwarto.  Napagdesisyunan niya na mamaya na lang siya kakain. O kaya ay magpapadala na lang siya ng pagkain sa kuwarto niya.

He took a quick shower. Kahit papaano, sa tulong ng maligamgan na tubig ay gumaan ang pakiramdam ni Rafael. Nakabihis siya sa sariling depinisyon ng damit pantulog: a simple black sando at boxer shorts. Saglit ay lumapit siya sa intercom na nakakabit sa dingding, malapit sa pintuan, at pinindot ang button.

He cleared his throat. "Hi! Can anyone answer me, please?" sabi niya sa kabilang linya. Humugot siya ng malalim na hininga at isahang ibunuga iyon.  Ngunit lumipas na ang halos dalawampung segundo ay wala pa ring sumasagot. "Hey?"

Napakamot siya sa batok at tinalikuran ang intercom. Muli siyang tumungo sa kama at humiga roon. Hindi siya nagpikit ng mga mata. Nakatingala lamang siya sa kisame. Hinayaan niyang lamunin ng katahimikan ang kanyang isip. Sa ilang sandaling lumipas ay kumalma ang isipan niya at napangiti siya nang unti-unting nawala ang panaka-nakang pagsakit ng ulo niya.

Muli siyang napalingon sa intercom nang may magsalita roon. Kilala niya ang may-ari ng boses. Bumangon si Rafael at tumungo roon.

"Sir Rafael, sorry po hindi ko nasagot ang tawag ninyo. Nagsasampay po kasi ako kanina ng labadang damit," paliwanag ni Hannah. Bakas sa boses nito ang sinseridad sa paghingi ng tawad.

Kusang gumuhit ang isang matamis na ngiti sa mga labi ni Rafael. Napakunot siya ng noo at muling sineryoso ang hitsura ng mukha. "No worries. Saan pumunta sina Mama?"

"Ah, Sir, hindi po ako sigurado pero narinig ko . Nanay Elena na pupunta daw sila sa isang event?" imporma ni Hannah.

"What event?" nagtatakang tanong ni Rafael sa sarili.

"Hindi ko po alam, Sir, eh. Pasensya na po," paghingi ng tawad ni Hannah. "Baka business event po. Bihis na bihis po kasi ang mga magulang ninyo. Kung hindi po ako nagkakamali, dalawang oras pa lang po silang wala dito."

"Okay. " Napatango si Rafael. "Anyway, pakidalhan ako ng dinner rito. Pati na rin gamot para sa sakit ng ulo."

"Sa kuwarto mo po?"

"Yes," sabi niya. Napamasahe sa tiyan si Rafael nang kumalam iyon.

"Papunta na po, Sir."

"W-Wait," sabi ni Rafael. May biglang sumingit sa isip niya. "No need. Sa kusina na lang ako kakain."

Narinig pa niya ang mahinang pagtawa ng kasambahay. "Sige po, Sir. Ihahanda ko lang po ang mga pagkain sa mesa."

"Okay," sabi ni Rafael at tinapos ang tawag. Sinipat muna niya ang sarili sa harap ng salamin at nang makuntento na sa nakita ay lumabas na siya sa silid.

Naabutan niya si Hannah sa may verandah. Kasalukuyan nitong inaayos ang mga pagkain sa mesa. She was still on her nanny attire. At napansin niyang basa ang laylayan ng palda nito.

Napatikhim si Rafael. "Go get yourself a decent clothes. Baka magkasakit ka pa. Ako na ang bahala rito." 

Napatingin sa kanya si Hannah. Napansin niyang namumula ang mga pisngi nito at  bahagyang nakapanlaki ang mga matang nakatitig sa kanyang katawan. Palihim siyang napasalubong ng mga kilay nang mapansin niyang napalunok ito. Napatingin din siya sa sarili.

"Do you have a problem?" He asked in a jiffy. Sa loob-loob niya ay parang kinikiliti ang puso niya sa bawat paghagod ng tingin ni Hannah sa kanya. Ngunit pinigilan niya ang sarili at hindi itinuloy ang balak na ngumiti. "Bakit ganyan ka makatitig sa akin?"

Napakurap nang ilang beses si Hannah na para bang bumalik na sa kasalukuyan ang isip nito. "Naku po, Sir, wala po! Wala po akong problema sa inyo! Patawad po."

"No worries." Napahinga nang malalim si Rafael. "Magpalit ka muna ng damit. Ako na ang bahala rito."

"Sir, mamaya na lang po. Patapos na rin po ako. Maupo na po kayo." Nilagyan ni Hannah ng kutsa, tinidor, at bread knife sa magkabilaan ng babasaging pinggan na nakalaan para kay Rafael. Saglit ay nilingon siya nito. "May gusto pa po ba kayong pagkain? Ipagluluto ko po kayo. Marunong po akong magluto ng pakbet."

"No." He eyed her. "These are enough for me. Isa pa, hindi lang naman ako kakain mag-isa. Sasamahan ninyo ako."

"P-Po?"

"Yes." Ngumiti si Rafael. "Malungkot kumain nang mag-isa. Kaya bilisan mo na dahil nagugutom na ako. I'll wait for you. Pakitawag na rin ang ibang kasama mo. Huwag mong kakalimutan ang guard."

"Pero kumain na po a—" Hindi na natapos ni Hannah ang sasabihin nang biglang kumalam ang sikmura nito.

"See? Sino'ng tapos nang kumain?" Tumaas ang isang kilay niya. "Just go."

"Hindi po ba nakakahiya sa inyo? Ang bait po ninyo sa amin. Hindi ko po alam kung paano bumawi."

"Well then, consider yourself lucky dahil sa amin ka ipinadala ng agency ninyo." Pumunta si Rafael sa puwesto at umupo sa nakalaang silya. "Sa panahon ngayon, mataas ang kaso ng pang-aabuso sa mga kasambahay."

Nahihiyang tumango na lamang si Hannah. "S-Sige po." Nginitian siya nito, saka nagmamadaling umalis.

Wala pang limang minuto ay bumalik na rin sa verandah si Hannah. Hinihingal ito at sa talas ng mga mata niya ay napansin niya ang mga butil ng pawis sa mukha nito. Tiningnan ni Rafael ang dalaga mula paa hanggang ulo. She was on her old pajamas and loose black t-shirt, na may nakaimprintang cartoon character na madalas niyang mapanood noong bata pa siya. Nakasunod dito ang mga kasambahay, na tulad ni Hannah ay nahihiya ring lumapit.

"Magandang gabi, Sir," bati ng mga ito sa kanya.

"Good evening, too!" magalang na sabi niya. Napatayo siya at sinalubong ng mahigpit na yakap si Elena. "Magandang gabi, 'Nay. Masaya akong makasama kayong lahat sa hapunan. This will be a fun dinner with you all. Now, take your seat and let's eat. I'll lead the prayer."

Naging maayos ang hapunang iyon —nagkaroon ng kaunting kuwentuhan at tawanan— hanggang sa mapatigil sa pagnguya si Rafael at napakurap nang magkakasunod. Nakuha niya ang atensyon ng lahat.

"Ano'ng problema, 'Nak?" May bahid ng pagtataka sa tinig ni Elena, na nakaupo sa isang tabi niya.

Hinablot ni Rafael ang table napkin sa mga hita niya at pasintabing iniluwa roon ang nginunguyang kalabasa okoy. Sa unang tikim pa lamang niya ng pagkaing iyon ay mabuti pa ang pakiramdam niya. Ngunit sa bawat lunok niya ay napapakamot siya sa kanyang batok at ibang bahagi ng katawan. Hindi rin huminto ang pamumuo ng mga pawis sa buo niyang mukha.

Nagmamdali niyang dinampot ang bread knife at hiniwa ang natitirang okoy sa pinggan niya. "Who did this?" Nakasalubong ang mga kilay ni Rafael nang itaas niya ang tinidor. Mayroong nakaipit na katawan ng hipon doon.

Hindi nakatakas sa pandinig ni Rafael ang mga anasan ng mga kasambahay. Nagsimulang mangati ang ibang parte ng katawan niya at parang may bumabara sa lalamunan niya. Sumasakit iyon sa tuwing napapalunok siya.

"Hannah? Hindi ba't sinabi ko sa iyo na huwag ihain iyon?" May bahid ng pagkagalit sa tinig ni Elena.

Napatingin si Rafael kay Hannah. Pansin niya ang pagkalito sa mukha nito. Napailing na lamang siya. Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang pagalitan ang dalaga gayong malaki ang kasalanan nito.

"Sayang naman po kasi kapag hindi nakain," paliwanag pa ni Hannah.

She doesn't know about it?

Hindi na kayang pigilan ni Rafael ang pangangati ng kanyang katawan, lalo na sa kanyang ilong. Nararamdaman na rin niya ang unti-unting pagtibok nang mabilis ng kanyang puso. Nag-iinit na rin ang palibot ng kanyang mukha at mas lalong bumibigat ang paghinga.

"E-Excuse myself..."

Kaagad na napatayo sa kinauupuan si Rafael at nagmamadaling tumakbo palayo sa verandah. Ngunit naririnig pa rin niya ang komosyon doon.

"Ano po'ng problema?"

"Allergic si Sir Rafael sa mga seafoods, Hannah!"

"P-Po?"

Iyon ang huli niyang narinig. Nang makarating si Rafael sa kuwarto, kaagad na hinanap niya ang gamot niya ng pang-allergy. Kinuha niya sa bag ang kanyang tumbler na may lamang tubig at hindi na nagsayang ng panahon. He took his medicine.

Hinihingal na napaupo siya sa kama. Saglit ay bigla na lang gumuhit ang isang malawak na ngiti sa kanyang mga labi. Noon lamang niya napagtanto na inuna pa talaga niyang tanungin kung sino ang nagluto ng pagkaing iyon kaysa uminom ng gamot.

Napailing na lamang siya at inihinga niya nang malalim ang isiping iyon. Pahiga siya sa kama nang marinig ni Rafael ang pagba-vibrate ng cell phone niya sa bulsa ng pang-ibaba ng kanyang uniporme na nakalapag sa reclining chair na nasa kaliwang bahagi ng kuwarto, malapit sa kanyang mini-libray.

Who's been texting to me at this hour?, he thought. Naisip din ni Rafael na baka iyon na ang text message ng kanyang ina. Na-delay lang iyon nang ilang oras.

Gayunpaman, tumayo siya at kinuha iyon. Pero nagkamali siya. Hindi si Agnes ang nag-text. For the long period of time, naaalala pa niya ang huli nitong contact sa kanya and it was two years before, the day when his girlfriend for almost five years was shot to death in an ambush. He was asking for his help that time. Ngunit hindi siya nakapunta. Kasagsagan kasi noon ng training niya bilang pulis at hindi sila puwedeng lumabas. Iyon din yata ang alam niyang isa sa dahilan kung bakit lumayo ang loob nito sa kanya.

"Inynb."

That was the text message he received from his younger brother Eris. Napatakip sa dibdib si Rafael nang maramdaman niyang parang may sumuntok doon. Mukhang umeepekto na ang ininom niyang gamot dahil unti-unti nang nawawala ang pangangati ng katawan niya. Pero napalitan iyon ng kaba at pagtataka.

"Eris..." he whispered under his breath.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C12
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン