"I am following Dominic right now." Seryosong wika ni Kyel habang nasa loob ng itim na kotse na nakatago sa malaking sirang pader sa may di kalayuan ng abandonadong gusaling nakita niyang pinasukan ng sasakyan ni Mr. Hernandez.
"We're behind you, Agent One. Pero hindi kami nag-iisang nakasunod sa'yo. What's going on?" Tanong ni Marcus sa kabilang linya.
Nagtagis naman ang bagang niya ng marinig ang tanong nito. Kanina kasi sa hall ay nakita niya ang halos mahigit sampu pang agents na kasama nila sa Greater Heights ngunit walang nag-abala sa mga ito na kausapin siya. Ang atensyon nilang lahat ay na kay Dr. Dominic Rivera Hernandez I na isa sa mga tumayatong directors ng Greater Heights na nare-retire lamang.
"Malalaman natin 'yan kapag nakausap natin si Dominic." Ani niya habang sinisipat ng tingin ang mahigit sampung gwardya ng gusali na nasa bukana ng gate nito at may tangan na malalakas ng kalibre ng baril.
Huminga muna ng malalim si Kyel bago pinaandar ang kotse at dumiretcho sa malking gate ng gusali. Agad siyang nilapitan ng dalawang gwardya.
"Agent One." Pakilala niya saka ipinakita and I.D. KInuha ng gwardya ang kanyang ID saka tumawag sa dala nitong cellphone. Maya-maya ay tumango ito saka sinenyasan ang gwardya ng gate na papasukin siya. Napangiti siya saka tuluyang ipinasok ang kotse.
"I'm in." Ani ni Kyel sa kabilang linya sa wirelsee headset na nakakabit sa tenga niya.
"Andito lang kami sa labas." Sagot sa kanya ni Allen.
Seryoso siyang bumaba sa kotse at agad siyang sinalubong ng limang gwardya saka siya sinamahan papasok sa laboratoryo kung saan isang pamilyar na babae ang tila walang malay na nakaupo sa upuan sa gitna ng silid na maraming nakakabit na aparato.
"Agent One!" Masiglang bati sa kanya ni Dominic na inalis ang suot na gloves saka siya kinamayan.
"Akala ko pahihirapan mo pa akong pumasok, Dominic." Nakangiti niyang ani na nakapukol pa rin ang paningin sa babaeng walang malay na nakaupo.
Napatawa naman si Dominic sa tinuran niya.
"That will never happen. Agent One. You know that." Natatawang sabi nito sabay kindat sa kanya.
"Maybe I retired from the service in Greater Heights but it doesn't mean I will not cooperate." Pagpapatuloy nito saka siya iginiya paupo sa sofa at sinenyasan ang assistant nito na agad namang nagtungo sa kusina.
Napatango naman si Kyel saka muling sumulyap sa babae na nakaupo sa gitna.
"Another agent?" Pagkuwa'y tanong niya sa matanda na pinukol din ang atensyon sa babaeng tinutukoy niya. Lahat kasi silang agent ng Greater Heights ay dumaan sa ganoong proseso kung saan ipapaalis nila lahat ng ala-ala bago sila naging isang agent at ang ititira na lamang ay ang mga bahagi ng alaalang makakatulong sa kanilang trabaho.
"No but she's personally related to me….which means she's one of my treasures that should be kept." Sagot nito habang inaabot ang baso ng kape na dala ng assistant nito.
"Thanks, Mildred." Ani nito saka muling bumaling sa kanya.
"But why she's there?" Pag-uusisa niya.
"Is she's the reason why you're here?" Balik na tanong ng matanda na sumeryoso na ang mukha.
"No. It's my first time to see her, Dominic. I'm just curious if the Greater Heights are still creating agents like me." Mabilis niyang sagot. Alam niyang mahigit limang taon na ng tumigil ang Greater Heights sa pagpapadala ng mga bagong agents sa hindi rin nila malamang dahilan. Kaya naman sa kasalukuyan ay mahigit bente na lamang silang nag-ooperate.
"I'm sure you know that for almost five years wala ng bagong agents ang bumisita dito…after the original Agent One took the reservoir." Ani nito saka tumayo at lumapit sa upuan na kinalalagyan ng walang malay na dalaga.
"Original Agent One." Pag-uulit niya saka siya napahalakhak na malakas.
"Agent One is not like the agents like you. Agent One is very special. He has only one mission that he is still working on right now." Muling pagpapaliwanag ng matanda habang lumalapit sa computer at pinag-aaralan ang data sa monitor nito habang si Kyel naman ay nanatiling nakatayo sa tapat ng babaeng walang malay at pinagmamasdan ang maganda nitong mukha.
"But according to the data given to us, he handled 300 plus cases? So he's still alive?" Pagtatanong niya.
Naisip naman si Dominic saka sumulyap sa kanya.
"Those cases were just part of his main mission. You are all part of his mission." Makahulugang sagot ng matanda.
"Where is he, Dominic?" Tanong niya.
"I met Agent One five years ago. It's the day he took this woman. Maybe she has all the answers if she will wake up." Nakangising ani ni Dominic. Nagdilim naman ang paningin ni Kyel ay kinuwelyuhan ito. Agad namang itinutok ng mga body guard nito ang mga dalang baril sa kanya.
"What have you done, Dominic?!" Galit niyang singhal dito saka ito sinakal. KInasa naman ng mabilis ng mga body guards nito ang mga dalang baril.
"Easy lang, Agent One." Tumatawang ani ni Allen mula sa kabilang linya na naka-connect sa kanyang wireless headset. Naririnig nito at ni Marcus ang usapan nila ni Dominic.
"We need Dominic alive, Agent One. Mukhang marami siyang alam kay 'Uno'". Saad naman ni Marcus.
Napahinga siya ng malalim saka binitawan si Dominic. Pareho silang napatingin sa babaeng nagkamalay na at paubo-ubo.
"She's ok." Tila wala naman sa sariling ani ni Dominic saka nag-type ng mabilis sa computer. Kasabay niyon ang muling pag-ilaw ng mga kable at malakas na sigaw ng babae na nagkikikisay.
"Stop it, Dominic!" SIgaw niya sa matanda na akma niyang tututukan ng baril ngunit agad siyang nahawakan ng mga body guard nito.
"Do you need our help, Agent One?" Nakangising pang-aasar ni Allen mula sa kabilang linya.
Tagis ang bagang na agad siyang nakahulagpos sa malalakas na bisig ng mga lalake saka pinagbabaril ang mga ito.
Agad namang sumugod sa kanya ang iba pang mga lalake mula sa labas na agad niyang inundayan ng tadyak at suntok. Nag mapagsak na ang mga ito ay agad siyang bumaling kay Dominic at hinila ito at pabalandrang itinulak sa sahig.
"She's dead." Nakangising ani nito na ang paningin ay ipinukol sa babaeng walang na ulit malay.
Agad pinalo ng dala niyang baril si Dominic na walang malay na bumulagta sa sahig at saka siya mabilis na bumaling sa dalagang walang malay at kinalas ang mga kableng nanakakabit dito.
Binuhat niya ito at inihiga sa sahig. Agad niyang isinagawa ang mouth to mouth resuscitation dito ng paulit-ulit hanggang sa muli niyang marinig ang malakas ng pagtibok sa dibdib nito. Dahan-dahang nagmulat ang mata ng dalaga at nagtagpo ang kanilang mga mata.
"Drop your gun, Agent One!" Sigaw ng lalakeng nakaitim mula sa kanyang likuran na mata lamang ang nakikita dito. Kasunod nito ang mahigit sampu pang nakauniporme na katulad niya.
"Micheal wants them both…..alive." Bulong nito sa kanya. Napabuntong-hinga naman siya saka tumango. SInundan niya ng tingin ang ginawang pagbuhat ng mga ito sa dalawang walang malay na nakabulagta sa sahig.