アプリをダウンロード
89.28% Forgotten Memories (tagalog) / Chapter 50: I: Saranghaeyo! Mianhaeyo! (I love you. I'm sorry)

章 50: I: Saranghaeyo! Mianhaeyo! (I love you. I'm sorry)

Sa mga sumunod na araw nga ay hatid- sundo ni Wonhi si Jei sa kanyang trabaho. At upang hindi masyadong makaagaw ng atensiyon ang binata ay lagi itong may suot na bull cap at facemask. Lagi rin itong naka-hoodie.

"What took you so long?" tanong ni Wonhi kay Jei ng sunduin niya ito isang hapon.

"Ms. Lee asked me to do an errand. Did I make you wait that long?" sagot ng dalaga.

"Nevermind. Just hop in," asar na sagot ng binata. Natutop ni Jei ang kanyang bibig ng malamang halos 30 minutes na naghintay ang kasintahan.

"Oh god! I'm so sorry," hinging tawad ng dalaga. Alam ng dalaga kung gaano kaparticular si Wonhi sa oras kaya't naiintindihan niya kung bakit inis ito. Isa pa, hindi naman emergency ang ipinagawa sa kanya.

Di sumagot ang binata bagkus ay nagdrive lamang ito. Nagtaka si Jei ng mapansing ibang daan ang kanilang tinatahak.

"Where are we going?" takang tanong ni Jei.

"Somewhere," tipid na sagot ni Wonhi. Maya- maya ay nakarating sila sa isang maliit na resort kung saan may mangilan-ngilang tao.

Biglang nanliit si Jei sa kanyang sarili ng makitang puro nakabihis ng magagandang damit ang mga naroon. Lalo na ang mga kababaihan. Puro naka ayos kaya pinagtitinginan siya ng mga ito. Si Wonhi kasi kahit may takip ang mukha at kaswal lang ang suot, tindig modelo pa rin.

Samantalang si Jei, nakasuot ito ng puting button down shirt at itim na skinny jeans. Tapos medyo magulo pa ang buhok at pawisan dahil kagagaling lang niya sa trabaho. Malas pa sa malas, ang mga naroong waiters ay ganun din ang suot.

"What's wrong?" tanong ni Wonhi ng mapansing hindi sumusunod si Jei sa kanya.

"What are we doing here?" mahinang tanong niya sa binata.

"Wait until you see it. And we will be late if we don't go now!" sagot ni Wonhi.

"But~ look at me, look at them," nahihiyang saad ng dalaga.

Lalo siyang inatake ng hiya ng tignan siya ng binata mula ulo hanggang paa. "Nothing's wrong with you. C'mon! If I get late, I'll punish you!" banta nito. Biglang naintriga ang dalaga kaya't kahit may kaba at hiya ay sinundan niya ang binata.

Pumasok sila sa rooftop ng hotel kung saan puno ng party people. Kanya- kanyang hawak ng inumin habang sumasayaw sa patugtog ng DJ sa stage.

"Anong ginagawa mo dito, kuya?" takang tanong ni Jei sa kapatid. Nakabihis din ito ngunit hindi gaya ng mga naroon na nakaformal wear.

"The stylist is waiting for you, bro. The team is in the second room to your right," sabi ni Rain kay Wonhi. Tumango si Wonhi saka iniwan ang magkapatid.

"Kuya, anong nangyayari?" tanong ni Jei.

"Wonhi didn't mention any of this?"

"Nope~"

"Hmmm... it's not my news to share so just wait until you see it."

"Gosh! Parehas pa talaga kayo ng sinabi. Naku, kayo yata ang magkapatid," saad ni Jei na tinawanan lang ni Rain. Matapos ang ilang minuto ay nagsimula ang isang masayang tugtugin.

"Good evening, beautiful specimens! We are here to welcome the newest member of the pack and, of course, the most awaited return of our beloved supermodel whom we miss so much. Are you ready to get to know them?" masiglang anunsiyo ni Martina na napakaganda, regal na regal sa suot na pulang evening gown.

Malakas ang kabog ng dibdib ni Jei habang papalakas ang hiyawan at palakpakan ng mga guests. Bumaling si Jei sa kanyang kuya na malapad ang pagkakangiti. Halatang proud sa kanyang girlfriend.

"Uy, baka bigla siyang magliyab, kuya. Init ng titig natin a," tukso ni Jei sa kapatid sabay siko rito.

Bumaling din si Rain kay Jei. Nakangiti pa rin ito ng maluwang ngunit nakataas ang isang kilay. "Kanino? Sa kanya ba?" sagot ni Rain sabay nguso sa dako ng stage.

Natutop ni Jei ang kanyang bibig ng bumungad ang gwapong mukha ng walang iba kundi si--- Korain! "No way!" saad ni Jei na hindi man lang kumurap habang pinapanood itong rumarampa. Panay ang hiyawan ng mga kababaihang naroon matapos siyang iintroduce ni Martina. Halos mabingi si Jei sa lakas ng hiyawan at palakpakan.

"He's the new recruit!" paliwanag ni Rain sa nakatungangang si Jei.

"How? When?" curious na tanong ni Jei. Nagkibit- balikat lang si Rain kaya't ibinaling uli ni Jei ang atensiyon sa stage.

"And now, ladies and gentlemen, the moment we've all been waiting for. Help me welcome our very own supermodel, Park Wonhi!" energetic na saad ni Martina.

Nahawi ang telang itim sa entablado at bumungad ang isang malaking cage. Sa loob nito ay si Wonhi na naka-ripped denims at walang pang- itaas. Mala- warewolf ang concept kaya't nagmukhang Alpha si Wonhi sa kanyang makeup at kumikinang niyang hubad na katawan.

Ang peklat niya sa tagiliran ay pansamantalang tinapalan ng scorpion na henna tattoo. "F*ck!" yun lang ang tanging namutawi sa bibig ni Jei.

Walang patid ang paghiyaw ng mga naroon, mapalalaki o babae, bakla or tomboy, lahat at nabighani sa malakas na karisma ng binata. Ang mga piling photographers na naroon ay nagkanda- uugaga sa pagkuha ng kanyang mga litrato.

"He's back!" masayang saad ni Rain sa kapatid.

"I guess, he is," mahinang sagot ni Jei na tanging siya lang ang nakarinig. Masaya siya para sa kanyang nobyo subalit may kung anong lungkot at kaba siyang naramdaman. Marahil ay takot. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. Magkagayun pa man, proud siyang nakabalik sa kanyang trabaho ang kanyang kasintahan.

Agad siyang ngumiti ng makitang papunta si Martina sa kinaroroonan ng magkapatid. "Hi, there gorgeous!" bati ng kanyang kuya saka siya hinalikan ng malalim ni Martina.

Pasimpleng lumayo si Jei upang hindi masyadong awkward. Inaliw na lamang niya ang kanyang sarili sa pagtingin sa exquisite na mini- garden landscape na kumpleto sa makukulay na bonsai trees at mini waterfalls at lake.

"Excuse me, can you get me another drink?" tanong ng isang guest kay Jei na napagkamalan siyang waitress. Polite siyang tumanggi at inexplain na hindi siya tagasilbi ngunit lasing na ata ito kaya't biglang nagalit.

"You lazy bitch! I will complain to your manager!" asik nito na umagaw ng atensiyon ng mga naroon.

Biglang nagkulay suka si Jei ng mapansing nakatingin sa kanya ang halos karamihang naroon at iisa ang kanilang ekspresyon. Sinisino at minamaliit siya.

"Hey, what's going on?" tanong ng kanyang kuya habang palapit sa kinatatayuan niya. Nakita rin niyang papalapit si Wonhi na nakabihis na. Ngunit bago pa makalapit sina Rain at Wonhi, biglang nasa tabi niya si Korain.

"Sorry, my girlfriend didn't mean to cause any misunderstanding," apologetic na saad nito. Namanhid ang buong katawan ni Jei sa cold at tila nagbabantang tingin ni Wonhi.

"You've gotta be kidding," nangungutyang saad ng dalaga kay Korain at tinignan pa si Jei mula ulo hanggang paa at pabalik.

"I'm afraid not," pa-cool na ngumiti ang binata rito. "If you'll excuse us!"

Kindi makagalaw si Jei sa kanyang kinatatayuan dahil sa labis na pagkabigla. Isa pa, nakayakap si Korain sa kanya na parang pinoprotektahan siya sa masamang espiritong nasa harap niya. Hinanap ni Jei ang kanyang nobyo ngunit nawala ito sa tabi ng kanyang kuya. Ayun, pinagkakaguluhan si Wonhi ng mga reporters at photographers at inaya ito ng event organizer sa loob para sa isang informal interview.

Ang mga taong naroon ay tila di makapaniwalang nobyo siya ng bagong modelong si Korain. Nagsitaasan ang mga kilay ng mga kababaihan at may mga nagpamura pa. Kitang- kita ang pagkadismaya ng mga babae at ang inis nila sa dalaga. At agad siyang binansagang, "Ugly Social Climber" ng mga ito.

Jei's POV round 1:

"Ano pa kaya kung sabihin kong si supermodel Wonhi ang oppa ko! Kala mo naman kagandahan ang mga ito. Kung ilublub ko kaya yang pagmumukha niyo sa swimming pool at nang magkaalaman na. P*ta ka!"

Lumingon siya sa isang dalagang naka-halter emerald dress. "Gaya nitong isang to. Namumukhaan talaga kita eh. Di ba retokada ang mukha mo. Kung makapanlait kala mo hindi retokado. Shyet!"

Nakaramdam siya ng inis dahil sa lantarang pagpapakita ng mga ito ng disgusto sa kanya. Ngayon niya lubos na naiintindihan kung bakit nag- alangan si Wonhi na ligawan siya noon. Sadyang maraming mapanghusga sa mundong kanyang ginagalawan.

Alam ni Rain na nasa puntong sasabog na si Jei ngunit binantaan siya ng kapatid na huwag makialam. Ayaw lang talaga ni Jei na madamay ang kanyang kuya at si Wonhi sa walang kabuluhang gulong napasok niya.

"Good for you," nakataas ang kilay na saad ng babae bago sila iniwan. Sinundan niya ito ng tingin.

Jei's POV round 2:

"Ay, ang taas ng kilay mo besh! Sige itaas mo pa at baka mamaya, di mo na yan maibaba. Sarap mong sapakin. Mapatid ka sana!"

Tila nakinig sa kanya ang langit ng di sinasadyang mabunggo ito ng isang lalaking nagmamadaling naglakad.

"Aaaaaaaaaaaah!" tili nito. Nagpanic ang lahat ng mapagtantong hindi ito marunong lumangoy.

"Somebody help her," tili ng kaibigan nito.

"Jei, Jesus Christ!" sigaw ni Korain na nabigla sa ginawa ng dalaga.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C50
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン